KABANATA 6.

1381 Words
AYAN! Lunukin mo! Bwisit ka!" Nanggigil na sabi ni Hilna habang pinagdidiinan ang dalawang teaspoon powder ng coffee sa loob ng baso. Matapos nilagyan naman niya ng dalawang teaspoon ng sugar. Sinadya niya talaga iyon para mapaitan ito at matamisan at nang sa ganoon hindi nito magustuhan nag itinipla at mabawasan man lang ang trabaho niya sa loob ng opisina nito. "Pst! Mabasag 'yan, talande ka!" gulat ang mukha na may pagmamangha na nasa likuran niya. Nagtaas siya ng ulo. Ang kaibigan niyang bakla. Kanina pa pala nito pinagmamasdan ang ginagawa niya, "Alam ko kung bakit ang aga mong naka sambakol ang mukha mo. Sobrang tamis at pait ng itinimpla mo tiyak. Sino ba iinom niyan, gaga ka?" Maarteng pagkakasabi nito. "Lumayo ka! Baka ibuhos ko sa'yo to, talandi ka!" asik at pikon niyang saad sa bakla. Mabuti na lang hindi ito napipikon sa mga salitang tinatapon niya sa kaibigan. "Aba't! Ako pa talaga ang pagbubuntunan mo ng galit, aber! Ano ginalit ka na naman ba ni karisma? At kanino ba 'yan kape? Saiyo?" Ulit nito habang nakatingin pa rin sa kamay niya. Wala siyang kibong isinagot. Bagkus hinalo niya ng hinalo ang kape saka binuhat iyon at nilagay sa tray at binitbit. Nakauwang labing iniwan niya ang bakla. Agaran nahulaan na nito kung kanino ang itinimpla niya. "Pst! Bruha mapait 'yan!" Pigil at habol nitong usal na hindi naman niya pinakinggan. Madiin siyang kumatok sa pintuan. Kinalma ang sarili kahit nahihirapan. Baka maitapon lang niya ang mainit na kape sa boss lalo na at kumukulo ang dugo niya rito. Pero kung tatanungin wala naman talagang ginawang masama ito sa kaniya ngayong umaga, maliban lang sa hinawakan ang buhok niya at inutusan siyang magtimpla ng kape nito at 'yun naman din ang pinag-usapan nila at pumayag naman siya. Basta ewan! Nakakainis siya! Pinagbuksan siya nito ng pinto ng makitang hawak na niya ang tray na may lamang kape. Matapos bumalik itong naupo sa kinauupuan ng mapag buksan siya, diretsyo naman na inilapag niya ang hawak na tray sa lamesa nito. Saka walang paalam na tumalikod siya. Ayaw niyang magtagal sa loob. "Miss Hilna Solidad." Mabilis na tawag muli nito sa buong pangalan niya. Habang nakatalikod, umikot ang dalawang mata niya ng marinig ang buong pangalan. "Mr. Corpuz. Puwede mo 'kong tawagin Soledad. But please... huwag muna akong tawagin sa buo kong pangalan dahil tayo lang naman dalawa ang naandito." Sa boses niya ay may pakikiusap saka hinayaan ang sariling nakatayo na nakatalikod. Gusto niyang marinig ang isasagot nito sa kaniya. Narinig niyang lumangitngit ang upuan na hudyat na tumayo ito sa pagkakaupo. Humarap ito sa kaniya, seryoso siyang humarap sa mukha nito at tila ba nagtatanong ang mga mata niyang tumingin dito. Diretsyo ang mga mata niyang nakatitig para maramdaman nitong hindi niya nagugustuhan ang pagtawag nito sa buong pangalan niya. Nakakagat labi naman ito ng pang ibaba. Sanay na siya sa ganoon itsura nito dahil madalas niyang nakikitang gawain iyon ng boss. Ang hindi lang niya masanayan ay ang malagkit na lagi nitong pagtitig sa kaniya na para bang gusto siyang papakin na para bang masarap na pagkain. Segundo hindi na niya natiis ang sarili kaya inilihis niya ang dalawang mga mata. Bakit ba hindi niya kayang makipag titigan sa lalakeng ito? Eh, hindi naman ito ang tipo niyang lalaki! Nakita niyang gumalaw ang kanang kamay nito at itinuro ang sopa. "Sit down first, mag usap lang tayo sandali." Utos nito na kinagaan naman ng dibdib niya. So, ano naman kaya ang pag -uusapan nila? Babanggitin ulit kaya nito ang pampablockmail nito sa kaniya? Umupo siya na hindi man lang tumitingin sa boss. Hinintay niya itong magsalita kung bakit ba siya nito pinaupo. "May laro ako next day, so I need you." awtimatikong gumalaw ang ulo niya at kasabay ng mata niyang tumingin sa mukha nito. Ito na nga ba ang ikinatatakot niya! "Kailangan ba talaga ako d'yan Mr. Corpuz? Wala na bang ibang puwedeng ipalit d'yan basta yung relate naman sa trabaho ko? Hindi yung sa career mo ang ipagagawa mo sa akin." diretsya niyang anas. Hindi talaga siya kumbinsido sa nais nito. Ayaw talaga niyang maging alalay nito. "May napag-usapan tayo Miss. Soledad or else tatanggalin kita sa trabaho mo." Paalala at kalmadong sagot nito. Humugot siya ng mahabang paghinga ng walang maisagot sa kausap, para na siyang pinitpit na luya sa pagkapikon. Hindi nagtagal at inabot nito ang isang basong kape sa nakapatong na table nito. Walang kamalay-malay na pinakatitigan niya ito sa mukha ng humigop ito ng kape matapos hinihintay kung ano ba magiging kumento nito sa pagtimpla niya ng kape. "Hindi ko inaasahang magaling ka pa lang magtimpla ng kape." Saka ibinaba ang tasa. Nahiwagaan tuloy siya sa lalaki. Dalawang kutsarang kape at asukal ang inilagay niya doon, pero hindi 'man lang ito napaitan at natamisan. O baka sadyang inaasar lang talaga siya nito? Napangiwi nga siya ng tikman niya ang kape na tinimpla dahil sa sobrang pait nito, tapos rito ay sobrang sarap. Gusto niyang hablutin ang hawak nitong baso na may lamang kape at saka dagdagan pa iyon ng tatlong kutsarang kape at sampung kutsarang asukal, iyong tipong hindi na kaya nitong inumin dahil sa lasa. Pasimple siyang napailing. "Tomorrow susunduin kita." matapos inabot ang tasa. Nanlaki ang mga mata niya ng mapatingin sa boss. Susunduin? Lumaki at nagdalaga siya, wala man lang nangahas na sumundo o pinayagan niyang lalaki na pumunta sa bahay nila. Tapos eto? Manunundo ang kaisa isa niyang kinaiinisan sa mundo. Hindi! "Hindi pa ako baldado Mr Corpuz para magpasundo." matapang na sagot niya. "Ako na lang ang pupunta kung nasaan ka. Saka magubat ang daan papunta sa 'min. Nakakahiya dahil Mlmapuputikan lang yung kotse mo." Aniya na may namumuong plano. May naisip siyang paraan para matakasan ito at hindi siya makasama bukas. Mabilis na umiling ito sa isinagot niya, "Okay lang Miss Soledad, ihahatid kita mamaya pauwe para alam ko kung saan kita susunduin bukas?" Prisinta nito na may halong paninigurado. Lalong nanlaki ang dalawang mata niya habang nakatingin sa isang bagay. Matapos.. Gumalaw galaw ang ulo niya at humahagilap kung ano ba ang isasagot. Hindi nito puwedeng malaman ang bahay nila at mas lalong ayaw niyang ihatis siya nito ngayong gabi. "I almost forget. May meeting pala mamaya, pakisabi kay Carla iayos ang meeting room." basag nito sa pananahimik niya. Wala siyang maisip na sasabihin rito. Naging blanko ang isipan niya. Kainis! Gumana ka utak! Gumawa ka ng paraan! Maya pa at tumayo siya sa pagkakaupo, gusto niyang sumagot sa sinabi nito ngunit tila yata wala siyang mahagilap na sagot. Kailangan niyang maka hagilap ng isasagot bago makalabas ng opisina nito. Lakas loob na humarap siya rito, "Ah, Mr. Corpuz! Ano kase... May party pa akong pupuntahan ngayon, baka ma late akong maka uwe sa amin." Pagsisinungaling niya habang hawak ang batok. Yuon na lang ang naisip niya. Bahala na kung apektibo ba ang naisip niyang sinabi. Mataimtim itong tumitig sa mukha niya, habang ang labi'y pinaglalaruan nito gamit ang ngipin. Hinintay niya ang isasagot nito. Sa tuwing titingnan siya nito tila ba aliw na aliw na nakahiligan ngegawin. Ano bang meron sa mukha niya? "It's okay Miss Soledad. Basta ihahatid kita ngayon." nakangiti nitong saad. Sa itsura nito parang walang makapipigil. Binawi niya ang paningin sa binata, tila ba nawalan siya ng dila at walang salitang nanulas sa labi niya. Hindi na nga siya nagpaalam at diretsyo na siyang lumabas ng opisina. Pabagsak niyang iniupo ang sarili sa kaniyang desk. First time niyang mararanasan na may maghahatid sa kaniya sa bahay nila ngayong Gabi. First time din niyang may makakasamang lalake na sila lang dalawa, except lang talaga si Luis dahil kaibigan niya ito. Ano na lang ang sasabihin niya sa mga magulang niya? Baka anong isipin nito kahit magpaliwanag siya at saka sa mga kapitbahay nila na sobrang tsismosa. Kahit ba itinatago muna ay nalalaman pa! Hindi naman maitatangging may itsura siya at hindi mag kakaroon ng nobyong guwapo. Ipinilig niya ang sariling ulo. Nobyo?! Ano-ano iniisip niya! Ihahatid Lang siya para malaman nito ang bahay nila. Walang koneksyon ang tungkol sa nobyo. Kung ano- ano na naman ang pumapasok sa isipan niya. Advanced talaga siya mag-isip! Pero paano kung mapagkamalan silang mag nobyo at biglang kumalat sa buong street nila? Sshh! Kailangan niyang magtago!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD