KABANATA 10.

1161 Words
HINDI NA LAMANG pinansin ni Hilna ang mga malalagkit at tila hinahubaran na tingin sa kaniya ng mga lalaki. Nagbaba na lamang siya ng paningin sa ganon hindi niya makita kung paano siya tingnan ng mga ito. Pero nanlaki ang mga mata niya ng makita kung ano ang itsura niya. Alam naman niya sa sariling may hubog ang katawan niya at hindi naman maitatangging nung magsabog si Eba ng laman loob ay nasalo niya iyon at nailagay yun sa dalawang dibdib niya. Hindi naman siya kaliitan at katangkaran na tamang tama lamang ang height. Kaya pala napansin niya kung maka sulyap ang binata sa kaniya kulang na lamang dakmain ang harapan niya dahil nasobrahan sa pagtali ang kaniyang damit na kulang na lamang ay lumabas ang kaniyang dibdib dahil litaw na litaw din ang malalim niyang pusod. Sa sobrang inis niya sa anak ng boss niya ay iyon ang napagdiskitaan niya na ang akala niya ay naalis din niya ang pagkakabuhol. Nahihiyang umupo na lamang sa dating kinauupuan at mabilis na inalis ang pagkakatali. Sa tanan ng buhay niya, ngayon lang niya iyon nagawa at hindi talaga siya nagsusuot ng kulang sa tela. Idagdag pang sa sobrang higpit ay bumakay ang malusog niyang dibdib. Nagulat na lamang ng biglang may mabigat na bagay na pumatong sa balikat niya. Nagtaas siya ng ulo kung sino ba ang gumawa non sa kaniya. "M-Mr Corpuz ." mahinang ulas niya ng makitang nakatayo ito sa likuran niya. "Isuot mo yan nang hindi ka pagtinginan ng mga tao sa suot mo. Bakit ba naisipan mong magsuot ng manipis na damit?" Seryosong tanong nito na may halong panenermon. Talaga namang manipis ang t-shirt nya. "Sundan mo 'ko sa loob after mong isuot 'yan."sa mababang boses nito. Matapos sabihin nito, humakbang na ito papalayo sa kaniya. Patagong napangiti siya sa inasal ng lalaki. May nakatagong concerned din pala sa kaniya ang mokong. Hindi siya hinayaang ganoon ang itsura na papasok sa loob ng plaaruan. Bago niya isinuot ang iniabot nito sinipat muna niya iyon doon nakita niya ang nakalagay sa likod ng jacket 'Corpuz 69'. Lumabi na lamang siya pero hindi mapigilan ang sarili na samyuin ang amoy ng jacket nito. Lalaking-lalaki talaga ang amoy ng pabango nito at tiyak siyang didikit iyon sa katawan niya. Matapos pumatong sa kaniyang katawan ang inabot nito ay agaran siyang nanakbo para sundan ito ngunit malayo na ang binata kaya ipinagtanungan niya kung saan ba ang pinto ng palaruan sa mga taong nakakasalubong niya. Ngunit tila ba sadya ang lahat. Nang makita siya ng isang hindi katandaan na lalaki, mabilis siyang iginaya sa pupuntahan. Habang naglalakd hindi mapigilang mapalinga sa mga kababaihang na humihiyaw. Sa pagkakadinig niya pangalan iyon ng kaniyang boss habang hawak pa ng mga ito ang tarpulin at may nakalagay na... "I love U Jerick Corpuz! Angkinin mo 'ko at hindi ako papalag sa gusto mo!" Sa kabila naman... "Kahit saang simbahan pakakasalan kita!" Ngayon na huhulaan na niyang binata pa ito. Kung sa una iniisip niyang baka busy lang ang asawa nito. Sa kabilang gilid naman ay hindi magkandapigil sa hiyaw ang mga babae. Kinikilig ang mga ito na para bang isang kalabit at pagnilapitan ng boss niya ay hihimatayin na sa sobrang saya at kilig. Yuon ang unang beses niyang maka panood ng palaro ng basketball na live at napaka swerte niya dahil hindi niya kailangan ihaba ang leeg para makita ang naglalaro dahil mismo ay nasa harapan siya. Kitang kita niya ang binata sa 'di kalayuan at hawak na ang bola. Nakapagpalit na rin ito ng kasuotan panlaro. Kasisimula pa lamang ng laro. Ang kisig nito at lalong tumingkad ang kagwapuhan nito, ibang iba ito sa pagkakilala niya. Ibang-iba ito sa loob ng opisina. Sa wakas itinuro ng lalaki kung saan siya uupo. Naupo siya at bago umalis ang lalaking naghatid sa kaniya sa upuan ay magpasalamat siya. Hindi mapigilan iikot niya ang dalawang mga mata, maya't nakarinig siya ng nagbubulungan sa kaniyang likuran, at hindi maiwasang lingunin niya. Ilang kababaihan ang nakatingin sa kaniya daig pang para siyang kakainin at kulang na lamang ay matunae siya sa kinauupuan. Dahilan ba sa suot niyang damit ng boss? Ito na nga ba ang ikinatatakot niya. Ang pinakaiiwasan niya na issue. Baka pagkatpos ng palaro at kinabukasan nasa headline na ang pagmumukha niya. At hindi malayo! Naisipan na lamang niyang ibalik ang mga mata sa naglalaro, itutuon na lang doon ang mata ng sa ganon hindi siya ma stressed sa nakikitang paghagod sa kaniya ng mga taong kapwa nanunuod. Pero hindi pa man naibabalik ang atensyon niya sa naglalaro, nagulat siya ng biglang may pumatong sa hita niya. Isang tuwalya! Sa madaling salita, ipinatong iyon ng binata dahil hindi niya namamalayang nag time out at nagpunas ito ng mukha at sa kaniyang dalawang hita nito ipinatong ang tuwalya nito. Flash.. Flash.. Flash.. Flash... Tunog ng mga camerang nakatutok sa kanila ng binata. Hindi niya namamalayang kabila't kanan na pala ang camera na nakatutok sa kanila. Walang nagawang namimilog mata na lamang ang dalawang mata ng tumingin siya sa binata, pero nagtatakang isang matamis na ngiti ang isinagot nito sa kaniya habang ang mukha niya ay naghihintay ng sagot sa mga nakikita sa paligid. Tila ba walangebalak itong suwayin ang kumukuha sa kanila ng litrato lalo na't suot niya ang jacket nito. Para sa kaniya walang malisya 'yon. Ngunit sa iba isue na 'yon dahil sikat ito na basketball Player sa bansa! "Bakit kailangan mo pang ibigay sa 'kin ang towel mo? Sinamahan kita dito dahil 'yun ang usapan natin, hindi para maging hanger ng mga gamit mo." diretsyang mahinang anas niya ng makadikit ito sa kaniya ng maupo. "Nakikita mo ba ang mga kamera?" dagdag pa niya. "Did you enjoy what you watched?" malayong sagot nito sa kaniya. Umiling siya bago nagsalita. "Mr. Corpuz puwede na ba akong umuwe? Nakikita mo ba yung mga camera na nakatutok sa akin, sa atin? Bukas anong ihaharap ko kung lagyan nila ng maling caption yung nakikita nila dito?" naka busangot na wika niya sa harap ng mukha nito. Piiiiittt... Isang malakas na paswit. Halos sabay silang napatingin sa nag pito. Hudyat na magsisimula na ulit ang palaro. Tumayo ito saka nag iwan ng salita sa kaniya. "Huwag kang aalis d'yan. Sabay tayong uuwe." seryosong mukha nang iniharap nito sa kaniya matapos walang paalam na tumalikod ito sa kaniya. Walang nagawang pinagngitngit na lamang niya ang taas baba ng ngipin niya. Kung tutuusin puwede na siyang umalis, pero bakit niya hinahayaang makitang maglaro pa ito? Bakit kailangan niyang sundin ganoon walang pipigil sa pagtayo niya at lisanin ang lugar na 'yon. Pero nakita na lamang niya ang sarili na nagingisi sa tuwing makukuha nito ang bola. Kitang- kita din ng lahat ng mga nanunuod kung paano ito tumingin sa kaniya bago nito I shoot ang bola sa ring. At hinayan naman ng kaniyang sarili na gawin iyon ng binata. Tiyak, ihanda na niya bukas ang matinding balita na lalabas sa television.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD