Chapter 6

4845 Words
“Makinig ka sa mga salitang may karunungan, at buong puso mo yong intindihin. Humingi ka ng talino, at magmakaawa ka na makaintindi ka. Hanapin mo yun na parang silver ang hinahanap mo, o parang treasure na nakatago. Pag ginawa mo yun, maiintindihan mo kung paano matakot kay LORD, at makikilala mo ang Diyos.” – Proverbs 2:2-5 -- Chapter 6 Aynna Nag-set agad ng meeting si Julian para aming apat. Pero dahil limited ang pwede kong galawan at hindi rin basta bastang ilabas si Kara, nagdesisyon kaming pare-pareho na dito sa bahay na lang ni Lola Olimpia. Kung aalis ako at matagal ang pag-uusap, maiiwan ko lang sa bahay si Xavier kasama si Aling Corazon. Isa pa, hindi kumportable si Kara kapag nasa pampublikong lugar. Sabihin pang private room sa restaurant o bahay nina Liza, hindi siya makakampante nang basta basta. Sa nakikita akong estado ng kanyang isipan, hindi iyon uubra. Masinsinan ko munang kinausap si Julian tungkol dito. Hindi sa ayaw kong mahanap ang lalaking iyon kundi nag-aalala ako para kay Kara. “Aynna, this is for your sister’s peace of mind too. Maaaring makatulong ang pagresolba ng kaso niya para bumalik sa normal ang buhay niya,” “That’s impossible. Hindi ganoon kadali ‘yan.” “Hindi na nga natin mababago ang pinagdaanan niya pero magagawa nating tapusin ang paghihirap niya. May mga kilala akong tao na pwede nating mahingan ng detalye. Hindi man gano’n kaimpluwensya, atleast, kahit paano makakatulong. Let’s just hope… na nandito pa sa Pilipinas ang hayup na iyon nang mabulok siya sa impyerno.” Sandali akong natigilan sa nakita kong puyos ng galit sa mga mata ni Julian. His Adam’s apple moved a bit and his lips firmly closed. Aware ako sa kanyang passion at dedikasyon sa kanyang propesyon pero nang makita ko ang ganito niyang itsura nang malapitan, ito siguro ang pakiramdam na literal kong masaksihan si Julian Chavez na Journalist at handang sumabak sa kahit anong laban. Walang sinisino. Basta may kasalanan, hahanapin niya hanggang sa macorner niya ito. Siya ang klase ng lalaking handang tumulong sa mga kaibigan lalo na kung naagrabyado. Kaya nga nang humingi ako ng tulong para mapabalik si Anton sa kulungan, hindi nagdalawang isip itong si Julian. It would taint his name but he didn’t care. Hindi rin dahil rookie pa siyang matatawag three years ago kundi nakatatak na sa dugo niyang ganito ang pinangako niya sa kanyang napiling trabaho. Siya ang taong hindi umaatras sa gyera. But his weapons are thread of words. “Our society is f****d up, Aynna. Pero hindi natin kailangang lumaban ng p*****n kung pwede naman tayong lumaban gamit ang salita. I’m not Dr. Jose Rizal but I must say his style is way better in this ruined world. We’re in a generation where people’s mind is funded by physical beauty and monetary value. Sadly, it’s getting worse and it will be there until the end of times.” His last words before they went home. Nag iwan ng bagong point of view sa akin si Julian. Kahit sa palagay ko iniingatan ko lang si Kara at naniniwala pa rin akong magagawa ng batas na mabigyan siya ng hustisya, pero paano ang nagpapatupad ng batas. Kinuwestyon niya ang kakayahan at kapangyarihan na mayroon kami. Naiinip lang ba siya o sadyang batid niyang may lihim na kalakaran sa loob no’n na siyang dahilan para ma-deny nito ang kapatid ko? I am not perfect too. Nagkasala rin ako at namintang na ang tanging nasa kamay ay ang salita rin ni Kara. It