“Kasi si LORD ang nagbibigay ng karunungan, sa kanya galing ang talino at pang-unawa. Ang namumuhay nang matuwid, pinapayaman nya sa karunungan, iniingatan nya ang mga nabubuhay nang tapat.” – Proverbs 2:6-7
--
Chapter 7
Aynna
Ngunit hindi rin naging madali kay Kara na halukayin ang nakaraan.
She paced back and forth while thinking tremendously about our situation. Ilang ulit itong nagpatayo tayo sa upuan. Lalabas para magpahangin at papasok din agad dahil pinapaalala ko ang seguridad niya. Nasa labas lang naman ng gate ang kanyang sasakyan na lulan si Kuya Gregor kaya nababantayan din. Pero ang palagi kong paalala, kapag may nakakita sa kanyang kapitbahay o kakilala, baka dumugin siya rito.
Julian showed us some of his files that he saved long time ago. Mga screenshot ng online tabloid at article kung saan may naka blind item tungkol sa sikat na personalidad na may lihim pa lang tinatago.
Base sa mga clue nito at pahaging ng columnist, mapera ang lalaki. May real-state business na sobrang laki na ang impluwensya sa Philippine Market kaya walang mag aakalang kaya nitong gumawa nang ganoong bagay.
“Mahabang panahon nang pinagtatakpan ng mga Olivarez ang pagdodroga ni Jeremy. Nag iisang anak ito at tanging tagapagmana ng negosyo nila kaya nagsusumikap ang parents niyang panatilihing malinis ang pangalan nila. Pero ang mga ex-girlfriend niya, magpahanggang ngayon, hindi mahagilap. Hindi nagpapainterview at ang iba malamang piniling manahimik na lang,”
“Wala kaming relasyon ni Jeremy.”
Tumayo ako sa gilid ni Kara habang pinapakinggan namin ang sinasabi at paliwanag ni Julian. Minsan pinapakita niya sa amin ang documents sa Laptop niya. Nasisilip ko at nababasa na rin ang mga article. Noon, hindi ko masyadong nabigyan ng importansya ang mga ganitong detalye dahil nakadepende kami sa sasabihin ng abogado ni Kara. Nakakulong na rin naman sina Jeremy kung kaya mas nagconcentrate ako sa na-acquit. Si Anton de Silva.
Inaamin kong napunta sa kanya ang spotlight ko. Durug na durog ang puso ko para sa kapatid ko at hindi ko matanggap na may isang napawalang-sala. Sarado ang isipan ko noon. At tama si Lola Olimpia, nagpadala ako sa bugso ng emosyon.
“Did he court you or tried to get you?”
I heard my sister’s exasperated sighed while listening to him. Kita pa ring naiinis siya o iritable kay Julian kahit na nananatili itong nakikipag-usap. Pero may palagay akong pinagtatakpan niyang kabado siya at ginagawang matapang lang ang sarili.
“He’s married-
“Exactly! Kaya hinding hindi ko siya papatulan kasi nga may asawa na itong tao.”
Si Julian ang bumuntonghininga. Pinagpahinga ang mga kamay sa magkabilang gilid ng Laptop.
“Wala siyang pakielam kahit kasal at may asawang tao na siya. Sa blind item, dinidroga niya rin ang asawa niya at tapos binibigay sa mga kaibigan o business partners. Ang mga Ex niya, pinapatahimik. I just… don’t have enough evidence kung may pinatay na siya sa mga ito. Pero ang tiyak, pinagbabawalan niyang makita sila ng media para hindi kumalat ang kagaguhan niya. In your case, you’re one of his victims.”
Panghihina ng mga balikat ang nakita ko sa kapatid ko. Binaba ko ang mga kamay doon at marahang pinisil. Inabot ni Liza ang braso niya at hinawakan din.
“Ang problema, Julian, kahit nasa loob na ng selda itong si Jeremy at ng ibang akusado, nagagawa pa rin niyang takutin ang kapatid ko. Parang… parang may kapit siya sa loob. O… inuutasan niya ang kakilala sa labas para pabantayan si Kara? Wala ba tayong magagawa para pahintuin siya roon?”
“Nariyan pa ang mga Olivarez. Ang parents ni Jeremy matatanda na pero buhay. Hindi ko masasabing sila ang inuutusan niya pero maaaring may iba pa siyang kinakausap para mapadalhan si Kara ng threats,”
“Sa tingin mo kaya, nakakahawak ng cellphone itong si Olivarez?”
Julian nodded. “Posible. Hindi ko sinasantabi na humihina ang kaso ni Kara dahil sa lakas ng impluwensya niya at sa bagal ng usad ng kaso.”
“Bakit ‘di natin hanapin ang mga Ex niya? Iyong asawa mismo? Kuning testigo para madiin sa kaso ang siraulong ‘yon.”
Tumango ako sa suhestyon ni Liza. “Liza’s right. Hindi iyan nagawa ng lawyer namin.”
“D’yan na nga papasok ang mga files ni Tito Jules. Na kailangan nating makuha sa bahay nila. I can call my Tita Evelyn about it. Then, saka tayo makakagawa pa ng susunod na hakbang. Tulad ng paghahanap sa mga Ex niya at pagkumbinsi sa kanilang tumestigo laban kay Jeremy.”
Tiningala ako ng tensyonadong si Kara.
“Ate, sa tingin mo kaya papayag sila? Kung ang isang tulad ni Jeremy na hindi man lang ginalang ang asawa niya, hindi rin niya gagalangin kahit ang mga dating karelasyon,”
I parted my lips but Julian answered first. Napatingin kaming dalawa ni Kara sa kanya.
“Kung hindi natin sila mahihikayat na tumestigo laban kay Jeremy, maghahanap pa rin tayo ng ibang paraan para madiin siya sa kaso.”
“Tulad ng ano naman? Kaya ba ‘yang gawing Reclusion Perpetua ang hatol kung sakali?”
Naghinang ang mga mata nina Julian at Kara. Nagkatinginan kami ni Liza. Pare pareho naming batid na mahirap, delikado at malalim ang kaso. Natahimik kami. Hindi lang si Kara ang natetensyon. Si Julian lang ang bukod tanging determinado at handang handang sumabak sa lahat.
“Sa tingin ko Kara, ang magpapahina lang sa kaso… ay kung iisipin mo palaging talunan ka.”
I gasped. “Julian.”
Si Kara ay hindi natinag. Hindi nito inalis ang titig sa kaibigan ko.
Sinulyapan ako ni Julian pero binalik ulit ang paningin sa kaharap.
“Sinisugurado ko sa ‘yo, marami na akong nalamang baho at kagaguhan ni Jeremy Olivarez na hindi lumalabas sa publiko. Maingat sila. Ayaw nilang bumagsak ang real-state business nila. Obvious naman kung bakit. At marami pa akong makukuha. Hindi lang dahil sa ‘yo… kundi pati na rin sa ibang nabiktima niya. Naiintindihan kita, Kara. Pero sana… mapalakas namin ang loob mo. Para sa pamilya mo. Para sa ‘yo. At para sa… anak mo. Hindi ka nag-iisa. Karamay mo kaming lahat na nandito.”
Kara scoffed. “Para kina Mama, kay ate Aynna… alright! I can fight just for them. Pero para kay James? I don’t think so. Hindi ko siya iniisip.”
Natigilan ako.
“Bakit pa? Ni hindi ko nga alam kung sino ang tatay niya. It could be Jeremy. Or Kristof. Even Maurice—f**k—I don’t even know! Kung pinayagan lang ako ni Mama na ipamigay siya-“
“Enough, Kara. Hindi na maganda ‘yan.”
Imbes na magulat, lakas loob akong tiningala ni Kara at mapait na ngumisi.
“You can be his mother if you want, ate Aynna. Sinabi mo naman ‘yon noon, ‘di ba? Kaso… hinayaan niyo na lang siya sa akin ni Mama. At kung hindi ka siguro nabuntis ni Anton, magkakaamor ka sa batang ‘yon.”
Nilagay ko ang sarili sa posisyon niya at ang nasa isip ko ay si Xavier. Parang hinding hindi ko matatanggap na sabihin ang sinabi niya tungkol sa anak ko. Bilang ina, wala sa sakop ng kakayanan kong ipamigay ang niluwal ko nang buong hirap at pagod.
“H-hindi mo ba mahal si James?”
Dumilim ang mata niya. Ang pagkakatitig sa akin ay para bang nakakita ito ng demonyo at siya ang sinapian.
“Paano ko mamahalin ang batang bunga ng kahayupan, ate Aynna? Baka nga paglaki no’n, masahol pa siya sa tatay niya. Mala-demonyo rin. Sinira nila ang buhay ko, ang trabaho ko at ang p********e ko. Si Mama matyaga siyang inaalagaan. Pero ako? Araw araw akong nagtitiis sa batang ‘yon. Kung pwede lang ipaampon, matagal ko nang ginawa. Ayaw lang ni Mama.”
“K-kara…”
Tumayo siya kaya bumagsak ang mga kamay ko galing sa balikat niya. She took her bag. Isang beses na tiningnan sina Julian at Liza.
“Ayoko nang magtagal dito. Kung may kailangan kayong detalye, pwede niyo akong tawagan. You have my number. Makakatunog si Mama kapag dumalas ang atrasado kong uwi. Call me if you need some help or details. Tutulong ako dahil gusto kong mabulok sa kulungan sina Jeremy.”
She kissed my cheek coldly and without any words, she walked out the dining area. Nananatili akong nakatayo. Narinig ko na lang ang pagbukas at sara ng pinto. Pagbukas ulit ng gate at ugong ng papaalis na sasakyan.
Dumulas ang paa ng upuan sa pagtayo ni Liza. Hinaplos ang braso ko at inalu kahit na feeling ko ay hindi ko iyon mas kailangan. Nagulat ako sa sinabi ng kapatid ko. Hindi siya ganoon kasama siya. Dinala pa niya rito si James. Hindi ko nakita ang paglalambing niya sa anak pero hindi ko naman iyon basehan para masabing wala itong pagmamahal sa bata. Dugo’t laman niya iyon.
Pare pareho kaming natamemeng tatlo. Kung hindi pa mabigat na bumuntonghininga si Julian, hindi ako mapapabaling sa kanya. I am worried now. Dahil hindi ko naisip na magkakaroon ng ganitong damdamin ang kapatid ko. Sa kaso, okay lang para makausad ito. Pero sa anak niya, hindi iyon magandang pangitain.
“Intindihin mo muna ang kapatid mo, Aynna. May pinagdaanan siya.” Julian low voice.
Lumunok ako. Niyakap na ako ni Liza. Nakikidalamhati sa nararamdaman ko o sa lagay ngayon ng pamilya ko.
“Kaya mas lalong dapat na… makamit niya ang hustisya, Julian. Malaki ang pinagbago niya. Malaki ang hirap na hinarap niya. Kinuha rin ng insidenteng iyon ang kakayahan niyang magmahal… Kahit sa sariling anak…”
Hinilot ni Julian ang buto ng kanyang ilong. Mariing pumikit at umiling.
“Hindi ko na alam kung kanino ako mas naaawa ngayon. Sa kapatid ko ba… o sa pamangkin ko…”
Minulat ni Julian ang mga mata niya. Namutawi ang galit sa dereksyong hindi ko alam.
“Pareho silang biktima rito. Kaya mas nakakagalit na ang tulad ni Jeremy Olivarez ay nagagawa ang lahat nang dahil sa pera. Kung may bitay lang…”
Naghari ulit ang katahimikan sa aming tatlo. Ang kaninang puno ang determinasyon na pagpaplano, nauwi sa tila pakikiramay sa bawat isa. Inisip ko si James. Inisip ang mga unang taon niya kasama si Kara. Kahit sigurado naman akong hindi nagbubuhat ng kamay ang kapatid ko, paano niya nakayang hindi mabighani sa sariling supling?
Magkaiba kami ng sitwasyon pero hindi ko kayang hindi mayakap at mahalin si Xavier. Pero oo nga. Magkaiba kami ng naranasan at wala akong karapatang husgahan siya.
But I pitied my nephew. At sakaling iwan siya sa akin, hindi ako tatanggi. Dalawa sila ni Xavier na aalagaan ko. Papalakihin at mamahalin. Hindi ko sisiraan si Kara sa kanya. Walang dapat na ganyan. Kundi pupunuin ko ng pagmamahal ang anak niya hanggang sa makakaya ko.
Later on, it fueled me to be a better woman. It fueled my motivation to help her solve her case. Nagkamali ng kinanti sina Jeremy. Kung may galamay siya, puputulin ko. Kung may tinatago siya, bubungkalin ko. Sa sobrang sama nila, buhay pa lang, sinusunog na sa impyerno ang mga kaluluwa nila.
Mahirap makamit ang hustisya sa lupa. Pero sa ibang lugar, hinding hindi sila makakatakas. Sigurado ako d’yan. Iyon ang pinakahihintay ko sakaling mabigo kami rito mundo.
Kinontak ni Julian ang Tita Evelyn niya bago sila umuwi ni Liza. Tahimik kaming nakinig sa usapan nila dahil ni-loud speaker ang tawag. No’ng una ay kabado ako na baka hindi ito pumayag. Kung tutuusin, confidential ang trabahong iyon ng asawa nito. Nakatago na at hindi na dapat pinapakielaman pa pero alang alang sa serbisyo at paghahatid ng totoong balita, bukas palad kaming patutuluyin sa bahay para mahanap ang kailangan.
“Thanks, Tita Evelyn. I owe you this po.”
Mahinhing tumawa ang Tita Evelyn niya. Si Julian ang tiningnan ko at nagpaabot na rin ng pasasalamat sa pagtapik ko sa balikat niya.
“Walang problema, hijo. Asahan kita sa linggo?”
“Yes po, Tita. Ahm, pero may kasama po ako.”
“Oh? Sino? Katrabaho ba ‘yan o girlfriend mo?”
“Kaibigan ko po, Tita Eve. Wala po akong girlfriend.”
Nahihiya yata si Julian dahil namula ang tainga niya. Well, wala akong narinig sa kanya kung nagkagirlfriend ba ito noong wala ako. Single kasi siya three years ago. Noon, akala ko may gusto siya sa akin. Pero dineretso niya ako na hindi niya ako type kaya huwag akong mag ilusyon. Sunod kong tinanong kung nagkacrush ba siya kay Liza. Binatukan na niya ako dahil ang dumi raw ng laman ng utak ko.
Liza even thought that maybe he is… gay. Napag uusapan namin siya. Ang sama nga namin kasi ginano’n namin siya. Kaya nang malaman niya ang iniisip namin sa kanya, Isang buwan kaming hindi kinausap ni Julian.
“Ah, ganoon ba. O siya, sige. Hintayin ko kayo sa linggo.”
“Okay po, Tita Eve. Thank you so much.”
“You’re welcome, hijo. Bye.”
Nagpakawala ng kinukulong na hininga si Julian pagpatay ng Tita Evelyn niya ng tawag. Ngiting tagumpay ang bumalandra sa kanyang mukha.
“Ako na ang sasama sa ‘yo, Julian. Hindi pwede si Kara. At saka baka mag-away pa kayong dalawa.”
Nag volunteer ako sa gitna ng agam agam na baka makarating sa mga de Silva na bumalik na ako. Pero nilakasan ko ang loob kasi para sa kapatid ko ang lahat ng ito. Natatakot pa rin ako para kay Xavier. Natatakot na mabuking kami nang hindi pa natatapos ang paghahanap sa tunay na criminal pero hangga’t walang nangyayari sa kaso at sa hindi makilalang hudas, mas lalong hindi ako matatahimik sa bahay lang.
“Liza, baka pwedeng lumipat ka na rito ngayon o bukas. Para pag alis namin sa linggo, may kasama sina Aling Corazon at ang anak ko. Please.”
Bumadya ang pag aalala sa mukha ni Liza.
“Are you sure? Pwede ako mag impake mamaya at dalhin ang ibang gamit ko pero sa ‘yo ako nag aalala, Aynna. Alam naman nating malawak din ang galamay ng mga de Silva, ano. Ikaw, Julian?”
Bumuntonghininga si Julian. Wala nang nagawa kaysa naman na maiwan akong kabado rito sa bahay. Pareho lang naman, e. Kabado kapag naiwan, kabado rin kapag lumabas. Pipiliin ko na lang ang mas may pakinabang na kabado.
Pagsapit ng Linggo, tinuloy ko ang pagbubukas ng tindahan sa udyok nina Aling Corazon at Liza. Sama sama kaming nagsimba. Si Liza ang bumubuhat kay Xavier kapag nasa labas. Kinukuha ko ang anak kapag walang nakatingin at kapag hinahabol ako ng anak ko. Madaling nakapalagayan ng loob ni Xavier si Liza. Kaya kapag binubuhat niya, hindi naninitig o ungot. Pinasalubungan kasi ni Liza ng bagong laruan kaya bati raw sila.
Sinundo ako ni Julian bandang alas dies nang umaga. Bukas na ang tindahan. May mga bumibili nang mga bata. May listahan ako ng mga presyo at iyon ang inabot ko kay Liza. Siya kasi ang tatao pansamantala. Nahihiya ako ang kanyang tindahan, sarado. Babawi na lang daw siya sa susunod doon.
“Walang kasama sa bahay si Tita Evelyn. May mga kaanak na bumibisita pero madalas solo niya ang bahay nila.”
Tiningnan ko siya at tumango. Maluwag ang kalsada kaya medyo mabilis maneho ni Julian. Secondhand na raw niya nabili itong kotse niya pero hindi pa raw siya tinitirik. Hindi naman kalayuan ang bahay ngayon ng Tita Evelyn niya. Napapansin niyang palingon lingon ako sa bintana kaya napasabi nang ganoon.
“Hala. May sumusunod sa atin.”
Tinuro niya ang rear view mirror. SUmikdo agad sa kaba ang dibdib ko. Tumingin ako roon, sa side view mirror at sa likod. Pero wala namang nakasunod o malapit na sasakyan sa amin. Then, he laughed at my funny face.
“Kabadong kabado si Mrs. Aynna de Silva.”
Malakas ko siyang hinampas sa braso. Umaray siya kaya mas ginanahan akong ulitin iyon sa inis ko at sa kabang dinulot niya.
“Ang sama mo.”
“La? Hindi na mabiro ‘to.”
“Hindi maganda ‘yang biro mo. Akala ko talagang may nakasunod sa atin.”
Humalukipkip ako at aminadong magkasalubong na ang mga kilay ko habang nakatingin sa kalsada. But in fairness, nawala ang kaba ko. Though, hindi ko gusto ang birong iyon ni Julian, hindi na ako aligaga sa sumunod na minuto ng byahe.
Maingay siyang tumikhim. Umirap ako.
“Sorry na. Pero ‘di ka naman nagalit nang tawagin kitang Mrs. Aynna de Silva, ha?”
Matalim pa sa kutsilyo ko siyang binalingan. “Talagang inulit mo pa, ha? Hoy. Hindi ko pa nakakalimutan yung ilang ulit mong mura noong kontakin kita sa f*******:. Ngayon naman… pinapaalala mo pa ang pangalan na ‘yan.”
“Aynna… kahit hindi ko sambitin ang pangalan na ‘yan, nagluwal ka ng dugo at laman na galing sa inaayawan mong pangalan. Kung iba siguro ang sitwasyon, malamang, tinali ka na ni Anton. Legit ka nang Mrs. de Silva.”
“Not gonna happen.” Bulong ko.
“How sure are you, ha?”
Umismid ako at bumaling sa labas ng bintana. Patirik na ang araw. Kakaunti ang mga sasakyan sa kalsada. May mangilan ngilang tao sa gilid at mga establisyimentong nadadaanan namin. Ano ba namang iba na lang ang pag usapan namin? Bakit paulit ulit akong tinotorture ng nakaraan? Hindi lang alaala ko, kundi kaibigan ko.
“Si Xavier ang palaging nagpapaalala sa akin nang tungkol kay Anton. Magkamukha sila. Araw araw… nakikita ko siya sa anak namin. Sumpa iyon.”
“Hindi iyon sumpa. Blessing.”
I scoffed. Tiningnan ko siya habang nagmamaneho ito. May kaunting ngiti sa labi niya. “Hindi mo siguro akalaing magkakaanak kami, ‘no? Ako rin.”
He smirked. “Hindi mo sure. Kapag sinasabi mong pupunta kayo sa Penthouse niya at kayo lang tao roon, wala sa isip kong nagtititigan lang kayo. Kahit tanungin mo pa si Liza.”
Inirapan ko siya. Aminado naman ako. May nangyayari sa amin. Nagkaanak kami. At hindi lang isang beses. Unang naganap sa Penthouse. Sa Distillery Plant niya sa Laguna. Sa office. Sa banyo…
In my head, it was part of my plan. Willing akong ipagamit ang sarili para lang mapaluhod si Anton at maisagawa ang plano ko. Pero sa mga sumunod na araw… na halos inaraw araw namin iyon… nakalimutin ko rin ang pinalano ko. Tuwing hinahalikan niya ako… nag iiba ang mundo ko. Para bang hinihigop nito na makapag isip ako nang matino.
His kisses were deep. Hot. Wet. Passionate. Passionate enough that everytime he lingered on my lips, he whispers words. Nakakalasing. Nakakaantok pero ayaw mong matulog. Bumabagsak ang braso at katawan niya sa akin. Pumupulupot na tila mahuhulog kung hindi niya iyon gagawin. At kahit pumapagitna ang masama kong plano, nalulusaw kapag nakayakap na si Anton. Mas natatalo ako ng init. Pumapalaot palayo ang bigat sa dibdib ko.
“But I guess it was given. Kilalang playboy si Anton de Silva. Isang beses pa lang ako nakapasok sa Peyton. Naabutan ko silang magpipinsan sa second floor. Nakadungaw na parang mga hari at reyna. Habulin ng babae ‘yang Anton mo. Kahit ‘yung iba pa niyang pinsan. Buti na nga lang married na ang kuya Nick niya kung hindi dudumugin sila roon.”
I chuckled. “OA mo naman. Anong tingin mo sa aming mga babae, gutom sa gwapong lalaki? Hindi kami ganoong lahat.”
“Hindi lahat. Pero ang mga babaeng tinutukoy ko, e ‘yung nakikita lang ay panlabas na anyo at status nila.”
I sighed. “Hindi rin sila tumitingin sa estado ng tao. ‘Yung asawa ni kuya Nick? Hindi rin mayaman. Simple lang siya. Wala akong nakitang kahit na anong kaek-ek-kan kay Pearl. Kahit ang kapatid ni Anton at mga pinsang babae. They are… just simple and yet popular people.”
“They are not popular for nothing, Aynna.”
I agree. Pero hindi ko na sinatinig. Naramdaman kong nakarating na kami sa pakay nang tinabi na ni Julian ang sasakyan.
Luma at kinakalawang na ang gate ng bahay. Tinawag ni Julian ang Tita Evelyn niya. Dalawang beses. Pagbukas ng pinto, isang babaeng namumuti na ang buhok ang kumaway at ngumiti sa amin.
“Julian. Hijo, pasok kayo…”
“Magandang araw po. Ako po si Aynna. Kaibigan ako ni Julian.”
Medyo nagulat si Tita Evelyn nang ipakilala ko ang sarili. Nakapasok na kami sa loob ng gate. Pinasadahan niya ako ng tingin at bahagyang nalusaw ang magandang ngiti niya. SIniko ko si Julian sa tabi dahil pareho niya lang kaming pinapanood.
“Ahm…”
Then, Julian chuckled playfully. “She’s just a friend, Tita Eve. Pero may kinalaman po siya sa pakay ko sa inyo. At sa files ni Tito Jules.”
Sa tingin ko, pagkarinig nito sa pangalan ng namayapang asawa, mas lalong nadepina ang pagiging seryoso ng ginang. Kung kaya nagkatinginan kami ni Julian. Baka… baka hindi na siya pumayag na makakuha ng detalye dahil sa mga personal na rason.
Sinarado niya ang gate at saka kami pinaunlakan na pumasok sa loob ng bahay.
“Thank you.” mahina kong sabi sa kanya habang naglalakad kami. Kinakabahan ako na baka magbago ang kanyang isip.
Dinala niya kami sa tanggapan ng bahay. Malinis ang sala. Amoy fabric conditioner at kahit luma na ang ilang kagamitan, lumalabas ang katandaan ng sofa at lamesita, mas lalo kong namimiss si Lola Olimpia.
Ako lang ang nakaupo sa sofa at sumisimsim ng orange juice. Tinitingnan ni Julian ang litrato ng Tito Jules niyang nakadisplay sa ibabaw ng drawer. Nakapamulsa siya habang dinudungaw ang mga litratong naroon. Binalingan ako ng Tita Evelyn niya at nginitian.
“Hindi ko akalaing magiging journalist din itong si Julian. Tahimik lang kasi ‘yan noong maliit pa. Pero dahil matalino, mas inisip kong magiging teacher siya o kaya propesor,”
Pumalatak si Julian. “I also considered criminology, Tita Eve. Mas nagustuhan ko lang ang challenge sa journalism. Like Tito Jules.”
Hindi na nagsalita ang Tita Evelyn niya. Umiling ito sa naisip ilang sandali. At nang mag angat siya nang tingin sa akin, kumunot ang noo nito. Matagal akong tinitigan na tila may mali sa mukha ko.
“Alam mo, hija. Parang pamilyar ka. Nag artista ka ba noon?”
“Uh…” humingi ako ng tulong kay Julian. Na dahang dahang humarap sa amin.
“Hindi siya artista, Tita Eve. Pero ang nakakabata niyang kapatid. Si Kara Villanueva po.”
Tumaas ang mga kilay niya matapos iyong marinig. Hindi rin nagtagal, suminghap ito nang tila naalala ag mga detalye.
“Ibig sabihin. Ikaw din iyong… naugnay kay Anton de Silva? Ang Scandal of Manila?”
Hindi na naalis ang paningin sa akin ni Tita Evelyn. Tunay ngang marami ang nakakaalam ng kinasangkutan ko. Pero ang mas naalala naman niya ay ang nangyari sa kapatid ko. Kaya ang kaninang kaba ko na baka paalisin niya kami, napalitan ng simpatya at niyakap pa ako.
“Kung nabubuhay lang ngayon si Jules. Paniguradong hindi niya palalampasin ang istoryang ‘yan. Puro delikadong subject ang hinahabol no’n. Naalala ko nga, hindi niya tinatatanan ang isang grupo roon sa Quezon. Nasundan niya ang buhay ng pinuno at nalaman ang ilang personal na detalye.”
Nagkatinginan kami ni Julian. Tinanguan niya ako na ito na ang oras para malaman ng Tiya Evelyn niya ang pakay namin.
“Kaya po kami nandito, Tita Eve. Naalala nyo po ba ang tungkol sa mga Olivarez? ‘Yung negosyanteng may kaugnayan din sa droga at pambubugaw ng asawa?”
“Naku, hijo. Sa dami ng nakalap ng Tito Jules, halos hindi ko kabisado. Iilan lang. Kung ganoon, kailangan niyo iyon para sa kaso ng kapatid ni Aynna?”
Lumunok ako at tumango. Bahagyan akong umabante para mas lalo niyang makita ang tunay kong rason kung bakit naparito kami.
“Gusto po kaming tulungan ni Julian na makahanap ng ebidensya na magdidiin kay Jeremy Olivarez at sa iba pang akusado sa kasong sinampa namin sa kanila. Alam po ni Julian na nakakuha ng sensitibong impormasyon ang asawa ninyo na maaaring gawing ebidensya para mapatunayan ang pagkatao ni Jeremy. Sa kasalukuyan po, wala pa ring bumababang hatol at habang nagtatagal ang hearing, lumalabo na rin ang pag-asang mabigyan ng hustisya ang k-kapatid ko. Kaya sana po… sana po ay payagan niyo kaming makita ang dokumento na hawak ng asawa niyo, Ma’am Evelyn.”
“Eh, hija…”
“Nakikiusap po ako, Ma’am. Kahit ano po. Kahit anong hilingin niyong kapalit, gagawin ko po. Malaking malaki po ang tulong na maibibigay ng asawa ninyo sa kaso ng kapatid ko. Gagawin ko po ang lahat para-
“Hija. Wala akong hihilinging kapalit sa ‘yo. Katunayan, hindi naman ito ang unang beses na may pumunta rito para tingnan ang files ni Jules.”
“May iba pa po, Tita Evelyn?”
“Oo. Halika kayo.”
Unang tumayo si Ma’am Evelyn at may kinuhang susi sa drawer. Sumunod si Julian at nahuli ako. Papalapit ito sa may hagdanan. Hindi siya umakyat. Hinawi niya ang puting kurtina at lumabas ang nakasaradong pinto.
Nagkatinginan lang kami ni Julian.
Sinusian ni Ma’am Evelyn ang room. Hinanap ang switch ng ilaw. Isang bumbilya lang ang bumukas at siyang tumulong sa paningin naming makita ang patong patong na mga kahon sa loob. Mayroon ding cabinet sa dingding. Mga telang nakapatong at ilang kahong hindi yata naibalik sa dating posisyon.
“May taga Bangon Pilipinas nang pumarito para tingnan ang gamit ni Jules. Sa ibang pagkakataon, wala na akong pinatuloy para ipakita ang mga ito.”
Sumunod ako kay Julian na siyang naunang tingnan ang mga kahon. Nag squat ito. Pinasadahan ko ang mga gamit. May folders at mga envelop. Tiningnan ko. At halos lahat may mga nakalagay na CONFIDENTIAL.
Nag uusap sina Tita Evelyn at Julian nang makakuha ako ng isang folder. Binuklat ko at nabasa ang dalawang salitang nagsisilbing paunang warning.
OLIVAREZ CASE.
“Julian…”
Nag excuse ito sa kanyang Tita Evelyn para makita ang nahanap ko. He looked surprise but he took and read the papers inside. Tumango tango siya.
“Ito nga 'yon. Oh man. Kung nailabas ito ni Tito Jules… delikado.”
“Bakit, hijo?”
Binasa rin ng Tita Evelyn niya ang nakuha ko’t kailangan namin. Umawang ang labi niya. Halos mawala ang tiyan ko nang tingnan niya kami.
“Pwede po ba naming-
Sabay sabay kaming napalingon sa bukas na pinto.
“Teka lang. Mukhang may tao sa labas,”
Nagmamadali sa paglabas si Ma’am Evelyn para tauhan ang gate na may tumatawag. Binabasa ni Julian ang folder na iyon ng mga Olivarez kaya hindi niya ako napapansing nag iikot pa sa ibang kahon.
“Baka may mahanap pa akong kailangan natin,” wala sa sariling sabi ko. Kung ako ang nakahanap ng kay Jeremy, nagdarasal akong may mahanap din para sa ibang akusado. O kung wala man, kahit ibang detalyeng may kaugnayan sa kanila.
“Hindi kayo nagpasabing pupunta. Nandito rin ngayon ang pamangkin kong si Julian.”
“Talaga po?”
Lumapit ako sa pinto. Bukas naman ito pero nahaharangan lang ng kurtina. Nilingon ko si Julian. Nililipat niya ang pahina ng folder at masinsinang binabasa ang report na naroon. Kaya mag isa kong sinilip kung sino ang dumating na bisita pa ni Ma’am Evelyn.
Hinawi ko nang kaunti ang kurtina. Kita rito ang sala. Una kong nakita si Ma’am Evelyn. Nakangiti habang hawak ang isang bouquet ng mga rosas. Kita sa mukha niya ang galak sa dala. Umusod pa ako para makita kung sino ang kausap niya.
Namilog ang mata ko. Napapaso kong binaba ang kurtina at nagtago pa sa pinto na parang hindi pa iyon sapat para matago ako.
“Bakit, Aynna? Para kang nawalan ng dugo.”
My chest is literally panting. Tinuro ko sa kanya ang labas. But he looked puzzled.
“Nasa labas… sina Ruth…”
“Ruth?”
Pumikit ako at kinalma muna ang sarili. At saka ko sinagot ulit si Julian.
“Sina Ruth at Dylan de Silva nasa labas.”
Sinarado ni Julian ang folder at umayos ng tayo.
“Oh, fuck.”