"AY! Kabayong malaking itlog!" gulat na sabi ni Hilna ng makita niya si Mr Corpuz na nakatayo at manghang-mangha ang itsura.
Imbes na magsalita ito. Itinaas muna nito ang paningin kung saan siya galing na bintana. Pinakatitigan iyon habang siya naman ay nagawang magbuga ng hininga.
"M-Mr Corpuz..." tawag niya sa kaharap.
"Ang galing Miss Soledad." anito na iginagalaw pa ang ulo. Tila ba sa itsura 'di makapaniwala sa ginawa niya.
Walang kibong, napangiwi na lamang siya dahil sa ginawang kahihiyan, tiyak siyang nakita nito kung paano niya talunin ang mataas na bintana. Mabuti na lang hindi nahulog ang suot niyang pang-ibaba, at kung nangyare 'yon mas gugustuhin na na lang niyang nahulog at mahospital kesa mapahiya ng sobra sa harapan nito. Medyo maluwang na rin kasi iyon sa kaniya. Hindi talaga pumasok sa isipan niyang lalabas ito kaagad ng bahay nila at aabangan siya sa labas. May lahi din pala itong wakwak!
Matapos nitong magsalita humakbang ito papunta sa kaniya, pinutol nito ang apat na hakbang at walang paalam na hinawakan nito ang pulsuhan niya saka hinila s'ya papasok sa loob ng sasakyan nito. Wala siyang nagawa kundi sumunod na lamang dito. Binabalot pa rin siya ng kahihiyan. Magulo na naman ang kaniyang utak sa mga idadahilan dito oras na magtanong ito kaya nagpatiubaya na lamang siya. Kapwa sila tahimik sa loob ng sasakyan. Mas minabuti niyang maging tahimik kesa makipagpalitan ng salita dahil wala siyang alam na isasagot oras na magtanong ang boss. Pero minuto lang ang lumipas narinig niyang may umalpas na salita sa bibig nito.
"Hindi ba ang sabi ko sa'yo ihahatid kita kahapon?" paalala nito saka lumingon ito sa kaniya pero mabilis ding binawi at ibinalik din sa minamaneho.
"Ano kasi..." aniya na iniisip ang isasagot, "Hindi ba nga ang sabi ko sa'yo may dadaluhan akong party kagabi? Halos umaga na rin akong umuwi." pagsisinungaling niya.
"Pero may pinag- usapan pa rin tayo." Hindi maikakailang naiinis na ito halata sa boses. "Bakit hindi mo 'ko hinintay?" saka umiling ito matapos magtanong. Sa tono ng boses baka sa mukha nito ang pagtitimpi at kung sasabayan niya ito baka sa mga oras na 'yun ay sesantihin na talaga siya. Hindi na lang siya kumibo. Ginawa na lang niyang tumahimik at hintayin huminto ang kotse nito kung saan ito hihinto. Pero may kakaiba siyang napansin dito.
Lalong gumuwapo ito sa simpleng suot. Mas bagay pala dito ang ganoong kasuotan. Naka white T-shirt kase ito at nakapantalon na kupas. Hindi tulad sa office nila, tila ba laging may laban ito ng karera ng kabayo. Saka simpleng napatawa nung maalala. Nababaduyan siya sa ganoong istilo.
At hindi iyon nakawala sa binata, kaya mabilis itong nagtanong sa kaniya.
"Bakit ka tumatawa?" walang lingon tanong nito.
Nilingon niya ito, at sumagot. "Ako tumatawa? Hindi ah!" tanggi niya. Iginalaw na lang nito ang ulo habang nakatingin sa daan.
"Dami napapansin, 'di na lang magmaneho." bulong niya sa sarili.
"May sinasabi ka ba?" baling ulit nito sa kaniya ng magtanong.
Umiling siya. "Wala ah!" muling tanggi niya.
Hindi na ito kumibo pa. Nakita niya itong iniliko ang sariling sasakyan. Hindi siya nagkakamali at ito na yata ang pagdadausan ng laro. Dahil kahit malayo pa sila, tanaw niya ang isang malaking nakasulat na 'Game World' ang pangalan ng sikat na palaruan sa bansa. Kahit malayo pa, kitang kita na niya nag mga ilaw na nagkalat sa labas, hindi din niya maitatangging hindi niya iyon alam, dahil nakikita niya iyon sa television minsan kahit madalang niyang gawin iyon at doon pala ito naglalaro. Marami din tao sa labas na naglalakad. Simpleng nagbaba siya ng paningin sa kasuotan. Mukhang hindi nababagay ang kasuotan niya sa pagdadausan ng laro dahil tanging simpleng t-shirt na lumang luma at panjama na konting hila pababa ay mahuhulog na.
Ilang minuto at nasa parking lot na ang sasakyan. At ng huminto ay sabay silang binuksan ang kapwa pintuan na nasa kanilang gilid, saka bumaba. Hindi niya alam kung saan ba ang daan, naiinis siya dahil tila ba siya isang aso na sumusunod sa lalaki. Wala itong pakielam kung kasama ba siya nito, o mawala man siya, dahil hindi man nito nakuhang lumingon o hintayin siya. Mas lalong wala din itong pakielam kung anong suot niya. Alalay talaga ang naging pakiramdam niya. Nakaramdam ulit siya ng pagkainis sa lalaki.
Hanggang sa pumasok sila sa isang pintuan. Pero patuloy pa rin ito sa paglalakad hindi man niya nga siya nilingon nito kung nakakasunod ba siya dahil may mga tao na siyang nakakasalubong. Nakita niyang lumiko ito at pumasok sa isang kuwarto. Akmang sasarado na 'yon ng mabilis niyang hinabol ang pagsara, mabilis niyang iniluwang ang pintuan para makapasok din siya. Saka ibinagsak ang pintuan pasarado sa sobrang inis. Wala talaga itong pakielam sa kaniya!
Pagkaharap niya, tila ba isang kuwarto iyon na puro kamukha ni Adan. Lahat ng naandoon ay halos mga lalaking naka brief lamang! Agarang nag -init ang pisngi niya sa nakita, at tila ba gulat na gulat ang mga lakaki nang tingnan siya. Daig pa niya ang isang granada dahil ilang segundo na lang ay malapit na siyang sumabog dahil hindi 'man lang nagsabi ang lalaki na banyo na pala ang papasukan nila.
Nagtimpi at mabilis siyang lumabas ng kuwartong iyon. Nanggigil na naupo siya sa may bakanteng upuan malayo sa banyo na iyon. Doon na lamang siya maghihintay at magpapakalma ng pakiramdam. Kung lilisanin niya ang lugar wala siyang dalang pera.
Kalahating oras na ang lumipas na nakaupo siya ay wala man lang paramdam sa kaniya ito. Ginawang na nga siyang alalay, ginawa pa siyang tanga!
Sa inis, itinaas niya ang laylayan ng kaniyang damit. Iyon ang napagdiskitaan niya.
"Makakaganti din ako sa'yo! Gagawa ako ng paraan para makaganti! " nagdadabog na usal niya.
Lumipas pa ang isang minuto, salamat at naglabasan na ang mga lalaking galing sa banyo. Tiyak kasama na doon ang binata. Tumayo siya at hinintay ang paglabas nito.
Pero nagtataka siya kung bakit kada may lumabas ng pintuan ay malagkit na nakatingin sa kaniya at hindi niya alam kung bakit.