Chapter 9

4025 Words
“Wag mong hayaang mawala sayo ang pagmamahal at katapatan, gawin mo yung parang kwintas, ilagay mo sa puso mo, at magiging maganda ang pagtanggap sayo ng Diyos at ng mga tao.” – Proverbs 3:3-4 -- Chapter 9 Aynna His fluidly walked around and opened the door of the driver’s seat. He’s wearing an all-black outfit dramatically. May suit at inner shirt na pareho ang kulay. Para akong inaya ng isang agent na sumakay sa kanyang sasakyan dahil may palpak akong ginawa at kailangan akong patawan ng parusa. He hopped in and drew a very heavy sigh. I didn’t look at him. I stopped myself. Pero pailalim kong dinungaw ang bintana ng kwarto ko pati ang naiwang bukas na gate ng bahay ni Lola Olimpia. I’m carefully muttering a prayer that Liza won’t dare to check out what’s happening here. Sana makalimutan niyang nandito pa ako. Sana nakatulog na siya. Pabalang na sinarado ni Anton ang kanyang pintuan kaya napapikit ulit ako. Ang mundo ko ay tila nayanig sa sinosolo nitong kalawakan. Hindi ako makakilos o hinga nang maayos. Nang pareho na kaming nasa loob ng sasakyan, binuhay niya ang makina. Bumukas ang air-con. I almost jumped up and looked outside. Aalis ba kami? I looked at him. Nakahawak siya sa manibela at ang paningin ay nasa harapan. Para bang anumang oras, bigla niyang papaandarin ang sasakyan kapag nabwisit siya. Pero hindi siya naka-seatbelt kaya… medyo napanatag ako… kaunti. He stayed deeply quite while staring at the narrowed road in front of us. May nakaparadang tricycle sa harapan ng pinagparadahan niya. Ang bukas na tindahan ay nasa pangatlong bahay mula sa amin. Walang tao roon nang makita ko kanina pero bukas pa ang ilaw kaya alam kong may mga kakaunting tao pa sa paligid. I won’t ask for a help if… it will not be needed. Kaya ko pa ring makontrol ang sarili at kung uubra… pwede ko ring makontrol si Anton. I stared at him in silence. Hindi niya ako nililingon na parang hindi niya ako pinasakay kanina lang. His fists are tightening on the steering wheel. Bumabakat ang ugat sa kamao niya. Kapag mas lalong dumidiin ang hawak niya, mas lalong kumakapal ito. I wanted to wince but I only firmly closed my lips. I don’t want to cause any reaction that will surely let him to react. Inakyat ko ang paningin sa kanyang leeg. Naalala ko ang gabing sinabihan ko siyang mukhang siyang anak ng Mafia Boss dahil sa palagi niyang suot na silver necklace. Hindi niya sinasabi kung bakit palagi niyang suot iyon pero naisip ko na baka wala lang. Style lang niya at walang masama roon. But my curiosity would sometimes cause me to say something unfavorable for him. He didn’t answer that. But he gave me chance to ask him change his style. I didn’t. Suot niya pa rin iyon. Without the pendant that I gave him. That silver necklace would live with him until he gets old and buried. I gulped the invisible rocks in my throat and my stomach started to get hurt. Pagdapo ng mata ko sa kanyang mukha, parang siya pa rin ang dating Anton de Silva na… madaling pangitiin, madaling patawanin at maloko. Friendly sa kanyang mga employee. Matatag at matalino sa trabaho. The looks are still the same. But something I know for sure has changed. May mga stubble na siyang pinapatubo sa panga niya. Mayroon ngayon. Ang dark ng bahagi ng mukha niyang iyon at dahil wala akong makitang signs ng buhay sa kanya, mas nagmukha siyang nakakatakot na nilalang. Isa sa mga gusto kong parte niya ang manipis niyang labi. That looks so delicate despite the fact that it could do wonders. Tumatama palagi sa mukha ko ang tungki ng ilong niya. Ngingisi siya bago itutuloy ang gagawin sa akin. Hindi ako iniiwan ng mata niya kapag magkasama kami. Alam niya ang kilos ko pati galaw na kahit maliit lang. Parang trabaho niyang isaulo ang buong katawan ko. His hair is short and groomed properly. Wala akong makitang strand na kumakaway sa noo niya. Sa tingin ko lumaki ang katawan niya. He has broad shoulders and long legs. Hindi siya tumaba pero ang physical appearance ay naging malupit. Marahas. At hindi papatinag sa kahit sinong kaaway. Maybe, he won’t mean harm but I don’t think that’s his goal. Dumaan ang ilang segundo na walang ni isa sa amin ang nagsasalita. Maliban sa mabibigat na paghinga at kaunting kaluskos sa labas ng sasakyan. Alam kong galit siya. Base sa paghinga at hawak niya sa manibela. Kung pinasakay niya ako pero hindi aalis, baka mag uusap lang kami. Kung ano ang pag uusapan… siguro ang nakaraan. Visible pa rin sa alaala ko ang ginawa ko. Nakulong siya. Hindi lang isang beses kundi dalawa. Sa aming magkapatid, mas naging malapit ako sa kanya. Na nagbunga ng anak. Kung hindi siya kikibo, baka pwedeng lumabas na lang. Tiningnan ko siya sa tabi ko. I found him darkly and menacingly staring at me. Hindi ko natagalan ang makipagtitigan kay Anton. Dahan dahan… unti unti kong nilipat ang paningin sa kamay niya. I smelled his expensive perfume. Pero mas maalab ang pamilyar niyang natural na amoy. At dinadala ako noon sa nakaraan. But it didn’t last long. Patagilid ko siyang tiningnan. Nilagay niya ang kanang kamay sa batok ko kaya tumingala ako sa kanya. Bukas ang labi ko sa gulat at hindi ko napigilan ang mabilis na pagbaba ng kanya. He pulled my head for a strong force and clashed our lips. He made his way into me. I didn’t see that first. Never even notice it. Suminghap ako pero kinain ng bibig niya ang nagawa ko. I fought and pushed him on his chest. Hinila niya ako sa baywang gamit ang kaliwang kamay para mas lalong mausod papunta sa kanya. The kiss is brutal. It is meant to hurt. Mariin niyang diniin ang labi niya. Pero nang itulak ko siya, binuka niya ang labi at tila kinain ang akin. Tumatama ang ngipin niya na nagdudulot ng sakit sa labi ko. I didn’t like the way his lips are attacking mine that’s why I pushed him. Mas nasasaktan ako. Dahil may halong gigil at galit ang paghalik niya at wala sa hinagap na gagawin niya ito. Nagawa ko siyang tawagin nang igilid ko ang mukha at nakawala ang labi ko sa kanya. Nakakuyom ang mga kamay ko sa suot niyang damit. Sinundan niya agad at marahas akong hinalikan. Halik na nagpaparusa. Ginilid ko ulit ang mukha sa kabilang side, pero ganoon pa rin ang ginawa niya. Hanggang sa kinagat niya ang labi ko at napadaing ako. Buong lakas ko siyang tinulak, kahit nasaktan, tinaas ko ang kamay at sinampal siya. Umatras ako ng upo sa pinto at hinihingal habang tinitingnan ko siya. Nanatiling nakatabingi ang ulo niya. Pero ngumisi siya. My sore lips parted and I couldn’t believe that he became a… monster. My lips are wet, hurt and numb. Kung may dugo, hindi ako sigurado. Ang nararamdaman ko ay ang pangangapal nito. He looked at me. Ngumingisi siya habang nakatingin sa reaksyon ko. I couldn’t believe this. Him. Mas nakakatakot pa siya ngayon kaysa sa paniginip. I panicked and turned around and tried to open the door. Nakalock. Sinubukan ko nang sinubukang buksan kahit na wala akong magagawa. Hinawakan ako sa balikat ni Anton at pwersahang sinandal ang likod sa upuan. Nariyan na ang mukha niya pagbaling ko at hinalikan niya ako ulit. I groaned out of fear and reached his hair. Naging malupit din ang bawat reaksyon ko sa kanya dala ng takot. All I can think about is how to survive from him. Dumaing siya at napakawalan ang labi ko. Sinubsob niya naman ang ulo sa leeg ko habang tinutulak ko siya. Wala na ang sakit sa halik na iyon pero ayoko na rito. Natatakot na ako. Gusto ko nang lumabas. “Anton,” I called him twice to stop his attack. Hindi niya ako pinansin. Mistulan siyang nakadagan sa akin sa upuan. Panay ang tulak ko pero masyadong mabigat ang katawan niya. Binubuksan ko rin ang pinto. Nang hindi nasundan ang pagsubok niyang halikan ako, hinila ko ang buhok niya palayo sa akin. I tried to slap his face but he buried it deep in my neck. I felt his lips and his nose on my skin. Lumayo ako. Umusod pero sumusunod siya. Sa kaunting space na mayroon kami sa loob ng sasakyan, halos hindi na nga ako magalaw. Is he drunk? But I don’t smell any alcohol from his breath and not even from his taste. Lasang mint ang mayroon. Purong galit itong ginagawa niya. “Traitor.” He suddenly whispered. Nang manghina ako, tanging ang mabilis na paghinga ang nagawa ko. Umalis siya sa ibabaw ko at agad na pinaandar ang sasakyan. Sa sobrang takot at pagnanais na tumakas, hinawakan ko siya sa braso at kamay. Nagmakaawa ako. Tumingin ako sa bahay. Sa bintana ng kwarto kung saan naiwan ang anak namin. Nanginig ang labi ko at hinatak ang malaki niyang kamay. “Pababain mo ako, Anton. Please. Anton. Please.” His eyes are moist. His jaw clenched while he’s only using his one hand to drive. Deretso ang mata niya sa harap. Pabaling baling ako sa likod at sa kanya. Hindi mapakali sakaling tuluyan niya akong kunin dito. Sa pag usod ko, hindi ko namalayang halos nakadikit ako sa kanya at hinihila ang braso niya. Lumalandas ang luha sa pisngi ko at wala na akong pakielam kung umiyak ako nang umiyak. “Anton!” I dugged my nails on his palm. He winced but didn’t stop me from doing it. Bagkus, hinuli niya ang kamay ko at siya ang humawak. Lumingon ako sa papalayong bahay ni Lola Olimpia. “Anton, ano ba! Stop driving!” I didn’t know then I can still be able to scream. Nagpapanic ako. Umiiyak at natatakot sa pwedeng gawin ni Anton. Pero mas hindi ko kakayanin kapag nilayo niya ako sa anak ko. Kahit hindi niya alam. “Stop the car, please. Stop this.” I held his hand firmly. Kulang na lang hagkan ko para maawak siya sa akin. Halos dalhin ko sa tapat ng puso ko ang kamao niya. Inakapan niya ang preno. Sa gitna ng kalsada, huminto siya. Hindi ako agad na kumilos. Pinakaramdam ko ang susunod niyang gagawin at baka kapag nagpadalos dalos ako, bigla niyang paandarin ang sasakyan. Hawak ko pa rin ang kamay niya. Na parang may sasapakin siya kapag binitawan ko. I started to calm down. I started to feel that he’s going stop what he’s planning for me. Bumabagsak ang dibdib ko at kumakalat ang katahimikan sa pagitan namin. Walang tao kaya walang nagreklamo sa nakahambalang niyang sasakyan. Binawi niya ang kamay sa hawak ko at dinala sa ibabaw ng hita niya. Kumuyom. I looked up at him. “Baba.” Utos niya. He unlocked the doors. Namangha ako at agad na binuksan. Pagkababa, patakbo akong bumalik sa bahay. Hindi kami nalayo nang husto kaya mabilis akong napasok sa gate. Wala ako sa tamang huwisyo. O sa takot, hindi ko nagawang ikandado ang gate namin. Dumeretso ako ng takbo sa pinto ng bahay. Pinagsasara ang lahat ng pwedeng isara. Paano kung magpumilit siyang pumasok dito? Nagbago ang isip? May ibang plano? Baka bigla niyang makita si Xavier! Paatras akong lumayo sa pinto. Umupo sa sofa at nagdasal na hindi na siya babalik. Wala akong narinig na ugong ng sasakyan papalayo o kahit papalapit. Terror thoughts made me trembled and stayed alert. Umabot ako ng halos isang oras na tulala sa sala. Nayuko at sapo ang ulo ko. Luckily, I slept for five hours in the sofa. Masakit ang ulo at namumugto ang mata kinabukasan. Pinagmamasdan ako ni Liza at Aling Corazon sa hapag habang nag aalmusal kami. Gising na rin si Xavier at kumakain sa tabi ko. Panay ang suklay ko sa buhok niya at kahit paghaplos sa kanyang mukha. I just… I just can’t believe that I survived my first encounter with his father last night. Yes. It happened last night and the memories still so fresh in my mind. “Bumalik ako sa bahay ni Tita Evelyn no’ng lunes.” Pumunta si Julian sa bahay huwebes ng umaga. May dalang pagkain at gamit niya para sa tinatrabaho. Wala si Liza kaya kami lang nina Aling Corazon at Xavier ang naabutan niya. Pinuntahan kasi nito ang store para buksan. Humalukipkip ako at seryoso ko siyang tiningnan sa binalita niya. He didn’t tell me. Nasa bahay lang naman ako no’n. Though distracted dahil sa kay Anton. “Anong binalikan mo roon?” Sinabi ko sa kanyang sana sinama niya ako dahil magaling akong maghanap ng files. He dismissed it and just sighed. “Nabasa ko sa docs ni Tito Jules, na prior sa pagpapakasal niya, may isang babaeng naglakas loob na isumplong sa pulis si Jeremy. Hindi masyadong naka-elaborate ang case na iyon at kung anong result. But for sure, hindi umusad. Pero hinanap ko pa rin sakaling mayroon nga siyang files,” “And?” He sighed. “Wala.” Nanlumo ako. Hindi rin agad nakapagsalita si Julian. “What about his wife?” “Lumipad pa-America after one year of their marriage. Ang sabi, doon daw nanganak. I tried to contact her. Puro unattended ang numerong mayroon si Tito Jules. His files aren’t updated so… I understand that. Pero may litrato si docs niya na nakita ito si Mrs. Olivarez sa Pilipinas. Nang humagilap ako ng bagong detalye tungkol sa kanya, wala akong nahanap na kahit ano. Zero. Kung anong kontrobersyal ang asawa niya, siya namang tahimik ng lifestyle nito. Hindi lang ako sigurado kung nasa Pilipinas pa rin ba siya o sa ibang bansa. Kaya nagbubuhay binata si Jeremy kasi hindi sila in good terms ng asawa.” “He’s not a husband material, Julian. Wala siyang respeto sa asawa.” Pinamimigay niya ang asawa niya na parang laruan sa mga kaibigan kaya hindi ako magtataka kung layuan siya nito. “Pero hindi sila annulled?” I asked. Umiling si Julian. “Nope. They are still married. In fact, I just checked out their registration yesterday.” Pinakita niya sa akin ang Marriage Certificate nina Jeremy at Ramona Olivarez. Matagal tagal na silang kasal. Dagdag pa ni Julian, galing sa simple pero may kayang pamilya itong si Ramona. Bahagi ang negosyo kaya nagkakilala ang dalawa. “There are eleven women that got involved with Jeremy, before and after his marriage. Ang mga kasong sinampa, nadidismiss. Dahil una, walang konkretong ebidensya. Sinasabi ng mga Psychiatrist na wala sa tamang katinuan ang mga babae. Ang iba, inatras. Ayaw nang lumaban. Pero sa imbestigasyon ni Tito Jules, nagbigay ng pera ang pamilya ni Jeremy sa pamilya ng mga Ex niya para mawala sila at hindi na magpakita pa kahit kailan.” “Nakipagsettle sila sa kanila? Ganoon lang?” “Unfortunately, yes. Money is f*****g powerful.” Umiling ako. “Hindi. Hindi lang ito tungkol sa pera. Takot silang magsalita laban sa kanya.” “At may isa pa.” Binalik ko ang mata sa kanya. “Hindi nag-iisa si Jeremy.” I never thought that it would be just a piece of information. Pero ayon na rin sa sinabi ni Julian, ‘delikado’ ang word na ginamit niya kung nilabas ng Tito Jules niya ang nalimbag nitong impormasyon. Kung saan at paano niya iyon nakalap, wala na kaming ideya. Mukhang madalas wala sa bahay nito ang Tito Jules niya. “Sa kakahanap ko sa files ni Tito Jules, kung anu-ano na ang nabasa ko. Pero may isa akong hindi nakalimutan,” Sinabi kong ikukuha ko siya ng panibagong tasa ng kape. Mukhang marami pa kaming ididiscuss. Plus ang pagtrim ng details para hindi matraumatise ang kapatid ko. I didn’t mean to dismiss Julian’s follow up details. Gusto ko lang siyang ikuha ng kape. But he called my attention specifically. “Bakit?” Tumayo si Julian at namulsa. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ito dahil huminto sa pagsasalita o iniisip kung paano sasabihin. “I found out something about Ruth de Silva,” I automatically turned around and see him. Waited for a spiel. “She was a granddaughter of a gang group’s founder.” There was no mosaic of words followed after what Julian said. Natulala ako sa kanya. He didn’t say anything more or not even want to justify it. He just stared at me and me at him. I refilled his cup and we bought sat quietly in our dining table. Bukas ang Laptop niya. Naroon ang softcopies ng pina-scan niyang docs at pinapabasa niya sa akin. “Hindi ko alam na… konektado si Ruth sa Salviejo’ng sinasabi mo. Pero hindi naman tago sa public ang pagpapahiya sa kanya ni Dylan na hindi siya tunay na de Silva.” Iyon ang alam ko. Pero during the time na kasama ko pa sila, open book ang story na iyon. Hindi madalas pinag uusapan kasi kasal na ang dalawa. Ang hindi ko alam, apo si Ruth ng namumuno sa gang. “Si Socorro na newscaster ang Lola niya. She was married that time. Ininterview niya yata si Napoleon Salviejo sa isla nito. Then, baka doon na nagsimula ang lahat.” My jaw dropped. “Tinago ng mga de Silva ang tungkol sa pagkatao ni Ruth?” “Malamang. Kung nasa tamang pag-iisip ka naman, hindi mo ilalabas ang pangit na background ng kapamilya mo, ‘di ba? In the end, it’s a family secret.” I totally agree with him. Lahat naman ng pamilya ay mayroong tinatagong sekreto. Tulad ni Jeremy. Tulad namin. At kahit pa ang mga mayayaman na tila perpektong pamilya ay mayroon ding tinatagong sikreto. Tinuloy namin ang pag uusap ng Friday. Dumating si Kara kasama ang kanyang driver. Maagang umuwi si Liza galing trabaho at inalagaan ni Aling Corazon si Xavier. Nasa living room kaming lahat. Sarado ang tindahan ko. I just hope na hindi makaapekto masyado kay Kara ang mga kasalanan ni Jeremy sa ibang babae. Julian advised me to let him relay the information to her. Sa isip ko, okay naman iyon. Kasi mas professional pakinggan ang kaibigan ko. Kara sat altruistically on the single sofa. Nagsasalita siya kapag may hindi naiintindihan. Pero ang pinakanagpanatag sa akin, nakikinig siyang talaga kay Jeremy. In a moment, feeling ko silang dalawa lang ang nag uusap. Hindi ako nakikialam. Kahit si Liza man. Kara’s involvement is practically needed. Both emotionally and intellectually. I want her to release what she’s been keeping inside. Pero takot din akong may trigger sa kanya. But so far, wala akong makitang indikasyon na kakalabanin niya ang mga detalye ni Julian. Sa ngayon, mas gusto niyang mag ipon ng lakas. “Magpoprovide ako ng private investigator to find Ramona,” Kara suggested to us. “Kailangan ba yang ipaalam sa abogado mo?” Nilapag ni Julian ang Laptop niya galing sa lap niya papuntang center table. Nilingon niya si Kara na willing magprovide ng kahit anong kailangan namin. “Ako na ang maghahanap sa kanya.” Mangha siyang binalingan ng kapatid ko. “Bakit ikaw?” Julian cockily tilted his head. “It’s part of my job, Kara. Hindi ako uupo lang at maghihintay ng report galing sa imbestigador kasi kaya ko rin ‘yong gawin.” “Kung gano’n, ikaw na lang ang babayaran ko. I’ll give you pocket money and your salary- “Hindi ko kailangan ang mga ‘yan. I can manage myself.” “Ha? Paano ‘yun? May pera ka ba?” Sinarado ni Julian ang bibig niya at tinitigan nang matalim ang kapatid ko. I shifted on my feet and cleared my throat. Ito ang hindi ko maiwasang isipin. May conflict sa pagitan nilang dalawa kaya nagkakaroon ng pagtatalo. “Hayaan nating gawin ang kailangang gawin ni Julian, Kara. Alam niya ang sinasabi niya.” “Pero ate Aynna? Hindi ako papayag na trabahuin niya ang kaso ko nang walang bayad. Everything needs money!” “Itago mo na lang sa ‘yo, Kara. Ibahin mo ako.” Tahimik na tiningnan ulit ni Kara si Julian. He’s on his Laptop again, looking disappointed the way my sister is treating him. Nag aalala ako na lumala ang iringan nila kaya tinawag ko ang kapatid ko para kausapin sa kusina. Iniwan kong tinatapik ni Liza ang kaibigan namin sa balikat. After an hour, Julian’s phone rang. Wala akong balak na makinig pero si Kara, pinanood ang pakikipag usap nito sa cellphone. Kailangan ko siyang sutsutan para alisin ang mata sa kay Julian. “What?” she mouthed. Pinanlakihan ko siya ng mata bago nginuso si Julian sa kanya. Tapos ay umirap siya at humalukipkip. Tiningnan na lang ang manicured niyang kuko. “I’m sorry. Who’s this again?” Nilipat ko sa tray ang mga tasang may malamig na kape. Tinulungan ako ni Liza. After ko rito, sisilipin ko nama si Xavier sa kwarto. “Ruth?” Natigilan ako at bumaling kay Julian. Buka ang labi nito. At gulat na nag angat ng ulo. Tila may sumipa sa dibdib ko. “Um… Yes… Okay. Sabihin ko sa kanya,” Bumalik ako sa upuan. Binaba ni Julian ang kanyang cellphone habang nakatingin sa akin. “This is Ruth de Silva. Gusto ko raw niyang makausap.” Na-shock ako nang iabot ni Julian ang cellphone sa akin. Napabangon si Kara mula sa pagkakasandal ng likod sa upuan at kunot noong nakatunghay din sa akin. Julian gulped. “Kakausapin mo ba o sabihin kong ayaw mo?” He let me decide. Ofcourse. Kara stood up. “Alam na nilang nakauwi ka na, Ate Aynna?” hindi niya makapaniwalang tanong. Hindi ko siya sinagot. Masyado akong gulat sa tawag na iyon at ni hindi ako makapagsalita kaagad kay Julian. Parang nayayanig ang mundo ko na hindi maintindihan kung bakit kokontak si Ruth kay Julian gayong putol na dapat ang koneksyon ko sa kanila. Malamang sinabi nila kay Anton na nakita nila ako kaya pinuntahan ako rito nong Linggo rin. Tapos, ano naman ito? Si Anton naman ba ang nagkwento ng ginawa niya sa akin? Ano ang gusto nila? “Sabihin kong ayaw mo,” “Akin na.” I abruptly said with lace of bravery. Sa isip, tawag lang naman ito. Pinaalam ni Julian iyon sa kanya. Ilang sandali pa, hawak ko na ang cellphone niya. “Ruth?” I heard her heavy sigh in the line. Lumunok ako at naramdaman ang pagsipa ng puso ko. Pati kamay ko nanginginig sa kaba. “Hi, Aynna. Hindi ba ako nakakaistorbo?” I’m touched that she’s still considerate and respectful. Dahil doon bahagya akong ngumiti. “Hindi naman. Bakit gusto mo akong makausap?” She chuckled a bit. Pakiramdam ko, kinakabahan din siyang tulad ko. Pero bigla ko ring naalala… apo ng gang group ang kumakausap sa akin. “Nakausap ko kasi si Tita Evelyn… At nasabi niya sa akin nang kaunti ang tungkol sa… case ng kapatid mo,” “Uh… oh. Bakit?” “Hiningi ko ang numero ni Julian sa kanya para makontak kita. If ever… baka may maitulong ako sa ‘yo. Mayroon akong kakilalang journalist na nagtatrabaho pa rin sa Bangon Pilipinas. Syempre, kaya na iyon ni Julian pero kung kailangan niyo pa ng another source… I volunteer.” “Bakit?” Nahirapan si Ruth na sagutin iyon. Tiningnan ko si Julian at kinunutan siya ng noo. Tinaasan naman niya ako ng kilay. “Because I want to help you.” “Dahil ba sa… koneksyon mo sa gang group niyo?” She gasped. And I regretfully close my eyes. s**t. Bakit ko nasambit iyon? “I’m sorry. I didn’t mean to offend you or- Akala ko nawala siya sa linya. Nagkagulo. May mabibigat na kaluskos na may kasamang mga boses. May nangyari ba kay Ruth? Naalarma ako. Pero nang bumalik nang maayos ang linya… “Give me your number.” “Akin na ang phone ko, Anton!” sigaw ni Ruth. “Damn it. Send me your number, Aynna.” Naririnig ko ang inis niya sa tono pa lang. Sa gulat ko, pinatay ko agad ang tawag at binato kay Julian ang cellphone niya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD