"SURE kabang nagpunta ka doon, Ner? Sus... Parang hindi naman kita nakita doon, eh!" Ani Hilna habang sumusunod sa katrabahong lalaki. Kinukulit niya iti dahil halos ayaw nitong sumagot sa katanungan niya. Ramdam din niyang naiirita ito sa kaniya.
Isang umaga habang hawak ang isang papel at nakalista lahat doon ang pangalan ng mga lalaking kasamahan ni Hilna sa trabaho. Iniisa-isa na pinagtatanong niya ang mga ito.
"Anong suot mo nuon? Nag punta kaba talaga sa stockroom? Hindi kaba talaga nagbibiro, Ner? Young totoo talaga?" paniniguradong tanong niyang muli sa binatang halos ayaw siyang tapunan ng paningin.
"Oo pumunta nga ako Hilna!" Iritadong sagot sa kaniya. "Inutusan ako ni Mam Berta na pumunta doon." isa sa pinaka matagal ng empleyado sa kumpanya.
"Sige nga. Iharap mo nga 'yung mukha mo kung nagsasabi ka ng totoo tapos tumingin ka sa mga mata ko ng diretsyo kung may naaalala ka." Ginawa niyang yumuko para makita ang mukha nito, nakaupo na kase ito sa sariling desk saka iniharap niya ang sariling mukha sa binata. Tinitigan naman siya nito pero parang hindi naman siya tatagal dahil sa iba ito nakatingin. Doon niya naalalang banlag nga pala ang binata.
"Mis Soledad you come in to my office." mabilis siyan napalingon sa isang boses. Mabuti na lang nasyempuhan ng binatang boss ang ginagawa nilang dalawa ni Ner. Minsan maganda rin itong magtiming. Gusto na kasi niyang layasan si Ner ngunit nahihiya lang siya dahil sa pagtitig nito kaniya. Siguradong hindi ito ang nangahas sa kaniya dahil ngayon lang din niyang nalaman na mahaba pala ang nguso ng katrabaho. Mukhang matutusok ang nguso ng mahahalikan nito sa dilim. Natitiyak niyang kararating lang ng boss niya at panigurado siyang nakita nito kung ano ang itsura nilang dalawa ni Ner.
"Ah, eh... Ner, salamat. Naandyan na si boss. Sigurado ka bang nagpunta ka talaga doon?" habol niyang tanong ulit.
"Miss Soledad!" Ulit na tawag nito sa pangalan niya kahit nagagagawa na niyang maglakad papunta sa opisina nito .
"Yes! Mr. Corpuz! Parating na!" mabilis at pahiyaw na sagot niya.
"Dyosko! Naliligaw yata ang herodes na 'yun! Pagkatapos niya akong puyatin kagabi, ngayon parang baliwala lang sa kaniya! Tapos heto na lang yung oras ko, para sa sarili ko, hindi ko pa naisisingit!" iiling- iling habang naglalakad.
Habang hawak ang papel na kagaad niyang tiniklop. Maghigpit niyang hinawakan iyon.
Nakatalikod ang binata habang nakaharap sa lamesa nito ng pumasok siya sa loob. Tila ba may binabasa ito doon. Kinatok niya ang trasfarent na pinto. Lumingon naman ito sa kaniya at pinag buksan siya.
Pumasok siya sa loob.
"Good morning Mr. Corpuz." bati niya ng makapasok sa loob.
Humarap ito at pinutol ang pagitan nila. Isang pulgada ang layo nito sa kaniya na ang akala niya ay magsasalita ito pero nagkakamali pala siya. Para siyang isang panuorin dahil tiningnan lamang siya nito. Gusto niyang salubungin ang titig nito pero wala siyang lakas dahil nakakapaso ang mga titig nito na hindi niya maipaliwanag kung bakit ginagawa iyon ng binata.
Minuto ang nakalipas ng gumalaw ito at laking gulat niya ng hablutin nito kaagad ang kapirasong papel na nasa palad niya. Hindi niya namalayang hawak pa rin pala niya ang papel na ang akala niya ay naibulsa niya.
Pero hindi siya papayag na mabasa nito ang nilalaman no'n dahil tyak magtataka ito kung bakit puro halos pangalan ng lalaki nakasulat doon at nagtatrabaho sa Casa Diseño. Baka isipin nito nagbibilang siya ng mga lalaki. Mabilis niyang hinablot pabalik sa kaniya ang papel ngunit bigo siya. Dahil sa tangkad nito hindi niya maabot ang baraso nito, dahil ginawa nitong tumalikod at itinaas ang kamay. Kapwa sila imiikot habang pilit niyang inaabot ang kamay nitong hawak ang papel.
Sa inis ay nagsalita na lamang siya.
"Mr Corpuz, ibigay mo sa 'kin 'yan. Akin 'yan at hindi sa'yo, saka walang kinalaman diyan ang trabaho ko. Mga nakalagay diyan ang bibilhin ko sa palengke."
"Ano ba ito?" Nakangisi at itsurang handang -handa itong asarin siya.
"Personal na 'yan! Pati ba naman 'yang hindi dapat pinapakielaman mo!" may halong pagdadabog na sagot niya. "Ibigay mo saakin 'yan dahil wala kang mapapala dyan! Kaya ibalik mo na sa 'kin!" Pakiusap nya.
Lumabi ito at hindi nagpatinag. "Sasamahan kitang mamili." Maya't ginawa na nitong buksan ang nakatiklop na papel.
"Mr Corpuz!" Bawal niya sa binata.
"Ikaw na nga ba si, Mr.Right" malakas na pagbasa nito sa nakasulat. Habang pareho silang umiikot.
"Akin na 'yan!" Saka hinahablot niyang pilit. Habang ang isang kamay ay naka kapit sa isang baraso ng binatang boss. At ang isa naman ay ginagamit niya pang abot sa papel.
"Sabi mo mga bibilhin mo? Bakit nakasulat lahat ng pangalan ng mga lalaki dito? Hmp! Bakit lahat longhair?"
"Wala kang pakielam! Ibigay mo sa 'kin 'yan!" Pikon na pikon niyang pakiusap. Wala siyang balak sagutin iyon. Kaya pilit niyang inaabot ang kamay nitong hawak ang papel.
"Mr. Corpuz. Please ibigay mo sa akin 'yang papel." nagpipigil ang boses. Pero lalo nitong itinaas ang sariling kamay nito. Para itong walang pakielam sa nararamdamn niya.
"Long hair naman ako, ah? Bakit wala 'yung pangalan ko?" tanong nito na eksaktong nahablot niya sa kamay nito.
Oo nga naman, long hair din naman ito. Pero bakit wala ang pangalan nito doon? Minsan naisip niya, ngunit malabo ito na maging ito ang mapangahas na gumawa non sa kaniya. Manyak lang ito sa paningin dahil sa mga titig nito. Pero malabong maging ito nangahas na humalik sa kaniya! Malabo!
Nung nasa kamay na niya ang papel. Mabilis niya nitong nilamukot sa harapan ng binata. Pagkatapos humarap siya at nagtanong?
"Kung wala kang ipag uutos, puwede na ba akong umalis?" Nanggugumigil ang tonong inilabas niya sa binatang pakielamero.
Imbes na sumagot ito, may inabot itong news paper sa kaniya. Napatingin siya doon at marahan naman niya itong kinuha.
"Ano 'to?" takang tanong niya. Nababakas pa rin sa mukha ang pagkaainis sa binata.
"You will read first before you ask me." Kalmadong sagot nito.
Doon may namuo sa isip niya. Napasulyap siya sa binata, segundo at binawi rin.
Mabilis niya itong binulatlat hanggang sa bumukagta sa harapan niya ang sariling mukha na nakangiti habang magka -usap sila ng binata. At hindi lang iisa ang picture nila ng doon dagil higit sa anim ang nakapaloob doon. Mabilis niyang binasa ang nakalagay na naka pahayag sa dyaryo.
Showbiz balita.
"Siya na nga ba ang bagong nasa puso ng sikat na basketbolistang si Jerick Corpuz? Na ngayon ay isa nang namamahala sa malaking kumpanya na iniwan ng ama nito. Ayun sa naiulat, kamailanlang mamataan na nag bakasyon ang binata sa France kasama ang modelong nalilink ditong si Swen Aguilera. Ngunit sino ngayon ang babaeng kasama nito sa Game World na naidaos kagabi? Kung titingnan ang dalawa parang may itinatago. Suot pa ng dalagang kasama nito ang damit ng basketbolista. Sino nga ba ang babaeng kasama nito kagabi?
Ulat ni,Aliz David.
Showbiz balita.
Matapos basahin nag taas siya ng paningin sa binata. Tama nga ang nasa isip niya. Ganito ang mangyayare oras na sumama siya sa binata sa laro nito.