Nakakatawang isipin, parang wala sa kaniya na kung magagalit man ako kung sakali dahil sa ginawa niya. Ang totoo pa niyan ay mas lalo pa siya naging sweet pagkalabas niya sa fitting room. Niligpit ko ang mga sinukat kong mga damit at nagsuot na ng damit. Natigilan ako nang may sumagi sa aking isipan.
's**t, nakita niya ang bra ko! Hindi kaya?!' sa isip ko.
Kusang uminit ang magkabilang pisngi ko dahil doon. Huminga ako ng malalim. Kaya ko 'to. Kungwari, hindi ako affected!
Pagkalabas ko ng fitting room ay dinaluhan na niya ako na may ngiti sa kaniyang mga labi. "Bibilhin mo na ba mga 'yan?" tanong niya.
"'Yung dalawa nalang siguro dahil hindi kasya sa akin 'yung isa..."
"Okay..." saka hinawakan niya ang isang kamay ko. Marahan niya akong hinatak. Kusang sumunod sa kaniya ang katawan ko.
Tulad ng sabi niya ay siya ang nagbayad ng mga damit na pinili ko. Pagkatapos n'on ay bumalik na kami sa kaniyang sasakyan para umuwi na.
"Kailan mo ba gusto pumunta ng Calaguas?" he suddenly ask while he's driving.
"Uhm, bukas na siguro." sagot ko habang sa labas ang tingin ko, nakapanglumbaba.
"I see. Sasamahan kita."
"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko. May halong excitement sa boses ko. Parang akala mo ay isa akong bata na excited na makarating sa isang birthday party ng kaibigan.
He chuckled. "Of course. From Daet, it will take two more hours by sea to reach the island, pag-uwi natin, I'll call manong Berto to take us there, he's a fisherman." he added.
Mas lumapad ang ngiti ko. Hinding hindi na ako makapghintay!
Pagbalik namin sa mansyon ay sinalubong kami ni manang na may ngiti sa kaniyang mga labi. Inabot ni Rafael ang mga pinamili sa kaniya. Nagpaalam na din ito na magluluto na.
"Anong gagawin mo niyan habang naghihintay?" tanong niya sa akin nang naiwan na kami ni manang dito.
Ngumuso ako't niyakap ang aking sarili. "Hmm..." ngumiti ako saka tumingin sa kaniya. "Nakita ko may beach pala sa likod ng mansyon na ito. If you don't mind... Can I go there?"
Tumaas ang mga kilay niya. "Sure,"
"Thank you, Rafael." huling sinabi ko saka tinalikuran ko na siya para marating ang dalampasigan. Malapit na rin mag-sunset at gusto kong mapanood iyon habang hindi pa lumulubog ang araw!
Nakayapak lang ako. Yakap ko pa rin ang aking sarili habang hawak ko ang mga sapatos ko. Binabaybay ko ang dalampasigan. As my expected, tahimik ang lugar. Wala akong makita ibang tao dito kungdi ako lang. Mas okay ang lugar para sa akin ang lugar na ito kaysa sa mga beach na napupuntahan ko dati.
I can find tranquility here. This place really helps me. Curious naman ako kung anong hatid sa akin ng Calaguas sa oras na nakatapak na ako doon.
Ang akala ko hanggang panonood ko lang sa mga vlog at nababasa ko lang sa blog ang tungkol doon, suddenly, matutupad na...
Tumigil ako sa paglalakad. Nagpasya akong umupo muna para makapagpahinga. Nilapag ko ang mga sapatos ko sa aking tabi at niyakap ang aking mga binti habang nakatingin sa kawalan.
Wala akong ideya kung anuman ang naging reaksyon ng pamilya ko sa bahay. Sa bigla kong pag-alis lalo na't walang paalam. Mama must be freak out. Hindi siya sanay na umaalis ako ng walang paalam. I understand her.
Kinuyom ko ang mga kamao ko nang sumagi sa aking isipan ang eksena na ipinakilala sa amin ni papa ang bastarda niya! Muling bumuhay ang galit sa puso ko. Ilang beses ko na siya pinatawad sa mga nagawa niyang kasalanan lalo kay mama.
Bakit ba ang dali para sa kaniya na palitan si mama? Sa mga mata ko ay walang naman ginawang masama si mama sa kaniya. Sa katunayan pa nga ay minahal pa nga siya ng sobra. Masasabi na nating martyr na si mama sa mga pinanggagawa niya. Dahil kahit ilang beses na siyang saktan ni papa, buong puso parin niya ito tatanggapin.
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi para pigilan ko ang sarili kong maiyak.
Yumuko ako hanggang sa naisandal ko ang aking noo sa mga tuhod ko.
Napapagod na ako... Napapagod na akong magpatawad...
Napadilat ako ng wala sa oras. Kuwarto na ang bumungad sa akin. Wait, ang huling natatandaan ko ay nasa dalampasigan ako, ah? Papaano ako nakarating dito?
Mabilis akong bumangon. I scanned the whole place. Gabi na?
Dumako ang tingin ko sa wall clock. Naaninag ko siya dahil sa nakabukas na lampshade. It's already eleven in the evening?!
Lumipat ang tingin ko sa single couch na malapit lang sa kama. Natigilan ako nang makita ko ang bulto nang isang lalaki doon. Nakayuko siya habang nakahalukipkip. T-tulog siya?
Umalis ako sa kama para mas lalo ko pa siya malapitan. Pinagmasdan ko siya. Natutulog nga siya. Pero bakit narito siya?
Bahagya siyang gumalaw at napaatras ako ng kaunti. Baka nagising ko siya. Inangat niya ang kaniyang ulo at napatingin sa akin. "Oh, you're finally awake." sabi niya.
Pakurap-kurap akong tumingin sa kaniya. "P-papaano ako nakarating dito? B-bakit ka narito?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya.
"Naabutan kitang natutulog sa dalampasigan. Kaya binuhat kita para makatulog ka nang maayos dito sa guest room. Na late reaction ang katawan mo. Doon ka inabutan ng antok." paliwanag niya. Tumayo siya at nilapitan niya ang mababang mesa na may tray doon. Bumalik siya sa pwesto ko na dala na niya ang iyon. "Hindi ka rin nakakain ng dinner kaya hinatiran na din kita."
Umiwas ako ng tingin. "Eh... Bakit ka narito...?" medyo hesitate pa ako sa tanong na iyon.
Pinatong niya ang tray sa kama. "Just to make sure na nakakain ka na. Hindi ka pwedeng malipasan ng gutom habang nasa poder kita, missy."
Yumuko lang ako. Napalunok ako. Bakit ba masyadong mabait sa akin ang lalaking ito?
"There, kumain ka na."
Ramdam ko na din ang mga alaga ko sa aking tyan. Gutom na nga ako. Ginalaw ko ang kutsara at tinidor. Mukhang masasarap nga ang mga pagkain.
Tinikman ko ang gulay. Masarap siya. Bumaling ako kay Rafael. "Kumain ka na din ba?" tanong ko.
Ngumiti siya. "Yeah."
I give him a small smile. "Salamat."
"Very much welcome, missy." isinandal niya ang kaniyang likod sa couch habang pinapanood ako. "Nakahanda na daw ang bangka na gagamitin para makatawid tayo sa dagat."
Natigilan ako saglit. "Talaga?" mas lumapad ang ngiti ko.
Tumango siya. "Yep. We need a little shopping in the market because there are no restaurants in the island. So we'll be in charge of making our own food there."
Nakuha niya ang interes ko sa mga pinagsasabi niya. "Mukhang tagadito ka ng sa lugar na ito. Ang dami mong alam tungkol sa isla na 'yon, ibig sabihin, nakapunta ka na doon?"
Ngumuso siya. "Sometimes, with my cousins. Kapag nagbabakasyon sila dito."
Napaawang ang bibig ko saka tumango. "I see."
"How about you? Why do you want to go there?" siya naman ang nagtanong.
Natigilan ako ng ilang segundo. Yumuko ako. I pressed my lips. "I just want... a peace of mind." mahina kong sagot. "Gusto kong lumayo sa mga problema. And I find Calaguas is beautiful and perfect for my whims."
"I must say, Calaguas is a jewel island for me. Kapag nakarating na tayo doon, malalaman mo din ang ibig kong sabihin." mas lumapad ang ngiti niya.
Nang matapos na akong kumain ay nagkuwentuhan pa kami ng kaunti ni Rafael. He told me about his life here in Cam North. Marami pa daw isla dito. Nalaman ko din na mahilig din siya sa travel kaya pala ang dami na niyang alam pagdating sa pagtatravel.
"Madalas ka din ba napunta sa Maynila?" tanong ko sa kaniya.
"Yeah. Doon din madalas ginaganap ang family gatherings. Mga company parties. Doon din kami nagkikita ng pinsan kong si Mikhail pati ang mga pinsan niyang Hochengcos—"
Namilog ang mga mata ko. "What? Pinsan mo si Mikhail?!" bulalas ko.
Tumawa siya. "Yeah, first cousin ko siya sa father side."
Napaletrang O ang bibig ko sa aking nalaman!
"Mukhang hindi pa niya kami nababanggit sa iyo, ah." kumento pa niya saka tumayo. "Twenty minutes has passed, you may now go to sleep, missy. Maaga pa tayo aalis bukas." umupo siya sa gilid ng kama.
"Wait, don't tell me, dito ka rin matutulog?"
Painosente niya akong tiningnan. "Parang ganoon na nga." saka ngumisi siya.
Ngumiwi ako. "Ang landi mo, akala mo hindi ko napapansin?"
"Why? Tayong dalawa lang naman ang nandito. Babae at lalaki ako. Single ka, single din ako." then he winked.
Napakamot ako sa aking kilay. "Kailangan talaga magkatabi?"
Bumungisngis siya. "Para mas maramdaman kita." mas inilapit pa niya ang kaniyang mukha sa akin sabay hawak niya sa chin ki para magtama ang mga tingin namin. "Don't dare to ruin my dream, missy."
"Anong pinagsasabi mo?"
"Don't mind it, missy." saka humiga siya. Bigla niyang hinawakan ang isang kamay ko. He dragged me down! Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nasa bisig na niya ako! "I have something to confess with you, Angela." namamaos niyang sabi.
"W-what is it?"
Mas humigpit ang pagkayakap niya sa akin. I try to look at him. Nakapikit na siya. "Nothing can makes me happier, until you came and then seeing you smiling at me."
"R-Rafael..."
"Sa iyo na ako, Angela. Ang tanong doon, pwedeng akin ka nalang?"
Hindi ako makapagsalita agad. Heto na naman ang puso ko, bumibilis na naman sa pagtibok. Kasabay na nag-init ang magkabilang pisngi ko at hindi na naman ako makahinga!
"I want the way that you are the first thought in my head in the morning when I wake up, my last thought before I go to bed, missy."
Ipinikit ko ang mga mata ko. Magkukungwaring magtulog-tulugan ako!