fueled me to take revenge and hurt someone. My emotion overrides my rational thoughts and did irrational things. In the end, I did horrible act. An act that I will never forget even if forgiveness will be given to me. “Tao ka lang. Nadadala ng emosyon…” Salita ni Lola Olimpia ang baon ko no’ng araw na umalis ako. Hindi ako kinakausap ni Mama. Hinayaan niya akong umalis kasi nagdala ako ng kahihiyan sa pamilya. Pilit akong pinapaalalahanan ni Lola Olimpia na ang ginawa kong panloloko kay Anton ay dala ng pagmamahal ko sa kapatid ko. Nagalit ako kay Kara pero panandalian lang. Kaya pagkarating ko kina Papa Lauro sa Australia, mag-isa kong iniyak ang kasalanan. Pinagmasdan ko ang anak ko sa tabi ko habang natutulog. Sinusuklay ang buhok at marahang tinatapik. Lumalangitngit ang ceiling fan sa tapat ng kama at iyon ang tangi kong naririnig sa gabing ito. Tulog na rin si Aling Corazon. Mag aalauna na ng madaling araw. Heto ako, nakahiga at gising na gising pa. Iniisip ko kung tama ba ang desisyong nagawa kanina. Nakakatakot pero kailangang harapin. Binuksan ko ang internet data ng cellphone ko. I typed his name on f*******:. Pagsearch, walang lumabas. Ano ba itong inisiip ko? He’s a private citizen. Pagkatapos ng nangyari, malamang na hindi gagawa ng ganitong account dahil mas type niya ang private life. Lumabas ako ng application na iyon. On the search bar, I typed his beloved business. Artisan Distillery. Binigyan ako ng website nito. Pinindot ko. Mabilis na nag-load sa screen ang aesthetic nitong site. Ang banner ay ang iba’t ibang klase ng alak na ginagawa ng Artisan. He introduced me to hard alcohol but he never made me taste all of it. Ofcourse, pwede. Pero kapag kasama ko lang daw siya. Dahil sa kanya, nakakilala ako ng vodka, gin, whiskey, rhum at iba pa. He is looking forward to have his own brewery too. That would take place if he is confident enough to compete with other beer makers. Nadagdagan na ngayon ang flavors ang kanyang produkto. Pati ang planta ay nadagdagan din. Present pa rin ang address ng pinauna niyang planta sa Laguna. I went there with him. Part of our date. Dahil gusto ko siyang makilala, hiniling ko sa kanyang dalhin niya ako roon. He agreed. Palagi. Anton was always ready to do anything for me. Kaya ni-suggest ni Liza na akitin ko siya ulit para maabswelto sa kasalanan ko sa kanya. Pero hindi na iyon uubra ngayon. Marami nang… nagbago. Now, his distillery company got bigger. Magkasosyo pa rin kaya sila ni Dean? Marahil. I exited and searched his name. Images of different events loaded on the screen. Doon ako pumunta. Bumaha ng mga litrato nina Ysabella at ilang kilala kong miyembro ng angkan nila. In one photo, malinaw ko siyang nakita. I didn’t figure when it was taken but he was with a bunch of professionals and with Ysabella on his side. Nakaupo sila sa bilog na mesa. Maraming tao at sa iba pang mesa na tila isa isang nililitratuhan. He was wearing a white longsleeves and dark pants. Puro inuming alak ang laman na nakahain sa mesa nila. Tapos ay sliced fruits na. His jaw was dotted by stubble. Ang ngiti ay pangisi. Tapos si Ysaballa ang nakaakbay sa ibabaw ng sandalan ng upuan ni Anton. They looked so closed. At bagay. Isang magandang actress at isang gwapo, matalino at milyonaryong negosyante. Galing pa sa magandang pamilya kaya bagay na bagay silang dalawa. They were together when I entered his life. After three years, I’m glad, they are together again. Kapag talaga tinadhana, walang makakapaghiwalay. Ganoon sila Anton at Ysabella. Ako lang ang kontrabida sa kanila. Tiningnan ko ang date nito. The picture was taken last year. See? Nagkabalikan sila. But I’m happy for him. After what happened, wala akong ibang hahangarin sa kanya kundi ang maging masaya siya. Kahit hindi na sa akin. I zoomed in his photo. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Inisip kung ano ang iniisip niya sa mga oras na ito. Sana… sana nakalimutan na niya ako. Na imposible. Pero sana… mapatawad niya ako. Sana posible ‘yon. I screenshot it and saved it. Nagdalawang isip pa ako kung idi-delete. Isang litrato pa lang ang laman ng gallery ko sa phone. Maybe next time, I’ll save Xavier’s photo too. Binuksan ko ang camera. Bakit pa ako maghihintay ng next time kung pwede naman ngayon? Nakatagilid si Xavier. Lumayo ako nang kaunti para sa mas maayos na anggulo. Yakap yakap niya ang Mickey Mouse na mahabang unan. Ang cute niyang tingnan na nakasampay ang matambok na pisngi rito. Mamula mula ang pisngi at bahagyang nakanganga. Pagkakuha ko ang litrato ni Xavier, nagbukas ako ng photo editor app. Pinagtabi ko ang picture nila ni Anton. Tinitigan ko silang dalawa. Ilang sandali pa, kinukurot na ang dibdib ko. Lumalabo ang paningin ko. Mabigat akong bumuntonghininga at pumikit. “Ano ba, Aynna? Bakit ka ganyan, ha? Nangangarap ka ba ng gising?” I muttered. Pangarap. Huh. Siguro nga. Wala namang masamang mangarap, ‘di ba? Kung sa ganito ko lang sila makikitang magkatabi, then, okay lang siguro. Ako lang din ang nakakakita. Sarili ko itong pangarap. Walang pwedeng kumontra. Hindi ko sinave ang pinagtabi kong litrato. Kahit sa sarili, nahiya ako. Pinatay ko ang internet data at tinabi ang cellphone. Most likely, makakalimutan kong ginawa ko ito. Pero maaari ko ring ulitin sa ibang pagkakataon. Pinatay ko ang ilaw sa gilid ko. Pagsalin ng dilim, pumikit ako at umasang aantukin na rin. Pero minulat ko ang mga mata at nakita ang tumatagos nang liwanag galing sa bintana. Ang kulay dilaw mula sa malapit na poste ng ilaw. Hindi nagtagal, nasanay ang paningin ko sa dilim. Tumitig ako sa ceiling fan. Paano kaya bukas? Sa mga susunod na araw? Papayag kaya si Kara? Kapag nasimulan na ni Julian ang pag imbestiga, tuloy tuloy na iyon. But I will rely on my sister’s discretion. Kung papayag siya, susuportahan ko. Kung hindi, maiintindihan ko. Hindi iyon isang mababaw na attention lang. She could be everybody’s subject again. But if that happens, I am willing to save her. Pumasok ang gumagalaw na liwanag sa bintana. It’s not intentional. Dumaan lang kasabay ang isang mahinang ugong ng sasakyan. Tumahol ang aso ng kapitbahay namin. Kasunod no’n, katahimikan. Napaisip ako kung kapag nahuli na ang hinahanap namin, may kapayapaan nga kayang kasunod? Makakasundo ko pa kaya ang mga de Silva? Walang makakapagsabi sa akin ng sagot d’yan. Ang tanging alam ko lang, kapag binangga ko sila, parang inumpog ko ang ulo sa pader. Ilang oras pagkadeliver ng refrigerator sa amin, binuksan ko na iyon. Naglagay ako ng mga softdrinks. Gumawa ng yelo. Nagtabi ng mga kailangang ilagay doon para mapahaba ang shelf life. Hindi pa ako nagbubukas. Ang balak ko sa araw ng Linggo. Pagkasimba namin, saka ko bubuksan ang tindahan. Ready’ng ready na naman ang lahat. Araw ng Biyernes nang bumalik sina Julian at Liza. Wala pa si Kara pero darating din siya ngayong araw. Bagong gupit at shave si Julian. Though, medyo seryoso pa rin ang awra niya, nabawasan lang ng pagkaterror ang mukha nang magupitan. Clean cut at pumorma. “Ala una pasado makakarating si Kara. May taping siya kaninang umaga pero maaga raw magpapack up. Mauna na tayong kumain,” Pareho silang pumayag. Habang kumakain, pinag uusapan namin ang sasabihin kay Kara. Si Julian ang nagready ng introduction. Dala niya rin ang Laptop niya. Wala akong WiFi pero pwede niyang gamitin ang data ng kanyang cellphone. Natapos na kaming kumain pero hindi pa rin dumarating si Kara. One thirty na iyon nang hapon. Nag abiso siya via text na mala-late nang kaunti. Nag request si Liza kung pwedeng makita ang tindahan. Pumayag ako. Naiwan si Julian sa sala hawak ang kanyang Laptop. Binuhat ko si Xavier at sinama rin sa tindahan. “Wow. Punong puno. Ang ganda ng pagkakasalansan mo, Aynna.” Inikot ni Liza ang tindahan. Nafeel ko ulit ang tila maliit na boses kapag nagsasalita rito. Memories went in my mind like a river. Iba talaga ang tatak nito sa akin. Hinayaan ko ring maglakad lakad si Xavier. Hindi gaanong malaki ang space pero maluwag pa rin kahit tatlo kami. Lalo pa, ang liit ng anak ko. “Ginaya ko lang ang ginagawa noon ni Lola Olimpia. May nagbago pa rin nang kaunti pero… siyang siya pa rin. Tingnan mo ‘to…” PInaglaruan ni Liza ang mga nakadisplay na de lata sa shelf. Isa isa rin niyang tiningnan ang nasa harap na paninda. Pati bigasan ko ay handa na rin. Bumili ako ng bagong timbangan at mga plastic bag. Sa tabi ng kahon na paglalagyan ko ng pera, may calculator na roon. “I hope oneday, mapapalago ko rin ito. Kapag lumakas ang kita, gagawin kong mini grocery.” “Ang bango rin dito, ha. ‘Yung pwesto ng store ko, halos kapareho ng size nitong sa ‘yo. Hindi nga lang mga pagkain ang laman kaya hindi ganito kabongga. Saka bihira lang ang pumapasok at syempre madalang din kumita.” “Pero kapag kumita ka naman, malaki. Matagal ka na sa ‘yo pero ako rookie pa.” “Sus. Sa pagtagal, mababawi mo rin ang pinuhunan mo. Tyaga lang, Aynna. Kaya natin ‘yan.” Nginitian ko si Liza. Tiningnan tingnan niya ulit ang mga nakasabit sabay turo nito kay Xavier. Dahil sa nangyari, pagkawalan ng raket sa tiatro, ang ipon niya ay tinayo niya ng tindahan ng mga branded bags, shoes at pabango. Inuupahan niya ang pwesto tapos nakaapartment siya ngayon. Dati nakatira ito sa isang townhouse kasama ang boyfriend niya. Nagkahiwalay sila. Umalis siya sa townhouse. Lumipat sa apartment. Taga-Bulacan lang si Liza pero ayaw niyang bumalik sa bahay ng parents niya dahil sa nangyari. Hindi nila gusto ang pagpasok nito sa tiatro kaya nagkagalit. Naglakas loob siyang pumasok sa pagbi-business. Nakakuha ng supplier at ngayon may-ari na ng tindahan. Tumikhim ako. “Liza?” “Hmm?” “Bakit hindi ka na lang lumipat muna rito? Tutal, kami lang nina Aling Corazon at Xavier ang nakatira. Makaka-save ka ng pera kapag binitawan mo muna ang apartment mo. Tapos puntahan mo na lang ang store. Isang sakay lang din galing dito, ‘di ba?” Umawang ang labi ni Liza. Naging robot siyang dahan-dahang lumingon sa akin. “Seryoso ka d’yan, Aynna? Ako? Palilipatin mo rito sa bahay ni Lola Olimpia?” tinuro niya ang sariling mukha. I chuckled. “Kilala ka naman ni Lola Olimpia. Saka, malaki ang maitutulong kung ‘yung rent sa store na lang ang bayarin mo. Sabi mo nga, hindi malakas ang benta mo minsan. Mahihirapan ka ring makaipon. Kaya, dumito ka muna. May extra pa kaming kwarto sa taas. Wala ka nang aalalahanin bukod- “Aynna naman, e.” “Bakit?” Madrama niyang sinuklay ang kanyang buhok. Hindi niya lang sinasabi pero alam kong nahihirapan din siya. Wala ni isa sa pamilya niya ang sumuporta sa kanya sa tiatro at nadamay pa sa problema ko kay Anton. Mabait na kaibigan si Liza. Maaasahan at matatakbuhan ko rin. Iniisip niyang naghihirap din ako ngayon. Pero maswerte pa ako dahil nariyan ang kapatid ko at ang itong bahay ni Lola. Kumpara sa kanya, nag iisa lang talaga. Tulad din ni Julian. “Sigurado ka ba d’yan? You’re opening your doors for me?” “Oo nga. Mamili ka na lang ng kwarto sa taas. Kita mong aalog alog kaming tatlo rito.” “Kasi naman ‘to, e. Naiiyak ako! Kainis ka!” I chuckled. Hindi ko akalain na iiyak nga siya. Tumulo ang luha sa gilid ng mata niya at pairap pa akong tiningnan. “Hoy. May luha talaga?” Tinawanan ko siya ulit. Para mabawasan ang pagkamadamdamin ng kaibigan ko. Pero lahat ng sinabi ko, ang inalok ko ay bukal sa loob ko. Kulang pa nga ito sa ginawa nila sa akin noon. At kahit hanggang ngayon. Nalagay ko sila sa alangin. Dito ako babawi. “Pero makiki-share ako ng pagkain, kuryente at tubig, ha? Hindi ka pwedeng tumanggi. Kung hindi, hindi ako lilipat.” Sinundan ko iyon ng masarap na tawa. “At kung may free time ka, pwede ka ring tumao rito sa tindahan ko. O sasama ako sa ‘yo sa store mo. Ano, deal?” Inirapan niya ako tapos ay humalukipkip. “Ikaw, lalabas? ‘Wag na. Dito ka na lang. Baka may alipores dito ang tatay ng anak mo at kidnapin ka pa. Dapat yata nagpalit ka ng mukha. Magpaplastic surgery ka kaya? May kakilala ako… mura lang…” “Sira!” “Hindi ako nagbibiro, ha? Kapag umabot tayo sa puntong inaapi ka na ni Anton, pag isipan mo ang pagpalit ng mukha, Aynna.” “Edi nagmukha akong criminal na nagtatago sa batas niyan. Ayaw ko, Liza.” “Maganda ka na. Pero gaganda ka pa rin naman sakaling patulan mo ang sinasabi ko sa ‘yo. Sabihan mo ako nang makapili tayo ng mukhang gagayahin.” Inirapan ko siya pero pinagtawanan niya lang ako. Hindi ko seseryohin iyon kasi… bakit naman? Oo, mahirap ang sitwasyon namin ngayon ng anak ko pero wala pa ako sa estadong magpapalit ng mukha. Saka hindi ko iyon naisip. Ito talagang kaibigan ko, kung anu ano ang naiisip. Alas dos na ng dumating si Kara. Iyong driver lang ang sinama niya at naka-makeup pa siya dahil galing itong show na i-eere next week. Nakita ko ang pagbalot ng hiya sa mukha ni Kara pagkakita na may iba pang tao sa bahay. Kilala niya ang dalawang ito. Matagal ding hindi nakita kaya siguro ganito ang reception sa kanya. My little sister became aloof from people. Nagkatinginan kami nina Julian. Bago dumating ang kapatid ko, sinabihan ko silang humanda at maging mahinahon lang. Alam nila kung bakit kaya hindi rin sila nahirapan sa pakikiharap sa kanya. “Ano bang pag uusapan natin, ate?” Hinandaan kami ni Aling Corazon ng kape. Ang sabi ko magprepare na lang ng sandwich kasi baka hindi kumain ang kapatid ko. Kape at sandwich ang pagkain. Tapos ang Laptop ni Julian nakabukas din. Ako ang nakaupo sa kabisera. Si Kara sa kanan ko. At sa kabilang bahagi naman sina Julian. Magkaharap ang dalawa. Tiningnan ko si Julian. Binigyan niya ako ng signal na tango. Kinabahan ako. Pagbaling ko kay Kara, parang gusto kong bawiin na pag uusapan namin ito. Kung kaya, may ilang segundong katahimikan ang namayani. Kara curiously arched her perfectly made brows. “Is there something wrong?” she glanced at Liza then at Julian. Tumikhim si Julian. Umayos ng upo. Pinagsalikop ko ang mga kamay kong nakapatong sa ibabaw ng mesa. Mariin kong pinikit ang mga mata ko. Magagawa ko ito para sa peace of mind ng kapatid ko. Kaya ko ito. “Tungkol ba ito kay Anton, ate Aynna?” I released the tension in my throat. I opened my eyes and threw my attention at her quizzical look. “May sinabi si Julian tungkol sa… kaso mo ngayon. Willing siyang mag imbestiga, kumalap ng impormasyon tungkol sa hinahanap na lalaking iyon, kaya pinapunta ka namin dito nang mapag usapan natin… at kung papayag ka.” Wave of severe silence reigned. Tulala akong pinagmasdan ni Kara. Hindi niya inaalis ang titig sa mukha ko kaya hindi ko rin inalis ang tingin sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya… “Ilang taon nang dinidinig sa korte ang kaso mo kina Jeremy. At ilang taon na ring hindi umuusad ang paghahanap sa pang huling lalaki… Ayokong isipin mong dahil ito kay Anton o anupaman, gusto lang naming tumulong. Actually, nakatutok si Julian sa kaso. At may nalalaman siya tungkol sa loob…” Bumaling siya kay Julian. Julian shifted on his chair. “What do you mean?” Napalunok ako sa nerbyos at mabilis na t***k ng puso. Natatakot akong baka may kung anong matrigger kay Kara at makasama sa kanya. I shouldn’t do this! Dapat nag ingat ako. Dapat ay inunti unti ko. “Kara…” Marahas niya akong binalingan. “What’s going on, ate? Anong alam ni Julian sa taong gumahasa sa akin?” Tila malaking dagok sa aking marinig ang salitang iyon sa kapatid ko. Pinilit kong ‘wag alisin ang paningin sa kanya. She needed me. Mula nang mangyari iyon, kailangan na kailangan niya ako. Looking at Julian, nagulat din siya sa biglang talim ng pananalita ni Kara pero matapang niyang hinarap ang kapatid ko. His journalist beast mode is on! “Kung papayag ka, Kara, may kakausapin akong mga tao na hihingan ko ng detalye. To be honest, diskumpyado ako sa tinatakbo ng kaso. May nakausap akong abogado. Ang taong iyon ay kakilala ang abogado nina Jeremy at ng iba pang akusado. They are treated like kings--special Jeremy inside their cells. Mayroon na nga silang sariling kwarto sa kulungan pa lang. That’s when I really thought, may nangyayari sa loob na hindi dapat mangyari.” Hinigpitan ko ang hawak sa nanlamig na kamay ni Kara. I stared at her. “Sabi mo, pinadalhan ka ng threat ni Jeremy, ‘di ba?” She nodded her head slowly. “Maaaring nasa loob lang si Jeremy pero paglipas ng ilang buwan o taon, bumaligtad ang batas at makalaya siya. Hindi maganda ang mga nalaman ni Julian. He’s an investigative journalist, Kara. He can help you if our Law can’t.” “P-pero paano, ate Aynna? Paano?” padabog na tumayo si Kara. Niyakap ang sarili gamit ang nanginginig na kamay. Minasahe ang leeg na tila wala sa sarili. Palingon lingon sa kaliwa’t kanan na tila may hinahanap o naaligagang bigla. Tumayo rin ako at marahan siyang hinawakan sa balikat. “May mga kaibigan sa media si Julian na may alam sa tunay na katauhan ng mga lalaking iyon. Pati kay Allen. Kahit pa kay Vaughn, Kristof at Maurice. He can infiltrate some sensitive information,” “N-nagawa na ‘yan ng abogado ko noon. Pati ng mga nag imbestiga… kahit pa ang inutusan ni Senator Ace ay ganu’n din kaya… anong magagawa ni Julian, ate Aynna? Magagawa ba niyang palabasing may kasalanan talaga sila? Mahahatulan ba ang mga taong bumaboy sa akin o mahahanap ba niya ang huling… huling yumurak sa p********e ko?!” “Kara…” Lumandas ang masaganang luha sa mga mata ni Kara nang titig na titig sa akin. Bawat patak ng luha niya, tumutusok sa puso ko. Bawat sakit na nakikita ko sa mata niya katumbas ay palakol na sumasaksak sa akin. “I was drugged. I can’t even remember his f*****g face. Pagkatapos akong pagpasa-pasahan nina Jeremy, binigay niya ako sa isang lalaking hindi ko maalala ang mukha--pero alam ko. Nararamdaman kong ginalaw niya rin ako. Kaya paano niyo siya mahahanap kung ang sarili kong mata hindi siya nakita man lang?” I bit my lip and tried to suppress my tears but I failed. “May paraan pa para mahanap siya. Kung hindi nagawa ng pulisya, ng mga imbestigador o ng kung sino man sa batas natin, gagawa tayo ng paraan.” “Paano? Magtuturo ba ako ulit? Para gumaan ang loob ko? Ate Aynna, nagawa ko na ‘yan kay Anton de Silva pero hindi gumaan ang pakiramdam ko. Tinulungan niya lang ako dalhin sa ospital kaya tinuro ko siya! And look what you did for me? What? Nasira ang buhay mo dahil sa akin. Dahil pinaghiganti mo ako. O kita mo ang resulta? May anak kayo at nagtatago ka sa kanya ngayon. My life is ruined and f****d up now, kaya ano pang pwedeng ninyong gawin para sa putanginang buhay kong ‘to!” “Mahahanap ko siya, Kara.” Marahas na tumayo si Julian. Pinunasan ko ang luha nang balingan ko siya. Kara did too and she scoffed at him. “Paano? Magpapaskil ka ng ‘Wanted: Rap-st ni Kara Villanueva’ sa bawat poste ng bawat kanto ng Manila, ha? Lalabanan mo si Jeremy na isang business tycoon? Sina Kristof kaya? Si Maurice? Kilala mo ba ang grupo nila, Julian? Humahalik sa lupa ang mga servant nila para sa pera. Ako nga, sikat na artista, kilala ng tao, nagawang babuyin at paglaruan ng batas, ikaw pa kaya na isang hamak na manunulat na walang bigating backup at mahirap--ang tutulong sa kaso?” “Kara!” I had to shake her shoulders. “He’s helping us.” Tila walang narinig si Kara. Umaapoy ang mata niya habang nakatitig kay Julian. Kumuyom ang kamao ni Julian. His teeth gritted. At kahit ganoon, nakikita ko ang respeto at pagpipigil nito sa kapatid ko. “Wala akong pera. Mahirap lang din ako.” Pag amin ni Julian na hindi nahihiya. Nanghihina ko siyang pinanood. “Pero tapat ako sa serbisyo ko. Wala akong pera kasi hindi ako bayaran na manunulat. Sinusulat ko ang sa tingin ko tama at karapatan ng taong maghayag ng salita niya. Lalo na kung naiipit ito. Kung nagkamali man ako, doon sa article kay Anton de Silva. Pero pinagbayaran ko iyon. Tinanggap ko ang pagkakamali ko kasi alam kong doon ako matututo. At oo. Wala akong bigating backup o kumpanya pero marami akong kaibigan sa field at kasamahan na handang magladlad ng katotohanan, Kara. Alam mo, malaki ang pagkakaiba natin. Ang industriyang ginagalawan mo, puno ng burloloy, pretentious at personang malayo sa nakikita ng tao. Yours are for entertainment. Ang masahol pa dyan, marami kayong tinatagong mga kagaguhan. Pero sa industriya ko, tagapaghatid kami ng balita. Balitang may katotohanan. Nilalabas namin ang nakikita at naririnig na may halong research at concrete na detalye. Kaya kung iyon ang hanap mo, ako ang kailangan mo.” “Mina-mock mo ba ang uri ng trabaho ko?” “Ang sinasabi ko lang, may nalalaman akong dumi sa industriyang kinabibilangan mo.” Parehong nagmatigasan sa titigan sina Julian at Kara. Nakaalalay ako sa kapatid ko. Hawak ko ang braso niya sakaling bigla itong bumagsak o mawalan ng malay. Pero makalipas ang ilang segundo o halos isang minuto, napatingin ako sa kanya. Matalim pa rin ang mata kay Julian. Kung nakakamatay iyon, duguan na sa sahig ang kaibigan ko. And it surprised me. Nagkatinginan kami ni Liza. Pareho kaming tense sa dalawa. Hindi ko akalaing may ganitong katapangan ang kapatid ko bukod sa pinapakita niya sa TV. Julian sighed. He darkly glanced at me and turned it back on my sister. Ang tapang ni Julian, parang pader na hindi patitibag. “My Tita Evelyn’s late husband was a journalist. Sa Bangon Pilipinas. Medyo kilala ‘yon kaya masasabi kong bigatin. He died years ago…” He stopped when Kara scoffed. “He died. So, anong magagawa ng patay na journalist?” I carefully squeezed her arm. Isang beses niya akong sinulyapan. Pero ang talim ng mata kay Julian ay hindi nagbabago. Sinagot iyon ni Julian nang mabigat na buga ng hininga. “He was been a journalist for many years. Kaya marami rin siyang naipon na files. Most of his subjects were life-threatening. Umaga hanggang gabi, death threats ang kinakain niya. Pero dahil tapat siya sa tungkulin at alam niya ang trabaho niya, hindi ito nagpapigil. Years before his untimely death, Tito Jules found out about the secret of Jeremy’s family. May kinalaman din ito sa mga babae. And for sure, even until now, walang naglalabas ng tungkol doon. Bakit? Kasi papatayin ang gagawa no’n.” Pareho kaming naestatwa ni Kara. Tiningala niya ako. Ako man ay suminghap. “Kung gano’n, pwede kaya nating makuha iyon? If ever man, makakatulong kaya sa kaso ni Kara?” Julian nodded. “Ebidensya ‘yon para madiin sa kaso ang gagong negosyante na iyon, Aynna. Kailangan lang na makausap ko si Tita Evelyn at hingin ang files.” “Totoo naman kaya ang kwentong ‘yan?” Madilim na tiningnan ni Julian ang kapatid ko. “Pwede kang sumama kung nagdududa ka,” Kara scoffed again. I sighed. “Ako na lang ang sasama, Julian.” Napatayo si Liza. “Kapag lumabas ka, matitiktikan ka ni Anton. May atraso ka pa roon. Hangga’t hindi nalulutas itong ginagawa ni Julian, hindi ka pa libre sa Manila.” Kara worriedly looked at me. Nawalang parang bula ang galit niya kay Julian pagkarinig sa sinabi ni Liza. Hinawakan niya ang kamay ko. “Are you doing this to pay for what you did for Anton or- “Ginagawa ko ito para sa ‘yo, Kara.” Tumikhim si Julian. “Well, actually, para sa inyong dalawa. Para sa hustisya mo at para na rin kina Aynna. Umaasa kami na kapag case closed na ang kaso mo ay maiintindihan ni Anton o ng pamilya de Silva ang ginawa ni ate mo. Willing si Aynna na makipagdialogo sa ama ni Xavier. Humingi ng tawad o makipag-settle. Magagawa niya iyon kung uunahin ka niya, Kara.” “Ate Aynna…” Hinawakan kong mariin ang kamay ng kapatid ko. I stared at her. “Ayokong mapressure ka. Kung papayag ka lang sa gustong gawin ni Julian, saka lang din ako makikipag usap sa mga de Silva. Pero kung hindi… okay na ako sa sitwasyon ko ngayon. I can find a new town and place. Ang mahalaga--kaya mo. Kaya mong harapin ang lahat ng ito. At nandito lang din ako para sa ‘yo, Kara. Nasa likod mo ako kahit anong mangyari. Nandito kaming lahat para tulungan kang makuha ang mailap na hustisya.” Kara’s lips shivered. Ayaw bitawan ang kamay ko. Pumatak nang pumatak ang luha niya. I hugged her and we cried. Si Liza ay nagpupunas ng gilid ng mata habang dumidistansya. At si Julian tahimik siyang pinagmamasdan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD