“Sumisigaw sa kalsada ang karunungan, tumatawag nang malakas sa gitna ng bayan. Sumisigaw sya sa sentro ng bayan, sa mga lugar na maraming tao: “Kayong mga walang alam! Hanggang kelan nyo gustong maging ganyan? Hanggang kelan nyo pagtatawanan ang karunungan? Ayaw nyo ba talagang matuto?”” – Proverbs 1:20-22
--
Chapter 1
Aynna
Taimtim akong nanalangin nang tuloy tuloy. Kasabay ang mahihinang huni ng mga ibon at lagaslas ng mga dahon sa mamatayog na puno. Para bang sinamahan nila ako dahil unang beses kong makita ang lapida ni Lola Olimpia San Jose, bumuhos kaagad ang luha ko.
Sumalampak ako sa damuhan, binagsak ang mga kamay sa lapida at umiyak nang walang preno.
Iniyakan ko ang pagkawala ni Lola noong nasa Adelaide ako. Noong nagtatago ako at pinagbubuntis si Xavier para hindi malaman ng mga de Silva, si Lola Olimpia ang tanging tumulong at sumuporta sa akin na galing Pilipinas. Ang Lola Olimpia ang tunay na nagpalaki at umaruga sa akin. Pero noong panahong dapat na nasa tabi niya ako, wala ako.
I was so desperate to leave and to escape. I feared for my life. And for the first time, it forced me to leave her and Manila because of what had happened.
“L-lola Olimpia… Nandito na po ako… Lola…”
Pinipilit kong kausapin siya pero kinakain ng hikbi ko ang bawat letrang lumalabas sa bibig ko. I can’t control my feelings. Tila naipon sa balon ang luha ko. Walang ampat.
Walang katao tao sa paligid. Maliban sa anak kong inosenteng naka-squat sa di kalayuan at hinihila ang nakikitang damo.
After my solemn prayer, I feel calmer. Dati, nababasa ko lang ang pangalan niya sa waiver, Identification Card at Report Card bilang guardian ko. Ngayon… hanggang dito sa lapida ko na lang mababasa ang pangalan niya. Hanggang litrato ko na lang makikita ang ngiti niya. At sa mga lumang video ko na lang maririnig ang boses niya.
“’La… hindi ko po kinayang manirahan sa Australia. Nahihirapan po akong buhayin doon ang anak ko. Ang hirap pong… makitira sa tahanan ng mga taong hindi kami tanggap.”
I told her the first few months under the roof with my father and his family. Kung si Papa Lauro, walang problema. Gusto niyang bumawi sa mga pagkukulang niya. Kaya tinanggap niya ako at ang anak ko dahil sa gap na meron kami. He was a former sexy actor like my mother. Maagang nabuntis si Mama at bata pa silang pareho ni Papa.
Pero hindi pa ako nag iisang taong gulang, naghiwalay na sila. Pinaalaga ako kay Lola Olimpia para makapagtrabaho ulit sa showbiz si Mama. Kaso nag iba na ang mundong ginagalawan niya pagkapanganak sa akin.
“Nasanay po ako na ikaw ang kasama ko, ‘La. Bawat problema, kayo ang takbuhan ko. Paano na po ngayon? Wala ka na. Wala rin sina Mama at Kara. Paano ko po mapapalaki nang maayos ang anak ko kung walang gabay ninyo…”
Umihip ang malamig na hangin. Binalingan ko si Xavier dahil tinawag niya ako. Narinig ko pa ang pagbungisngis niya na tila may kinatuwaan.
Umawang ang labi ko dahil may taong kumakausap sa kanya. Naka-squat ito sa harap ni Xavier na nakatalikod naman sa akin. Naharangan niya ang mukha ng taong iyon.
