Chapter 5

3971 Words
“Pero mabubuhay nang panatag ang nakikinig sa akin, hindi siya magwo-worry, di matatakot anuman ang mangyari.” – Proverbs 1:33 -- Chapter 5 Aynna Parang kahapon lang ako umalis at hindi inabot ng tatlong taon bago ko ulit nakita ang mga kaibigan kong sina Julian at Liza. Pinuntahan nila ako agad kinabukasan. Umiyak si Liza. Humingi ng sorry pero dala siguro ng nararamdaman kaya ganoon ang sinasambit niya. She looked fine. Mabuti naman. Kung sa kanila nabaling ang galit ni Anton na para sa akin, hindi ko mapapatawad ang sarili sa pag alis ng Pilipinas. “Alalang-alala ako sa ‘yo noon, alam mo ba ‘yon, ha? Hindi ako nakakatulog, Aynna!” May kaunting pait akong nararamdaman sa boses ni Liza. Her long hair is now cut down to her shoulder. She’s still pretty and curvy. Tulad ko, sa tiatro ang hilig niya. Doon na kami nagkakilala. Ilang taon na rin ang pagkakaibigan namin. Si Julian ay kaibigan ko na since high school. Actually, hindi ko rin alam kung paanong nag click kaming dalawa. Tahimik siya saka ito ang tipong napakatalino sa lahat ng subject. Dahil naman sa kanya kaya pinagbutihan ko ang pag aaral. Hanggang sa nagpapaturo ako sa kanya sa mga hindi ko alam at sabay na kaming pumupunta sa library. Nagkahiwalay kami noong college pero hindi pinutol ang contact sa isa’t isa. Pinakilala ko siya kay Liza then we just clicked all together. “Pasensya na, Liza. Hindi ako pinayagan ni Papa na magkacellphone. Baka raw… makatunog si Anton…” I hugged her and calmed her down. Itong si Julian ay nakatayo sa may pinto at nakapamulsa. Kanina pa niya pinapanood sa paglalaro ang anak ko. Bago ko sila pinapasok ng bahay, sinabi ko muna kung sino ang madadatnan nila sa sala. Okay lang daw kahit sinong tao ang naroon basta wag lang si Anton de Silva. Well… hindi nga si Anton pero anak namin. Pagkarinig ni Liza kay Xavier, parang hihimatayin. “I know. I fully understand your situation. Pero sana man lang kahit letter nagpadala ka. O kaya i-email mo ako para safe. Luma pa rin naman ang gamit ko. Dapat nag renta ka ng computer shop doon sa Australia o nanghiram kaya ng phone ng kapitbahay niyo. Kahit isang beses lang, oh.” “Liza…” “That would be a crazy attempt, Liza. Kung technology din lang, madaling mapapasok ‘yan ng may pera.” Binigyan ni Liza ng matalim na baling si Julian sa may pintuan. “At paano naman, aber?” “It could be traced. What if, nakamonitor sa mga accounts natin ang galamay ng de Silva’ng ‘yon? Isang click lang ni Aynna, madetect agad ang location niya? It would be risky for her. Mabuti nang hindi niya tayo kinontak. Kung hindi…” Umawang ang labi ni Liza nang hindi inaalis ang mata kay Julian. Julian didn’t continue what he is trying to say. Humugot ito ng malalim na hangin. Ibinalik kay Xavier ang paningin. Pero sinulyapan niya ulit si Liza tapos ay nagkibit ng balikat. “Ano ‘yon?” I asked out of curiosity. Nginuso ni Julian sa akin si Liza. Kinutuban ako. Hinawakan ko sa braso ang kaibigan kong katabi sa upuan. I felt the hesitation from her. Kung walang bukas na TV, baka marinig ko ang pagbuntong hininga niya. Hindi ko inalis ang hawak sa braso ni Liza. I know and I felt it. Something is going on. “Utang na loob, Liza, ano ‘yon?” I urged her again. “Aynna…” Tila sinilaban ang puwit ko sa inuupuan. “Ano?” I nailed my eyes on her. “Noong umalis ka… ano…” Kinagat ko ang labi ko. Bawat mabagal na sambit ni Liza sa mga letra ay mas lalong tumataas ang ritmo ng t***k ng pulso ko. Na para bang nag aabang ako ng bomba at sa oras na bitawan niya iyon, mahuhulog ako sa tinutuntungan kong bato. Diniinan ko ang hawak sa braso niya. Tiningnan niya ako sa mga mata. “Hindi na ako nakabalik sa pagti-tiatro. Na-ban ako. Tinerminate ang contract ko sa agency natin…” “Ano?!” “Inalis din sa trabaho si Julian. Kahit dinelete na niya sa website ang article na pinasulat mo, hindi pa rin iyon pinalagpas ng mga de Silva. Lalo na ni Nick. Pinaharapan siyang makakuha ng mapapasukan.” “But I’m fine now. Don’t worry. Nasa isang independent media company ako ngayon na nag-o-operate online. Maliit lang pero hindi naman nagpapakontrol sa may salapi.” Nasapo ko ang noo at bagsak ang pangang sinandal ang likod sa upuan. Hindi ako makapaniwala. Walang nagsabi sa akin nito pero maiintindihan ko rin kung bakit. Malamang hindi nila sinabi kay Lola Olimpia and during that time, nagkasakit na rin ito at yumao. It’s just that… wala akong kaalam alam sa mga sinapit nitong dalawang kaibigan ko. Hindi ko sila kinumusta man o kahit send-an ng mensahe ng isang beses. Hindi. Wala akong nagawa. At kahit ngayon ko lang ito nalaman, problema pa rin iyon hanggang ngayon! “Oh my god… I’m sorry. I’m sorry, guys. I’m sorry…” Tila inaapuyan ng hiya at pagsisisi sa init ng balat ko. Ang sulok ng mga mata ko, nilusob ng mga mainit na luha at hindi ko na naitago. Ramdam ko ang pait sa loob ko. “Wala kang kasalanan, Aynna. Si Anton naman ang may gawa no’n. Paghihiganti niya iyon.” Suminghap ako at baling kay Liza. “Exactly! Ganti niya sa akin pero kayo ang nakikita kaya kayo ang napagbalingan niya! Kung hindi ako tumakas edi sana hindi nadamay ang mga buhay at trabaho niyo. Ang selfish ko.” Bigla akong hinila ni Liza para mayakap. Inalu niya ako imbes na ako ang gumagawa no’n sa kanya. Nakakainis. Nakakagalit. Ako ang may kasalanan, e. Dapat… dapat ako ang nakaranas ng lahat ng iyon hindi sila! “I’m sorry… Nadamay kayo dahil sa akin,” “Ano ka ba, Aynna! Ginawa namin iyon kasi kaibigan ka namin. Mahal ka namin. Mas gugustuhin kong saluhin ang paghihiganti na ‘yan ni Anton kaysa naman sa ‘yo mabaling ang galit niya. Sapat na ang nagawa mo. Marami ka ring pinagdaanan at alam kong lahat ng mga iyon. Kaya wag mong sisisihin lang ang sarili mo. Wala ka ring kasalanan.” Pero hindi ko matanggap. Umiling ako. Nilapitan ni Julian si Xavier. Bumitaw ako ng yakap kay Liza para makita sila. Binuhat niya ang anak ko. May pagtataka sa mukha ng anak ko nang tingnan sa malapitan si Julian. Julian smiled at him. Inayos ang buhok at kinurot ang pisngi. Then, he looked at me. “Kung nahanap ka ni Anton sa Australia, malamang hindi mo kasama ngayon ang cute na bata na ito.” He even smirked. Nanghina ako sa unang niyang naisip. Sinulyapan ko ang anak ko. Even so. Ang iniwan kong gulo, gulo pa rin ngayon. “But kidding aside, Julian, tama lang talaga ang ginawa ni Aynna. Hindi lang dahil sa anak nila, kundi pati na rin sa safety ni Aynna. Imagine, pinakulong nilang magkapatid ni Aynna si Anton tapos wala pala talagang kasalanan. I mean, by now, nakatatak na ang Villlanueva at San Jose sa isip ni Anton. Hinding hindi na sila makakalimutan kahit magunaw pa ang mundo.” Binaba ni Julian ang anak ko. Bumalik sa paglalaro si Xavier na parang walang nangyari. Na tila hindi naistorbo ang ginagawa nito. Namaywang si Julian habang pinapanood ang anak ko. “But I guess, mas mabigat na alaala ang naiwan ni Aynna sa kanya. Hindi lang dahil may anak sila. Kundi talagang nabaliw ang de Silva’ng ‘yon sa kanya.” taas kilay niya akong binalingan. Nag iwas ako. Hindi ko kayang tingnan o makita ang matang iyon ni Julian. “Well… nakita ko rin ‘yan noon. Bukod tanging si Aynna ang nag iisang babaeng hinahabol ni Anton. E, before naman, laman ng party at clubbing ang lalaking ‘yan. Maraming babaeng nakaaligid at parang hari kung tingilain kapag nasa second floor ng Peyton. Nakita ko rin ang pag-ilag niya kapag pinupuntirya siya ng mga babaeng gustong madugtungan ng apelyido niya. Pero nang makilala niya si Aynna… bumaliktad yata ang mundo nila.” Hinilot ko ang sintindo. I heard Julian’s chuckle. “Si Aynna ang sinamba niya.” Nagprotesta ang damdamin ko. Hinayon ko ang mata kay Julian at humindi sa haka-haka niya. Kung iyon man iyon. “Hindi ganyan ‘yon, Julian.” “That was our point of view, Aynna San Jose. Sa mga paningin namin, sinamba ka talaga ni Anton. Higit pa sa una mong plano. Hindi ka lang niya napansin. Napabaliw mo siya sa ‘yo.” I sighed heavily. Hindi ko pa rin matanggap na ganoon ang nakita nila sa amin. Pero… may isang parte sa isip kong nagsasabing tama ang mga napansin nila noon. “Kaya nang inakusahan mo siyang ginahasa ka niya, kasing bigat din no’n ang galit niya. Sabihin na lang natin na nagdilim ang nararamdaman niya sa ‘yo kaya naghiganti siya.” “Mabigat na akusa ‘yon. Napag usapan ang mga de Silva dahil din doon. I heard, nagkaproblema rin sa mga negosyo nila.” “At kahit inurong mo ang kaso three years ago, Aynna, hindi nangangahulugan na okay na rin ang lahat. May mga taong ang pagkakaintindi sa kwento, pinatahimik ka lang para makalaya si Anton. They only had a fraction of the picture but not the entire story. May gasgas pa rin ang pangalan nila. Nakalimutan na ng mga tao iyon pero nakatatak na ang eskandalo sa kanila.” “The Scandal of Manila…” Liza murmured. “Iyon ang sambit ng bawat press media at showbiz columnist noon. At si Anton ang palaging bida.” “Sa tingin niyo ba may magagawa pa tayo ma-reverse ang nangyari?” “What do you mean? Gusto mong linisin ang image niya?” “Parang ganoon. Susubukan nating maibalik sa dati ang lahat,” “Hindi mo na mababago ang lahat, Aynna.” “What if lang naman, Julian. Kung… nagawa nating makabuo ng istorya para sirain siya, magagawa rin nating pabanguhin siya, ‘di ba?” “Huh?” Nagkatinginan silang dalawa. Umakyat ang kaba at takot sa dibdib ko. Hindi ko mawari kung bakit bigla ko na lang itong naisip. Is it really a blue moon to consider that? Sa gitna ng pananahimik namin, biglang umiyak si Xavier. Nahulog sa paanan niya ang laruang sasakyan. Nakatingala siya sa akin at lumapit. Binuhat ko. Inupo sa kandungan at tiningnan ang kanyang paa. May pulang marka sa kaliwa na siyang nabagsakan ng laruan niya. Lumabi sa akin ang anak ko. Pagkakita ko sa kanyang matang may luha, niyakap ko na siya. I loved him so much that even a simple scratch on his foot will hurt me. Pero hindi lang iyon ang tumatakbo sa isip ko. “Ako na muna kay Xavier, Aynna. Ipagtitimpla ko ng gatas niya at baka inaantok lang,” Galing kusina si Aling Corazon. Kadadala niya lang ng inumin para sa amin. Marahan akong tumango sa kanya. Nang iaabot ko na ang anak ko, hinawakan ni Liza ang pisngi nito. I looked back at her. Mariin ang titig niya sa kanya. Para bang multo ang nakita. Nagsalubong din ang mga kilay. At nang tuluyang mabuhat ni Aling Corazon si Xavier, sinundan niya naman ito ng tingin hanggang sa mawala. Julian tsked. Umiling iling bago pinulot ang nalaglag na laruan sa sahig. “You are hiding a prince here, my dear friend.” Liza commented. Naging tawa na ang pa-tsk lang kanina ni Julian. Nagsalubong ang kilay ko. “Lagot tayong lahat kapag nakarating sa kalaban ‘to. Panibagong eskandalo na naman. Anton versus Aynna ang labanan.” Marahas akong umiling. “Hindi ‘yan mangyayari. Itago niyo sa bato.” Tumayo ako at pumunta sa kusina. Juice ang sinerve ni Aling Corazon sa amin kaya nilabas ko ang pitsel ng tubig sa ref. Sa pagkakahawak ko sa handle ng pitsel, halos dumulas ang babasaging lalagyanan. Huminto saglit. Pumikit na nanginginig ang mga kamay. Kalma. Kailangan kalma lang. Walang akong magagawa kung aatakihin ako ng nerbyos at mga negatibong kaisipan. Hindi ito ang gusto ko. Hindi ito. Kaya kalma. Kalma lang. Kinuha sa akin ni Liza ang pitsel at baso. Umawang ang labi ko. Hindi ko naramdaman ang pagsunod niya sa akin. NI yabag hindi ko narinig. Nilapag niya sa mesa at siyang nagsalin ng tubig. “Oh. Mukhang kailangang kailangan mo ‘to.” Bumagsak ang mga balikat ko. Parang hindi nababawasan ang bigat. Hinila ko ang upuan. Umupo sabay yuko ng ulo sa mesa. “Hindi ko sila kaya, Liza… Inaamin ko, hindi ko talaga kaya.” My voice shook at the thought of my own army and shields. Katuldok lang ako kumpara kay Anton. “E, bakit ka ba bumalik ng Pilipinas? Kapag nandito kayo ng anak mo, mas malapit kay Anton. Hindi bale sana kung nasa ibang isla o lugar. Kaso Maynila pa rin ito, girl. Sobrang dikit sa kanya.” “Hindi ko kasi kayang mamuhay mag isa sa ibang bansa. Napakaliit pa ng anak ko. Isang beses ko lang siyang iniwan kay Tita Belinda, sinasaktan na siya,” Halos mapunit ang pinaglalagyan ng mga mata niya. “Bruha pala ‘yang Tita Belinda mo, e. Kaliit na bata, sinaktan?” “Walang wala ako. Wala akong pera. Hindi ko siya pwedeng iwan basta ulit sa pamilya ni Papa Lauro kasi ayaw nila sa akin at sa sitwasyon ko. Madadamay kasi sila sa problema ko. Kaya umuwi ako. Nandito sina Mama at Kara. Ang bahay ni Lola Olimpia. Ang tanging poproblemahin ko ay ang kumita. Malaking tulong din na kasama ko si Aling Corazon… Lahat ng kailangan ko, nandito sa Maynila, Liza.” “At si Anton? Kailangan mo rin?” Humila ng upuan si Julian sa harapan namin ni Liza. He put his phone down. Bukas. Nilapit niya sa akin para makita ang nasa screen nito. A picture. A group picture. Inangat ni Liza ang phone ni Julia para makita niya rin. Hindi ko iyon tiningnan bagkus ay si Julian ang tiningnan niya. Pinagsalikop niya ang mga kamay na pinatong sa mesa. “Bagong kuha lang ‘to. Sa isang event,” Pinakita sa akin ni Liza. Hindi ko maintindihan kung ano at sino ang mga iyon. Pero tinuro sa akin ni Liza ang taong nakatayo sa dulo. Unang sinag pa lang ng mata ko, hinila na niya ako. Si Francis Anton de Silva. Ang pangalawang anak nina Reynald at Kristina de Silva. Mula sa angkan ng kilalang pamilya sa Pilipinas. Low-key pero kapag binanggit, makikilala. Lalo na, paborito silang topic sa mga balita. He was wearing an all-black suit. Itim ang inner round neck shirt. Litaw na litaw ang silver necklace niyang… wala nang pendant. Really, Aynna? Umaasa ka? Medyo kumapal na ang buhok niya sa picture. Kung recent lang, edi may chance na ganito pa rin kahaba ang buhok niya. Nag dark ang balat niya. Anton is a bit of a sports man. Minsan lang magseryoso ang mukha iyang noon… pero ngayon… tila nasanay na. Hindi siya nakangiti sa litrato. Nakatingin lang na parang wala sa mood. Ang isang kamay niya ay nakapaikot sa baywang ng magandang si Ysabella. Nagkabalikan kaya sila? May nagbago sa mukha niya. Pero sigurado akong walang ito pina-surgery o ano man. Basta nakikita ko ang pagbabago. May nawala. I remember that eyes, nose, lips and skin. I remember how that arms once wrapped on me. I remember how he whispers words that I never heard from anyone. And I remember how he chose me over that woman. “Kung iniisip mong nagkabalikan sila, oo. Iyon ang chismis. Hindi confirmed pero base sa mga litrato, palagi silang magkasama. What you see is what you get.” Inatake ko ang isang baso ng tubig. Sinimut. Tinungga ko ang laman hanggang sa kahuli-hulihang patak. Napakalakas ang pagbagsak ko sa mesa. Hiningal ako paglunok lahat. “K-kung may girlfriend na, chances are, hindi na rin ‘yan interisado sa anak ko.” “Iba ang girlfriend sa anak, Aynna. Mas matimbang ang anak kasi dugo niya ‘yon.” Umiiling na sagot ni Julian. “Hindi siya baog, Julian. Pwede silang magpakasal ni Ysabella at magkaanak.” Pinanliitan niya ako ng mata. “Hindi ko alam sa ‘yo. Pero ang tingin ko sa pamilya nila, kapag kadugo, kinukuha. Atleast, kinikilala. Aynna, panganay ni Anton si Xavier. Unang supling. Kung hindi niya man pagkainterisang kunin, edi okay! Nakaligtas ka. Pero galit siya ngayon. Kapag nalaman niyang may Xavier siya- “Kaya nga sinasuggest kong i-reverse natin ang kwento! Gawan ng paraan kung paano ulit malilinis ang pangalan niya. Willing akong tumulong. Sakali, bubuksan ko ang pintuan ko para mapagkasunduan namin ang tungkol kay Xavier. Pero magagawa ko lang iyon kapag napababa ko na ang galit niya.” “Hindi ka na magtatago ngayon?” Liza asked. “Nagtatago pa rin. Para lang makasiguro.” Ngumuso siya at lumingon sa bahay. “Alam niya itong address na ito. Tapos sabi mo magnenegosyo ka rin. May mga taong makikilala ka at tiyak na kakalat na bumalik ka na. Kung hindi pa ito nakakarating kay Anton, ang swerte mo.” “Hindi lang ‘yon. Aynna, kung lilinisin mo ang pangalan ni Anton, nangangahulugan iyon na ang sa ‘yo naman ang marurumihan.” “Anong ibig mong sabihin?” Julian sighed and looked at the table. “Lalabas sa public na pinagplanuhan mo siya. Kung pagsasabi ng totoo ang paraan mo ng paglilinis? Ikaw ang masisira. Lahat ng sakit at problemang binato mo sa kanya, babalik sa ‘yo. All the bashing, foul words from the public will turn to you. Handa ka ba roon?” “Hindi na siguro kailangang intindihin ni Aynna ang sasabihin ng publiko, Julian. Wala naman silang alam. Kaya bakit iintindihin niya pa ‘yan?” “My point is, kilala ng tao si Anton de Silva. Artista ang kapatid at mama ni Aynna. Kapag umingay na pinagplanuhan niya lang si Anton, malalaman iyon ng publiko. Gagawan natin ng bagong article itong si Anton. At sino ang babasa? Ang pamilya lang ba niya? Tayo lang ba? Siya lang ba? Damay ang marami. Sa ganyan lang natin malilinis ang pangalan niya. Kaya ang tanong ko, handa ka ba, Aynna, na saluhin ang mga posibleng reaksyon ng publiko? Oo o hindi lang ang sagot.” “Julian!” Naghugas kamay si Julian sa uri ng pagtaas niya ng mga kamay at tingin kay Liza. Hindi ako prepare sa tanong niya. Kahit gusto ko lang linisin ang lahat, gusto ring mamuhay ng tahimik. But I also understand what he is saying. Ang reverse na tinutukoy ko, pagbabaliktad ng sitwasyon namin ni Anton. Maaaring idemanda niya ako. At iyon ang pinakamatindi. Dahil malalayo sa akin si Xavier. Kung ganoon, maaari rin siyang kunin? “Paano si Xavier, Julian?” Niyugyog ni Liza ang braso ko. “Ano papayag ka?” Lumunok ako. I stared at Julian. Siya ang mas nakakaalam sa sirkulasyon ng media. Ang loob at labas nito, may knowledge siya. “Hindi naman kailangang idamay ang anak niyo, Aynna. Inosente siya rito.” Tila sasabog sa lakas ng kalampag ang dibdib ko. Kung tutuusin ay nasa unang stage pa lang kami. Wala pa nga. Plano pa lang. Suhestyon pero katakot takot na senaryo agad ang lumulusob sa isipan ko. “Can we execute that without mentioning that we have a son?” Julian smiled and nodded. “That’s correct. Actually, choice mo naman. Wag na nating sabihing nabuntis ka niya. Pero kung gagawa sila ng hakbang sa usaping legal… alam mo na ang ibig kong sabihin… paano si Xavier? Ipapaiwan mo sa Mama Olivia mo?” Nagtakip ako ng mukha. Liza hugged me. “Ayaw ko. Ayaw ko. Hindi ko kaya ‘yan,” “Tumigil ka na nga, Julian! Hindi na nakakatulong,e!” Natahimik ang kaibigan namin. “Umasa na lang tayo na madadaanan sa mabuting usapan itong si Anton. Tutal, dati naman niyang minahal si Aynna. Mahal na mahal pa nga. At kung may natitira pang kabutihan sa puso niya, hindi na niya ipapakulong si Aynna dahil inamin naman nito ang kasalanan.” Binalingan ko si Liza, “Ang komplikado pa rin ng lahat. Hindi basta bastang magpapatawad si Anton.” Liza’s face got worried. But she bit his lip. Tumingin tingin sa ibang dereksyon bago huling tinapat sa akin. “May naisip lang ako. Bakit hindi mo subukang… ulitin ang ginawa mo noon?” I tilted my head. “Ang alin?” Julian tsked and shook his head. “Akitin mo ulit.” “Liza! Hindi na ‘yan gagana.” Galit kong protesta. Parang gusto kong hilahin ang buhok niya sa naisip. Tumikhim siya at umayos ng upo. “Naisip ko lang naman kasi gumana ‘yon noon. Malay mo, effective pa rin. Maganda ka pa rin. Nag mature pero in a good way. Nanay ka na at may natutunan sa buhay. Hindi mo naman siya aakitin para gawan ng masama. Makikipagbati ka lang.” Umiling ako. “Ayoko. Delikado…” Napatingin kami kay Julian nang ilapag nito ang mga kamay sa mesa. Titig na titig siya sa akin. Parang maraming mga ideya ang tumatakbo sa isip ay humihuli ng isa para sa sasabihin. He looked so determined and interested. “Aynna, bakit hindi ka na lang humingi ng tulong kina Anton.” Natigilan ako. Wala akong ideya kung bakit ganito ang sunod na sinabi ni Julian. Pero kita sa mukha niyang mas maliwanag pa yata iyong gawin kaysa sa mga pinag usapan kanina. “Ano ‘yun, Julian?” Liza asked. Napipi ako. He sighed. “I’ve been following your sister’s case for years. Hindi pa nahahatulan ang mga gago. At may isa pang at large. Sa TV station nagtatrabaho si Kara, ‘di ba?” Tumango ako. “Anong…” “Kabadong kabado tayong lahat sa paghihiganti ni Anton sa ‘yo pero si Kara malayang nagtatrabaho sa kumpanyang sila ang nagmamay-ari. Pero kay Kara nagsimula ang lahat. By now, siguro naman, may idea na siya kung bakit niya iyon nagawa sa ‘yo. Nagawa niya pa ring bigyan ng trabaho sa kanila.” “Dahil iyon kay Ysabella,” “See? Napatawad niya si Kara. Bakit ikaw, hindi?” Liza pushed Julian’s face. “Minahal niya si Aynna, Julian. Minahal, okay? Kaya mas masakit na si Aynna pa mismo ang nananakit sa kanya.” “But I really want to help and solve Kara’s case first. Nang sa ganoon, magkaroon naman ng domino effect.” “Huh? Anong sinasabi mo?” “Lalabas kasi na ginawa iyon ni Aynna dahil sa kapatid niya. Na totoo naman. Pero kung mahahanap natin ang totoong criminal, malalaman ng publiko, parang saradong family drama na ang lahat. Magkakaroon ng malinis na hangin ang bawat isa. Wala nang samaan ng loob kung bakit, ginawa mo ‘yan, ‘yon, at saan ba nagsimula ang lahat. Lalagyan natin ng tuldok ang pinagsimulan ng Scandal of Manila. Lahat kayo, biktima lang. Pero ang totoong gumawa ng krimen ay malayang Malaya pa rin hanggang ngayon.” “Julian…” “I will need your sister’s cooperation too.” “Alam ko. Pero gumugulong pa ang kaso. Baka makasira lang kung sakali,” “Believe me, Aynna. May nangyayaring under the table meeting na hindi nakakarating sa inyo. Gaano ka impluwensya ba ang grupo ni Jeremy? Malaki. Hinahanap pa ba ang isa sa kanila?” “Si Kara ang dapat kausapin pagdating d’yan. Pero… nasa hindi Magandang estado siya ngayon.” “Tutulungan natin ang kapatid mo. Magtutulungan tayo. Sa huli, magkakaayos din kayo ng ama ng anak mo. Ask Kara, please. Malaki ang maitutulong niya sa inyong mag-ina."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD