“Never nyong pinakinggan ang mga advice ko, di nyo pinapansin pat kino-correct ko kayo. Kaya matitikman nyo ang bunga ng mga ginawa nyo, dahil sa mga pakana nyo, magkakasakit kayo.” – Proverbs 1:30-31
--
Chapter 4
Aynna
Hindi ko na pinabalik si Adrian dahil ako na mag-isa ang nagpintura ng tindahan. Hindi naman kalakihan ang pwesto kaya wala pang isang araw, natapos ko rin.
Sa sumunod na araw, namili na ako ng mga ilalagay sa tindahan. Sinama ko si Aling Corazon at Xavier sa Puregold. Nagtulungan kami sa mga dapat bilhin at saka kung saan kikita. Nagtanong tanong na rin ako para makapag apply na consignee ng sigarilyo at softdrinks. Pati liquor products. Ang mga ito kasi ang mabili.
Gusto kong magkaroon ng maraming produkto ang tindahan ni Lola Olimpia. Gusto kong makita ulit ang dati niyang libangan nang sa ganun kahit nasa langit na siya, nakakangiti siya kapag dinudungaw ako.
Alam ko namang hindi kalakihan ang kikitain ko rito. Baka matagalan pa bago mabawi ang pinuhunan. Pero hindi ko maitanggi ang nagagawa nitong pag occupy sa isipan ko. At the same time, nae-enjoy ko ang pagkakaroon ng sariling negosyo. Bukod pa sa talagang ayaw kong masayang ang binigay ni Kara sa aking pera. Ganoon din ang kay Papa Lauro. Siguro, chance ko na ito para makatayo sa sariling mga paa. Ito naman talaga ang plano ko nang umuwi. At hindi makikita ni Mama Olivia na lalapit ako sa kanya para maghingi ng tulong.
“Kaya mabuti na lang hindi mo tinanggihan ang tulong ni Kara sa ‘yo. Kahit sinong tao na gustong magsimula ulit, nag uumpisa talaga sa mababa. Hindi naman ikaw ang tipong huthot nang huthot sa Mama mo o kay Kara. Nagkataon lang na isa ka nang ina at gagawin mo ang lahat mabuhay ang anak mo kaya nangailangan ka, Aynna.”
At some point of our conversation habang namimili kami ni Aling Corazon, naisatinig kong nahihiya ako dahil ang nakakabatang kapatid ko pa ang nag abot sa akin ngayon. Kahit willing akong bumalik sa tiatro o mag apply ng ibang trabaho. My pride or maybe my ego are telling some internal dialogue in my mind. At hindi maganda ang pakiramdam ko roon. Parang ang baba ko na tanggapin ang tulong ni Kara.
Kinastigo ko ang sarili. Kailan ba ako humingi ng ganitong tulong noon sa kanila? Wala. Kung sa pag aaral sa college, nag working student ako. Pumasok sa mga fast food chain at taga gawa ng mga assignment ng kaklase na may bayad. Kahit may allowance ako galing kay Mama Olivia, hindi ako dumipende roon. Inaabutan din ako ni Lola Olimpia pero iniipon ko. Hanggang sa makatapos at makakuha ng opportunity sa tiatro.
Maybe then that’s why hindi matanggap ng diwa ko na inabutan ako ngayon ni Kara. Iyong tulong niya noon sa amin ni Mama, hindi ako ang humahawak. Si Mama Olivia pa rin. The taste of having my own money and being independent became my new paradigm. It set in me that I could stand on my own no matter what happens in my life. Pero hindi stable ang buhay. Minsan nasa taas. Minsan nasa baba. Tila gulong. At hindi natin hawak ang kapalaran.
Ang tanging magagawa ko, maging humble. Alisin ang ego at pride. Ngayon, hindi naman kabawasan sa pagkatao ko na tumanggap ng tulong. Dahil kung tutuusin, magiging selfish ako kay Xavier kapag ginawa ko ang sinasabi ng emosyon ko. What I needed now is a new beginning as a mother. Yes. Hindi na ako nag iisa ngayon. Tama ang pangaral sa akin ni Aling Corazon. Hindi ko rin aabusuhin ang mga taong nagmamalasakit lang sa akin.
Nakasakay kami ng tricycle pauwi bitbit ang mga box at plastic ng pinamili nang makita ko ang nakaparadang sasakyan ni Kara sa tapat ng gate.
Niyakap at hinalikan ko sa pisngi si James na ngayon ay apat na taong gulang na. Sobrang cute at maputi rin. Mahiyain kaya palaging nakakapit sa kamay ng Mommy Kara niya. Pinakilala ko sa kanya ang anak kong si Xavier. Niregaluhan ni Kara ng mga laruan ang anak ko kaya naging busy agad ito pagkauwi namin.
“Nagpaalam ka ba kay Mama?”
“Sinabi kong isasama ko sa set. Kapag ganoon, wala na siyang extra questions. Tyinempo ko ring nagpapamassage siya ngayon sa bahay.”
I smiled at her knowing that she’s happy seeing me again. Pinagmasdan ko ang anak niya. Nahahawig ni James ang mata ni Kara. Ang kutis ay tiyak kong sa ina rin namana. Other than that, wala nang bakas ng dugo namin.
Iniwan namin ang mga bata sa sala kasama si Aling Corazon. Naglatag kami ng rubber mat for safety. Binuksan ko ang pinto para kahit nasa tindahan kami ay natatanaw namin ang mga bata.
“Did you really finish this alone, ate Aynna? I mean… this looks tiring.”
Tumawa ako sa pagkashock ng mukha niya. Malinis at maaliwalas na ang tindahan. Napalitan ang wire mesh, nalagyan ng hook, napinturahan ng puti at nilatagan ng bagong linoleum ang sahig. Hindi ito madali, syempre.
“Kapag pursigido, makakalimutan mo ang salitang pagod. But in reality, nakakapagod talaga. Tinutulungan naman ako ni Aling Corazon, lalo na sa pag aalaga kay Xavier. At noong pinatanggal ko na ang cover sa labas, nagtawag na siya ng tulong. Hindi na sakop ng powers ko ‘yon, e.”
Kara sweetly chuckled. Wala siyang makeup ngayon. Bukas pa raw ang taping niya. Sa ngayon, may regular show siya sa DSTV Network. Active rin sa social media dahil sinabihan siya ni Mama Olivia na gawin iyon. Si Mama kasi ang Manager niya.
She’s wearing a tight jeans and black sleeveless blouse. Ginawa niyang headband ang sunglasses niya at nagponytail ng buhok. Namumula sa init ang pisngi niya habang tinutulungan akong idisplay ang mga pinamili namin.
“I was thinking to hire a nanny for Xavier, ate Aynna. Kung papayag ka,”
“Huh?”
She shrugged her shoulders. “I’m sure, magiging busy ka na sa store na ito. Si Aling Corazon naman sa bahay ang toka ng trabaho. Alam naman nating may edad na rin siya at baka hindi niya makayang alagaan ang pamangkin ko. What do you think, ate?”
“Hindi ko kasi naisip na kumuha ng nanny para kay Xavier. Kaya itong negosyo ang tinayo ko kasi nasa bahay lang din. Wag na, Kara. Sa tingin ko… makakaya ko naman.”
“Sure, ate. Nag-alala lang ako na baka mahirapan ka sa sitwasyon mo rito. Nasa ibang bahay kasi kami ni Mama imbes na sama-sama na lang tayong lahat…”
Natigilan ako sa tonong naramdaman kay Kara. I knew then that she’s being emotional. Mukhang dapat talagang kausapin ko si Mama tungkol sa kapatid ko. May mga napapansin akong nagpapakaba sa akin.
“Pwede kang bumalik dito sa atin kahit kailan mo gusto, Kara. Kung gusto mo, lumipat ka na rito. Narito naman kami ni Aling Corazon. Kami ang mag aalaga kay James.”
“May nanny na ang anak ko, ate. Saka baka hindi pumayag si Mama. Alam mo namang… mahigpit ‘yun sa akin.”
Umawang ang labi ko. Pinigilan ko ang sariling sagutin ang huling sinabi niya at baka may masabi akong pagsisisihan ko rin. I know and understand why our mother is doing that to her. It’s her dream. At kahit napapansin ko na noon pa ang magkaiba niyang trato sa amin ng kapatid ko, eventually, tinanggap ko na lang. My mother is too brave and determined about Kara’s career. Malamang, namana ko rin sa kanya ang katapangan ko kaya nagawa ko iyon kay Anton.
“Isa sa mga araw na ito, kokontakin ko si Mama. Hihilingin ko sa kanyang magbakasyon kayo rito. O kayo ni James kung ayaw niyang iwan si Senator Ace.”
Hinuli ni Kara ang mata ko. Dinungaw na medyo may kaba. Tinaasan ko siya ng kilay.
“Bakit?”
“Wala naman, ate. Sa totoo lang, mabait si Senator Ace sa amin ni James. Lalo na kay Mama. Alam mo bang, dati na niyang crush si Mama?” tinawanan niya ang huling sinabi. “Nag aartista pa lang daw noon si mama, fan na siya. Kaya nang magkakilala sila, nagpursige siyang mapasagot si Mama. Biro pa niya, buti na lang pumasok siya sa Pulitika at nagkapangalan. Kung hindi, baka habangbuhay na siyang hindi pansinin ni Mama natin.”
“May asawa na na si Senator Ace?”
“Meron. Pero naghiwalay na sila. May iba na ring kinakasama ang dati niyang asawa. Dinidinig pa ang annulment nila.”
“Si Tito Augusto? Kumusta na? Tinatawagan ka pa rin?”
“I think he’s fine. Magkasama pa rin sila ng asawa niya at paminsan minsang lumalabas sa mga pelikula. Sa istasyon ng mga Capistrano siya nakakontrata, ate Aynna. Pero bihira ko siyang mapanood o makita.”
“Ah. May negosyo naman siya, ‘di ba? Siguro nasa maayos namang kalagayan ang papa mo.”
Nagkatinginan kaming dalawa. Now that we’re adult, ang mature na namin kapag pinag uusapan ang parents namin. Si Papa Lauro, sa litrato lang nakita ni Kara. Hindi niya masyadong kilala ang Papa ko pero ang Papa Augusto niya ay nakikita kong lumalabas sa kwarto ni Mama dati. Nagsama rin naman sila kaya lang ay patago. Bukod sa taga showbiz din si Tito Augusto, kasal na ito.
But the bottomline is, parehong hindi nakatuluyan ni Mama ang mga Papa namin. Walang kibo, tumawa kami ni Kara.
Inabot kami ng ilang oras sa tindahan. Ako ang nag ayos ng display sa bintana habang si Kara ang nag arrange ng mga delata sa estante.
“Siya nga pala, ate. May cellphone ka na?”
Kumurap kurap ako. Nawala sa isip ko iyon. Busy ako sa pagbubukas nitong tindahan.
“Subukan kong bumili bukas.”
“Si Ate Aynna talaga…” may pagtatampo niyang hinaing.
Ngumisi ako. “Sure na bukas. Pupunta ako sa SM kasi kailangan ko ring tumingin ng fridge rito. Para isang lakaran na lang.”
“Bakit hindi na lang ngayon? Sama ako!”
Hinarap ko siya at pinanliitan ng mata. “Hindi pwede. Baka dumugin ka ng mga fans mo at mapagalitan pa tayo ni Mama.”
“Ang daya naman.” Ngumuso pa siya.
“Bukas talaga may phone na ako. Promise.”
Pinagluto kami ni Aling Corazon ng masarap na meryenda. Tinawag si kuya Gregor para sumabay. Nang makapagpahinga kaunti, pinanood namin ang mga bata na nakasalampak sa rubber mat. Bumubuo ng Lego at kahit hindi pa nakakapagsalita ng derecho si Xavier, para bang ang seryoso na nila mag usap ng pinsan niya. Si James hindi na rin mahiyain. He likes playing with my son.
Umupo ako sa tabi ng anak ko. Si Kara ay nakaupo sa sofa. Chineck ko ang bimpo sa likod ni Xavier. Tama ako kasi basang pawis na. Kumuha ako ng bagong bimpo at nilagyan ng pulbos ang likod. I smiled at him. Sa Adelaide, hindi ko pa siya nakitang ganito ka-busy kapag naglalaro. Baka bata pa siya o dahil wala siyang ibang kalaro. Maliban sa amin ni Papa. Ang sarap sa pakiramdam na nasasaksihan ko ang paglaki at pagbabago sa kanya.
“Hay, anak. Ang bilis mong lumaki.”
Nagtawanan kami ng kapatid ko. Tahimik niya lang pinagmasdan ang anak niya at pamangkin.
Hinawi ko ang malambot na buhok ni Xavier. With that high nose, shape of his face and form of his lips… napatunayan ko kung gaano kalakas ang dugo ng de Silva niyang ama. I sighed. I touched the side of his fluffy cheek and stared at it a bit longer. Reminiscing the days where I really thought I was doing the right thing.
“Palagi kong naalala sa ‘yo ang daddy mo.”
Tumingala sa akin si Xavier. Mas lalo ko siyang nginitian dahil sa sayang hatid niya sa buhay ko.
“Da… di?”
Instantly, my smile vanished. Napabaling ako kay Kara. Kumunot ang noo niya.
Bumalik sa paglalaro ang anak ko at tila nakalimutan na ang sinambit. Kinagat ko ang labi ko. Nakalimutan kong mabilis pumick up si Xavier. Kapag paulit ulit sasambitin ang ‘daddy,’ isang araw baka hanapin na ito sa akin!
Pumikit ako. Hinilot ko ang nanakit kong ulo. Baka kakaisip ko kay Anton, ako pa mismo ang magsabi tungkol sa kanya kay Xavier.
Pumunta akong SM kinabukasan. Una kong hinanap ang fridge para tindahan. Maliit lang ang binili ko. Single door. Pumili ako nang magandang brand na matibay tapos ay nagbayad na. Ipapadeliver ko na lang.
Sunod kong pinuntahan ang tindahan ng mga cellphone. Mag isa lang ako. Hindi ko na pinasama sina Aling Corazon kasi balak kong umuwi rin agad. I bought a new Android phone. Hindi ganoon kamahalan at sakto lang sa pangangailangan ko. Syempre, pasok sa budget ko. Bumili na rin ako ng sim card.
Pagkauwi ko sa bahay, naideliver na ang mga inorder kong softdrinks. Pinalagay ni Aling Corazon sa labas ng pinto ng tindahan dahil wala pa ako. Nag thank you sa kanya tapos ay binusisi na ang bagong phone.
Una kong nirehistro ang numero ni Kara. Tapos kay Mama Olivia at kay Aling Corazon. Nang makapagbukas ako ng internet, gumawa ako ng account sa f*******:. Using my name, Aynna San Jose. Hindi ko nilagyan ng litrato at ginawang private ang account.
Hinanap ko roon kung narito si Liza. Pero walang lumabas na account niya. Sunod kong tinayp ang pangalan ni Julian. My mood lightened up after him and I immediately send a message.
Me: Julian?
Tiningnan ko ang account niyang hindi nakaprivate. He’s a journalist. Ang recent post niya ay four hours ago lang. Nag share siya ng article na siya ang sumulat.
Makalipas ang ilang minuto, agad siyang sumagot.
Julian Chavez: What are you, poser? Leave my friend alone, fucker!
Dahan dahan kong tinaas ang kamay para takpan ang umawang kong labi. Ilang segundo akong natulala. Sa huli, nagtype ako ng sagot na natatawa na.
Me: It’s me, Julian. Kumusta? May contact ka ba kay Liza?
I was seen right away. Then, he immediately replied. Ganoon pa rin ang tono niya. Galit na pikon.
Julian Chavez: Kilala mo pa ang kaibigan namin, ha? Ulol. Hindi mo ako maloloko. Scammer ka o tauhan ni Anton de Silva? Gago mo. Tigilan mo ako.
Me: Ok. I’ll call you…
Pinindot ko agad ang video call. Si Julian ba talaga ito? Tamang tawagan ko ba siya?
Ang dami ko pang pagtataka at iniisip pero ang daliri ko ay hindi sumusunod. Kinakabahan kong hinintay na sagutin niya ang tawag ko. Nang sinagot, puting pader ang bumati sa akin.
“Julian? It’s me. Aynna…”
“What the…”
Hinarap niya ako sa screen. Lumaki ang mata niya at bumagsak ang panga.
“f**k? Aynna?”
Bumuntonghininga ako at binagsak ang likod sa sandalan ng inuupuan.
“Nakailang mura ka na sa akin, ah. Pagbabayarin kita niyan.”
His eyes gets bigger and bigger. Sa lumipas na mga taon, nag mature ang itsura ng mokong na ito. Medyo humaba ang buhok at may bigote na. Dati sinasabi niyang palaging puyat at talagang in-action ang trabaho niya. Minsan ay hindi na nakakaligo dahil sa paghahanap ng subject at research. But he loves what he is doing. Kahit pwedeng malagay sa peligro ang kanyang buhay.
He combed his hair. Nakaupo yata siya sa computer chair dahil may sinandalan ang ulo niya. Titig na titig ito sa akin kahit pa nang may kinuhang baso at sumimsim doon.
“Aynna? The f**k? May f*******: ka? Teka lang, hindi ka na nagtatago? Nasaan ka? Australia?”
Halatang gulantang siya na makita ako. Kabado naman ako na makausap siya ulit pagkatapos ng mga nangyari.
“Kakagawa ko lang nito. Pero kung gusto mong sagutin ko ang mga tanong ko ‘yan, pwede mo akong punatahan dito sa bahay ni Lola Olimpia. Please, isama mo rin si Liza. I missed you guys. And I’m sorry for everything…”
His jaw literally dropped. “Nasa Pilipinas ka na? Kailan pa? Ah… sige, sige. Tatawagan ko si Liza. Pupuntahan ka agad namin d’yan pero… safe ba? Tangina. Ilang beses akong ginulo ng boyfriend mo no’ng mawala ka. Buong akala ko hindi na ako makakapagtrabaho ulit.”
“I’m sorry. I think we’re safe. Pinupuntahan ako ni Kara rito. In secret. Ayaw kong malaman ng mga de Silva na bumalik ako rito.”
“That’s impossible, Aynna. Maraming galamay ang pamilya ng boyfriend mo. Nakakasiguro ka ba?”
“He’s not my boyfriend anymore, Julian. Honestly, hindi ako sigurado. Pero pinagtataguan ko sila.”
Gulong gulo nitong sinuklay ang buhok. Hindi malaman kung anong sasabihin. For a short moment, walang nagsalita sa amin. I feel like, kailangan niyang pag isipan kung makikipagkita sa akin. Magkakaibigan kami pero dahil sa naging gulo ko noon, nadamay sila sa pangyayari. Hindi basta nadamay. Kundi kasangkot sila sa mga pinalano ko kay Anton.
He sighed. “Okay. Pupuntahan ka namin d’yan. Bumagyo man ng apoy, dadalawin ka namin ni Liza.”
“Thank you, Julian.”
He nodded. Ako na rin ang unang nagpaalam. Pinadala niya sa akin ang link ng account ni Liza. Iba pala ang gamit niyang pangalan kaya hindi ko makita. I added them on f*******:. Then, I logout immediately.