“Anak,”
Bata pa siya. Malikot at curious sa lahat ng bagay at taong nakikita. Iilan pa lang ang salitang nasasambit niya pero kapag hindi kilala ang taong kaharap, hinahanap niya agad ako. Iyong kausap niya ay hinawakan siya sa mukha. Nakasuot ito ng kulay gray na slacks at white longsleeves. Nakatiklop ang magkabilang sleeves sa siko. He has silver watch and a necklace…
Kumalabog ang dibdib ko.
“Xavier come here!” sigaw ko. Pero hindi ko pinahalatang natatakot ako. Kahit ganoon, hindi ko rin magawang iangat ang mga paa para takbuhin ang anak ko. Palayo sa lalaki.
Binalingan ako ni Xavier. Tiningnan niya ako na tila nawalan ito ng reaksyon. Pero bakit ganoon? Sa pagbaling niya, unti unti kong nasilayan ang mukha ng taong kumakausap sa kanya.
“A-Anton?”
Mula sa pagngiti sa anak ko, nilipat niya ang mga mata sa akin, mabilis na nalusaw ang kabaitang pinapakita nito. Para bang pagkakita sa mukha ko naging delubyo ang paligid niya. Tumalim ang mata. Dumilim ang mukha at nagtagis ang bagang. Para bang gusto niya akong sunugin sa titig pa lang niya.
Namalayan kong umaagos na ang luha ko sa pisngi ko.
“’Wag, Anton. Please…”
Tila tinali ng ugat ng puno ang mga paa ko sa lupa. Kinuha ni Anton si Xavier. Galit na galit sa akin.
“Pinagkait mo ang anak ko, Aynna.”
Tinalikuran niya ako at malalaking hakbang na nilapitan ang isang itim na sasakyan. Humabol ako sa kanila. Kahit kasing bigat ng bato ang paa ko. Pinasok ni Anton si Xavier sa sasakyan. Pumapalahaw ang anak ko. Tinatawag ako at humahabol sa akin.
Pero wala akong magawa. Hilam ang mukha ng luha. Sumakay si Anton sa harap. Umabot ako sa bintana niya at pinaghahampas ang salamin. I could see him inside. Tuwid ang upo at sa harap lang ang mata. May kasama siya pero hindi ko makilala.
“Ibalik mo ang anak ko, Anton! Anton! Please! ‘Wag mong kunin ang anak ko!”
I shouted even though it was so hard to do it. I cried endlessly. Paulit ulit kong hinampas ang salamin at pinilit kong buksan ang pinto.
“Xavier! Xavier! My baby!”
I could read my son’s plea to be with me. Pero walang pinakinggan si Anton. Biglang umandar ang sasakyan at pinaharurot ito papalayo.
“Anton!!” tumakbo ako sa likuran. Parang nilipad ng hangin sa tulin ang pagmamaneho. “Ibalik mo ang anak ko, Anton!!”
Hindi ako tumigil sa pagtakbo. Kumulilim ang langit. Nalagas ang mga dahon. Naging malubak ang sahig. Pakiramdam ko ay nalulunod ako.
“Anton… Anton…”
He was so mad. He was so furious. Hinding hindi niya makakalimutan ang eskandalo. Mawawala ang anak ako dahil doon.
“Aynna?”
Bumagsak ako sa sahig. Paliit nang paliit ang itim na sasakyan. Kinuha ni Anton si Xavier. Kinuha niya ang tanging bumubuhay sa akin ngayon. Daig ko pa ang pinatay. Higit pa sa pagpatay ang ginawa niya.
“Anton…”
“Aynna? Aynna…”
Pasinghap akong dumilat at naghabol nang hangin. Tila isang tunnel ang pinanggalingan ko kaya hingal na hingal at hindi mapirmi ang sumsikdong puso ko. Napahawak ako sa kumot at balikwas. Nakita ko si Aling Corazon na nakatayo sa paanan ng kama. Namumutla at hindi mapakali.
“Narinig kong umiiyak ka kaya ginising na kita, hija. Binangungot ka ba? Basa ang mata mo,”
Isang beses akong kumurap. Naramdaman ko agad na basa ang paligid ng mga mata ko. Tiniklop ko ang hintuturo para punasan ang corner ng mata ko. Kanina, parang isang baldeng luha ang nilabas ko. Pero paggising ko, basa ang paligid ng mata ko. Ang pilikmata ko ay mabigat dahil doon. I really cried while sleeping.
Umawang ang labi ko. Inulit ko ang pagpunas at mas lalo ko iyong nakumpirma.
Panaginip lang iyon, Aynna. Isang masamang panaginip.
Tiningnan ko si Xavier sa tabi ko. Inunahan ako ng takot nang makitang wala siya sa tabi ko.
“Si Xavier po?”
“Nasa baba at nanonood ng TV.”
“Po? Iniwan niyo mag isa sa baba?”
“E, kasi naririnig kong umiiyak ka kaya umakyat ako.”
Binalibag ko sa kama ang kumot at kumaripas ng takbo kahit hindi nakikita kung anong itsura ko. Nakasuot ako ng maiksing shorts at malaking t shirt. Nagmamadali ako sa hagdanan. Naririnig ko ang sound ng TV. Paglanding ko sa huling baitang, nakita ko si Xavier na nakatayo sa tabi ng center table. Hawak ang laruan niyang truck pero ang atensyon ay nasa palabas sa TV.
Nandito lang siya. Hindi kinuha ni Anton ang anak namin.
Tila ang mabigat na dumagaan sa dibdib ko nahawi pagkakita ko kay Xavier. Lumapit ako sa kanyang tabi. Binuhat at niyakap nang mahigpit. Pinugpog ko ng halik ang pisngi niya. Sinuklay ko ang malambot niyang buhok at buong pagmamahal siyang tiningnan.
“Hindi ko makakaya kapag kinuha ka niya sa akin. I love you so much, son.” I whispered.
He only giggled and showed me his truck. Niyakap ko ulit si Xavier sa paraang nangungulila ako sa kanya at miss na miss siya. Kaakibat ng pag-uwi ko sa Pilipinas ang threat na iyon tulad ng nasa panaginip ko. Maybe my subconscious mind is telling me the fear that I don’t want to acknowledge. Or fear that looming secretly inside me. Kaya tama si Papa Lauro at Aling Corazon. Pagkatapos ng scandal, hindi dapat ako magpakakampante. Mamumuhay kaming tahimik pero vigilant sa maaaring mangyari sa amin dito.
Umuwi rin ako dahil alam kong mas magaan ang paraan ng pamumuhay namin sa Pilipinas. May bahay kami. Nariyan pa si Aling Corazon. Ang natitirang pera sa bigay ni Papa Lauro pwede kong pasimula ng negosyo. Tama. May Sari-Sari store si Lola Olimpia noon. Pinagawa niya ang pwesto sa tabi ng gate sa labas. Sakaling mahirapan akong makabalik sa tiyatro o ibang pwedeng pasukan, sa tindahan pwede kong paikutin ang pera. Hindi malaki ang kita pero nasa bahay ako kasama si Xavier. Mababantayan ko siya habang kumukita rin kahit papaano.
Sinamahan kami ni Aling Corazon sa Manila North Cemetery. Hindi na ako nagsayang ng oras pagkagising. Hinanda ko ang sarili at si Xavier papunta rito.
May dala pa ring hapdi sa dibdib pagkakita ko sa libingan ni Lola Olimpia. Hinaplos ko ang pangalan niya. Inalala ko ang nakangiti niyang mukha pati ang kanyang itsura sa tuwing pinapagalitan niya ako. Malikot at pasaway ako noon. Pero sa kanya, ang pasensya ay parang unlimited.
Nakaluhod ang isa kong tuhod sa harap ng libingan. Ang maliit kong anak ay kuryoso sa paligid. Nilagay ko ang isang kamay sa baywang niya at tinuro sa kanya kung sino ang dinalaw namin.
“Xavier, she is my grandmother. My Lola Olimpia. Siya ang nag alaga sa akin, anak. At siyang tumulong para makapunta tayo kay Papa Lauro s-sa Australia…” my voice cracked and I couldn’t continue the agony I had bottled in my heart. Ayaw kong nakikita ni Xavier na umiiyak ako. Kahit siya ang lakas ko, ayaw kong makita niya ang kahinaan ko sa musmos niyang gulang.
Sa tabi ng bulaklak na inalay ko, nagtirik ako ng kandila at umusal ang panalangin.
Thank you, Lola Olimpia. Thank you for loving me. Thank you for everything, ‘La. Mahal na mahal po kita.
Binalik ko ang sombrero sa ulo ni Xavier tapos binuhat ko sabay sa pagtayo ko. Nilinis ni Aling Corazon ang ibabaw at paligid ng puntod ni Lola. Babalik kami rito. Babalik kami sa birthday niya, sa araw ng mga patay, sa Pasko at bawat taon ng mga okasyon na iyan. Hindi ko kailanman makakalimutan ang taong hindi umalipusta sa pagkatao ko.
May tao akong naririnig malapit sa kinatatayuan namin kaya tumingin ako kay Aling Corazon. Wala akong suot na sombrero o anumang pang disguise. Pero hangga’t maaari ay babawasan ko ang makalapit sa mga taong hindi ko kilala.
Nahihirapan ako sa parteng iyon. Lalo kapag nagsimula akong magnegosyo. Pero kung makikilala ako, dapat hindi si Xavier.
“Akin na ang bata, Aynna.”
Pinabuhat ko ang anak kay Aling Corazon. Ganoon din ang ginawa namin pagbaba ng sasakyan. Hindi na ako lumingon lingon sa paligid at nilisan namin ang sementeryo.
Naiwan kami ni Xavier sa bahay pagkauwi. Namalengke si Aling Corazon at iniwan sa akin ang cellphone niya. Wala na akong cellphone mula nang mapadpad sa Adelaide. Bilin ni Papa Lauro, putulin ko ang anumang koneksyon sa Pilipinas. Kaya siya ang nakakausap noon ni Lola Olimpia at tumatanggap ng perang pinadala.
Pinayagan ako ni Aling Corazon na gamitin ang cellphone niya. Nilista ko sa mini notebook ko ang number ni Mama. Para sakaling makabili ng phone, may numero na niya ako.
Nilingon ko si Xavier na ngayon natutulog sa sofa. Bukas ang TV pero mahina ang volume. Nakatulugan niya ang panananood. I dialed my mother’s number and make a phone call.
Diniin diin ko ang kuko sa daliri habang naririnig ang ring sa linya. Medyo matagal bago naputol. Halos bumaba ang kaba ko.
“Corazon? Napatawag ka,”
Bumalik ang kaba ko. Pero kabang may halong ngiti sa labi pagkarinig sa boses ni Mama!
“M-ma…”
Nirehearse at pinulit ulit ko pa ang mga salitang ibubungad ko kay Mama. Pero lahat ng iyon ay hindi lumabas sa bibig ko. Nagmistulan akong batang nangungulila sa ina at hinahanap hanap ito. Nanginig ang boses ko. I loved my grandmother but my mother still has a place in my life.
“Sino ‘to?”
Lumunok ako. Nanginig ang boses ko kaya siguro hindi ako nakilala. Pero ako at si Kara lang naman ang anak niya. Kaya…
“M-ma… Si Aynna po…”
“Aynna? Bakit tumawag ka?”
Naramdaman ko ang takot sa kanyang tono. Pero gusto kong sabihing, hindi. Excitement iyon. Matagal kaming hindi nagkita ni Mama. Alam kong namiss niya rin ako.
“Teka, teka. Number ‘to ni Corazon. ‘Wag mong sabihing nasa Tondo ka ngayon? Nasa Pilipinas ka na?”
“O-opo, Ma. Kauuwi ko lang kahapon.”
“Susmiyo… bakit bumalik ka pa? Dapat hindi ka na umalis sa puder ng ama mo.”
Lumunok ako. “Pwede ko po ba kayong makita? Kayo nina Kara at James? Pupuntahan ko po kayo d’yan?”
“Ay nako. Magtigil ka. Hiyang hiya ako sa ginawa mo tapos ang lakas ng loob mong magpakita sa amin ng kapatid mo. Hoy, Aynna, katakot takot na pagbabanta at kahihiyan ang inabot ko sa ‘yo. Muntik na ngang matuluyang hindi makabalik sa showbiz si Kara dahil kagagahan mo. Mantakin mong malaking tao ang kinalaban mo. O ano ka ngayon? Saan ka pupulutin? Wala kang pera, ano?”
For a short moment, I was speechless. Inasahan ko namang masasakit na salita ang maririnig ko kay mama pero parang hindi pa rin ako handang marinig na ganito nga ang sasabihin niya.
Ni hindi niya muna ako kinumusta. Wala pa akong nakukwento pero tinataboy na ako ng sarili kong ina.
“Ma… magkita po tayo, please. Ipapakilala ko po sa inyo ang a-
“Hays stop it, Aynna! Maayos na kami ng kapatid mo. Kung nagtataka ka kung paano siya nakabalik sa showbiz, well, si Anton at Ysabella mismo ang tumutulong sa kanya ngayon. Alam mo bang si Anton pa mismo ang nag alok ng kontrata sa istasyon nila kay Kara? Ang ganda ganda ng kontrata niya. Puro bigating project ang binigay sa kanya ni Anton at ng Kuya niya. Kaya napakalaking kahihiyan ang ginawa mong paninira roon sa tao. Nakalimutan ka na namin kaya wag kang manggulo.”
“Ma… ‘di ba si Kara naman ang unang nanira kay Anton? Ginawa ko lang ‘yon kasi-
“Sisisihin mo pa ang kapatid mo pagkatapos ng pinagdaanan niya, Aynna?”
Bumagsak ang mga balikat ko. “Hindi po sa ganoon, ma.”
“Wala kang kwentang kapatid! Naturingan kang panganay, ikaw pa ang sumira sa amin! Ang kapal naman ng mukha mong tumawag. Kung manghihingi ka ng pera, deretsuhin mo na lang ako. Pero wag ka nang magpapakita sa amin ng kapatid mo!”
“Is it Ate, Ma?”
Tila nabuhayan ako ng loob pagkarinig sa boses ni Kara. Pero bubuka pa lang ang labi ko para sambitin ang pangalan niya, binaba na ni Mama ang linya. Tumawag ako ulit pero hindi na siya makontak. Tinitigan ko na lang ang cellphone sa kamay ko at walang magawa kung paano bubuhayin ang loob pagkatapos ng usapan namin.
Mabuti naman at maganda ang estado ngayon ni Kara. Malalaking pangalan sa industriya ang tumutulong sa kanya. Siguro, pwede ko ring isipin na hindi sila pinagmalupitan ng mga de Silva kung tumutulong si Anton sa kanya. But the shame will never forgive by mother.
Gusto ko lang naman silang makita. Gusto kong ipakilala sa kanila ang anak ko. Gusto kong malaman kung maayos sila sa buhay ni Senator Ace. Iyon lang naman. Hindi pumasok sa isip kong manghingi ng pera o ano. Pero ang kamustahin sila pagkatapos ng tatlong taon ang gusto ko.
Kahit kailan, hindi ko magagawang magalit kay Kara. Maaaring sumama ang loob ko pero kapatid ko pa rin siya. Naiitindihan ko siya.
Ang kagustuhan at kasabikan ko sa kanila ang nagtulak sa akin para puntahan sila sa Cavite. Pinilit ko si Aling Corazon na dalawin ang Mama, kapatid at pamangkin ko. Pero sinabi kong wag sabihin kina Mama. Hindi lingid sa kaalaman ni Aling Corazon ang home address nila.
Using her phone, I booked a car for us three. Mabuti na lang hindi mahigpit ang security. Pinapasok kami agad. Si Aling Corazon ang kumusap.
Malaki at may gate ang bagong bahay nina Mama. May hardin at sa gilid ng bahay may swimming pool. Tumayo kami sa harap ng gate. Buhat ko si Xavier. Sumaktong tanghali kami nakarating ng Cavite. Mainit. Nagbukas ng payong si Aling Corazon.
“Magdodoorbell na ba ako, Aynna?”
Kabado rin ako. Bigla, nahiya akong magpakita. Kanina sa byahe, excited ako. Ngayon, nababahag na ang buntot ko.
“Teka lang po, Aling Corazon. Baka makita nating lumabas si Kara.”
“Katanghaliang tapat, Aynna. Sa tingin mo ba lalabas ang kapatid mo? At paano kung nasa taping?”
“Baka sakali lang po…”
Pagbaling ko sa front door, bumukas iyon at isang batang lalaki ang patakbong lumabas. Napangiti ako. Ang laki na pala ng pamangkin ko. He must be four years old now.
“Si James.”
Nginitian ko ang anak ko. Naagaw ng pansin ni James ang atensyon ni Xavier kaya nakatingin din ito sa kanya.
“That’s your cousin, baby. Tita Kara’s son.”
Tinuro ko sa kanya si James. Pagbaling ko ulit doon, nagtago ako sa pader nang si Mama Olivia naman ang sumunod na lumabas.
“Mama…” usal ko.
Si Aling Corazon ay nalito. Pero tulad ko, nagtago rin siya at binaba ang payong para hindi makita.
“James, hijo! Magpahid ka muna ng sunblock at sobrang init. Naku namang apo ko, oh. Sobrang pasaway. Come here, grandson.”
“Lola!”
May lumabas ding isang babaeng nakauniporme. May hawak itong puting bimpo at pulbos. Isang beses pang tinawag ni Mama ang apo. Tumatakbong lumapit si James sa kanya. Kinuha ang bimpo sa babae at sinapin sa likod.
“Masisira ang kutis mo, hijo. Palagi kang makikinig kay lola, okay?”
“Yes, lola!” the boy’s jolly reaction brought so much happiness on my mother’s face.
Pinahiran niya ng sunblock ang braso nito. Nilagyan ng pulbos ang likod. Sinuklay ang buhok tapos ay pinagkukurot ang pisngi. She looks so happy and contented with her new life. I guess, this is what she really wants.
Hindi ako umalis sa pinagtataguan nang lumipat sila sa gilid ng pool. May mesa at upuan doon. Dinalhan sila ng pagkain. Tumayo sa gilid ng kasambahay habang kumakain ang maglola. Sa tingin ko wala si Kara. Pero nakita ko naman ang anak niya at si Mama.
“Tara na, Aling Corazon.”
Isang beses ko pang sinulyapan sina Mama. Hindi na ako magpapakita. Baka masira ang mood niya.
“Hindi ka magpapakita sa Mama mo, Aynna?”
Naglalakad na kami nang tanungin niya ako.
“Hindi na po. Next time na lang.”
“Eh… pinanood mo lang sila ni James. Ayaw mo bang makita niya rin ang anak mo?”
Hindi ko na pinabuhat sa kanya ngayon si Xavier dahil wala namang tao sa subdivision. Hindi kalayuan dito ang guard house kaya nilakad na lang namin.
“Sa susunod na lang po. Nahiya ako.”
“Kinahihiya mo ‘yan? Baka nga bumait ‘yon sa ‘yo kapag nalaman niyang anak ni Anton ang anak mo.”
“Hindi ko naman po ‘yon pinagmamalaki.”
Bumuntonghininga si Aling Corazon at medyo pumait ang mukha.
“Pero kung sabagay, baka madulas ang dila ng Mama mo kapag nalaman niyang nabuntis ka ni Anton. Ngayon pang konektado pa rin siya sa trabaho ng kapatid mo. Ako ang natatakot kapag umabot sa kanyang may anak kayo, Aynna. Noon… saksi ako kung gaano ka niya kamahal. Hindi pa ako nakakita ng lalaking kung makatingin ay tila matutunaw ang babae. Ganoon ka kung tingnan ni Anton.”
Tila may kumurot sa dibdib ko. “’Wag na po nating pag usapan ‘yan, Aling Corazon. Iba na siya ngayon. May girlfriend na po siya.”
Tumango ang guard sa amin pagkarating namin sa gate. Nagthank you si Aling Corazon. Iniwas ko ang mata sa guard lalo na nang magtagal ang panigin nito sa akin.
Niyaya ko sa fast-food chain si Aling Corazon para makakakain kami. Pawisan at medyo hingal mula sa paglalakad. Inupo ko sa high chair si Xavier. Ako ang umorder kaya naiwan ko sila sa mesa. Pagbalik ko, bumubungisngis ang anak ko sa mga sinasabi ni Aling Corazon.
Hinain ko ang laman ng tray pati ang dala ng crew. “Thank you,” sabi sa kanya bago umalis.
Bago ako umupo, chineck ko ang likod ni Xavier. Medyo basa ang lampin kaya pinalitan ko agad. I kissed his hair and sat beside my baby.
Hindi ko na inalintana ang lugar at mga tao sa paligid. Lahat naman kasi ay maingay at kumakain. Nakasubo na ng kanin si Aling Corazon nang tingnan ako.
“Aynna, kung malapit pa rin si Anton kay Kara pagtapos ng nangyari, hindi kaya paghihiganti lang ‘yon?”
“Tinulungan nila ni Ysabella sa career si Kara para sirain din?”
“Kasi ikaw ang ate ni Kara. Ngayong wala ka, sa kanya siya didikit para makaganti.”
“Pero kung nasa puder sina Mama ni Senator Ace, may magagawa po kaya si Anton niyan? Sabihin na nating may pera siya, may kakayahan din naman si Senator. And maybe, that’s why my mother went with him. For protection.”
Uminom ng softdrinks si Aling Corazon at napaisip.
“Oh? Sila may protection. E, ikaw? May balita ka ba kay Congressman?”
Nagkibit ako ng balikat. Inaabot ni Xavier ang kanin ko. Kumuha ako ng kaunti at hinipan bago sinubo sa kanya.
“Wala na po akong koneksyon sa kanya at wala na ring balak na kausapin siya.” may diin kong sabi.
“Paano ang gagawin mo ngayon? Maganda kung makakahingi ka ng tulong sa Mama mo.”
Umiling ako. “Hindi po pwede. Tinutulungan din ni Anton ang kapatid ko.”
“Kung magkakaayos naman kayo… sana ganoon na nga lang. Kaso… kahit ako hindi mapanatag sa kanya. Natatakot pa rin ako sa tuwing maalala ang mga taong umaaligid noon sa labas ng bahay ng Lola mo. Para bang anumang oras no’n, susugod sila at hahanapin ka. Ang sabi kasi ni Kara, makapangyarihan sina Anton. Lalo pa, napakulong mo siya.”
Tila nawala ang gutom ko sa pagpapaalala ni Aling Corazon. Nabuhay na naman ang takot sa dibdib ko. Ang napaginipan ko. Ang galit na mukha ni Anton sa akin. Wala na ang maamo at tukso sa mata niya. Halos ibang Anton ang nagpakita sa pagtulog ko.
“Kaya po mas mabuting hindi niya malamang umuwi ako. O kung malaman man, ‘wag na sana pati ang anak ko. Mababait ang mga magulang niya, Aling Corazon. Kahit naman ang mga kapatid niya. At asawa ng kuya niya na si Pearl. Kaya alam kong, kung gaano sila kabait, ganoon din ang tindi ng galit nila. Makakaya ko po kung ibuhos iyon sa akin. Pero hinding hindi ko makakaya kapag si Xavier ang gawin nilang ganti. At kunin sa akin.”
