Chapter 8

4548 Words
“Dahil sa karunungan, malalaman mo kung ano ang tama at makatarungan, kung ano ang patas at ang dapat mong gawin. Magiging marunong ka, matutuwa ka sa marami mong malalaman.” – Proverbs 2:9-10 -- Chapter 8 Aynna Hinila ko ang manggas ng damit niya. “Anong gagawin natin? Hindi nila ako dapat makita…” Ibang takot at pangamba ang gumapang sa dibdib ko pagkakitang-pagkakita sa mag-asawa. Wala sa hinagap kong lalapit nang ganito ang landas ko sa sa mga de Silva. Unang sulyap ko pa lang sa mukha ni Dylan, para akong pinugutan. Sinentensya. Halos malagutan ng hininga kasi mukha siyang haring napadpad sa pinakamababang parte ng lupa. His lethal looking body build tells me how dangerous and massive his family genes are. Hindi na ako magtataka kung makita niya ako ngayon dito, bigla akong hilahin at dalhin sa Police Station. Para ipakulong sa pagtuturo ko nang mali sa pinsan niya. They’re pretty close at each other. Kapag may problema ang isa, nagdadamayan ang lahat. Sa tingin ko noon, kaya siya na-acquit dahil nagtutulong tulong sila. Bukod sa magaling ang lawyer nila. Naintindihan ko ng ipakilalala ako sa kanila bilang girlfriend. They were happy but also suspicious too. I know it would be impossible and maybe I am only overacting me. But for them, I can’t think very straight! De Silva sila! Hinawi ni Julian ang kurtina. Wala akong lakas ng loob para tingnan sila ulit kaya nagtago ako sa kanyang likod. Takot na makita nga nila ako. “Julian!” I stopped him from peeking too long. Hindi naman ito sumilip nang matagal pa sa sampung segundo. Kinumpirma niya lang ang nakita ko. Binalingan niya ako nang medyo humihingal nang mabilis. “That’s Dylan de Silva.” Pinandilatan ko siya. “Oo, alam ko. Makikita nila tayo rito. Anong gagawin natin?” Julian walked back to the tons of boxes. Tiningnan niya ang paligid ng stockroom na tila may hinahanap itong sandata panlaban sa mga bagong dating. Bumaling ako sa kurtina. Lumalakas ang boses ng pag uusap at ang mahinang tawanan nina Ma’am Evelyn at Ruth. I heard footsteps. They are coming here! “Papunta sila rito!” I hissed and became more agitated. Nilapitan ko na siya at tumulong sa paghagod sa paligid kahit na wala roon ang atensyon ko. Ni hindi ko alam kung anong ginagawa ni Julian. Itatago ba niya ako sa mga ilalim ng mga puting tela? Sa likod ng mga kahon? “Aynna,” Wala na akong oras. Ilang hakbang lang ang pagitan ng sala at papunta rito. Sa uri ng pag uusap nina Ma’am Evelyn at Ruth parang malapit ang dalawa. At bakit niya dadalhin dito ang mag asawa gayong restricted area dapat itong pinagtataguan ng gamit ng journalist niyang asawa? Not unless… “Aynna,” Out of desperation, hindi ko na pinakinggan si Julian sa sinasabi niya. Inangat ko ang isang tela. Malaki iyon pero puno ng alikabok. I would look childish for doing this thing but I have no choice. Nag squat ako para pumailalim nang bigla akong pinigilan ni Julian. I groaned immediately and so desperately. Pero hinila ako patayo ni Julian. Nabitawan ko ang tela. Ang pwersa ng kanyang hila ay nagdulot ng gulat at halos mawalan ako ng balance. Sinalo niya ako agad. He hissed. Pinulupot niya ang mga braso sa baywang ko. He literally forced me to smash my upper body on him and embraced me with such tightness that shocked me. Right, in the middle of that room with feathers of dust surrounding us, like idiotic decision, we were at each other’s body. My first defense is to push him. Mas lalo akong niyakap ni Julian. Nilapit niya ang bibig sa tainga ko kaya halos kurutin ko siya. Iniwas ko ang mukha na dumapo kahit na nasa gilid lang iyon ng mukha niya. “What are doing?!” “Sssh. Act, Aynna. You’re an actress.” Gusto ko siyang batukan o ano. Hindi ko naintindihan ang pinupunto niya. Nananantsing ba siya? Kinuha niya itong pagkakataon na--but that’s ridiculous. Dahil walang halong sensual o kahit anong malisya akong nararamdaman sa kanya. Para lang siyang napayakap sa poste. At bago pa ako makaangal nang husto, narinig ko ang mga singhap sa bukas na pinto. Julian even tightened his grip. Hindi ko alam kung anong itsura namin sa paningin ng mga nakakita pero gumagapang ang init sa pisngi ko. Then, Julian growled a bit louder. Tinago niya ang mukha sa leeg ko. “Oh!” Tugon lang ni Ma’am Evelyn ang umabot sa tainga ko. Pero ramdam kong higit pa sa isang pares ng mata ang nakatunghay sa amin ni Julian. Pagulat na nag angat ng ulo rito si Julian. He even cursed a little and then faked a chuckle. Niluwagan niya ang yakap sa akin tapos ay hinila ang braso ko para itago ako sa kanyang likod. Payuko akong lumipat. I used my acting skills and act very shy after finding out that they caught us in a bit intimate and awkward position. “Pasensya na po. Hindi ko lang napigilan…” biro ni Julian. I bit my lower lip. Ang kamay ni Julian na nakahawak pa rin sa braso ko ay inabot ko ng pinong kurot. Ang pangit niya magpaliwanag. Para kaming may ginagawang kalaswaan sa tono niya. “You are…” Tumikhim si Ma’am Evelyn. “Julian Chavez, Ruth. Naikwento ko na sa ‘yo ang pamangkin kong sumunod kay Jules sa pamamahayag. Siya iyon. Isa na siyang Investigative Journalist.” “Ahh… I see. But who’s the girl behind you, Julian? Sobra ka namang makatago niyan.” Oh s**t. s**t. No’ng malipat na sa akin ang atensyon at hindi kay Julian na ginawang katatawanan ang pagkakahuli sa amin, ramdam ko nang wala na akong kawala. Pumasok si Ma’am Evelyn sa stockroom at lumapit sa kinatatayuan namin. Medyo tumatawa dahil sa pagbabago. Hindi ko magawang iangat ang ulo o kahit ang ipakita ng kaunti ang ibang detalye ng katawan ko. Nininerbyos na ako sa presensya pa lang ni Dylan at Ruth. “But there’s no need to see us if you’re not comfortable,” mabait at puno ng simpatyang sabi ni Ruth. Ma’am Evelyn chuckled awkwardly. “Ang sabi mo wala kayong relasyon nitong ni Aynna. Mukhang mayroon kang hindi nababanggit sa akin ha, hijo. Kayo ba…” “Aynna?” Dagli kong minulat ang mata ko pagkatapos sambitin ni Dylan ang pangalan ko na may halong curiosity. More like, familiarity. “Uhm… kaibigan ni Julian, Dylan. Si Aynna na… teka… hijo?” Nilingon ako ni Julian pagkapansin niyang nanginginig ang kamay ko. Hinawakan niya ito at may pag aalala akong tinawag. I looked up at him. Umiling ako. But when I did that, my face got exposed. Kabado man at puno ng takot ang dibdib, nilipat ko ang paningin sa dalawang taong nakatayo sa may pinto. Si Ruth ang unang lumapit. Lumapit para mas lalo akong makilala at kita ko sa kanyang mukha ang mangha nang masilayan nang malaya ang mukha ko. Her lips parted. With shock washed on her face, she looked back at her husband. Sinundan ko ang naging dereksyon ng mata niya. Nanatiling nakatayo sa tabi ng kurtina si Dylan. Natigilan nang kaunti pero nang magkatinginan kami, tumaas ang kilay niya. Tumingin kay Julian at binalik din sa akin. He c****d his head a bit and stared at his wife. “Nice one.” He muttered mysteriously. The silence thickens after his words. Na tila ang nakitang act sa pagitan namin ni Julian ang nagmistulang bombang nagpagulat sa lahat. It’s look like a big scoop. Something that everyone could talk about and laugh about. Parang gusto kong kalmutin sa mukha si Julian pero alam ko ring kahit hindi siya gumawa nang ganoong stunt, makikita pa rin. Ang pagkakaiba lang ngayon, he layered their shockness with another one. Nakatayo akong parang tuod. Inaalipin ng mabagsik na t***k ng puso at sari saring mga salita sa utak habang hindi makapagsalita. Tapos naramdamam ko ang awkward sa pagitan namin at nina Ruth. The last time we saw each other, kung hindi ako nagkakamali, bago makulong si Anton. Most probably, sa dinner o sa bar. Girlfriend pa ako ni Anton at magaan pa ang loob nila sa akin. Pero ngayon… I gulped. Binaba ko ang paningin dahil hindi ko matagalan ang dilim ng mata ni Dylan. Na para bang balak niyang kalkalin ang laman ng utak ko para ipakain sa aso. O hati hatiin ang lamang loob ko para ilagay sa kumukulong mantika. I am scared of him. Literally. Siya ang panganay sa magpipinsan na de Silva. Halos lahat ginagalang siya. Marami siyang nalalaman at malawak din ang impluwensya. At hindi ko alam kung paano ako makakalabas ng bahay na ito nang humihinga. With the help of Julian, he tucked me away from their eyesight. Hindi na ako nagtangkang sulyapan ang mag asawa. Tinawag ako ni Ma’am Evelyn. Sa kanya lang ako nag angat ng paningin. She looked confused at first but when she looked at them, siguro, unti unti ring ang sum up sa kanya na hindi niya dapat kami pinagtagpo. Pero hindi niya ‘yon kasalanan. Kasalanan ko kasi lumabas ako. Kung titingnan ko ang sarili sa salamin, para akong pusang gustong magtago sa lungga. Napapaso ako sa bawat matang tumitingin sa akin. Natatakot ako na baka may patibong na lumambitin sa akin. “Aalis na kami, Tita Evelyn. Sumama po ang pakiramdam ni Aynna,” si Julian ang bumasag sa katahimikan. “Ah… gano’n ba? Pero nahanap niyo ba ang kailangan niyo rito sa gamit ni Jules?” Lumabas ang pagka-concern sa amin ni Ma’am Evelyn. On that note, naisip ko ang mga kailangan para sa kaso ni Kara. Hindi pa kami nakakapag explore nang husto sa mga files at feeling ko mayroon pa akong makikita. Nananaig sa aking huwag umalis. Pero hindi ko mabalewala ang presensya nina Dylan de Silva. “Nakuha naman po namin, Tita Evelyn. Kung okay lang po, hihiramin ko. Isosoli ko po agad.” “Gawin mo ang dapat mong gawin, hijo. Naniniwala akong tunay at tapat kang mamamahayag ng bansa natin. Kung may kailangan ka pa, pwede kang bumalik dito. Tawagan mo lang ako.” Out of respect, I looked at her and smiled shyly. Tinatago ko pa rin ang presensya o mukha kina Ruth. “T-thank you, Ma’am Evelyn…” Nakangiti niya akong tiningnan. She’s just a bit disoriented dahil sa hawak sa akin ni Julian. Hindi ko iyon magawang bawiin dahil nanghihina ako at nininerbyos. “Let’s go.” Pagkayakag sa akin ni Julian, hinila niya ako at nag excuse sa dalawang babae. Hindi nakakilos si Ma’am Evelyn. Pinauna niya kaming makalabas ng stockroom. Pero paglapit ko sa kinatatayuan ni Ruth, hindi ko napigilang mag angat ng tingin. Nagkatitig siya sa akin. Walang emsyon ang mukha niya. But I saw indifference. Which I fully understand. Gumawa ako ng lamat sa kanilang angkan. I didn’t smile nor nod at her. Hindi ko kaya at ang kapal naman ang mukha ko kung gagawin ko. I looked down at again like a shy cat. Saka hinila ako ni Julian. Tumigil ako sa paghakbang nang huminto si Julian. “Excuse us, Mr. de Silva.” Julian’s plea. Nakaharang si Dylan sa daanan. Nakapamulsa at tinitingnan namin. “Long time no see, Aynna. Hindi mo man lang ba kami babatiin ng asawa ko? How rude…” sinundan niya iyon ng matalim na ngisi. In my head, I felt like it was a start of a messy game. Ang sarcastic niyang tono at ang asta niyang pagkaarogante dahil halatang ayaw niya kaming padaanin ng kaibigan ko. Diniinan ni Julian ang hawak sa wrist ko. Kumuyom ang kamao ko at tiningnan si Dylan. I gulped and tried to supply blood in my brain. Mapipilitan akong magsambit ng kahit anong salita pero kasing tigas ng bato ang lalamunan ko. Binuka ko ang labi at walang lumabas na tunog dito. Nanginginig ang labi ko na parang nasa gitna kami ng nagyeyelong dagat. Inulit ni Julian ang pagpapatabi kay Dylan. Hindi kumilos si Dylan. Tinagilid ba niya ang ulo na tila naghahamon sa amin. “If this is your way to intimidate us, Mr. de Silva, I am telling you now, hindi ka namin aatrasan.” Malakulog na tumawa si Dylan. “Are you her newest boyfriend? O kayo talaga ang magkarelasyon kaya sinira niyo si Anton?” “It’s none of your business.” Julian supplied. Diniin ni Dylan ang titig sa mukha ko. He has the mysterious eyes and I am afraid to admit, tinatakot niya ako. “You’d done a huge thing in my family, Aynna. Akala ko hindi na kita makikita. We’ve wanting to meet you again and see if…” “Dylan.” Sinagot niya ng tingin ang asawa. Sinarado ang labi at saka bumuntonghininga. I shifted on my feet. Tumingin sa akin ni Julian at tila may lihim na pinaparating sa akin. Bahagya akong umiling. Hindi ako siya maintindihan. Gusto ba niyang tumakbo kami? Kaso sa laking tao ni Dylan, tiyak na hindi kami makakalagpas ng pintuan. Literal siyang nakaharang. “Alright, babe. For you, I’m zipping my mouth.” “Then, excuse us, Mr. de Silva. Masama na ang pakiramdam ni Aynna.” Ulit ni Julian. Ngumisi pa si Dylan pagbaling sa akin. “First wave of karma, I guess.” Isang beses itong umatras paalis ng pinto kaya hinila ako ni Julian palabas sa lagusan. Hinawi niya ang kurtina, hinintay akong makalagpas bago nito binaba. Gusto kong paspasan ang bawat hakbang ko pero pinilit ko ring maglakad nang medyo normal. Kahit ang totoo nanginginig ang mga tuhod ko at para akong masusuka sa sobrang tensyong bumabalot sa kaloob looban ko. Sa iksi lang ng pagitan ng stockroom at sala, feeling ko lumapad pa rin iyon at tumatagal pa kami lalo rito. “Wait, Aynna.” Huminto ako sa sala. Magtutuloy tuloy dapat si Julian pero kailangan niya ring huminto at hintayin ako. Nagmamadaling lumapit sa amin si Ruth. Nakatayo pa rin sa labas ng stockroom ang asawa niya. Nakahalukipkip na tinatanaw kami. Si Ma’am Evelyn ay tahimik kaming nilapitan. “Pasensya ka na, hija. Hindi ko dapat kayo pinagkitang tatlo,” Bumitaw na ako kay Julian at hinarap ang dalawang babae. “Wala po kayong dapat na ihingi ng pasensya, Ma’am. Kami po ang dapat na gumawa no’n sa inyo,” “Can we talk?” Ruth insisted. Hindi mukhang nakakatakot tingnan si Ruth. She’s more like the understandable wife for Dylan. Ang kaninang indifference na nakita ko sa mukha nito, napalitan ngayon ng pagnanais na makausap ako. And then I felt like it’s safe to be with her than with her husband. Pero wala akong masagot. Hindi ako um-oo. Hindi ako huminde. Tiningnan niya si Julian na tinatawag ako para umalis. “Bakit kayo nagmamadali? Dahil ba dumating kami? If you want I can talk to my husband and-“ Binalingan ni Ruth ang asawa. Takot ko ring tiningnan. Hawak ni Dylan ang phone nito at bumubuka ang labi na halatang may kausap sa linya. He’s still watching his wife with humor I couldn’t fathom. Bigla, gusto kong tumakbo dahil may kausap na siya! Nagulat ako nang hawakan Ma’am Evelyn ang kamay ko. She moved a little to lower her voice. She speaks her concern not because the de Silvas saw us but of something else. “Hija, mabuting tao itong si Ruth. Dati siyang Journalist sa media company ng Tito ni Julian. May maitutulong din siya sa ‘yo. Wag kang magdalawang isip na kausapin ako o siya kung inaalala mo ang kaso ng kapatid mo. Sa nakikita ko, ganoon din naman ang concern ng mag-asawa sa ‘yo.” Kumunot ang noo ko. “Ho? Pero…” Nakuha ni Ruth ang atensyon galing kay Ma’am Evelyn. Kaya nang tingnan niya ako, bago na ang curiousity niya. Nawala ang indifference. Nagkaroon ito ng interest na makalapit sa akin. “Nandito kayo para sa kaso ni Kara Villanueva?” she asked. Hindi ko na magawang itanggi iyon. Lumapit si Julian. I looked up at him. “Oo, R-Ruth. May… hinanap kaming files.” She nodded then sighed. Tumalim sandali ang kanyang mata pero hindi sa akin. Parang nag isip na kailangan nang malalim na paghuhukay. “Pero kailangan na naming umalis. Nagmamadali kasi kami…” Tinaasan niya ako ng kilay nang maistorbo sa iniisip nito. Sinulyapan niya si Julian. “Is he your boyfriend?” “Uh… hindi. Kaibigan ko lang. Sige na.” “Are you married?” Nagulat ako sa tanong niyang personal. I refused to answer. Pero nang makita kong lumalapit si Dylan, inilingan ko si Ruth. Bumaba ang mata niya sa kamay ko at saka tumango. “Alright. You can go. Ako nang bahala sa asawa ko.” “Salamat, Ruth.” Isang beses itong tumango. “Nice to see you again, Aynna.” I didn’t answer it back. It feels like it would too much to have a formal conversation with her after what I did to her cousin. Hindi rin kami ganoong ka-close noon. Nagngingitian at nagbabatian. Though, maayos ang trato nila sa akin, we just didn’t have enough time to bond. Wala rin akong balak na palalimin ang ugnayan ko sa kahit sinong pamilya ni Anton. Nasa byahe, tahimik ni Julian. I am still shock. To the point na nakatulala ako sa daan. Hawak ko ang folder ng files na nakuha pero ang mga kamay ko nanginginig. Sinusulyapan at kinukumusta ako ni Julian pero sadyang walang lumalabas na tugon sa bibig ko. I am numb. I got paralyzed with the thought that the de Silvas saw me today. Unang lakad ko pa lang, nakita na nila ako. What a damn coincidence, right? Tumikhim si Julian sa tabi ko. “Okay ka lang?” Bits of memories still lingering in my mind. “Hindi.” Sinulyapan niya ako at umayos ng upo. Deretso ang tingin ko sa kalsada. I pushed down the scenes but it keeps on floating in the surface and I am surely stuck if I let it happen. Mariing akong pumikit at hinilot ang ulo. Hindi masakit ang ulo pero ang isip ko ay nata-traffic at bigla akong nahilo. Naibagsak ko ang ulo sa upuan. “Aynna!” Medyo naghysterical si Julian. Naalerto kaya tinaas ko ang isang kamay para pahupain siya. Tila hindi umubra. Naramdaman kong tinabi niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Nagtanggal ng seatbelt at chineck ako. “Idederetso kita sa ospital,” “There’s no need. Umuwi na tayo.” “Sigurado ka ba? Magpatingin ka muna,” Matalim ko siyang tiningnan. “After your stunt, mas makakapagpahinga ako sa bahay, Julian. Iuwi mo na ako.” Ilang segundo pa niya akong pinagmasdan. Napapasuklay ng buhok dahil sa tensyon o kung anong kaba pero after around two minutes, nasa byahe na ulit kami. Kinagabihan, tinawagan ako ni Kara. Nakauwi na si Julian at nagpaalam na i-scan niya ang files para maisoli sa Tita Evelyn niya ang original copy. He will call me again or he will come back here for discussion. Sa akin niya muna ipapaliwanag at saka namin papupuntahin ulit si Kara. Naintindihan kong gusto niyang masala ang mga impormasyon para malaman kung handa ba ang kapatid ko sa mga nakakahindik na detalye. Nagsasarado ako ng tindahan nang matanggap ang tawag. I felt uneasy when I heard the tone of her voice. Parang may pinag aalala o may problemang hindi nagpapatulog sa kanya. Hindi kaya… pinuntahan siya ni Anton dahil nakita ako ng pinsan niya? That is possible. Pero bakit naman iyon gagawin ni Anton kung nakita na nga ako? Inaalaam kaya niya kung may binabalak ulit kami laban sa kanya? Damn. Damn. Damn. My mind is getting anxious day by day. “Nakapunta ba kayo ni Julian sa bahay ng Tito niyang journalist, ate?” “Oo. Kanina. May nakuha kami. It’s a case. Iyon malamang ang tinutukoy ni Julian tungkol kay Jeremy. Hindi ko pa nababasa nang buo ang files. Pero ang sabi ni Julian, delikado kung lalabas iyon sa public.” Kinabahan ako bigla. Pinatay ko ang ilaw ng tindahan. Katatapos ko lang icheck ang benta. Wala masyado pero sa first day, hindi na masama. May mga produkto akong naubos. Ang bigas din. Sa kabila nang naranasan kong tensyon kanina, pagkauwi ko, nahulas din at nakakilos nang maayos. Pagkakita ko kay Xavier, parang may nakadagang bato sa dibdib ko ang natanggal. “Is he going to be release it, then?” excited niyang tanong. Ikakandado ko ang pinto kaya inipit ko ang phone sa tainga at balikat. “Hindi ko pa ulit nakakausap si Julian. Pero sa palagay ko, sa korte niya iyon ilalabas. Sa ngayon, dapat confidential sa atin na may alas tayo. Kasi baka may ilaban sina Jeremy kapag nalaman nilang- The doorbell rang. “…may hawak tayong ganoong dokumento.” Tumatahol ang aso sa hindi kalayuan. Pagkakando ko, umatras ako ng isang beses para silipin kung sino ang taong nakatayo sa gate. Pero wala akong nakita. “Kailan ang next niyong meeting, ate Aynna? Can I come? Wala akong schedule this Friday. Si Mama at si Senator Ace may lakad. Isasama nila si James kaya talagang mag isa lang ako.” Kumunot ang noo ko dahil sa pagring ng doorbell. Hindi naman ako bingi. Nasa taas na rin sina Aling Corazon kaya tahimik sa sala. Naririnig ko ang tunog mula roon. “Ahm… hindi ko pa alam, Kara. Tatawagan kita kapag meron na.” “Alright… Sige, ate Aynna. This Friday, ha?” “Okay.” “Okay. Bye na, ate. Love you.” “Good night. Love you too.” Dalawang magkasunod na pinindot ang doorbell kaya naestatwa na ko dahil nakakaalarma ang ganoong tunog. Pinatay ko ang tawag agad. Kumakabog ang dibdib ko. Nilingon ko ang nakasaradong pinto ng bahay. Inalalang, baka sina Aling Corazon o Liza pa ang lumabas dahil naistorbo. Pero hindi pwedeng bumaba si Liza. Siya ang nagpapatulog ngayon sa anak ko. Kung si Aling Corazon naman, baka nasa gitna na itong pagtulog. Mag aalas dies na ng gabi. Hinintay ko munang lumabas at mapagsino ang taong dumating. I waited but still no one showed up. Lumapit ako. Dalawang hakbang para magkaroon pa rin ng distansya sa gate. “Sino ‘yan?” Kumurap kurap ako. Naghintay nang tahimik. Halos makarinig ako ng kuliglig. Umalis na kaya? Tumunog ulit ng doorbell. May tao talaga. “Sino sabi ‘yan?” Narinig niya ako kaya bakit hindi sumagot? Luminga linga ako sakaling may makitang bagay na pangproteksyon. Walis tingting at dustpan ang meron. Binulsa ko ang susi sa shorts at kinuha ang dustpan. Kung sinong loko loko itong pinaglalaruan ang doorbell namin, malalagot ito sa akin. Hindi rin naman siguro mamimili? May iba pa namang tindahan sa lugar naming bukas na umaabot ng hatinggabi. Walang ingay akong humakbang palapit sa gate. May kadena rin iyon. Nasisilip ko pero tila nagtatago sa gilid ang naglalaro sa doorbell. “May tao ba d’yan?” I stepped forward. Nakaumang ang dustpan. I looked funny myself but when it comes to security, I don’t really care. “Put it down, Aynna.” Huminto sa ere ang sunod kong hakbang. Dahan dahan kong naibaba sa sahig ang paa at tuluyan akong na-freeze. Hindi ko inaalis ang titig sa makapal na dilim sa gilid ng gate. Napansin ko ang kurba ng tao mula roon. Hindi ako pinaglalaruan ng mga mata ko. Hindi rin ito multo. Kurba ng tao ang nasilayan ko at narinig. Pero ang mas lalong nagpahinto sa akin, ang kanyang boses. Ang linis ng pagtawag niya sa pangalan ko at ang tunog ng bawat letra na tila sanay na sanay itong sambitin. Hindi. Kilalang kilala niya ang taong nagmamay-ari ng pangalan. And he’s so confident towards her. I continued staring at the human shape. Then, he stepped into the yellow lights. Kumawala ang hininga ko sa dibdib ko. Naibaba ko ang dustpan pero ang puso umangat at gusto kong tumakas lalagyanan nito. Right in front of me is the man I accused of r-pe three years ago. Nakatitig sa akin sa madilim at tagong parte ng labas ng bahay pero kitang kita ko kung gaano kabagsik ang panlilisik ng kanyang mga mata. Umigting ang panga. Hindi niya hinahawakan ang gate pero parang kusa itong natutunaw sa harapan niya. He’s mad. I am sure of it. He’s not for formal encounter. He’s looking for something else. Something for so called revenge. I heard myself whispering his name. And before I could say it again, he called me. Tinuro niya ang isang itim na sasakyang nakaparada sa kabilang gilid ng kalsada. He’s urging me to go out with him. Pero hindi ako nakakilos. Ni hindi ako makahinga nang maayos! “A-Anton…” In my dreams, ganito rin siya kagalit sa akin. Madilim tumingin. Walang amor. Inagaw pa niya ang anak ko. Suminghap ako at bumaling sa taas ng bahay. Sa bintana ng kwarto ko kung saan naroon ngayon sina Liza at Xavier. No. No. Hindi pwede. Hindi niya maaagaw ang anak ko! Hindi! “Lumabas ka rito, Aynna. Kung ayaw mong ako ang maglabas sa ‘yo d’yan.” He intended to get what he wanted. Umatras si Anton palapit sa dala niyang sasakyan. Mag isa siya. Kung may kasama mang bodyguard o kung sino man ay hindi ko makita. Tumayo siya sa tabi ng sasakyan. Namulsa habang tinititigan ako. And I saw his jaw clenched again. Mariin niya pa rin akong pinagmamasdan kahit ang mata ay malayo. Walang ingay kong binaba ang dustpan. Bumagsak iyon at natuwad. Nanginginig ang mga kamay ko. Ilang beses akong maingat na lumunok na para bang mabubulyawan ako kapag may nakarinig. Hinanap ko ang susi ng gate. He’s watching me intently. He’s taunting my every move and my every breathing. Pinapakita niya kung sino ang may atraso at sino ang dapat sumunod sa aming dalawa. I didn’t protest. Not tonight, atleast. Nasa loob lang ng bahay ang anak niya. Pumikit ako. Impit na nagdasal na madali ko itong matapos. Hindi ako makatanggi nang pagkabukas ng gate, binuksan niya rin ang pinto ng harapan ng sasakyan. He wanted me to get in. Pero hindi ako nakakilos. Huminto ako sa tapat ng gate namin. “Sumakay ka rito, Aynna. I want you here. Now.” Natatakot ako! Halatang halatang nanginginig ang labi ko ngayong nandito siya. Sa panaginip ko, sinakay niya si Xavier sa ganyang sasakyan at nagmakaawang ibalik niya. Hinabol ko sila pero walang nangyari. I gasped and suppress my fear. I tamed my pulse and tried to be a soldier. “A-anong gagawin ko d’yan?” Tinitigan niya ako. Pinanliitan niya pa ng mga mata. Kapag nanlaban ako, baka magkaroon ng komosyon. Maririnig nina Liza at dahil hindi niya alam na si Anton ang kalaban ko, ilalabas niya si Xavier nang wala sa ulirat. “Sumakay ka.” utos niya. Kabaliwan pero humakbang ako pababa sa isang baitang sa tapat ng gate namin. Binabantayan niya ang bawat hakbang ng mga paa ko. Tumawid ako sa walang katao taong kalsada. Hinila niya ang kamay ko para dumeretso sa naghihintay niyang sasakyan. There’s no driver. He’s alone. Sumakay ako. Tahimik na naupo. Sinarado niya nang malakas ang pinto kaya napaigtad ako at pikit. Kumawala ang naipon kong luha sa pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD