“Tapos tatawagin nyo ako, pero di ako sasagot, hahanapin nyo akong mabuti, pero di nyo ako makikita. Kasi ayaw nyong maging marunong, pinili nyong wag sundin si LORD.” – Proverbs 1:28-29
--
Chapter 3
Aynna
Sinalinan ko ng tubig ang baso ni Kara. Nginitian ko siya nang matamis. Tinanong kung masarap ang ulam namin. Nilakasan ko ang electric fan at baka lamukin o mainitan. Kahit binuksan ko na ang bintana. Tapos ay aalog alog kami sa mesa.
Kumuha ako ng manga at nag slice. Pisngi ang kanya at sa akin ang buto. Ganoon na kami dati pa. Ayaw niya kasi nu’ng buto na parte. Nadudungisan siya dahil hindi sanay kumain no’n. But I sliced two mangoes and she only ate two cheeks. She’s on a diet ever since she entered showbiz.
“Ma’am Kara, Babalik na po ako sa sasakyan.”
Nagpaalam si Kuya Gregor sa kapatid ko habang naghuhugas ako ng pinggan. Pinasabay ko siya sa pagkain ng tanghalian namin. Noong una, ayaw niya. Palagay ko nahihiya. Pero napilit ko. Magkakasabay kaming lahat sa munting salu-salo.
“Go ahead, kuya Gregor.”
Hindi na sumagot si Kuya Gregor. Magaan ang mga paa siyang lumabas ng kusina. I continued washing the dishes and suddenly, I heard something click. It’s just a small sound. Almost so sleek. Na-curious ako kay Kara. Binaba niya ang kulay gintong lighter sa mesa, sa tabi ng kulay gintong metal na hugis parisukat. Umakyat ang paningin ko sa mukha niya. Nakatayo siya at halukipkip. Pinatay ko ang gripo at umawang ang labi ko.
“Naninigarilyo ka na pala ngayon, Kara?”
Nakuryoso ako kung kailan nagsimula. Mabilis ding pumasok sa isip kong, baka noon pa. Kasabay noong umamin siyang na-addict sa drugs. Kung saan kasama niya ang ka-loveteam na si Allen.
She jumped a bit. Her lips quivered and took the stick away from it. Like as if, she avoided to swallow that thing. Nag-sway nang kaunti ang sigarilyo nang bigla siyang bumaling sa sala. Sinundan ko ng tingin. Naroon sina Aling Corazon at Xavier. Nanonood ng TV. Lumayo si Kara sa may mesa at lumapit sa pwesto ko.
She nodded a bit. Pero nasa mukhang naguilty din.
“I started probably… six or seven years ago… Hindi naman palagi, ate. Pero… hinahanap hanap kasi ng panlasa ko.”
Umawang ang labi ko habang tinitigan ko siya. I’m not against about it. Pero maaga siyang nagsimulang manigarilyo. Twenty-five pa lang siya ngayon. Dalawang ang taon ang agwat namin pero hindi ako natutong humawak no’n kahit kailan. And during our teen days, bantay-sarado siya ni Mama. Alam kong wala pa siyang bisyo noon. Nagkaroon lang nang lumawak ang kanyang mundo.
I turned on the faucet again and washed the plate. “Nahihirapan kang mag-quit ng sigarilyo?”
Sinandal niya ang puwitan sa edge ng lababo sa tabi ko. Sinuksok ang sigarilyo sa pagitan ng mga labi. Ginilid ko ang mata para pasimple siyang panoorin. Ito ang unang beses na makikita siyang maninigarilyo. Isang pagkakataon ito na makilala marahil ang kapatid ko na hindi pa niya napapakita sa akin dati. Nagbaga ang may sinding stick sa ulo. Tapos nilayo niya. Bahagyang tumingala at saka binuga ang kulay puting usok.
Naiwan ang paningin niya sa taas ng ere. Pinapanood ang paglayo, pagkawatak watak at paglaho ng usok sa hindi malamang dimension.
“You can say that. Parang si Mama, ‘di ba? Hirap ding tumigil sa pagyosi. Kaya niya isang kaha isang araw noon. Tapos ngayon, she’s collecting juices for her vape.”
Hindi ko gusto ko iyon. May ilang beses kong pinaalalahan si Mama na bawasan ang bisyo niya.
“Pero bakit ikaw, ate Aynna? Never kang tumikim ng sigarilyo?”
“Hindi ko gusto. Saka, masisira ang boses ko.”
“Ahh… nagtitiatro ka nga pala. You can act, sing and dance perfectly on stage. But our mother never try to help you and enter showbiz.”
“Wala naman akong balak pumasok sa TV o Movie man. Ramdam ni Mama ‘yun.”
“You’re the perfect daughter. But then…”
Agad kong pinatay ang gripo. Humina ang boses ni Kara at bumaba sa sahig ang mata niya.
“Hindi ako perfect, Kara. Bakit sa tingin mo kailangan kong gawin iyon kay Anton, ha? Bakit ako nagrebelde? Kung perfect ako, sana maganda ang career ko ngayon. Sana nakapag asawa ako ng kung sinong lalaki na kaya akong bilhan ng malaking bahay o sasakyan. Baka nga tumira pa ako sa ibang bansa.”
Nilingon niya ako at pinagparte ang labi. Lumamlam ang mga mata habang inaarok ang akin na medyo naghasik ng inis.
“I’m sorry, ate…”
“Look, Kara… ‘Wag mong ibaba ang sarili mo. Dahil lang sa nangyayari sa buhay ko ngayon.”
She opened her lips wider. Indicating that she wanted to say something but I won’t let her.
“I’m okay. I’m fine. I’m starting over and I’m very grateful with what I have right now. Oo, iba na ang buhay ko ngayon pero may anak na ako. May Xavier ako na kailangan ng ina. Kakayanin kong maging ama rin niya sa abot ng makakaya ko. At ikaw… you must fight. You must stay alive. Make it your obligation and goal for James. Kung palagi mong iisipin ang mga pangit na naganap sa ‘yo, paano na ang anak mo? Makakalimutan mo na?”
Umapaw ang luha sa gilid ng kanyang mata. Suminghap si Kara at nag iwas ng tingin. Pinunasan niya ang pisngi.
Niyakap ko siya nang mahigpit at pinikit ang mga mata. “Tutulungan kita. Sa kahit anong paraan, tutulungan kita.”
“H-hindi ka na aalis ulit? Paano si… Anton at Xavier?”
I bit my lip and for a short moment, I imagined them together. Pero kong inayawan ang imahe isip.
“Akong bahala sa anak ko. Pagdating kay Anton… sisiguruduhin kong hindi niya malalaman ang tungkol sa bata. Kaya mangako ka, Kara, na hindi mo ito ipapaalam sa kanya. Mangako ka.”
Hinawakan ko siya sa mga balikat. Lumuluhang tumango ang kanyang mukha at kumapit sa braso ko.
“I-I promise, ate Aynna.”
I stared at her straight in the eyes. “Kahit sino sa mga de Silva, walang pwedeng makaalam ng tungkol sa kanya, Kara.”
She pinned her lips and after that she nodded firmly. Mariin kong tinitigan ang mga mata niya. Alam kong matatago niya ito. Hindi niya ako bibiguin. Siguro, nababaitan siya ngayon kay Anton dahil binigyan siya ng trabaho sa kumpanya nila. Okay lang iyon. Basta… huwag lang umabot sa kanya ang tinatago ko.
Ginabi na siya sa bahay. At kung hindi siya hinanap ni Mama sa driver, wala pang balak na umalis ng kapatid ko.
Pinatay niya ang cellphone niya pagpunta rito.
Hinatid ko siya hanggang sa labas ng gate. She kissed Xavier and promised to come back with her son James. Hindi ko na binuhat si Xavier paghatid kay Kara dahil mahamog na. Iniwan ko ulit sa sala kasama si Aling Corazon.
Naghihintay na ang bukas na pinto ng kanyang sasakyan at ang driver ay nakatayo sa tabi no’n. Nakakapit si Kara sa braso ko. Kung hindi lang mag uusisa si Mama, malamang hindi ito uuwi.
“Pwede ko bang sabihin kay Mama ang tungkol kay Xavier o… ikaw na lang ang magsabi?”
Sandali akong napaisip. Siguro, tulad ng napag usapan namin ni Aling Corazon, mas mabuting huwag na muna. Umiling ako.
“Mahirap na. Baka biglang masabi ni Mama kay Anton kapag nagkita sila.”
Ngumiti si Kara. Pagkatapos naming mag usap kanina, kahit kaunti ay umaliwalas ang mukha niya. Namumugto ang mga mata pero masasaganap sa kanyang katawan na may nabawas na dala-dala.
“Take care of yourself, too. Please, Kara.”
Hinawi ko ang nagulong hibla ng buhok. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil.
“Uh, wait lang, ate. May nakalimutan akong ibigay sa ‘yo…”
She aggressively opened her bag. I tilted my head and waited. Isang beses akong kumurap. Nasisinagan ng ilaw ng poste ang kulay puting sobre na nilabas niya. Kinuha ni Kara ang kamay ko para ipatong iyon.
“Ano ‘to?”
She smiled sweetly and shyly. “Para sa ‘yo, ate Aynna. Alam kong kailangan mo ngayon ‘yan. Lalo pa… balak mong magsimula ulit.”
Hindi ko binuklat ang laman ng sobre. Nararamdaman ko na iyon. Ang makapal at aninag ng mga papel. Pati sa kanyang salita.
“You don’t have to this. Binigyan ako ng pera ni Papa Lauro.”
“Alam ko, ate. Pero ‘wag mo nang tanggihan. Kailangang kailangan mo ngayon ‘yan at para na rin sa pamangkin ko. Ipangsimula mo ng tindahan ni Lola Olimpia.”
I uncomfortably shifted my feet and offered it back to her. “Kara-
“Buy a new phone, too.”
Agad siyang sumakay sa naghihintay na sasakyan. Nilingon ako. Kinawayan at nginitian.
“I am helping you back, ate Aynna. Hayaan mo akong makabawi sa lahat. Sa ‘yo at kay Xavier. I love you, ate!”
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko habang nasa kamay ang matabang sobre. Kumaway ako sa kanya. Yumuko ang driver bago sinarado ang pinto. Binaba ni Kara ang bintana.
“Baka may makakilala sa ‘yo. Ibaba mo na.”
Nakangiti akong kinawayan ng kapatid ko. Napangiti rin ako.
“Babalik ako rito, ha? Isasama ko si James.”
“Anytime, Kara. Mag-ingat kayo sa byahe. Love you.”
Lumiit ang mga mata niya sa pagngiti. I know then, napagaan ko ang nararamdaman niya. Iba na ang itsura niya kanina nang dumating siya. Sinundan ko ang pag-alis ng sasakyan. Nang mawala, saka ako bumuntonghininga ulit. Tiningnan ko ang sobre. For Xavier, yes. I can do anything for my son.
Sinarado ko ang gate pagkapasok ko. Pinuntahan ko ang tindahan. Wala na ang mga lumang appliances na nailabas ko. Sa tulong ni Kuya Gregor, nadispose na. Tumulong din ang kilalang kapitbahay ni Aling Corazon kaya lumuwag na sa tindahan. Bukas, maglilinis ako ulit at bibili ng pintura. Pagagandahin ko ang naiwang pamana ni Lola Olimpia. Naisip kong, mas palakihin pa ang tindahan. Kung hindi man dito sa Maynila, kahit sa ibang lugar. Pero masaya akong mas magaan ang buhay namin dito kaysa sa kina Papa Lauro pa kami.
Nilock ko ang pinto ng tindahan. Tumumba ang dustpan na nasa gilid. Pinulot ko at tinayo. Nagpagpag ako ng mga kamay. Tapos ay kinuha sa binabaan ko ang sobreng galing kay Kara.
Dalawang beses akong humakbang papunta sa pinto ng bahay. Hindi mabilis ang paglalakad ko dahil panatag ako sa katahimikan ng paligid. Ang mahihinang ingay na malapit ay mga pag uusap at ugong ng sasakyan. Pero mas bumagal ako sa pangatlong hakbang. Kumunot ang noo ko. Tila hinihila akong bumaling sa gate.
Wala akong nakita roon maliban sa sementadong daanan sa labas. Single gate ang bahay at puro pader na ang bakod. Tumitig ako sa labas. I even tilted my head a little bit. I am questioning myself why. Tumagal ang titig ko. Unti unti kong nararamdaman ang pagnuot ng lamig sa butas ng balat ko. Kumakaripas sa pagtibok ang puso ko. Na para bang…
“Sinong tao d’yan?”
Isang beses akong humakbang. Bumaling ako sa pinto ng bahay. Sarado. Nasa loob sina Aling Corazon at Xavier. Tiningnan ko ulit ang gate. Naririnig ko na ang puso ko. Pinigilan ko ang paghinga.
Naniniwala ako sa multo. Naniniwala ako sa mga kaluluwang nagpaparamdaman dahil hindi matahimik. Pero mula pagkabata, hindi naman nagparamdam sa akin si Lolo Von. Magpaparamdam kaya si Lola Olimpia?
“May… tao ba d’yan?”
Mas maingay pa ang dibdib ko kaysa sa ugong ng mga sasakyan. At naririnig ko ang pagtunog ng buto ko.
Ilang segundo o halos isang minuto akong nakamasid sa labas ng gate. Unti unti akong pumihit pabalik sa bahay. Malalaking hakbang kong tinungo ang pinto. Akala ko, nalock ko pa. Pagkapasok ko, agad kong sinarado ang pintuan at saka nilock ang lahat na pwedeng ilock.
Tumulo ang pawis ko sa sintindo. Nilagay ko ang palad sa tapat ng dibdib ko. Hindi ito takot sa multo o anupamang Supernatural na elemento. Hindi. Kinutuban ako nang masama. Iba sa takot na pang kaluluwa. Higit pa roon ang naramdaman ko. Kaya nagmadali ako papunta sa kwarto at tiningnan ang anak ko.
Sabay lumingon sa akin sina Aling Corazon at Xavier. Pagkakita ko sa inosenteng ngiti ng anak ko, unti unti kong naramdaman ang pagluwag ng dibdib. Lumapit ako sa gilid ng kama para buhatin at yakapin siya.
Pakiramdam ko, nawala ang kaluluwa ko kanina sa baba. Natatakot ko. Bawat minuto ng pagtira namin dito, sumasagi sa isip kong mawawala si Xavier.
Ito ang pinakatatakutan ko sa lahat, ang malaman ni Anton.
Alas seis ng umaga, nakaayos na ako para simulan ang bagong araw. Natutulog pa ang anak ko. Bumaba ako saglit para tingnan ang pwedeng iluto sa kusina kaso naabutan kong nagkakape na si Aling Corazon at nakikinig ng balita sa radyo.
“Magandang umaga po, Aling Corazon.”
Binalingan niya ako. Hawak niya ang sense sa harap ng kalan. May hotdog at itlog sa kawali.
“Ang aga mo naman, hija. Tulog pa ba ang anak mo?”
Nakahanda sa mesa ang pandesal, mga plato at tasa. May laman na ang electric kettle. Pinindot ko para magpakulo ng tubig.
“Tulog pa po. Mayamaya lang magigising na rin po.”
Nilingon ko si Aling Corazon. Hinahango na niya ang piniprito.
“Maupo ka na at kumain dito. Para paggising ng anak mo, may lakas ka na. Siya naman ang asikasuhin pagtapos mo. Buong araw ka yatang maglilinis ng tindahan, ano?”
“Opo. Sa hapon, baka lumabas po ako. Kailangan kong bumili ng pintura.”
“Gusto mo bang samahan kita?”
“Hindi na po, Aling Corazon. Ipapasuyo ko po sana si Xavier sa inyo…”
“Sus. Walang problema. Akong bahala sa anak mo. Pero… malakas na ba ang loob mong lumabas? Baka kailangang may kasama ka sa pupuntahan mo, hija.”
“Kaya ko na po. Sa kabilang kalye lang ang hardware store.”
“O siya. Ikaw ang bahala. Kumain ka na.”
Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng tindahan. Wala nang natirang kalat. Sinako ko lahat ng basura pati mga dating garapon. Kumuha ako ng maliit na notebook at ballpen. Sinusulat ko ang mga kailangang bilhin sa hardware at sa pamilihan. I need hooks and new fluorescent. Hinawakan ko ang estante at medyo niyugyog. Matibay ang pagkakagawa at wala ring mga butas o anay. Pipinturahan ko para magmukhang bago ulit. Ang isang outlet ay maayos pang gumagana. Walang indikasyon na sumindi o anumang bakas ng faulty wiring. Sa tingin ko hindi kailangang palitan. Saka na ako bibili ng extension para rito.
Malalaking square na bakal at tinakpan ng wire mesh ang pinagawang tindahan ni Lola Olimpia. Nilapit ko ang mata sa alambreng. May kalawang na ang ibang parte pero majority, okay pa. Hindi ko nga lang pwedeng balewalain ang kaunting problema at baka mauwi sa mas malaking problema. Sinulat ko sa notebook, “Palitan ang alambre sa tindahan.”
Ang maliit na bintana, okay na okay pa. Dito tinatali ni Lola Olimpia ang lighter. Nilagay ko sa notebook para hindi makalimutan.
Naging totally bared room ang tindahan bago ako naglampaso. Inimagine ko ang mga kailangang idisplay na paninda. Pero kailangang maayos muna ito bago maglagay ng produkto.
Bandang tanghali nang matapos ako sa paglilinis. Bumalik ako sa bahay para maligo ulit. Nasa sala sina Aling Corazon at Xavier. I smiled at them and went upstairs.
Itim na skinny jeans at puting v neck t shirt ang sinuot ko. Tinuyo ko ang buhok sandali. Naglagay ng moisturizer sa mukha at liptint. Tiningnan ko ang laman ng bag at wallet ko. Binigyan ako ni Kara ng one hundred fifty pesos na cash. Malayong malayo sa pinabaon sa akin ni Papa Lauro. Kaya pinag isipan kong maigi ang mga bibilhin para hindi magsayang ng pera. Pinasadahan ko ang mga nilista bago umalis.
Pumunta ako sa kusina at uminom ng tubig. Sling bag lang ang dala ko. Huminto ako sa sala. Dumedede si Xavier. Mabigat na ang mga talukap ng mata. Si Aling Corazon ay nakaupo sa paanan niya.
Sinuklay ko ang malambot niyang buhok. “Alis muna sandali si Mommy, Xavier. Love you, anak.” I kissed him on his nose. Pumikit na ang mata niya pagkatapos. I kissed him again.
“Mag iingat ka, Aynna.”
Tumayo ako at tumango kay Aling Corazon. “Opo. Alis na ako.”
Sa pangalawang araw ng pag-aayos ko sa tindahan, natanggal na sa pagkakapako ang takip sa labas ng bintana. Hindi ko iyon makakaya kahit may gamit na nakatabi sa amin. Kaya nagtawag na ng tutulong si Aling Corazon. Si Adrian. Halos kaedaran ko o matanda sa akin nang kaunti. Namumukhaan ko siya pero hindi ko kilala. Nalaman ko lang na dati na itong suki ni Lola Olimpia ayon kay Aling Corazon.
Nginitian ko siya nang ipakilala siya sa akin. Wala raw pasok sa trabaho. Nang marinig niyang nanghihingi ng tulong si Aling Corazon, siya ang nag volunteer. Pinahiram ko sa kanya ang tool box. Kailangan kong lumabas din para tingnan ang gagawin niya. May mga kapitbahay kaming nacurious sa akin. Lalo na ang mga bata. Pero kilala pa naman ako ng ibang tagarito.
“Gaano kataas, Miss Aynna?”
Umawang labi ko. Natanggal na lahat ni Adrian ang mga pako. Tinataas lang iyon ni Lola Olimpia kapag nagbubukas ng tindahan. Makaluma ang style. Parang bintana ng kubo. Nagsisilbi ring bubong o shed sa sa bumibili ang takip.
“Lagyan mo muna ng tungkod, Adrian. ‘Wag masyadong mataas… kasi magpipintura pa ako.”
Tiningnan ko siya para tumango o magbigay ng signal sa sagot ko. Hindi niya agad inalis ang titig sa mukha ko. Nang magtagal pa iyon, tumingin ako sa tool box. Lumunok at napakamot ng batok.
Tumawa siyang mahina tapos ay pinulot ang dos por dos sa may sementong upuan. Iyong pwesto ng mga umiinom ng alak sa tindahan namin.
“Sorry. Napatagal ang titig ko sa ‘yo.”
Uminit ang mukha ko sa hina ng kanyang boses. I shifted my feet. Pinanood ko ulit ang ginawa niya. Nang matapos, nagpagpag ito ng mga kamay at bumaba para makita ang kanyang natapos.
“Ayos na ba ‘to?”
“Oo. Okay na ‘yan. Salamat. ‘Yung bayad ko-
“Libre na. Magkapitbahay naman tayo.”
“Ay hindi! Nagpahanap talaga ako ng gagawa niyan. Kaya hindi ako papayag na libre lang.”
“Okay lang, Miss. Saka konti lang naman ‘to. Wag ka nang magsayang ng pera mo.”
Sa pagkakataong ito, uminit sa hiya ang mukha ko. Kailangan ko siyang kumbinsihin na tanggapin ang bayad ko. Hindi ko siya kilala. Saka, ginamit namin ang oras niya. Nakakahiya naman kung walang kapalit.
Nilabas ko ang wallet ko. May isang libo at tig one hundred ako rito. Sabi ni Aling Corazon, mga three hundred daw pwede na. Kahit pangkain lang daw.
“Ito oh… ano…”
Inayawan niya agad ang ibibigay ko kahit dumudukot pa lang ako ng pera sa wallet.
“’Wag na, Miss Aynna. Okay lang talaga.”
“Pang meryenda mo na lang ‘to…”
He looks like a boy next door when he laughed. Lumiit ang mga mata niya. Medyo singkit pala siya. Matangos ang ilong at malapad ang balikat. Kumunot ang noo ko. May naalala akong pelikula na may kapareho niya kung ngumiti. Makapal ang pilikmata. Tila bubong ng mata niya at kapag ngumingiti mas lalong nagiging cute.
Napaisip ito. Kinamot ang likod ng tainga habang nakangiti.
“Okay sige. Pero wag na ‘yang pera.”
“Ha? E, anong gusto mong ibayad ko?”
“Hmm… ilibre mo na lang ako ng meryenda. Okay na ako sa sopas.”
Naisip kong parang isang kahibangan ito. Pero nang magtagal ang tingin ko kay Adrian. Kamuntik akong mapailing.
Naalala ko na ang kamukha niya. Iyong namatay sa Pearl Harbor na movie. Iyong iniyakan ko habang katabi si… Anton. Ang celebrity’ng pinagselosan niya kasi sinabi kong crush ko na ang artistang gumanap sa role na iyon. Inagaw niya ang cellphone ko pagkatapos kong i-search si Josh Hartnett online.
Namumula ang mukha niya sa inis. Sinilip niya ang screen ng phone ko. Nawala na ang pagkabasag ng puso ko matapos mamatay si Danny. Nasa Penthouse ako ni Anton. Sa sala niya ako dinala para manood ng movie. S’yempre, ako ang pinapili niya ng papanoorin namin. Hindi ko pa napapanood ng Pearl Harbor kaya iyon ang pina-play ko.
“Akin na nga ‘yan. Anton!”
Mayroon siyang binabasa sa phone ko. Kahit nagawa niyang iiwas ang kamay sa akin, titig na titig pa rin siya sa binabasa niya.
Pinanliitan ko siya ng mata at piningot ang tainga.
“Aww! Babe…”
“Akin na sabi. Bakit mo inagaw ‘to?”
Nabawi ko ang phone ko. Actually, mga pictures lang naman ni Josh Hartnett ang nakita ko. Nagka-crush ako sa kanya pagkapanood ng Pearl Harbor. Hahanapin ko kung may i********: siya tapos ipa-follow ko lang naman. Pero biglang inagaw ni Anton ang phone.
“Why? Babe, you deliberately told me right on my face that you have fallen for that guy.”
“Crush lang ang sinabi ko. Wala akong sinabing na-fall ako sa kanya. Ano ka?”
Inexit ko ang site na nabuksan. Saka na lang siguro kapag hindi ko na kasama si Anton. Ang seloso pala niya.
“That’s almost the same. I won’t let my girl look at another guy or else…”
Mabigat ang mga kamay kong binagsak ang cellphone sa kandungan. Binalingan ko siya at inirapan.
“Artista ‘to, Anton. Sa Hollywood pa. Sa tingin mo papansinin ako nito? ‘Wag kang OA d’yan. Pumapangit ka.”
“I don’t care. I’m jealous.”
Lumiit ang mga mata ko habang tinititigan ko ang mukha niya. Hindi siya ngumingisi o kahit ang mapaglaro niyang mata ay absent ngayon. Kinabahan ako. Parang nagalit o napikon ko.
Hinila niya ako. Sa kaba, hindi ako nakatutol. Alam ko ang kaya niyang gawin at kanyang kasalanan. Kaya nagpaubaya ako. Hindi ako pumiglas o ano namang kilos na hindi niya magugustuhan. Pinaupo niya ako sa kandungan niya. Pinatong ko ang kamay sa kanyang balikat. Pinulupot niya ang braso sa baywang ko habang siya ay nakatingala sa akin.
Nasa ibabaw ng hita ko ang mainit niyang palad. Tumutugtog pa ang ending song ng Pearl Harbor. Dinig na dinig ko rin ang paghampas ng puso ko sa kulungan nito. Bumaba sa labi ko ang mata ni Anton. Halos makalimutan ko kung sino ang taong ito.
He leaned over to kiss my lips. Mababaw na halik iyon. Halos dinikit niya lang para akitin ako.
“I’m jealous, Aynna. Ang ayoko sa lahat… may karibal ako sa babaeng gusto ko.” He looked up to confront my eyes. “Gusto kita. Gustong gusto kita. Kaya ayokong tumitingin ka sa iba.”
Napako ang mga mata ko sa mukha niya. Sa bawat kibot ng labi niya at galaw ng pilikmata ay parang mas lalo akong hinihigop ng agimat nito.
Hinalikan niya ako ulit sa labi. Mas matagal at mas mariin. Humawak ako sa batok niya at medyo kumapit doon. Pakiramdam ko, may bato akong naupuan. Tumatama ang buga ng mainit niyang hininga sa akin.
Nang bitawan niya ang labi ko, lumunok ako. Sinuklay ko ang buhok niya sa gilid ng tainga. Nakatingala lang siya at nakatitig sa akin.
“Anton, celebrity crush lang iyon.”
“Kahit na. Nagseselos pa rin ako. Bawiin mong crush mo siya ngayon.”
Tinaasan ko siya ng kilay. “Seloso ka pala.”
He purposedly tightened his mighty arms on my waist and squeezed me. My lips parted. Halos huminto ako sa paghinga. Nilapat niya ang kanyang palad sa tiyan ko. Kinabahan ako. Bumilis nang bumilis ang t***k ng puso ko. His fingers touched me like a king of the jungle touching his favorite prey. So soft yet very dangerous.
“I am. And you’re mine, Aynna. You’re mine. Hindi ako papayag na tumingin ka sa iba. Baka may gawin akong… hindi mo magustuhan.”
Kamuntik akong suminghap nang lumakas pa ang kalabog ng puso ko. Mula nang makilala ko siya, pakiramdam ko, aatakihin ako sa puso kapag nasa malapit siya. Pero mas lalo na kapag kausap ko siya at pinapakita sa akin kung gaano siya ka-possessive.
“’Wag kang magbiro nang ganyan.”
He didn’t blink but he shook his head once. Nananatiling naka-glue ang paningin niya sa mata ko. Tila pinapaintindi sa akin ang gusto niya.
Dahan dahang bumagsak ang likod niya sa sofa kasama ako. Ang isang kamay ko nasa batok niya. Tinungkod ko ang isa sa kanyang dibdib. Naliliwanagan ang mukha niya ng cove lights at iyon lang ang tanging bukas na ilaw, bukod sa liwanag na galing sa malaking flatsreen TV sa Penthouse na ito.
He looked like a model from the painting. Inaantok ang kanyang mata at nakaawang ang labi habang nakatitig siya sa akin. Gumapang pataas ng likod ko ang palad niya. At gumapang ulit pababa. Wala akong maramdamang indikasyon na pakakawalan niya ako. He stared at me like as if he’s about to worship me. Hinahaplos niya ako sa paraang hinahaplos o hinahasa ang paboritong armas. O isang tropeyong matagal mong inasam.
Handa na akong tumayo. Magbiro at sabihing nauuhaw ako. Pero hinawi ni Anton ang kumawalang hibla ng buhok ko. Masuyo niyang tinabi sa likod ng tainga ko. Parang haring sobrang yaman at sikat na hinawi ang kurtina ng bintana sa palasyo, para pagmasdan ang kanyang nasasakupan.
He tilted his head a little bit and continued staring at me. Titig na titig siya sa labi ko. I parted my lips. He gulped and looked up at my eyes. Matapang ko siyang tinitigan bago niya binaba ulit sa labi ko ang mata. He looked thirsty again. Bumilis ang paghinga niya. Maging ako man. At bago pa ako magbago ng isip, sinalubong ko ang labi niya.
Napapikit ako at igtad sa malakas na busina galing sa likod ko. Ang mga taong naglalakad pati ang mga batang naglalaro sa kalsada ay nagsitabi sa gilid para hindi masagasaan ng paparating na sasakyan.
Suminghap ako. Hinila ako ni Adrian paakyat ng isang baitang sa tindahan. Sumunod ako sa takot. Mabilis na dumaan ang itim na sasakyan na parang may hinahabol na kung ano. Lahat ng mga nakakita, pati kami, ay sinundan ng tingin ang lumagpas na sasakyan.
“Akala mo hari ng kalsada. Alam nang maliit ang daan, tsk, tsk. Ayos ka lang ba, Miss Aynna?”
Yumuko si Adrain para tingnan ako. Nilamig ako. Hinanap ko ang hininga para mapakalma ang sarili. Mula sa sasakyang dumaan at sa naalala.
“O-okay lang.”
“Mabuti pa, pumasok ka na sa bahay niyo. Maghihintay na lang ako rito,”
“Huh?”
Umawang ang labi niya. Medyo may pagtataka akong tiningnan. Nang maalala, hilaw ko siyang nginitian at saka ko tinuro ang bahay.
“Ahm… sige. Ikukuha kita ng pangmeryenda mo. Check ko kung luto na ang sopas ni Aling Corazon.”
Tumalikod ako at malalaking hakbang na pumasok sa gate. Hinilot ko ang batok. Tila tinutupok ng apoy kanina ang mukha ko at binuhusan din ng tubig pagkarinig sa malakas na busina ng sasakyan. Nag alangan akong kausapin si Adrian. Ang gusto ko ay magtago hanggang sa ma-drain ang umaapaw na alaala ng nakaraan.