“Aynna…”
“Kailangan ko po ang tulong niyo para pagbabagong simula ko. Makaipon lang ako rito, paplanuhin kong umalis ulit. Malayo sa Maynila. Baka sa probinsya o saan mang hindi mahahagip ng mga de Silva si Xavier. Walang wala po ako ngayon, Aling Corazon. Si Xavier na lang ang meron ako. Walang matitira sa akin kung pati siya m-mawala rin…”
I looked at my baby. Nakangiti at pinanggigilan ngayon ang lumabot na French fries sa ngipin niya. Habang tumatagal, lalo kong nakikita ang mukha ng ama niya sa kanya. Pero ang mata ng anak ko ay napakainosente. Siya ang nagpapasaya sa akin. Ang rason kung bakit gusto ko pang lumaban sa buhay ngayon. Siya ang buhay ko. Siya ang ipaglalaban ko.
“Tutulungan kita, Aynna, ‘Wag kang mag aalala. Kahit wala na ang Lola Olimpia mo, nandito naman ako. At kahit itaboy ka ng Mama mo, ako na lang ang inay mo. Sasamahan kita hanggang kailan mo gusto. Hindi ka na iba sa akin, hija. Katulong ako ng Lola mo noong pinapalaki ka niya. Kaya may kakampi kayo ni Xavier. Ako.”
“Maraming salamat, Aling Corazon. Malaking bagay po ang sinabi ninyo.”
“Makakaasa ka, Aynna.”
Tinapik niya ang kamay ko. Binalingan niya si Xavier at tinulungang kumain. Pinunasan ko ang luhang naipon sa gilid ng mata ko. Bumaling ako sa labas kung saan may dumaraang sasakyan at mga tao. Pumarada ang isang truck na magdedeliver ng produkto sa katapat na establishment ng fast food chain na ito.
Natigilan ako nang makita ang pangalan ng negosyo ni Anton.
Artisan Distillery. Marami ang binabang produkto sa grocery store at mukhang marami pa ang destinasyon. Ilan na kaya ang planta niya? Ilan na ang truck niya? Magkasosyo pa kaya sila ni Dean na pinsan niya?
Tumitig ako sa pangalan ng kanyang tinayong negosyo. I witnessed how passionate he is with Artisan. Dinala niya ako roon. He exclusively gave me a tour when we are still dating. Hindi niya inaalis ang paningin sa akin habang pinapaliwanag ang bawat parte at gamit ng pasilidad ng gusali. Iyong kahit wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya, tango lang ako nang tango. Dahil malaya kong natitigan ang mata niya, paggalaw ng labi, matangos na ilong at baritone niyang boses.
Naalala ko kung paano niya pinadausdos ang kamay para hapitin ako sa baywang at mapadikit sa kanya.
“Hindi ka naman nakikinig, e.”
I giggled. Pabiro ko ring binaba ang kamay sa kanyang dibdib. “Nakikinig ako. Hindi lang ako mahilig uminom kaya… wala akong naiintindihan sa mga sinasabi mo.”
He bit his lip. Ewan ko kung bakit parang nababaliw ang puso ko kapag kasama ko siya. Kahit ilang beses kong pagsabihan ang sariling umayos, hindi ko ko mapasunod.
“Baka rito, magkaintindihan tayo…”
Bumaba ang mukha niya at mariin akong hinalikan. Sa gulat, napakapit ako sa kwelyo ng damit niya. Pero mas lalo niyang diniin ang pang angkin sa labi ko.
This is it, Aynna. My mind said to me.
Pumikit ako at umiling. Those were just memories now. Lahat ng pagsosolo namin, mga lakad at halikan, alaala na lang ngayon. Kahit pa habang nakatitig ako sa pangalan ng Artisan Distillery, mukha niya ang gumuguhit sa isipan ko.