“Nakailang tawag na ako sa inyo, pero di kayo nakikinig, ilang beses ko na kayong ininvite pero di niyo ako pinapansin. Binalewala nyo lahat ng pangaral ko, at ayaw nyong magpa-correct sa akin. Kaya pag may nangyaring masama sa inyo, tatawanan ko lang kayo, pag may kaguluhang dumating sa buhay nyo, aasarin ko lang kayo—” – Proverbs 1:23-26
--
Chapter 2
Aynna
“May nakausap akong tao na pwedeng tumulong sa pagbubuhat ng tambak du’n sa tindahan ni Lola Olimpia. Mga kakilala ko kaya mapagkakatiwalaan mo. Okay lang daw kahit walang bayad. Abutan mo na lang, Aynna.”
Kasalukuyan kong inaahon sa dryer ang nilabhan kong damit namin ni Xavier, nang dumating si Aling Corazon galing palengke. Siya na raw ang magluluto ng pangtanghalian namin. Dinamay pa niya ako sa pagbabudget niya kaya naman nahiya ako. Nasabi kong gusto kong buhayin ang Sari sari store ni Lola Olimpia para may kitain din. At para may pangshare ako sa gastusin sa bahay.
Hindi ko iaasa kay Mama ang pangangailangan namin. Kahit iyon pa ang inisip niya noong tawagan ko siya. And she never called me even though she knows that I’m back home. I didn’t either. Nasa mabuti naman silang kalagayan kaya… hindi na ako nagtangka ulit na kausapin siya. O kahit ang kapatid ko man.
“Nag-abala pa po kayo, Aling Corazon. E, kaya ko naman hong buhatin ang mga natambak du’n.”
Pinagpag ko ang damit ni Xavier at saka kumuha ng hanger sa sampayan. Sa likod-bahay ang laundry. Napapayungan ng bubong ang washing machine at banyerang banlawan. Ang sampayan nasa tabing bakod kung saan natatamaan ng araw. Luma na itong alambre na ginawang sampayan. Nasa apat na linya kaya spacious para sa aming mag-ina. Kahit damit ni Aling Corazon kakasya.
Halos hindi masyadong nagalaw ang ilang paso at tanim na halaman ni Lola Olimpia. Ang mga basag na bote at bubog sa ibabaw ang pader naroon pa rin. That will always remind me of my simple childhood.
“Naku, anak. Natatandaan mo ba ang lumang TV set ng Lola Olimpia mo? ‘Yung pinakauna niyo pa yatang TV,”
“Opo.”
“Naroon iyon sa tindahan. Pati pinaglumaang electric fan at ref, nandodoon pa.”
“Gumagana pa po ba ang mga iyon? Maliban sa TV. Kasi ang alam ko po, talagang sira na. Nakailang balik iyon kay Mang Pancho noon.”
Si Mang Pancho ang kilala at natatanging tagabutingting ng appliances dito sa amin.
“’Yung ref hindi na. Kaya bumili nang bago ang Mama Olivia mo. Iyong electric fan, nangamoy. Pero ayaw ipatapon ng Lola mo kasi baka may paggamitan pa. Tulad nu’ng elisi.”
Hindi ko napigilang alalahanin kung gaano rin kakuripot si Lola Olimpia noon. Alam ko ang ganyang dahilan niya. Kaya kapag may nasirang elisi, papalitan niya lang ito ng ibang kakasyang elisi at okay na. Kahit pa contrast ang kulay at shape nito sa original na electric fan.
“Ganyan mo talaga si Lola Olimpia, Aling Corazon. Magtitipid iyon hangga’t kaya. Pero titingnan ko po muna ang tambak doon. Baka sakaling may pwedeng pakinabangan at ibenta sa junkshop. Tatapusin ko lang po itong labada ko.”
I continued hanging my son’s clothes.
“O sige. Ikaw na nga ang bahala roon. Magluluto na ako, hija.”
“Sige po, Aling Corazon.”
