KABANATA 5.

1271 Words
"Good Morning,Kabeb. I just want to asking you if nagpunta ka ba ng stock room nuong party?" Nakangiting salubong ni Hilna sa bagong dating na kasamahan habang naglalakad ito. Maaga niyang natapos linisin ang opisina ni Mr. Corpuz. Simula nuong kausapin siya nito tungkol sa kagustuhan nito ay hindi na nito ulit inulit sa kaniya. Hindi na rin niya binanggit pa na para bang nakalimutan na rin ang pakiusap nitong maging alalay siya; at iyon naman ay ikinatuwa niya na baka pumayag na rin ito sa pagtutol niya. Kaya matapos ang trabaho niya ay inaabangan na niya sa harapan ng opisina nito si Kabeb dahil oras na dumating ang kinaiinisan na anak ng dating boss ay mawawalan na siya ng time dahil tiyak sunod-sunod naman ang iuutos nito sa kaniya. "Yes, why?" Nakangiti itong humarap sa kaniya na tila ba may ibig sabihin at saka walang paalam na inakbayan siya nito. Agarang nairita siya sa ginawa nito kaya't mabilis niyang inalis ang pag dantay ng baraso nito sa balikat niya. Pero diretsyo pa rin silang naglalakad papasok sa loob. Matagal na niyang kasama sa trabaho si Kabeb, kasabayan niya ito ng natanggap sa Casa Diseño at matagal na rin siyang nililigawan ng binata. Datapwat hindi niya makuhang sagutin dahilan wala dito ang tipong gusto niya sa lalaki, idagdag napaka presko nito na pinaka ayaw niya sa mga lalaki kahit na ba may itsura ito. Bakit kase sa dinami dami ng hahalik sa kaniya, e, bakit long hair pa?! Hindi maittangging nauso yata ngayung taon ang F4 dahilan tila ba yata lahat ng empleyado sa Casa Diseño pare-pareho ang buhok! Segundo, muli nagtanong siya sa binata ng makaupo ito sa table. "Nagtagal ka ba doon Kabeb? Tapos anong ginawa mo doon? Anong oras ka palang nagpunta doon?" malumanay at sunod-sunod niyang tanong habang nasa harapan nito. Naupo kasi siya sa harapan ng table nito, mayroon doong dalawang chair sa bawat gilid. May posisyon na rin ito dahil nauna pa itong magpromote sa kaniya. Aminado naman siyang magaling din magpatakbo ng negosyo ang mokong. Ang balita nga niya nais nitong makisosyo sa Casa Diseño iyon nga lang ay tinanggiha ni Don Lucio ang nais nito. "Oo, babes, may kinuha ako," sagot at nakasanayang tawag nito sa kaniya, hinayaan na lamang niya ang binata wala naman nakakarinig, "Natagalan din ako doon kase madilim saka.. " huminto ito sa sasabihin at napakunot noo, "Bakit ka ba nagtatanong? Nanggaling ka ba doon?" Sa tono nito tila nagtataka sa pag tataanong niya. Tumayo ito at naupo sa tabi niya. Tumitig ito sa dalawang mata niya habang magkaharap sila ng mukha. Nairita siya! Pero kailangan niyang alamin. "Saka... Ano?" ginalaw pa niya ang ulo at hinintay ang magiging sagot ng binata. Ngumiti ito at inakbayan siyang muli, "Mamaya labas tayo, doon ko sasagutin ang mga katanunga mo, mukhang seryoso, eh." Kinindatan pa siya nito habang akbay pa rin siya nito. Hindi niya magawang alisin pagkakaakbay dahil kumapit na din ang palad nito sa balikat niya. Naiinis na lamang na sasagot siya ng madinig niya ang sariling pangalan. Agarang napalingon sila ng binata sa kanilang likuran. Mabuti na lang nakabukas ang pintuan at kaagad nila narinig ang boses na maiblis niyang nakilanlan. Dumating na ang gost sa buhay niya! "Si Mr Corpuz, Kabeb. Bye! Mamaya na lang ulit tayo mag -usap, huh?" ulas na lumabas sa labi niya ng tawagin siya nito. "Hihintayin kita mamaya babes." dinig niyang bulong ni Kabeb ng tanggalin nito ang baraso sa balikat niya at wala siyang sagot na nilisan ang opisina nito. Nakatitig lamang siya sa binatang nakatayo at nakatingin sa kaniya ng makapasok siya sa loob ng opisina nito. Sambakol ang mukha nito. Ang mokong may topak yata! Nakabusangot ito at kulang na lamang kainin siya nito ng buong buhay dahil ang mga titig na akala mo'y may nagawa siyang masama na naman. Naisipan na lamang niya lumapit sa binata upang tanungin kung ano ba nag iuutos, ngunit mabilis itong tumalikod ng akmang hahakbang pa lamang siya. Nangingiwi ang labi ang sariling labi habang tinitingnan niya ito. Aba't! Ang gago! Tinawag siya tapos ngayong lalapit siya tatalikod naman ito sa kaniya! "Mr Corpuz," mahinahon at diretsyong tawag niya sa apelyido nito. Hindi niya kailangan makipagsabayan sa topak nito. Pero wala itong sagot na tila ba isang bingi. Maya't naupo ito sa harapan ng table. Naupo na rin siya kahit wala itong pahintulot. "Iyan ba ang gawain mo tuwing umaga?" Napataas kilay siya sa diretsyong katanungan nito. "Ang aga mong nakikipag tsismisan Miss Soledad. Nalinis mo na ba ang opisina ko?" bulalas nito sa harapan niya na para bang walang nagawa sa umaga kundi makipagchismisan. Ah, kaya nakabusangot ito dahil sa pakikipag usap niya kay Kabeb! Ano ba ang isasagot niya dahil totoo namang nakikipag stismisan siya sa binata? Nagtimpi siya kesa sagutin ito ng pabalang. "Sorry Mr. Corpuz, may tinanong lang ako kay Kabeb." mabilis niyang sagot habang lihis ang magkabilang mga mata sa kaharap. Wala kang pakielam kung makipag tsismisan ako! Nakapaglinis na ako ng opisina mo! Tumango ito sa pagkakaupo habang ginagalaw nito ang ulo't pinagmamasdan ulit siya na para bang lagi na lang binabasa ang kabuuan niya. Ang manyak lang kung bakit kailangan pa itong titigan siya ng gano'n! Empleyado siya ng kumpanya! Hindi ibang tao! Kaunti na lamang at mapipikon na naman siya rito. Nagulat siya ng mabilis itong lumapit at yumuko at ang kanang kamay nito ay mabilis na hinawi ang buhok na dumapo sa mukha niya at iniipit iyon sa tenga niya. Seryosong binangga niya ang palad nito. Hudyat na ayaw niyang pinapakielaman nito ang buhok niya. "Huwag mong hahawakan ang buhok ko, kung wala akong permiso Mr. Corpuz!" Madiin niyang bati rito. Doon, nakita niyang ngumiti ang binata. Lumabas ang pantay -pantay na ngipin nito. At doon tila nagbago ang itsura ng mukha nito. Segundo at nagsalita ito na may halong ngiti pa rin sa labi. "Please, ipagtimpla mo 'ko ng kape." pakiusap nito at nagulat siya ng gawin ulit nitong hawiin ang buhok niya sa mukha niya. Sa bilis ng palad nito ay hindi na niya nahabol ang kamay nito. Mabilis na tumayo at tumalikod siya, tinungo niya kung saan ang pintuan palabas. Akma na niyang bubuksan iyon ng tawagin siya nito sa buong pangalan niya. Napahinti siya. Ang agang siyang iniaasar nito! Napahugot siya ng hininga bago humarap. "Yes Mr. JERICK CORPUZ? Ilan kape po ba ang gusto mong ipatimpla sa 'kin?" buong pangalang tanong niya, habang tuwid siyang nakatayo sa harapan nito at taas kilay na hindi niya maiwasan gawin. Nakasanayan na talaga nitong tawagin siya sa buong pangalan nito at ayaw na ayaw pa naman niyang tinatawag siya ng ganoon Kaya iyon din ang ginawa niya. Daig pa niya ang nawawala! Kung pwede nga lang palitan ang pangalan niya ginawa na niya. Hilna din kasi ang pangalan ng famous na nangungutang sa baranggay nila na nakakulong na ngayon dahil sa kabila't kanan napangungutang nito sa banko. Napagkakamalan tuloy na kamag-anak niya ang babaeng kapangalan. "Gusto ko lang iremind 'yung usapan natin." makainsultong wika nito dahil habang ang mga mata nitong taas baba sa pagtingin sa kaniya. Napalunok laway siya na imbes na sumagot. "You can go now." Ugh! Humanap ka ng alila mo! Nagdadabog na sagot ng isipan niya. Nagkukumahog na lumabas siya ng pintuan, habang unuusok ang ilong. Inaalila na nga lang siya, namumuset pa! Idagdag pa ang ginawa nitong pang bablockmailmail sa kaniya! Lalo siyang nakaramdam ng pagkaasar sa anak ng boss nila. Malalaking hakbang ang pinakawalan niya, para agarang matunton ang coffee bar at doon ituon ang inis na nararamdaman. Daig pa niya ang umuusok sa umagang iyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD