bc

The Scandal of Manila (De Silva #7)

book_age18+
3.9K
FOLLOW
95.6K
READ
single mother
drama
actor
like
intro-logo
Blurb

Ito ay istorya ni Anton de Silva. Pangalawang anak nina Reynald at Kristina de Silva.Thank you for supporting this family.

chap-preview
Free preview
Prologue
“Pag may takot ka kay LORD, yan ang simula ng pagiging marunong. Minamaliit ng mga walang alam ang karunungan at disiplina.” – Proverbs 1:7 -- Prologue Aynna Hindi ko malaman kung kaginhawaan… o labag sa kalooban ang pagbabalik ko sa Pilipinas. Noong nasa Adelaide pa ako, gusto kong umuwi dahil malakas pa ang loob. Nahihirapan lang kami roon. Hirap kumita ng pera at wala akong permanenteng trabaho. Ang ipon nasaid sa unang taon ko pa lang. Kung wala sina Lola Olimpia at Papa Lauro, siguro, yagit ang inabot ko. Tinitigan ko ang pumapatak na metro ng taxi. Pinabaunan ako ni Papa ng pera pauwi. Nakatingin ang asawa niya no’ng inabot. Ayaw ko mang kunin ay hindi kaya ng pride ko. Mas kailangan ko ng pera ngayon. Sa bagong panimula rito. Pero… nakalimutan na kaya ako? Nabura na kaya ang nangyari no’n? “Sigurado ka na, Aynna? Isasama mo ang bata?” Kinagat ko ang labi ko. Sumikip ang lalamunan ko. Makailang beses nang tinanong ni Papa iyan. Makailang beses ko rin siyang sinagot ng pareho. “Y-yes, ‘Pa.” I gulped. Isa sa mga rason kung bakit umalis ako ng Adelaide, dahil sa kanyang asawa. Si Tita Belinda. Siguro, ramdam naman ni Papa na hindi ako welcome sa bahay at pamilya niya. Ang dalawang half siblings ko ay mas bata sa akin pero civil kung patunguhan ako. Parang pares ng nag aapoy na mata ni Tita Belinda sa tuwing inaabutan ako ni Papa ng pera para panggastos namin ng anak ko. Kaya kahit hirap, naghanap ako ng trabaho. Nakapasok akong cashier sa isang café. Hindi ko nagtagal dahil ang maliit kong anak ay minamaltrato ng asawa ni Papa. Nag away kami. Sinagot ko siya at nasampal niya ako. Pinakita ko kay Papa ang pasa sa braso ng bata. Nagtalo silang mag asawa. It fueled my determination to go back home. Hindi ko maatim na makasama pa sila roon. Kung kaya ko lang kumuha ng apartment, gagawin ko. Pero sadyang wala pa akong kakayahan na maging independent sa ibang bansa at may kalong na maliit na anak. Tumango si Papa at tinapik ako sa balikat. “Kung gano’n, mag-ingat ka. Ikamusta mo na lang ako sa Lola Olimpia mo.” humina ang boses niya pagkasambit sa pangalan. “At sanay… walang masamang magyari sa ‘yo sa Maynila.” “Yes, ‘Pa.” tanging sagot ko. Ayokong isipin ang mga pwedeng mangyari sa amin pag-uwi. Kahit buhol buhol ang isipan ko kung anong gagawin o paplanuhin pagtuntong pa lang. Masikip at medyo natraffic ang taxi pagkarating ng Tondo. Ang mga batang nagtatakbuhan sa kalsada ay hindi alintana kung may dumaan mang sasakyan. Electric tricycle ang mga nakaparada at nakakatabi namin. Ilang taon lang dumaan pero halos hindi ako nanibago. Sabagay, three years lang. Three years, Aynna. Nagkumahog kang umalis ng Pilipinas three years ago at nagtago sa Adelaide. Umalis akong mag isa, umuwi akong kasama ang dalawang taong gulang na anak. Na unang beses tumapak sa lupang tinubuan ng Mom niya. “Three years…” I mumbled. My throat constricted when memories arise. Did they already forget about it? Am I free to live in my own country? Naalala ko ang mukha at reaksyon ni Liza bago ako umalis. “Pagmamay-ari ba ng mga de Silva ang Pilipinas, Aynna? Bakit kailangan mong umalis?” Nagkukumahog ako sa pag eempake. Sinugod ako ni Liza sa bahay dahil sa sinabi ni Kara. Nag alala siya pero labis ako. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Ayokong maiwan sa bansa na kasama ang angkan na iyon! “Aynna!” Hinila niya ako sa braso. Wala na akong maisip na matino. Hinahabol ko ang oras pati ang paghinga. “Mag-isip ka ngang mabuti!” “Nag iisip ako, Liza, kaya nga ito ang gagawin ko!” mangiyak ngiyak na ako sa takot. “Hindi mo sila kilala. Hindi mo pa sila nakikita. Maraming pera ang mga de Silva. Sa ginawa ko kay Anton… oras lang ang bibilangin at babalikan nila ako!” Bumuhos ang luha ko nang hindi inaalis ang paningin sa manghang mukha ni Liza. Siya ang bestfriend ko at kasamahan sa tiyatro. Ang pinagsasabihan ko. Hindi kay Mama at lalong hindi rin kay Kara. Mula’t sapul, alam niya ang mga pinalano. Pero sigurado naman akong hindi pa niya alam kung anong tunay na nararamdaman ko at ang hidwaan ng puso’t isip ko pagdating kay Anton de Silva. Nanikip ang dibdib ko. Isang sambit lang, tila sinaksaksak ang dibdib ko ng punyal. Isang alaala lang, gumuguho ang mundo ko. “Pero sa tingin mo, ikaw lang ba ang babalikan nila? ‘Andyan si Julian. Pati ang Pulitikong tumulong sa ‘yo para mapakulong mo ulit si Anton. Kung tutuusin, hindi lang ikaw ‘yon, Aynna. Sila ba, aalis din ng Pilipinas, ha?” “Hindi ko alam kay Congressman. Si Julian hindi ko pa nakakausap. Ang abogado ko na ang bahala. Inatras ko na ang kaso.” “Ayun pala, e. Bakit aalis ka pa?” Binalibag ko ang bag sa kama at kusa iyong bumagsak sa sahig. “Maghihiganti sila sa akin! Galit na galit si Kuya Nick, Liza. Hindi siya papayag na walang mananagot sa ginawa ko sa kapatid niya!” Sariwa pa sa isip ko ang nangyari noon. But three years are still short for me. Lalo na may nagpapaalala sa akin tungkol kay Anton de Silva. Hindi siya kailanman nalimutan ng sistema ko. Para ko siyang baun-baon sa Adelaide at tinutusok ako ng konsensya sa tuwing titingnan ko ang anak niya. Parusa ba ito? Hindi ko alam. Pero kung wala ang anak ko sa loob ng tatlong taong iyon, hindi ko maimagine kung anong buhay ang hinarap ko. Kung may katinuan pa ba ako. O baka wala na. Hindi ko agad napansin ang paghinto ng taxi. Kung walang tumamang bola sa bintana ay hindi magigising ang diwa ko. Isang beses akong binalingan ng driver sabay turo sa gate at numero ng bahay na sinabi ko mula Airport. “Magkano…” tiningnan ko ang metro. Pero nagsabi pa siya ng total na babayaran ko. “Ang mahal naman, ho.” I unzipped my handbag and took my wallet out. Medyo nahirapan ako dahil natutulog si Xavier sa balikat ko. Inabot ko ang bayad. Pagbaba ko, nilingon ko ang kinakalawang na gate ng bahay ni Lola Olimpia. Sarado ang front door pero ang sabi may tumatao rito. Hindi lang ako nagpasabi na uuwi. Kinuha ko ang bag na kaya kong bitbitin. Lumapit ako sa gate. May isang baitang na semento ang harap no’n. Nilapag ko ang bitbit na bag sa baitang at tumayo muna. Hinintay kong mailabas ng driver ang dalawang maleta na nasa likuran. “Ito nang lahat, Miss.” Tinuro niya ang mga maleta. Kahit namahalan ako sa pamasahe, sinobrahan ko pa rin ang bayad. Kaya nagtaka ako kung bakit hindi ito agad sumakay ng taxi. Kumunot ang noo niya. Hula ko’y nasa trenta lang ang edad niya. Medyo malaman at maitim ang balat. Bigla niya akong tinuro. “’Di ba ikaw ‘yong babaeng na-TV dati? Famous ka sa balita noon, ah.” Nanghuhula pa ang boses niya pati sa pagkilala. Kinabahan ako. Tumalikod ako at agad na nagdoorbell. “Okay na, Manong. Thank you.” hindi ko na siya tiningnan at nagmamadali akong nag doorbell sa bahay. “Ikaw ba ‘yon, Miss? Ang lakas mo noon, ah. Nagawa mong magpakulong ng de Silva. E, makapangyarihan at mayaman ang pamilya na ‘yon, ah. Buti nakauwi ka pa ng Pilipinas nang buhay?” “Aling Corazon!” sumigaw na ako sa gate para malayuan itong taxi driver. Bahagya pang tumawa ang lalaki. Lumapit siya sa gilid ko at dinukot ang cellphone sa bulsa ng pantalon. “Pwedeng magpaselfie, Miss? Ang ganda mo pala!” He asked like as if I’m a celebrity or what. Hindi ako makapaniwalang hihingin niya iyon. “Hindi po pwede.” “Sige na. Isa lang, oh.” Umiling ako ulit. Pero kahit ginawa ko iyon, tinapat niya ang camera. Dumikit nang kaunti. Hinawakan ko ang likod ng ulo ni Xavier at iniwas ang mukha sa cellphone. Dalawang beses nagclick ang camera niya. My teeth gritted and murdered the doorbell button. “Hindi kita ang mukha mo, Miss. Sayang.” Matalim ko siyang binalingan. Sinigurado kong wala na ang camera niya. “Subukan niyo pa pong kunan kami ng litrato at magsusuplong ako sa pulis.” Imbes na mangilag. Ngumisi pa ito. He started to go back in his cab while staring at me. “Naku, suplong-suplong. Baka nga ikaw ang nagtatago sa Pulisya, e. Nakilala kita, Miss. Ikaw ang may atraso sa pulis kaya hindi mo ‘ko magogoyo d’yan. Dyan ka na nga.” He hopped in driver seat and I watched him leave. Tinitigan ko ang buntot ng taxi na iyon. Nag init ang mukha ko. Pati ang gilid ng mga mata ko. Mariin ang pagkakalapat ng labi ko. I don’t want to feel like it’s a wrong decision to go back home. But more like, I need more strength going back here. Kung ang taxi driver na iyon ay nakikilala pa ako, paano pa ang iba? Ofcourse, hindi lahat. But I could say people who are very much involved and invested to us, would recognize my name and my face. O hindi kaya… gumawa ng paraan ang mga de Silva para masira ako? No. Pero hindi rin posible. Umiling iling ako. Niyakap kong mahigpit si Xavier nang medyo gumalaw ito dahil sa ingay. “Sino ‘yan?” Napaigtad ako nang may magsalita sa tabi ng gate. Nginitian ko ang matandang lumabas. “Aynna? Ikaw ba ‘yan, hija?” “Aling Corazon…” “Susmiyo. Ikaw nga. Nagbalik ka na!” May galak sa kanyang boses na nagdala ng init sa dibdib ko. Nagmanong ako sa kanya pagkabukas ng gate. Pero agad niya akong pinapasok. Tumingin tingin sa kaliwa’t kanan ng kalsada. Tinawag niya ang isang kilalang istambay para magpatulong ipasok ang bag at maleta ko. Pinauna na ako ni Aling Corazon sa loob ng bahay. Wala akong nagawa kundi ang sumunod. “Pasensya ka na. Ito lang ang maiaahin ko muna sa ‘yo. Pero mamaya mamalengke ako. Ano’ng gusto mong ulam?” Binaba ko muna sa lumang sofa namin si Xavier para makadede sa kanyang feeding bottle. Inaantok at pagod kaya hinayaan kong makatulog ulit. Kanina pa humihingi ng pasensya si Aling Corazon. Isang tray na may monay, keso at softdrinks ang hinanda niya. Ngumti ako sa kanya bilang ganting pasasalamat. Pero ang atensyon ko ay nasa litrato ni Lola Olimpia. Maputi ang kanyang buhok at ito ang recent niyang kuha. Puti ang background. Nakangiti siya. Pero ang ngiting iyon ay tila patalim na kumikitil sa puso ko. I wasn’t here when she died. Ang sakit sakit. Na ang tanging taong nag alaga at nagmahal sa akin mula pagkabata ko ay hindi ko nakasama sa mga huling sandali niya. “Lola…” mahina kong tawag sa kanya. She wasn’t here anymore. “I miss you, ‘la. I’m home…” tinitigan ko pa ang kanyang mukha. Bakit kung sino pa ang mahal akong totoo, siya pang unang kinuha sa akin? Nariyan pa si Papa. Nariyan din si Mama. Pati ang kapatid ko. Pero si Lola Olimpia lang ang maituturing kong pamilya buong buhay ko. Siguro… siguro kung wala si Xavier… I might not survive too. My Lola wanted me to save my life. Even if I was almost shattered inside. Kumurap ako matapos maramdaman ang pagtapik ni Aling Corazon sa likod ko. Isang tapik na nagsasabing, okay lang ‘yan. May bukas pa. Go on with your life. Pero ang totoo’y panandalian lang ang ganoong feelings. “Kailan mo dadalawin ang Lola Olimpia mo sa sementeryo? T’yak na matutuwa iyon sa langit kasi nakauwi ka na. Pagkatapos ng tatlong taon mo sa Australia.” “Bukas, ho.” “’Wag kang mag alala. Sasamahan kita.” Binalingan ko si Aling Corazon. Matagal na siyang kasambahay ni Lola Olimpia. Dito pa nakatira sina Mama at Kara ay nagtatrabaho na siya sa amin kaya sigurado akong mapagkakatiwalaan ko siya. Pero, ngayong wala na ang Lola Olimpia, bakit napili pa niyang maiwan dito nang matagal? “Hindi ho kayo kinukuha ng inyong mga anak, Aling Corazon? Wala na ang Lola pero nagsisilbi pa rin kayo sa lumang bahay na ito?” Pinagmasdan ko siya. Simple lang manamit at hindi na naglalagay ng kahit anong kulay sa mukha. Ang kanyang pumuputing buhok ay banat sa French bun. Hinaplos ko ang braso nang lamigin. Saglit kong sinulyapan si Xavier. “Aaminin ko, Aynna. Sinusundo na ako ng mga anak ko rito. Mula nang mawala ang Lola mo, pinaeempake na nila ako. Pero… bago mawala ang Lola Olimpia, hiniling niyang hintayin kita sa pagbalik mo. Siguro, dahil nakikita niyang babalik ka pa. Na mahalaga sa ‘yo ang bahay ng mga San Jose. Ang mama mo naman kasi walang amor dito. Si Kara palaging bitbit niya. Ikaw lang ang inaasahan niyang mag aalalaga ng bahay.” Naintindihan ko iyon. Pero… “Paano ho kayo? Ano ang kinakain niyo rito? Sinong nagbabayad ng bills at nagpapasweldo?” “Ang kainaman naman ng Mama Olivia mo, nagpapadala ng pera sa akin. Sinasabay na niya sa sweldo ko ang panggastos dito. Iyon ang pinagkakasya ko buwan buwan.” Kumunot ang noo ko. Dahil pakiramdam ko ay maayos ang relasyon ni Aling Corazon kay Mama, naupo muna kami. Hindi ko magalaw ang softdrinks dahil kumakalam ang sikmura ko. Kumurot ako ng tinapay. Saka ko nakitang nanginginig na pala sa gutom ang kamay ko. “Wala po akong balita. Pero… bumalik po ba sa showbiz si Kara?” Natigil sa pagsuklay si Aling Corazon sa malambot na buhok ng anak ko. Habang ngumunguya, pinaikot ko ang stand fan. Maayos at malinis ang bahay. Namemaintain niya. Kahit puro luma ang karamihan sa mga gamit. Tulad nitong fan. Naninilaw ang paligid ng pindutan. “Hindi ba kayo nagkakausap ng kapatid mo, hija? Kailan pa?” Pinagdikit ko ang mga tuhod. Malungkot akong ngumiti. PInagmasdan ko ang monay na kinagatan. “Hindi na po. Mula nang umalis ako ng Pilipinas.” “Tatlong taon na kayong hindi nag uusap? E, ang Mama Olivia mo?” Umiling din ako. “Wala po akong kontak kay Mama. Kahit kay Kara man.” Isa iyon sa mga nagpapahirap at dagdag na sakit sa akin noong nasa Adelaide pa ako. I truly wanted to contact them. But I was also afraid that something bad might happen to them. Malaki na ang tiyan ko at natatakot din akong mahanap ng kahit sino sa mga de Silva. Kasi sigurado akong galit sila sa akin. Lalo na ni Anton. My father also prevented me to call them. Kahit sa text. Si Papa ang nagbalita sa aking namatay ang Lola. Kabuwanan ko iyon. Hindi ako nakauwi sa burol niya. Tulala at iyak ako nang iyak. Gumagaan lang ang pakiramdam ko kapag kalong ko ang anak. “Ibig mong sabihin ay hindi nila alam na umuwi ka na?” “Hindi po.” Kumagat ako ulit sa tinapay. Mabigat pa rin ang dibdib ko. Kaya kahit maliit na piraso lang ang nasa bibig ay hirap na hirap akong nguyain. Mas lalo ang lunukin. Kaya sumimsim ako sa baso ng softdrinks. “May bagong karelasyon ngayon si Olivia, Aynna. Kaya magandang maganda ang buhay ngayon ng Mama mo at ni Kara. Nakakapagpadala siya ng sweldo at panggastos dahil doon.” Mabilis akong napabaling sa kanya. “Iniwan na niya si Tito Augusto?” “Matapos ang eskandalo niyo… noon… agad hiniwalayan ni Augusto ang Mama mo. Wala siyang nagawa kasi may asawa na ‘yun. Alam naman nating hindi niya pakakasalan ang Mama mo.” Umawang ang labi ko. Napailing ako. Ano pa nga bang aasahan ko kay Tito Augusto? Siya ang ama ni Kara pero hanggang ganoon lang ang kaya niyang gawin. “Ang bagong boyfriend mo pa ni Mama ay mas okay kaysa sa Papa ni Kara?” “Hindi ko masabi, hija. Siguro. Dahil may posisyon. At saka naibili sila ng bahay sa Cavite.” “Mayaman din naman si Tito Augusto.” “Pero hindi Senador.” “Ho?” “Si Senator Ace Montemayor ang bumili ng bahay para kay Olivia…” Hindi ako nakapagsalita. Kilala ko ang pangalang sinabi niya. Kaya hindi ako makapaniwala. My mother is now involved with a Senator. Alam kong pangarap niya ang marangyang buhay noon pa man. Pero bakit palaging ganito? Bakit ganoon ang pinipili niya? Wala ba siyang natutunan kay Tito Augusto sa ilang taong relasyon nila? “Itong anak mo… sa kanya ba?” Isang beses akong kumurap bago bumaling sa kanya. Banayad na sinusuklay ni Aling Corazon ang buhok ni Xavier. Bagsak na ang bote ng gatas sa tabi. Tumango ako. Nakita niya at bumuntonghininga. “Anong pangalan niya, Aynna?” “Xavier po.” She nodded and stared at my son again. “Xavier… de Silva?” “San Jose. Sinunod ko sa pangalan ko.” Binalot kami ng katahimikan. Hindi ko na nagawang ubusin ang tinapay kaya binalik ko sa platito. Tinitigan ko na lang ang baso. Si Aling Corazon ay tinuon ang pansin sa anak ko. “May pinsan na pala si James ngayon.” She said. I didn’t express any reaction. Hihingin ko kay Aling Corazon ang contact number ni Mama. Gusto ko silang makita. Gusto ko silang kamustahin. Kung sa loob ba ng tatlong taon, ginulo sila ng mga de Silva? “Sina Liza at Julian po, napupunta rito?” “Si Liza… huli kong nakit sa libing ng Lola Olimpia mo. Si Julian, sa burol na. Hindi siya nakarating sa libing.” I sighed. Hopefully, makita at makausap ko rin sila ulit. “Alam mo noong burol ng Lola mo, may isang babaeng pumunta rito. Nakalimutan ko ang pangalan. Pero kilala ni Liza. Natakot kami kasi may mga kasamang bodyguard. Marami. Hinahanap ka niya.” “Ano raw po ang pakay niya sa paghahanap sa akin?” “Sa tingin ko, tungkol pa rin iyon sa eskandalong kinasangkutan ni Anton. Iyon lang naman ang dahilan ng parati kong pagkikita sa mga umaaligid dito noon. Inaabangan ka nila kung babalik ka sa burol ng Lola mo. Nang sabihin kong hindi ka darating, tahimik ding umalis ang babae. Kasunod niyang dumating ang matangkad na lalaki. Dinig ko, asawa yata.” “Maputi po ba?” “Oo! Sobrang puti. Tapos ‘yung asawa dark ang balat. Para nga silang kape at gatas na dalawa. Ang dilim pa makatingin nung lalaki sa amin. Ni hindi ko nga nadaplisan ng daliri ko ang balat ng asawa niya. Pero kung makatingin ay parang may atraso kami.” Hindi kaya si Yandrei Fronteras iyon? Tulad ng kuya niya, galit din siya sa akin. “Kaya ngayong nasa Pilipinas ka na, magdoble ingat ka pa rin, Aynna. Lalo na… may de Silva ka rito.” Nagulat ako bigla niyang babala. “Po?” Pinagmasdan niya akong maigi. May kaba at takot na hindi mapaghiwalay ni Aling Corazon sa kanyang mata. Ako man, nakakaramdam na pagkabanggit niya sa pamilyang iyon. “Alam naman nating hindi basta bastang eskandalo ang nangyari sa inyo noon. Nakaladkad ang pangalan ni Anton na halos ikasira niya. Tapos bigla kang nawala. Palaging nag aalala sa ‘yo ang Lola Olimpia mo. Kamuntik na niyang ibenta itong bahay para makapagpadala ng pera sa ‘yo…” Sumikdo ang hapdi sa dibdib ko. Kahit umiyak pa ako ngayon, hindi ko na naman mababago ang nangyari. Marahil marami na ring nagbago mula no’n. Pero ang iniwang marka at bunga, dala dala ko. “Ang Mama mo at si Kara, nakahanap ng masisilungan kay Senator Ace. Pero ikaw… umuwi. Dala pa ang anak mo. Anak ng isang de Silva si Xavier, Aynna. Anong mangyayari sa inyong mag-ina kapag nakarating kay Anton na may Xavier?” “H-hindi naman po sigurong…” “Ang dinig ko, may karelasyon na si Anton. Sa isang sikat na artista yata. Sabihin nating maganda na ang buhay niya roon, pero hindi ka ba natatakot na malaman niya ang tungkol sa anak niyo?” I scoffed after I felt the stinging pain in my chest. “Kung may girlfriend na siya, tiyak na hindi na niya papansinin si Xavier, Aling Corazon. For sure, he doesn’t want to have an illegitimate child. Mas pipiliin niya ang maayos na pamilya at ang layuan ako.” “Sigurado ka? Hindi ka ba namamali ng pagkakakilala sa lalaking iyon, Aynna?” Ang totoo ay hindi ko alam. Takot ang nararamdaman ko kay Anton. Kung may pagpipilian ako ay mas lalayo pa ako rito. Pero nahihirapan din ako. At ayokong ipasa ang hirap sa anak ko. Kailangan ko ng lugar, ng bahay at mga taong alam kong makakatulong sa akin. I might try to go back in theater. I will call my friends and ask so I can earn money again. Si Xavier ay ipapakiusap ko kay Aling Corazon. Hindi tulad ni Tita Belinda, may tiwala ako sa kanya. Dito sa Pilipinas, pwede kong mabigyan ng maayos na matutuluyan ang anak ko at makakapagtrabaho ako. Hindi ko kasi iyon kaya kung kina Papa ako. Sa Adelaide, I might neglect my son. And I wanted to avoid that. I needed help. But I know then that my father had helped me a lot. I couldn’t ask for more. Ang tanging balakid ko rito sa Pilipinas, ang dahilan din ng pag alis ko. Ayoko na sanang balikan iyon. Pero hindi ko maiiwasan. Nakilala nga ako ng taxi driver. Paano pa ng mga taong pinakamalapit sa akin? Are they going to treat me like some kind of a funny thing then post on social media for clout? Pwedeng ganoon. And I can’t control that. Ang iniwan kong balakid sa bago kong buhay ngayon ang siya ring bumasag sa katahimikan ng Pilipinas. Naging sentro ako ng balita sa bawat TV network, online sites at chismisan sa kalsada. Kinaladkad ko… at dinungisan ang pangalang kilalang kilala sa bansa. Naintriga rin maging ang International media. Eventhough I am convinced that everything has an end, I also believe that everything has its own time table. Sa pagbalik ko, maaaring mabuhay ulit ang lahat. Maaaring magambala ko ang nanahimik na. May sasama ang loob, may magagalit at mayroon ding mangdededma. Pero hindi ko hawak ang lahat. Gusto ko lang makapagsimula ulit kasama ang anak ko. Sisikapin kong hindi siya makaladkad dito. Sisikapin kong kumilos nang nagtatago sa mga mata nila. Dahil ayokong buhayin ang sakit… at hirap ng loob sa binansagan nilang… ‘The Scandal of Manila.’

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook