“Magtiwala ka kay LORD nang buong puso, at wag kang umasa sa sarilin mong talino. Sa lahat ng gagawin mo, hayaan mo syang mag-lead sayo, at ituturo nya sayo ang dapat mong gawin.” – Proverbs 3:5-6
--
Chapter 10
Aynna
“Aww! You’re violent.”
Inirapan ko nang matindi si Julian at hindi nagawang magsorry sa kanya dahil doon. No’ng kunin ko ang tray at manginig ang mga tasang dala, saka nagsink-in sa isip ko na ang narinig kong boses kanina ay galing kay Anton.
That egotistical and demanding words from him. Kahit hindi ko narinig ang pagtawag ni Ruth sa kanya, malalaman ko rin agad. I just don’t have the capacity to ever forget about everything when it comes to him.
“Mabuti hindi mo binigay. Pero dahil may contact number si Ruth kay Julian, most probably, si Julian ang kakausapin niya.”
Hindi pa rin nila alam ang pagpunta ni Anton dito no’ng Linggo ng gabi. Ang alam nila, dahil nakita kami ng mag asawang Dylan at Ruth sa bahay ni Ma’am Evelyn kaya nakarating kay Anton na nakabalik na ako.
Ngayon, nagsisimula na siyang guluhin ang buhay ko.
“Sa tingin ko nga rin. Bagong bili ko pa lang itong number ko. Hindi ko pa masyadong nagagamit kaya sa inyo lang niya pwedeng mahingi ang contact ko.”
Tumikwas ang nguso si Liza.
“Nye. Nireregister na ngayon ang Sim bago ma-activate, Aynna. Hindi niya kami mauuto ni Julian kaya malamang sa malamang sa Telecommunication Agency ‘yan pupunta. Gagamitin ang lahat ng access niya para makuha ang number mo.” then she sighed at the evil thought. “Pero kung… deads na deads siyang pasakitan ka, dito na iyon pupunta. Face to face kayong dalawa. ‘Yun. Hindi na siya gano’n gagamit ng kapangyarihan,”
Hindi niya napapalakas ang loob ko. “Liza…”
She leaned forward and something in her mind playfully swung at me. She nodded once.
“Ibang kapangyarihan ang gagamitin nu’n sa ‘yo.”
Nagtinginan kaming dalawa. Hindi ko alam kung tugma ang iniisip niya sa iniisip ko. Pero hindi ko na rin inisip kasi kapag sinabi ko pa iyon, guguluhin niya lang lalo ang iniisip ko! Kaya wag ko nang isipin. Nakakagulo ng isip. Siya na lang mag-isip. Bahala na siya sa isip niya. Isip pa kasi nang isip.
“Kidding aside, malaking problema kapag hindi ka tinantanan nitong Ex mo. Palagi ka niyang pupuntahan. Tapos kung anu-anong teknik ang gagamitin niyan laban sa ‘yo. Eh, paano kapag nahuli niya si Xavier? Naku… malaking problema ‘yan, Aynna. Ang liit ng mundo ninyo.”
Nagbaba ako ng tingin na parang hindi ko kakayanin ang susunod pang sasabihin ni Liza. Gusto kong sabihin, araw-araw, iyan ang nasa utak ko. Hangga’t nasa Manila kami, palaging may posibilidad na mayroong makaalam kina Anton ng tungkol kay Xavier.
Pero pumasok din sa isip kong, wala na silang pakielam kung magkaanak man kami ni Anton. Kasi hindi naman nila ako gusto. At hindi gugustuhing magkaroon pa ng koneksyon sa bata. Napakarami pang babae na mas higit sa akin. Tiyak naman iyon.
Hindi ako galing sa mayamang pamilya. Dating Sexy Star ang Mama ko. Hindi sila kasal ni Papa Lauro at may half-sister ako. Kumpara sa kay Anton na buo ang pamilya. May sinasabi sa Lipunan. At puro mga kilala ang kapatid at pinsan, walang-wala ako para pag aksayahan nila ng panahon. Kahit nariyan pa si Xavier.
Sana nga ganoon. Para hindi mawala sa akin ang anak ko.
I didn’t answer Liza. I was tormented of that thought. Kailangan kong mapanindigan na hindi malaman ni Anton ang tungkol sa anak niya kahit na anong mangyari. That’s my goal.
I have a normal day the next day. Nagbukas ako ng tindahan. Tumao. Umalis si Liza para sa kanya namang negosyo.
Sa maghapon, isang beses kong sinama si Xavier sa tindahan. Nagluluto si Aling Corazon kaya hindi niya mabantayan. Nagising mula sa nap time ang anak ko kaya sinama ko sa tindahan. Pinaupo sa bangkito at binigyan ko ng malalaro niya.
Panay ang tawag niya sa aking ‘Mami’ kada asikaso ko sa mga bumibili. I made him wait everytime that occur. Pero panay ang lingon ko sa kanya para malaman ko pa ring wala itong nasusubo o nahahawakan na pwedeng makasama sa kanya.
Pinuntahan kami ni Aling Corazon pagkatapos niyang magluto. Kinuha na niya si Xavier. Kaya naiwan akong mag isang nag aasikaso sa tindahan.
“Pwedeng magpaload?”
“Pasensya na, wala po kaming…”
Kailangan kong tumitig sa lalaki ng mga tatlong segundo o higit yata bago ko nakilala kung sino ang nagpapaload. Masyado akong busy sa pag i-inventory ng paninda kaya nang marinig kong load na naman ang binibili, hindi na ako tumayo. Pero nang makilala ko siya, I forced myself to stand up just in front of the window.
“Ikaw pala ‘yan, Adrian. Wala akong load, e. Hindi pa ako nakakapagset up.”
I’m thinking of having that business too. Nakita kong marami ang naghahanap no’n. Nililista ko ang mga karaniwang binibili rito para maidagdag ko sa susunod.
Ngumiti siya na parang sobra pa sa hinahanap niya ang nakuha. Nahiya ako. Kasi wala naman ako ng hinahanap niya.
Sinisilip niya ako sa wire mesh na hindi na natatakpan ng mga snacks kong paninda. He’s giving me goosebumps with that smile and strategy. Mas lalo akong nahihiya. The last time na nagkita kami, pinakain ko lang ito ng sopas bilang bayad sa pagtanggal sa pagkakapako ng takip sa tindahan.
“Okay lang, Aynna. Ahm… pabili ako ng Coke at Sprite.”
“Malaki o maliit?”
“Hmm… malaki. Pinakamalaki.”
Tumalikod ako at tumungo sa refrigerator. Kumuha ng tig isang one point five liters ng softdrinks na gusto niya. Pagharap ko, nagbaba na siya ng five-hundred-peso bill. Tinabi ko roon ang binili niya saka ako kumuha ng sukli.
“May gagawin ka ba bukas ng gabi, Aynna? Kayo ni Aling Corazon?”
Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya dahil nagbibilang ako ng pangsusukli. Pero alam kong nakatitig ito sa akin. Pinapanood ako sa ginagawa.
“Ha?”
Naroon pa rin ang Coke at Sprite sa bintana. Binaba ko ang sukli nito.
“I-invite ko sana kayo ni Aling Corazon bukas sa bahay. Kung okay lang sa ‘yo…”
That’s new for me. Mula nang makabalik ako, ngayon lang ako ulit naimbitahan. My life has changed. Hindi na rin ako dalaga para magliwaliw sa kung saan saan. Tinanim ko na sa utak ang pagrestrict sa sarili alang alang sa seguridad namin. At ang marinig ang ganitong imbitasyon sa isang kakilala ay nakakapanibago.
“Anong meron sa inyo?”
His face reddened. Parang binuhusan ng Tomato Sauce ang mukha ni Adrian. Nagkamot ng batok tapos ay yumuko bago ulit ako tiningnan.
“Birthday ko kasi bukas… kaya…”
“Ahh… gano’n ba.”
Nangapa ako ng isasagot. I mean, ayokong um-oo kaagad. Kapag Linggo, Simba at bahay lang kami. Lumalabas ako kapag kailangan. Umaabot ako sa SM Manila at sa ibang grocery store. But I never go where I am not most needed. Hindi kasi normal ang buhay ko kaya wala ako sa pwesto para um-oo sa lahat ng nag iimbita. Not unless, importante nga.
Si Adrian naman masasabi kong kakilala. Suki raw siya ni Lola Olimpia noong siya pa ang may-ari ng tindahan. Hindi ko siya kabatian noon. Hindi rin naman ngayon. Pero kapag ganitong bumibili siya, sinusubukan kong maging approachable at friendly. It is business based but I know that eventually, kakilala ko na rin.
“May kaunting handaan sa bahay. Ang Mama at Papa ko kasi ang nag udyok. Madalas kumakain kami sa labas. This year, I asked them to celebrate it at home. Pupunta rin ang ibang kapitbahay natin kaya… sana makarating kayo ni Aling Corazo, Aynna. I really want to see you there. I mean… bihira ko kayong maimbitahan. Ito yata ang una.”
Wala rin akong maalala kung nangyari nga yan noon. Kung noon, malamang hindi. Kasi sinasama ako ni Lola Olimpia sa mga lakad niya. Mapa-Simbahan, Bible Study, kaarawan ng kaibigan niya at sa pamimili sa groserya.
Minsan nagpapadala siya ng pagkain sa kapitbahay namin at ako ang inuutusan. Hindi pa ako napapadpad sa kina Adrian.
“Sasabihin ko kay Aling Corazon, Adrian. Mga anong oras ba?”
He got excited. O naduling lang ako dahil sa mga harang sa wire mesh?
“Mga seven PM, okay lang? Sunduin ko kayo rito.”
“Ay naku wag na. Sakali, kami na lang ang pupunta sa bahay niyo. Nakakahiya naman. Susunduin kami ng ay may birthday.”
Masaya siyang tumawa. I felt then that he is delighted eventhought I am not sure yet.
“Okay lang ‘yun sa akin, Aynna. Basta makapunta lang kayo.”
“Sige. Sasabihin ko kay Aling Corazon.”
“Sure. I’ll see you then?” kinuha niya ang mga softdrink nang nakatingin pa sa akin.
I smiled. “Not sure yet.”
Ewan ko. Pero tumaas pa ang dulo ng labi niya na parang ang saya ng sinagot ko.
“Lalambingin ko si Aling Corazon para makapunta kayo. Sige na….”
Natawa ako. I shifted on my feet and massaged my nape. “Titingnan ko. Advance Happy Birthday na lang!”
“Si Aynna naman oh…”
I saw a little sparks between us after we both laughed at each other. Tila may pader na nasira kaya kahit ibang customer na ang inaasikaso ko, may ngiti pa rin sa labi ko dahil sa encounter na iyon.
It feels so good to chitchat with other people and make new friends even for a while. Kahit short-lived lang na pakiramdam galing sa pakikipag usap. Nagiging back to normal ulit ang buhay. Having this kind of new life brings enlightenment at some area of my life. Hindi ganoong mabigat at hindi pala palaging mabigat ang araw-araw ko. Kahit pansamantala lang. In this way, I can literally survive day by day. Hindi pa nabubugbog ang utak ko sa mga threat at suliranin.
Linggo nang umaga nang ipaalala sa akin ni Aling Corazon ang tungkol sa imbitasyon ni Adrian. Nagtanong si Liza kung sino iyon. Ang sabi ko, kapitbahay namin na dati ring suki ni Lola Olimpia kaya medyo malapit kina Aling Corazon. Pero mas kabatian iyon ni Aling Corazon kaya siya ang nagkwento ng kaunti tungkol sa buhay nito. Liza then nodded.
“Magluluto ako ng ulam na dadalhin sa kanya. Pambawi sa hindi mo pagpunta. Dalhin ko na lang para mabati ko.”
Dumaan kami sa palengke at binili ko siya ng ingredients sa lulutuin para sa birthday ni Adrian. Napaisip ako kung bibilhan din ng regalo. Dahil wala akong gaanong mahanap sa pinuntahan, nagdecide akong bumili ng chocolate cake. Pagkauwi, binuksan ko ang tindahan at nag inventory ulit. May mga kailangan na akong bilhin na produkto.
“Oh? Saan ka ngayon, Julian?!”
“Nasa kama ko. Natutulog.”
Kinagat ko ang labi nang marinig ang nabibwisit at inaantok na boses ni Julian. I texted him last night. Busy siya sa paghahanap ng mga ebidensya at sa pagtetrace kay Ramona Olivarez. Kung sinu sino ang tinatawagan niya kaya siya hindi matawagan. Text lang. At ngayon lang ulit namin siya nakausap.
Pasado alas dos nang bulabugin ni Liza. She’s eating her apple na ako ang nagbalat. Sunkist naman ang kay Xavier.
“Lumabas labas ka naman d’yan. Baka tubuan ka ng kabote. Ikaw rin…”
Tinulak ko si Liza sa balikat. Si Julian na nga ang pinakamasipag sa amin tapos iinisin pa niya.
Julian laughed. “Lalabas lang ako kapag kailangan. Pero ngayon mas kailangan ko ng tulog. Ikaw sana tubuan ng kabote.”
“Hindi ako tutubuan ng kabote, ‘no. Fresh ‘to. Naliligo ako araw-araw.”
Nang mauwi sa parang ang dudumi na ng usapan ng dalawa, in-off ko ang loud speaker ng phone ni Liza. Pinagtawanan niya ako. Sinabi niya kay Julian ang ginawa ko at mas lalo pang tumawa.
“O sige na sige na. Ba-bye.”
Mayamaya, Julian texted me.
Julian:
Aynna nakikipag usap ako kay Kara sa phone. I hope okay lang sa ‘yo na dumeretso ako sa kanya. Naghihinay hinay naman ako sa pagtanong at alam ko kung kailan hindi pwede siyang kausapin
Ako:
Paano mo nalaman number niya?
Julian:
I asked her last time d’yan sa inyo
Ako:
Okay. Basta be sensitive enough, Julian. Ayokong may matrigger na trauma sa kanya. Ako na lang ang kausapin mo kung may problema
Julian:
Noted, Aynna. Thank you. I’ll take care of her. Don’t worry. Gusto ko lang na malaman mo ‘yon
Ako:
Thank you rin
Most of the time now, my friends are really concerned not just for me but also to my loved ones. Bago ang pinalano ko kay Anton, normal lang ang buhay namin. Masaya kami ni Liza sa buhay tiatro at kapag may play, bumibili ng ticket si Julian bilang suporta sa amin. Natuto siyang manood ng play nang dahil sa nakahiligan namin ito ni Liza. Nang mabanggit ang showbiz, hindi niya kami diniscourage. Hindi inencourage. Pero ramdam kong kahit papaano ay may alam sa kalakalan si Julian.
My life is an open book to both of them. Ganoon din sila sa akin. Sa pagtanda namin, nakaramdam ako ng gratefulness kasi kahit mahirap ang problema ko, nandito pa rin sila. Through thick and thin, they are my back up. Ultimo, sarili nilang career nanlambitin dahil sa akin sila kumampi. Pero ayaw ko namang palaging ganoon. I hope one day, I can repay what they done for me. Willing akong samahan sila sa kanilang obstacle in life.
Pagkatapos maluto ni Aling Corazon ang ulam na dadalhin para kay Adrian, napaupo at sapo ito sa noo. Akala ko biglang nahilo. Nauntog pala sa pinto ng cabinet at bumukol.
But she’s more concerned about the food. Nakapagbihis na nga ito at handa. Nilagay ko na sa mesa dahil six thirty na. Kaso nagkabukol siya sa noo kaya nilagyan ko ng yelo.
Dinungaw ni Liza ang nasa mesa. “Ako na lang magdadala nito,”
Tiningnan siya ni Aling Corazon. Nilingon ko si Xavier sa sala na kasalukuyang nanonood ng TV.
“Okay lang ba, Liza? Pero kaya ko naman…”
I sighed. Nakashorts na itim pa ako. Hawak ko ang compress sa noo niya. Hindi na ako nagpatumpik tumpik. Kung pwede ako, ako na lang din pero si Xavier ang inaalala ko.
“Saang banda ang bahay nina Adrian, Aling Corazon?”
“Huh? Ikaw na lang Aynna?”
Pwede kong ipasabi kay Liza ang bahay ni Adrian at i-tricycle ang ulam at cake. Kaso kung ganoon naman, wala ni isa sa amin ni Aling Corazon ang nakarating? Kami pa naman ang inimbita.
“Hindi. Isama mo itong si Liza para may kasama ka, hija. Ako na rito kay Xavier. Bukol lang naman ito.”
“Sigurado po kayo? Pwedeng ipa-tricycle ko ito kay Liza…”
Mabilis siyang umiling sabay tapik sa forearm ko. “Mahihirapan si Liza, hija. Magpakita ka na rin kay Adrian nang hindi ito magtampo sa atin. Hindi ka naman magtatagal doon. Iabot mo na lang. Ang importante, may nakarating sa atin.”
“Hmm. Tama.” Liza agreed.
“Kung ganoon po… aagahan na namin. Para makauwi rin.”
“Ganoon na nga, hija.”
Hindi ko na hinintay na mag alas siete bago tumulak kina Adrian. Maaga akong nagsara ng tindahan. Kahit sandali lang kami roon, sinigurado ko munang maayos si Aling Corazon. Tinabihan niya si Xavier sa sala at sinamahang manood ng TV. I kissed my son. Alam kong hindi niya naiintindihan pero nagpaalam ako sa kanya.
I changed my shorts to denim skirt. White round neck t shirt na small ang size ang pinartner ko. Medyo hapit sa dibdib pero kumportable naman kaya sinuot ko na. Nagsandals ako pangpaa.
Niyaya ko na lang na maglakad si Liza dahil kaya naman. Saka mas gusto ko rin para magkaroon pa ako ng time na makabuo ng sasabihin kay Adrian para makauwi kami agad. Nahihiya rin ako sa kanya. Eksaktong alas siete naroon na kami sa bahay niya.
Wala silang gate at bukas ang front door. Mayroong mga hinandang plastic chair sa labas na may kaunting espasyo pang garahe ng bisekleta at ilang gamit pangbahay. Malinis ang bakuran at may ilaw kaya kitang-kitang kapag may tao.
Galing sa pakikipag usap samga bisita, nilingon niya kami. Pati ang mga kausap niya, bumaling din sa amin. Ngumiti si Adrian. Tapos ay malalaking hakbang na lumabas ng bahay para puntahan kami.
“Happy Birthday! Pasensya na. Hindi makakarating si Aling Corazon.”
Ang kasiyahan sa mukha niya ay napawi at napalitan ng pag aalala. Tiningnan niya si Liza na nasalikod ko. Naghihintay.
“May nangyari ba?”
Umiling ako. “Nauntog kasi kaya nagbukol. Pero ayos na naman. Kailangan lang magpahinga.”
“Gusto mong tingnan ko siya? I-check ko kung talagang maayos angpakiramdam niya,”
Si Aling Corazon ang nagsabi sa akin na nurse ang profession nitong si Julian. Sa Tondo Ospital ito pumapasok at ang sabi ay si Adrian ang madalas na lapitan ngmga kapitbahay namin kapag kailangan sa usaping medical.
Matulungin athindi raw ito nagpapabayad basta mga kapitbahay ang nangangailangan. Kaya rin siguro hindi ito matanggihan ni Aling Corazon.
“Hindi na. Okay lang. Maayos naman siya bago kami umalis doon. Siya ngapala, kaibigan ko. Si Liza. Liza, si Adrian. Kakilala ni Lola Olimpia.”
“Hello. Happy Birthday sa ‘yo!”
Nagkamayan ang dalawa. Tinanggap ni Adrian ang pinaglagyan ng ulam galingkay Liza.
“Thank you. Tara sa loob,”
Iaabot ko na rin sana sakanya ang box ng cake nang bigla niya kaming yayain sa loob ngbahay. Marami rami na rin ang tao roon kaya naunahan ako ng hiya. Pinagtitinginan kami. Nakikita kosa mukha ng mga kaibigan niya yatang nurse ang tukso. They all looked like they just came from their shift.
Huminto si Adrian sa tawag ko. “Walang kasama si Aling Corazon sabahay kaya… hindi kami magtatagal, Adrian. Dinala langnamin itong regalo namin sa ‘yo.”
Pakiramdam ko, parang hindi parin katanggap tanggap na aalis kami agad. Kita sa mukha niya ang nag expect siyang dadalo talaga at makikikain kami. Gusto ko man, nahihiya ako. Saka walang kasama sabahay sina Aling Corazon at ang anak ko.
“Kahit sandali, Aynna. Kumain muna kayo…”
I massaged my nape. Napasulyap nanaman ako sa mga kaibigan niya. Iyong isang lalaking nakauniform na puti ay namulsa at lumapit sa hamba ng pinto. Halata talaga sa mukha nila na may something.
“Kasi…”
“Fifteen minutes? Tapos ihahatid kokayo.”
“Ha? Eh…” nagkatinginan kami ni Liza. Wala namang masama kung sandali lang. Tutal nandito narin kami. Kaso naiwan ko sa bahay ang anak ko. May bukol pa si Aling Corazon. Hindi kalayuan ang bahay namin dito atkung sandali lang naman…
“Bilisan na lang natin ang kain, Aynna. Tapos, uwi na.” bulong ni Liza.
“Sige na, Aynna. Titingnan ko rin si Aling Corazon after this.”
“Paano angmga bisita mo?”
He chuckled really cute. Para siyang heartthrob sa eskwela na palaging inaabangan sa hallway dumaan. At kapag ngumiti, mapapatitig ka sa kanya kasi anggwapo. I can even hear Liza’s giggling sound. Panay angbunggo sa gilid ko. Parang naiihi lang.
“Kapag maypasyente, alam na nila ang ibig sabihin no’n.”
“Pero birthday mo ngayon. ‘Wag na, Adrian. Kami nalang ang bahala kay Aling Corazon. I-enjoy mo na lang ang birthday mo saka hindi mo dapat pinaghihintay angmga bisita. Sige na,”
I thought then that it was a very good excuse to go home early. Tatanggihan ko na talaga ang alok niyang i-checkup si Aling Corazon. Kahit pa hindi niya birthday ngayon. Bukod sa dalawa kami ni Liza angpwedeng mag asikaso sa kanya, makikita rin niya ang anak ko. For me, it should be a secret to everyone that I have a son. Kasama na roon si Adrian.
Ang scandal na kinabilangan ko ay sumambulat sa maraming tao. Walang sinasabi si Adrian tungkol doon pero sa social media pa lang, kalat na kalat na ‘yan na parang virus. Ang litrato ko hindi na mabubura online. Ibang usapan kapag may makaalam pang may anak ko.
Okay lang sa mga kakilala kasi pinagkakatiwalaan ko pero kunghindi, parang hindi ko kayang ibahagi iyon.
“Adrian! Papasukin mo angmga bisita mo d’yan, hijo. Baka papakin ng lamok ang mga dalagang ‘yan.”
Nakangiti atmukhang masayahin ang ginang nakasilip sa amin sa may bintana. Nang magkatinginan kami, bahagya akong yumuko at ngiti roon.
“Mama ko. Sa loob na muna kayo,”
“Tara na.”
Tatanggi pa rin sana ako pero hinawakan ni Liza ang braso ko at hinila papasok sa bahay. Gumilid si Adrian. Nakangiting tiningnan ang kamay ni Liza. Mas lalo akong hindi nakaangal pa nang magsihawi ang mga kaibigan ni Adrian sa pintuan para makadaan kami. Pagpasok namin, pinaghanda pa nila kami ng upuan. Inilaan nila sa amin ang sofa at lamesita ng sala nila.
Ang ibang kaibigan niyang nurse rin, lumabas. Doon na lang daw sila.
“Luto po ni Aling Corazon. Pasensya na raw po at hindi siya makakapunta.”
Agad kaming inasikaso ni Adrian. Lumapit din ang Papa at Mama niya. Ang Papa raw niya ang kusinero nila at lahat ng handa ay ito ang nagluto. Pagkakuha namin ng pagkain, sa sofa na kami. Kaunti lang ang kinuha ko. Binabantayan ni Adrian ang plato dahil gusto pa niyang dagdagan. Nag-okay lang ako at ayos na ito sa akin.
“Ikaw ba ‘yung apo ni Lola Olimpia?” ang mama ni Adrian.
“Opo,”
Namangha siya. “Edi ikaw ‘yung panganay ni Olivia. Tama ba?”
I smiled kindly. “Tama po.”
Adrian chuckled and groaned. “Next time na muna ang interview, ‘Ma. Patapusin mo munang kumain ang mga bisita ko. Pasensya na, Aynna.”
“Okay lang.” awat ko.
Maiksi lang ang tinagal namin sa bahay ni Adrian. But even in that brief visit, feeling ko, mas marami silang tinanong kaysa sa kinain ko. Pero okay lang. Saka hindi sila nakakailang kausap. Nalaman nilang ako nagmamanage ng tindahan. Hindi sila nagtanong sa eskandalo at pagkawala ko. Ang tungkol kay Lola Olimpia ang madalas niyang usisain. Kaya gumaan din kalaunan ang loob ko sa bahay nila.
Nagsidatingan na rin ang iba pang bisita ni Adrian. Naubos ko ang pagkain. Nagpaalam na kami. Pero bago kami makalabas ng bahay, pinabaunan kami ng Mama niya. Para raw kay Aling Corazon. Nilagay sa microwaveable container ang mga pagkain. Nagpasalamat ako at nagpaalam. Pinigilan ko si Adrian na ihatid kami. Lalo na, dumami ang tao.
“Thank you for coming, Aynna.”
Nakatitig ito sa akin habang nagpapaalam kami. Natauhan nang maramdaman ang katahimikan ng mga tao sa labas. Hindi ko iyon kaya, kaya tumango ako sa kanya bago tumalikod. Hinila ko si Liza. Kasi pinapanood niya lang kami.
“Ang sarap nu’ng spaghetti. Kung medyo nagtagal pa tayo roon, sira ang diet ko.”
“Baka kaya pinabaon kasi gutom ka pa.” tukso ko habang naglalakad kami pauwi.
“Hoy, hindi, ah! Nilalayo ko pa ang mata ko sa lechon. Nasa likod kasi no’n ‘yung spaghetti.”
Natawa kami. But I really appreciate that brief visit. Buti nandito si Liza. Kung hindi, baka mag isa lang akong pumunta roon. Doon ako mas nahihirapan. Wala akong maaayang umuwi.
Five minutes na yata kaming naglalakad nang mag-ring cellphone ko. Agad kong tiningnan at baka si Aling Corazon. Pero unregistered number ang nasa linya. Kinabahan ako. Hindi ko sinagot.
Nag-ring ulit iyon. I cancelled. Then, I received a text.
Unknown:
Come outside
Nagsasalita sa tabi ko si Liza pero ang utak ko ay nilamon ng nagtext. Dapat hindi ko ito inentertain pero deep inside alam ko kung sino ang nasa likod ng text.
Ako:
Who are you?
I just couldn’t believe my thought. Kaya ba? Ganito kadali at kabilis?
Then, a reply came so fast. Isang segundo lang yata niya nabasa ang reply ko.
Unknown:
Anton
Napahinto ko sa pag-ilaw at busina ng sasakyan sa harapan namin. Nalagpasan ako ni Liza na patuloy sa pagsasalita. Hindi niya napansin ang pagkatigil ko.
Ilang hakbang na lang ang bahay. Pero sa tapat ng tindahan, nakaparada ang pamilyar na itim na sasakyan. Siya iyon. Inulit niya ang pagbusina at ilaw. Indikasyon na nakita niya ako at pinapalapit ako.
But I didn’t dare to move near his car. Malalaking hakbang akong lumapit kay Liza. Hinawakan ko sa braso at nagmamadaling hinila sa gate.
“Ipapatikim ko ‘yung spaghetti kay Aling Corazon para maluto rin niya. Oy? Ayos ka lang, Aynna?”
Pagkatulak ko sa gate, narinig ko ang pagbukas ng pinto ng sasakyan. Tinulak ko si Liza sa balikat pero naestatwa ito. Halos mapapikit ako nang makitang tinitingnan na niya ang kinakatakutan ko.
“Patay… tayo… nito.” She murmured.
“Aynna.”
Halos maramdaman ko ang paninigas ng kalamnan ko pagkarinig sa boses ni Anton. He has dark-textured tone that you would never want to hear even for once a year.
Pumasok si Liza. Hindi ko pa rin hinaharap si Anton. Kaya hinila niya ako papasok din.
“Aynna.”
Kusa akong huminto sa paghakbang pa lang. Hindi niya kailangang lakasan ang boses para takutin ako.
“Pwede ba, Anton? Nananahimik ang kaibigan ko. Wag kang manggulo.”
“Liza.”
Ayokong magkairingan dito si Liza at Anton. Paano kung lumabas si Aling Corazon buhat si Xavier? Hindi naman nila alam kung sino ang nasa labas.
“How are you, Liza?”
Sa kabila ng palabang boses ni Liza, kalmado pa rin si Anton.
“Heto. Nawalan ng trabaho dahil sa ginawa mo. Pero kinakaya naman ang buhay. Basta ‘wag kang lang maglalalapit kasi baka alam mo na… kung anong hocus-pocus ang gawin mo.”
It is either, to mock him or face him. I chose the latter. Walang kaemo-emosyon si Anton habang nakapamulsa at titig kay Liza. He’s on his all-black outfit. Itim na pantalon, sapatos at longsleeves pero nirolyo sa siko. Ang tanging contrast nang kaunti ay ang suot niya palaging kwintas.
“It was not my fault.” He mockingly said.
“But it was your choice, right?”
I sighed. Nilingon ko si Liza para patigilin ito. Pinanlakihan niya ako ng mata. Tinitigan ko siya para maunawaan niyang ako ang may kasalanan ng lahat. At ang anak ko… nariyan lang sa loob ng bahay.
Bumuntonghininga si Liza. Sa huli, hindi na nito dinagdagan ang sinasabi kay Anton. Hinarap ko siya nang hindi pinapaalis ang kaibigan ko.
“Anong kailangan mo?”
Tinaasan niya ako ng kilay. Minuwestra ang kanyang sasakyan.
Parang pinasukan ng mabigat na hangin ang dibdib ko roon. He didn’t say a word but he want me to get in his car. Again. No. Nakakatakot siya.
“Ayoko, Anton.”
Mabagal niya akong nilingon. Ang mga kamay nasa bulsa pa rin ng pantalon. Isangbeses siyang humakbang para makatayo sa mismong harap ko.
I couldn’t move nor breathe. Tila lalamunin niya ako ng buhay kapag nagsalita ako.
“Do you want me to drag you in my car?”
Magaan ang pagkakasalita niya. Nag iingat na makasagi pero ang mga salita ay tiyak kong hindi. He can speak in low tone but brutally honest. Kaya sa pagkakatayo ko, halos manlambot ang mga tuhod ko. Nanginig ang mga kamay ko. At nanlamig ang mukha ko.
Sinubukan ni Liza na hilahin ako paakyat sa gate. Pero hindi ako tuminag. Ni hindi ko kayang iangat ang paa ko. Para saan pa iyon? Ngayong, hindi ko rin magagawang ayawan ang gusto ni Anton de Silva.
Lumunok ako. Bahagyang tumango. Kinuha ni Anton ang wrist ko para hilahin. Pero hinarap ko muna si Liza. I urged her to go inside and I mouthed, “Xavier.” I don’t want her to let my son see his father.
Isang nababahalang tango lang ang sinagot nito. Humakbang ako pasunod kay Anton. Binuksan nito ang pinto sa passenger seat. I stopped. Nagtatakbong pumasok sa loob ng bahay si Liza. Pagkasarado niya ng pinto, tiningnan ko ang bintana ng kwarto ko. Patay ang ilaw. Ibig sabihin, nasa baba pa sina Aling Corazon.
I gasped. There is a turmoil in secrecy happening in my head and in my heart. Tumayo sa gilid ko si Anton nang hindi pa ako sumasakay. I stared at him grimly. I even gritted my teeth.
“Hindi mo ako pwedeng ilayo rito,”
First, I want to warn him. Hindi niya pwedeng gawin ang gusto dahil sa galit siya. Ito’y kahit na hindi ako sigurado kung susundin niya iyon.
He too stared at me. The lace of anger is still there. I can feel it even in my bones. In my blood. He is up to something harsh. That for sure, will never let me to recover.
“Wala kang karapatang tumanggi sa gusto ko, Aynna.”
“Kung gano’n, ayokong-
Patalikod ako nang hulihin niya ang braso ko para ibalik sa pagsakay sa loob.
“Ano ba!”
He forcefully grips on my arm that I almost wince in pain. Nang natigilan ko roon, agad niya ring niluwagan ang higpit at malapitan akong tiningnan sa mata. His lips just inchs away from mine. Rumehistro ang hapdi ng huling paghalik niya. Kaya inatras ako ang ulo ko. Pero hindi ito pumayag.
He went behind me and closely grip his other hand on my waist. Hinarang niya ang sarili sa likod ko. Walang mag-aakalang nagtatalo kami o pinupwersa akong sumakay. Mas lalabas pang para kaming mag boyfriend na naglalambingan sa gilid ng kalsada.
He leaned down his lips on ear. “One wrong move, you’ll never get home. Follow my orders. We’ll talk. Then, I’ll think about your freedom. What do you want then?”
“Hindi mo binibigay ang gusto ko.”
I felt his hot breath and I knew that he is playfully smirking behind me.
“Binigay ko na ang gusto mo. Pero niloko mo ako.”