Kaya pagkatapos kong magsampay at magligpit sa laundry area, kinuha ko ang susing nakasabit sa tabi ng salamin sa sala. Si Xavier iniwan kong natutulog sa sofa. Nakaharang ang lamesita at unan para sakaling kumilos o mag inat ay hindi ito mahuhulog. I checked him first before I went outside. Hindi ko sinarado ang pinto para natatanaw ko ang anak ko mula sa tindahan.
Ang pwesto ng tindahan ni Lola Olimpia ay pinagawa niya sa tabi ng gate. Pinatibag niya ang pader. Kaya kailangang lumabas ng bahay kapag tatao roon. Pero kakasya naman ang ref at fan sa loob kaya hindi na kailangang pumasok sa bahay kapag may bumibili ng softdrinks o yelo. Si Lola Olimpia, Kara at ako ang nagtitinda. Pero madalang si Kara kasi ayaw ni Mama na naiinitan at napapagod siya. Baka raw masira ang kutis nito o pagkainterisan ng mga tao.
Sinusian ko ang malaking padlock sa labas ng pinto. Paghila ko, unang sumalubong ang mga sapot. Hinawan ko iyon. Kinapa ko ang switch ng ilaw sa kaliwang bahagi ng door frame. Bumukas. Ayon kay Aling Corazon hindi pa napapaputol ang linya ng kuryente kasi hindi naman maasikaso. Saka kapag nagtatambak ng gamit dito kailangan din ng liwanag.
Pero pagkalat ng liwanag, napamaywang ako. Nagkalat din ang iba’t ibang gamit at appliances namin. May mga kahon pa at case ng bote na hindi naisoli. Naririto pa ang ilang senyales na nagbukas ang tindahan ni Lola Olimpia. Ang mga plastic na garapon ng Stick-o na inipon para gawing lalagyanan ng candy at iba pang paninda. Mga estanteng nagsisilbing lalagyan ng de lata, sabon at diaper. Ang mga sabitan ng chichirya at condiments na nakasachet tila hindi nagalaw sa mahabang panahon. Ang bigasan napalitan ng mga plastic na hindi ko alam kung anong laman.
Bukas ang maliit na bintana pero ang harang nito sa labas ay nakapako para hindi ito mapasok. Ilang alaala ang bumalik. Ilang kakilala ang napagbilhan ko. Nakatayo si Lola Olimpia. Kumukuha ng pangsukli at madalas nagtatagal ito sa pakikipag usap sa bumibili dahil sa kwentuhan. Palaging puno ng produkto ang tindahan. Tipong kulob ang boses namin kapag nag uusap. Gustong gusto kong tumatambay dito kasi kuha lang ako nang kuha ng gusto. Minsan sinasaway pero magpapacute lang ako kay Lola Olimpia, ayos na.
Ang box na lalagyanan niya ng panindang sigarilyo, nasa tabi pa rin ng arinolang lalagyanan ng pera. Ang mga peso bill na kinita sa maghapon ay tinatarya niya tapos itatago sa kanyang lumang pouch. Iyon ang dinadala niya kapag mamimili kami.
Gabi-gabi, tumutulong akong gumawa ng yelo. Hirap na hirap ako kung paano buhulin iyon pero kay Lola Olimpia, sisiw. Bumibili siya ng isang sakong asukal na puti at siyang magpaplastic at kilo no’n. Mabiling mabili rin ang tingi tinging asukal, kape at creamer ni Lola. Siya rin ang nagpaplastic no’n at padidilaan sa sa kandila ang dulo para ma-seal. Habang nanonood ako ng TV, busy na busy pa rin siya bago matulog.
Four thirty ng umaga, dadalhin niya ang kahong walang laman at pupunta sa paniderya para bumili ng pandesal na pangbenta. Wala pang alas otso nang umaga, sold out na. Kahit mga palaman na peanut butter, latik, mayonnaise, keso, maling at dairy cream ay nagagawan ni Lola na ibenta nang tingi tingi.
Sa paglaki ko, saka ko na-appreciate na hindi negosyo ang tinayo niya. Mayroon siyang malasakit at passion sa kanyang ginagawa. Hindi lang para kumita, kundi matulungan din ang mga kapos sa buhay.
Suminghap ako nang maramdamang lumandas ang luha sa pisngi ko. I chuckled and even made fun of my tears.
“’La naman, e. Mas lalo kitang namimiss.” I told myself. Natawa ako ulit sa ginawa.
May mga bagay akong namimiss at hinahanap-hanap. Mayroon ding mga pangyayari na na-take advantage ko kasi hindi ko alam na lilipas din. Kung pwede lang balikan at baguhin ang nakaraan… susunggaban ko. Pero ito na ang ngayon ko. Wala na akong mapapalitan pa.
Kumuha ako ng walis at dustpan para kako masimulan ng paglilinis. Pero hindi ko nagamit dahil inuna ko ang paglabas ng mga gamit na hindi kailangan doon. Iyong malaking TV, ref at electric fan. Halos lumuwa ang dila ko sa ginawa. Balak sana akong tulungan ni Aling Corazon nang silipin ako pero pinabantayan ko muna sa kanya ang anak ko. Iiyak iyon kapag nagising na walang kasama.
Nilagay ko muna sa labas ng tindahan ang mga lumang appliances. Saka ko na ipapakuha sa mga kakilala ni Aling Corazon. Yung ref hindi ko na kaya kahit itulak ko pa. Duda ako kung magagamit pa ang mga ito. Mayroon naman na sa bahay, e. Ididispose ko na lang para lumuwag dito. Pero kung pangtindahan, titingin ako ng pinakamurang ref sa market na ilalagay ko rito.
Pawis na pawis ako sa panghuling box na inalis. Narumihan na nag suot kong sando at dumidikit ang hibla ng buhok ko sa batok at leeg. Tumigil muna ako sa labas para makalanghap ng hangin. Busog na busog ang ilong ko sa alikabok.
“Tao po!”
Nagtayuan ang balahibo ko sa batok matapos kong marinig ang pagtunog ng doorbell. Hindi ako kita kasi natakpan ako ng bukas na pinto ng tindahan. Hindi ako kumilos at baka maramdamang may tao rito. I bit my lip repeatedly while listening. Walang ingay akong umusod sa likod ng ref para mas lalong makatago. Tumingin ako sa pinto ng bahay hanggang sa lumabas si Aling Corazon.
Tumatawag at pinipindot ang doorbell ng kung sinong lalaking nasa labas ng gate namin.
“Sino ho kayo?”
Nagkatinginan kami ni Aling Corazon. Umiling ako. Kabadong kabado ako dahil hindi ko alam kung paano magtatago gayong nakatago naman ako.
“Nariyan po ba si Ma’am Aynna?”
Umawang ang labi ni Aling Corazon. Habang nasusuot ng tsinelas, sa tao siya nakatingin.
Napalunok ako. Sino ‘yon? Tauhan ni Anton de Silva? Alam na kaya niyang nakabalik na ako?
Huminahon ka, Aynna!
“E, sino ho kayo at anong kailangan?”
Halos itigil ko ang paghinga. Tinaliman ko ang pandinig sa sasabihin ng lalaki. Makakaya akong takpan ni Aling Corazon d’yan!
“Magandang araw po. Driver ako ni Ma’am Kara. Narito po ba si Ma’am Aynna?”
Si Kara!
Agad akong umalis sa pinagtataguan. Bumaling sa akin ang lalaking nakauniform na kulay gray. Isang sambit niya lang sa pangalan ng kapatid ko, nawala ang agam agam ko sa taong ito. I just felt this isn’t a danger anymore. A member of my family finally came for me!
Literally, like a lost child, excitement filled my skin.
“Kayo po ba si Ma’am Aynna?”
I took my step slowly. Tila isang mabangis na hayop ang lalapitan ko. I’m excited and yet nervous. Marahan akong lumapit at tango. Bahagyang ngumiti ang driver bago bumalik sa tabi ng sasakyang nakaparada sa labas.
He courteously opened the door and said something to someone we couldn’t see. Kinakabahan ako pero hindi ako nag isip na magtago.
A pair of milky white legs womanly dropped on the cemented floor. Her shiny black stiletto told me the elegance and importance of the owner. Marunong siyang magdala ng sarili ayon sa pagpili ng magandang uri ng sapatos. Pero hindi ako nagulat o kahit ang maintimidate roon.
Her presence filled my senses and my blood pumped rapidly. Natatakpan ng salamin at sombrero ang mukha niya. She’s wearing a black dress that accentuated her perfectly creamy white skin. Katulad kay Mama Olivia. Kung may dalawang tao man akong makikilala agad dahil lang sa kulay ng balat, ang ina at nakakabatang kapatid ko iyon.
“Kara…”
Nagtuloy tuloy siya paglapit. Kusang binuksan ni Aling Corazon ang gate. Nakangiti siya at nagalak nang makilala ang kapatid ko. She looks so fragile for me. Ang entire Philippine Showbiz Community, alam kong matatag na babae ang tingin sa kanya. Pero sa akin, siya ang bunso na palagi kong bini-baby. And I missed her. I missed my baby sister.
Sinalubong ko ng yakap si Kara nang mahigpit. My tears rampantly flowed on my cheeks. Humikbi ako habang kayakap ang kapatid ko. Three years ago, I left everything and that included her. Ano man ang nangyari sa amin, mas nangingibabaw pa rin ang dugo. I loved her more than I ever love myself.
“Oh my god… I missed you!” I closed my eyes and felt the warmth that I received from my sister. Nanginig ang katawan niya at narinig ko ang paghikbi. Pakiramdam ko, mas mahigpit ang yakap niya kaysa sa akin.
“Ate Aynna…”
She shakily murmured my name twice.
Matagal kaming nagyakap na magkapatid. Sinamantala ang bawat minuto na muli kaming nagkitang dalawa. Ilang taon ang dumaan. Ilang bagyo ang naranasan. Hinding hindi ko malilimutang bawat gabi na hindi ko siya nakikita o nakakausap man, nanlulumo ang puso ko. At sa bawat patak ng luha ko, may tunog ng pagsisisi ang nararamdaman.
Mahina akong suminghap. Nagising ako galing sa matagal na yakapan namin bago ko naramdaman ulit ang tahimik na panonood sa amin nina Aling Corazon at ng driver niya. Bumitaw ako at pinunasan ang luha sa pisngi. I chuckled a bit because I am so emotional when I saw her. Inalis ni Kara ang sunglasses niya. Punung puno ng luha ang mata niya. Namumula ang ilong. Wala siyang makeup. Sa tingin ko, papunta pa lang dito ay umiiyak na siya.
“Sa loob na kayo mag-usap, hija. Baka may makakita sa inyo.” Yakag ni Aling Corazon.
Tumango ako bilang pagsang ayon. Iiwan ko muna ang paglilinis sa tindahan. Hindi iyon napansin ni Kara. Binalingan niya ang driver. Sinabihang magbantay sa labas at tawagin siya kung may mapansing kakaiba. Sumunod ang driver niya. Lumabas ito at sumakay sa sasakyan.
“Dadalhan ko siya ng maiinom at pagkain.” Sabi ni Aling Corazon.
“Thank you po.” mahinang boses na sagot ni Kara. Umabrisyete sa braso ko at sabay na naglakad papasok sa bahay.
Nag uunahan ang mga tanong sa isip ko. Kumusta na siya? Kumusta ang anak niyang si James? Bakit siya nagpunta rito? Umiyak ba siya sa byahe? May problema ba kaya siya napasugod? Alam ba ni Mama na narito siya para kitain ako? Nasaan ang mga bodyguard niya at bakit isang driver lang ang dala niya?
“Kumain ka na ba?”
Hinigpitan niya ang kapit sa braso ko. Halos yumakap na. Umiling ito at napatingin sa loob. Pinauna ko siyang pumasok nang hindi nag aalis ng sapatos. Samantalang, nagpahuli ako. Hinubad ko ang tsinelas ko at nagsuot ng pambahay na istepin. May luma roon na para kay Kara at siyang tinabi ko sa paa niya.
“Magpalit ka muna ng istepin, Kara. Pero kung mas kumportable kang nakasapatos, okay lang din. Heto ang suotin mo…”
Natigil ako sa pagpapaliwanag sa kanya para hindi ko ma-offend. Nakabuka ang labi niya. Ang luha sa mata parang umurong nang ituro ang anak kong mahimbing na natutulog sa sofa.
Umawang din ang labi ko pero hindi kasing mangha niya. Pumasok ako sa loob. Tumayo ako sa tabi ni Xavier na medyo nagulo ang unan na harang. Maingat kong inusod ang maliit niyang braso. I caught by his cuteness while sleeping. I smiled and softly caressed his rosy cheek. Nang maayos siya, marahan akong tumayo para harapin si Kara.
I found the curiosity from her eyes. I fidgeted a bit. Tinigil ko iyon at pinunas ang mga palad sa suot na shorts at sinulyapan ulit si Xavier.
Nanginginig kong binuka ang labi ko. “He’s my s-son.” Maikli kong sabi.
Her jaw dropped after my confirmation. Tinakpan niya ang labi ng dalawang kamay na parang sisigaw pa ito sa gulat. Bumilog ang mata niyang binagsak ulit sa natutulog kong anak. Tapos tiningnan niya ako ulit. Pareho kaming hindi nakapagsalita. But I would choose not to. Dahil magagambala sa pagtulog si Xavier.
Naupo kami ni Kara sa antique na dining table ni Lola Olimpia. Antique na estante ang divider ng kainan sa sala kaya nasisilip namin si Xavier doon. Nagprepare ng juice si Aling Corazon. Hinihintay na lang na maluto ang kanin at ready na kaming magtanghalian. Pero dinalhan niya pa rin ng meryenda ang driver ni Kara sa labas.
Nanginginig ang kamay ko sa paghawak sa baso. Masaya akong makita siya. Masaya akong nalaman niya na nag e-exist ang anak ko. Okay lang kahit hindi magkainterest si Mama Olivia basta kay Kara ay oo.
We are a bit awkward when silence reign. Iniisip pa rin niya si Xavier. Na may anak ako. Dahil yata roon kaya tumigil ang iyak niya.
I smiled and recorded that in my mind. I’m happy that my son brought changes in her even a bit. Sa akin, napakalaking pagbabago ang dinala ng anak ko.
“Bakit hindi mo pinaalam sa aking… may anak ka na pala?”
Magkaharap kami sa mesa. Isang beses siyang sumimsim bago nagtanong. I felt it. And I actually waited for this to happen.
“Wala akong contact sa inyo. Saka ayaw ni Papa na magkacellphone ako. Alam mo na. Baka makatunog ang mga de Silva na sa Australia ako nagtatago. Nag iingat sina Papa at Tita Belinda. Ayaw ko ring madamay sila sa gulo. Kaya, I chose to cut the cords with you and Mama.”
“For safety?” mangha pa rin niyang tono.
I nodded. “Yes.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Kara. Nilingon niya si Xavier at sandaling tiningnan. I copied what she did.
“Ate Aynna, unang tingin pa lang sa pamangkin ko, alam ko na kung sino ang ama niya.”
Lumunok ako. Kinilabutan. Tila naiiyak na tinitigan ako ng kapatid ko.
“Hindi ko alam na noon na buntis na pala ako. Sa Australia ko na natuklasan. Hindi ko naman… sinadya na…”
“Sa network nina Anton ako ngayon nagtatrabaho, ate. Kaya nang malaman kong nakauwi ka na, pumunta agad ako rito para makita ka. Baka sakaling… makatulong ako sa inyong dalawa na…”
May determinasyon sa mukha niya na hindi ko mapaniwalaan at kung bakit ganoon. Pero hindi ko gusto ang tinutumbok ng kanyang tono sa akin. Nagtayuan ang defenses ko matapos niyang banggitin ang pangalan. Even my senses censored its danger.
“Anong pwede mong itulong? Kara, hindi pwedeng malaman ni Anton na may anak kami.”
“Bakt hindi? May karapatan naman siya kay Xavier, ‘di ba? At kilala mo siya. Kilala mo ang pamilya niya.”
“Kaya nga dapat hindi nila malamang may anak kami. Kara… hindi mo naiintindihan ang sitwasyon ko. Galit sila sa akin. Pinakulong ko si Anton de Silva. Nadungisan ko ang pangalan nila. Sa oras na makarating kay Anton na nagkaanak kami, kukunin niya sa akin si Xavier. Babawiin niya ang anak ko.”
“But it’s been three years, ate Aynna. Inurong mo naman agad ang kaso at madaling nakalaya si Anton. At kahit natuloy ‘yon, nasa puder nila si Atty. Hector Fronteras. Magaling at matalino ang abogado nila kaya mapapatunayan din agad na mali ang bintang mo.”
“That’s not the point here, Kara. Nagalit ko sila. Malaki ang kasalanan ko sa kanya at sa pamilya niya. K-kaya alam ko… a-alam kong aagawin niya si Xavier… at ayokong mawala sa akin ang anak ko.”
Mainit na likido ang lumandas sa pisngi ko. Hindi ko binawi ang titig sa kapatid ko habang walang hikbi akong umiiyak.
“Balak kong manirahan dito sa Pilipinas kasi hindi ko makakayang buhayin sa Adelaide ang anak ko. Hindi kami tanggap ng pamilya ni Papa Lauro. Kailangan kong bumukod at bigyan nang maayos na bahay si Xavier pero magagawa ko iyon kung dito sa atin. Mag iipon lang ako rito sa Maynila. Tapos magpapakalayu-layo. Kahit saang probinsya lilipatan ko, wag lang ako mahanap ni Anton.”
“That’s impossible, ate Aynna,”
“I’ll make it possible for that sake of my son!”
Tumahimik si Kara. At pinagmasdan ako. A sincere concern shown from her pretty face. She closed her pinkish lips tightly. Pinatong niya ang kamay sa ibabaw ng akin at mariing pinisil. I gasped a bit and stared at our hands. Maputi ang kanya, samantalang morena ako. Namana ko kay Papa Lauro ang kulay ko pero si Kara ay nagmana kay Mama at sa Papa Augusto niya.
“I’m sorry, ate. It was my fault. Naiipit ka sa sitwasyong ito nang dahil sa akin.”
“’Wag mong sabihin ‘yan. Tandaan mo, Kara, wala kang kasalanan. Ako lang ang may problema kay Anton at hindi ikaw. Kahit kailan wag mong sisisihin ang sarili mo. Naintindihan mo?”
Umaapoy ang mata ko habang nakatitig at naghihintay sa kanya. I wanted her to think differently.
Yumuko si Kara at mahinang umiyak. Umalon ang mga balikat niya. She poured down the aches I know she has been storing in her heart. I understand her willingness to visit me despite the lack of her security. Kaya dapat ko rin siyang pagsabihan na mag ingat. May mga taong hindi pa rin namin mapagkakatiwalaan.
Tahimik na lumapit si Aling Corazon sa amin. Nagbaba ito ng kahon ng tissue. Bahagya ko lang siyang tinanguan. Humugot ako no’n para iabot sa kapatid ko.
“Tumahan ka na. Hindi kita sinisisi. Kung sa tingin mo may galit ako sa ‘yo, wala, Kara. Kahit katiting, wala.”
Mas lalo lang siyang umiyak nang umiyak. Parang hindi na tatahan. Kaya tumayo ako at lumapit sa kanya.
“A-ate…”
I hugged her and whispered words to calm her down. “Think of your son, too. Siya ang gawin mong inspirasyon at lakas. Kasi iyon ang ginawa ko kay Xavier. Pakiramdam ko, binigay siya sa akin para makapagsimula ulit. Kaya alam kong ganoon din si James sa ‘yo. Humugot ka ng lakas sa anak mo, Kara.”
“Hindi ko na alam ang gagawin ko, ate Aynna.”
“Stop blaming yourself, Kara. Please.”
“Hindi ko alam, ate. Hindi ko… alam.”
The painful sound of her cries filled the dining area. Kumikirot ang puso ko habang naririnig ang hikbi ng kapatid ko. Iyong mga taong wala ako, paano siya inalagaan ni Mama? Kung nakakapagtrabaho siya nang maayos sa TV, pero ganito pala ang damdamin niya, mas lalong nahihirapan si Kara.
I am the one to blame here. Ako ang gumawa ng problema at habang may problema pa si Kara, umalis ako para magtago.
I hugged her again. I cried with her. We mourned for the years we’d lost. We painfully and freely gave our tears out from ourselves. Dahil sa ngayon, iyon lang ang tanging magagawa namin.
Paghupa ng mga tangis, malayang pinagmasdan ni Kara si Xavier. Hawak niya ang kamay ko at ayaw bitawan. Pinisil ko ang kamay niya. Tinitigan ko ang maganda niyang mukha. She has the most perfect face in Showbiz. Inalok siyang sumali sa Beauty Pageant. Nakatanggap na siya ng iba’t ibang endorsement after sumipa ang career niya noon. Noong nabigyan siya ng break na siyang tulay na magkapangalan at sumikat nang husto. I know, those were her peak years as an Actress.
I can’t forget those times. Na si Kara ang literal na bumuhay sa amin ni Mama sa pamamagitan ng pag aartista niya.
Nakatitig si Kara sa anak ko. Unti unting bumagsak ang talukap ng mata niya. Bumaba ang dereksyon ng paningin sa sahig. Ang tuwa sa pamangkin niya ay nalusaw. Sumeryoso noong una. At pagbaling sa akin, kumibot ang mga kilay niya.
I automatically squared my shoulder. I stared at her. Her chest pounded up and down and the speed is too obvious in my eyes. Kulang na lang ay humalukipkip ako habang nakatingin sa kanya.
“How did you make it?” she asked.
Narinig ko ang malakas na pagtibok ng puso ko. Noong una, mayroong sumaging sagot sa isip ko. Pero nang ibubuka ko na ang labi, naiwala ko iyon.
Bumuntonghininga ako. “Hindi ako malakas, Kara. Kung ‘yan ang naiisip mo sa akin ngayon.”
“No. I doubt it. Malakas ka talaga, ate. Noon pa man, matatag ka na kaysa sa akin. Kaya nga naiinis si Mama sa ‘yo, ‘di ba? Kasi mas kaya mong dalhin ang sarili mo.”
Mapakla akong ngumisi. “Oo. Nakaya kong dalhin ang sarili sa ibang bansa para magtago kay Anton.”
“But be honest with me. Wala ka bang balak na puntahan siya? O subukang makipag-ayos alang alang sa anak niyo? If you want, I can set a place for the two of you. You can ask for a formal meeting. I can get you a lawyer just so you can feel more comfortable and-
“No, Kara. No. Kapag kay Xavier, never na akong makikipag-ayos kay Anton. Sa ‘yo na nanggaling, kilala ko siya at ang pamilya niya. Inalam ko pa noon ang background niya. Pati ng parents at mga tiyuhin niya. Sa mga impormasyong nalaman ko, talung talo ako sa gusto mo. Wala na akong tiwala sa kung sino pang abogado ang kunin mo kasi makapangyarihan sila.”
“Pero alam kong minahal ka ni Anton, Ate.”
“Noon. Nakaraan na ‘yan. Tapos na. Wala na. Hindi ko na siya hawak ngayon.”
Pumikit ako at sandaling nanahimik. Hindi ko kaya kapag si Anton ang pinag uusapan. He held the best and the worst of my life. Pero binigyan niya ako ng anak. Na kung wala, baka tuluyan na akong naligaw ng landas.
Bumagsak ang mga balikat ni Kara. She combed her hair and sighed heavily.
“It’s really my fault, ate.”
“Stop saying that.”
She faked a chuckled. Pero pahikbi na naman ang kanyang mukha. I touched her back and tried to console her again.
“Kara…”
“I’m sorry, ate Aynna. I always think the worst of myself. Parang… parang palaging may bumubulong sa aking… I’m hopeless… I’m nothing now… Sa tuwing sinusubukan kong magtrabaho at umarte sa camera, hindi nagbabago ang nararamdaman ko. Mababait lang ang tao sa akin kasi malapit ako kay Ysabella. She’s a big star than myself. It’s like… kung ‘di dahil sa tulong niya, laos na ako. Awa na lang ang kayang ibigay sa akin ng tao.”
“Hindi totoo ‘yan.”
“I consulted to Psychiatrist, ate.”
“Alam ni Mama?”
Isang beses siyang tumango at bumaba ulit sa sahig ang mata niya. May kung anong takot na pumapasok sa isip ko sa tuwing bumibitaw siya ng tingin. It’s giving me words I don’t want to think.
“Nagpapanic ako kapag nasa trabaho. Nadedelay ang taping dahil sa akin. Hindi ako makapagtrabaho minsan pero pinipilit ko. Then one time, may natanggap akong regalo. Galing sa fans. Dinala ko sa tent at naexcite ako kasi may nakakaalala pa sa akin. Pinagtitinginan ako ng mga kasamahan ko. Pero nang basahin ko ang kasamang sulat sa teddy bear na pinadala…”
Kinabahan ako. Natakot nang manginig ang labi ni Kara at sinundan ng patak ng luha.
“Ate… pinadalhan ako ng death threat ni Jeremy.”
“Nakakalulong na siya, ‘di ba?”
“Oo. Pero hindi pa rin siya tumitigil na takutin ako. Kahit nasa loob na siya at nililitis ang kaso niya, matapang pa rin siyang apak apakan ako. Palagi niyang pinagmamalaki ang pangalan at pamilya niya. Babalikan niya raw ako paglabas…”
Marahas akong tumayo at namaywang. My jaw dropped but I can feel the fire in my throat. “Kung makakalaya siya, anong klaseng hustiya ang meron sa Pilipinas kung ganoon?”
Tinago ni Kara ang mukha at umiyak. Tumingala ako sa kisame. Walang magawa sa nararamdaman niya.
“Anong sabi ni Mama tungkol doon?”
“Humingi na siya ng tulong kay Senator Ace. May kinausap na raw siya sa NBI para tingnan ang kaso…”
Humupa ang bagsik sa dibdib ko. Maybe, I am right. Kaya nakipagrelasyon si Mama kay Senator Ace Montemayor ay dahil may kapangyarihan din ito. Pangit mang pakinggan pero kung sa tama gagamitin, mali pa rin bang matatawag? At kung demonyo ang kalaban, bakit pa magdadalawang-isip?
“Ate Aynna…”
Pagharap ko kay Kara, unti unting nag inat si Xavier. Lumapit ako sa anak para unang asikasuhin. Sumilip ang mata niya. Nagawa kong ngumiti dahil sa anak ko, gumagaan ang pakiramdam ko. Kahit pa mukha ng ama niya ang nakikita ko.
“Meron pa akong… hindi nasasabi sa abogado ko at kahit kay Mama…”
“Mi…”
Natabunan ni Xavier ang huling sinabi ni Kara. Binuhat ko ang anak at niyakap. I kissed his cheek and smelled his hair.
“I-I used drugs…”
Tumigil ako sa pagbaby sa anak ko. Pakiramdam ko, tumigil sa pagtibok ang puso ko. Binalingan ko siya at kinunutan ng noo.
“G-gumamit ako. Sumasama ako kina Allen noon sa…”
“Kara!”
Mariin niyang pinikit ang mga mata at kinuyom ang kamao.
“Just for fun—I tried it!”
Yumakap si Xavier sa leeg ko at pinatong ang kanyang pisngi sa akin.
“Eventually… I couldn’t stop using it. Wala akong pinagsabihan niyan. Kahit si Mama walang alam. I think now, the consequence of that sin is coming back to haunt me. T-tulungan mo ‘ko, Ate Aynna.”