chapter three

1874 Words
Anong oras na, pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok! Ang salarin? Sino pa ba, eh di si Rafael Chua! Wait... Chua? Paapelyido niya si Mikhail? Hm, mukhang imposible naman. Maraming Chua sa mundo. Imposible na kamag-anakan niya ang isang iyon. Bumangon ako mula sa pagkahiga ko sa kama. Bumuntong-hininga ako at nilapitan ang balkonahe. Hinawi ko ang sumasayaw sa hangin na mga kurtina. Humakbang pa ako ng kaunti hanggang sa napahawak na ako sa railings. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti nang tumambad sa akin ang magandang tanawin na nakikita ko. Mula dito sa kinakatayuan ko, ay tanaw na tanaw ko ang malinis at kulay asul na karagatan. Ang sarap pa sa pakiramdam ang hangin dito. Tipo ang linis-linis niya, walang halong polusyon! Bumaba ang tingin ko. Napalitan ng pagtataka ang mukha ko nang mahagilap ng aking mga mata si Rafael na nakatayo at tila may kausap sa kaniyang telepono. I lean myself on the railings. Nagpangalumbaba ako ngunit naalis ang mga mata ko sa kaniya. Biglang sumagi sa aking isipan ang mga huling salita na binitawan niya bago man siya umalis dito sa guest room. Bakit ganoon ang mga pinagsasabi niya? Hindi naman niya ako kilala, ah. Hindi ko rin naman siya kilala, 'yung mga panahon na nakasabayan ko siya sa mrt, 'yon lang. Wala nang iba. Pero siya, kung makaasta naman sa akin akala mo ay matagal na niya akong kilala... Pumikit ako at umiling-iling ako para mabura sa aking isipan ang mga ideya na ganoon. Sa pagdilat ko ay halos matalon na ako sa pwesto ko! Nakatingin na pala sa direksyon ko si Rafael! Ang malala pa doon ay nakangiti siya sa akin na katamis-tamis! Oh s**t, heto na naman ako... Parang hindi na naman ako makahinga! Umiwas ako ng tingin at ibinaling ko 'yon sa ibang direksyon para hindi ako mahalata na tinitingnan ko siya kanina pa. Act innocent, Angela! Huwag na huwag kang magpapaapekto! Huwag na huwag mong ilalaglag ang sarili mo! Susme! Kasi kung bigla ako magwowalk out, mas lalo ako mahahalata na umiiwas sa kaniya. Pero bakit ganoon? Bakit parang pakiramdam ko ay nakatingin pa rin siya sa akin? Pasimple akong tumingin sa direksyon niya. This time around, parang tumigil sa pagtibok ng aking puso nang tama nga ang hinala ko! Like, what the hell is that?! Ano bang problema niya?! Bakit hindi nalang siya umalis sa paligid ko?! Bigla ako naconcious sa pinanggagawa niya! Ugh! Mas lumapad ng ngiti niya sa akin. Samantala ako, tipid ko siyang ningitian. Kusa nang gumalaw ang katawan ko at bumalik na ako sa loob! Tagumpay akong nakabalik sa loob. Pinaypayan ko ang sarili ko ng aking mga palad. My goodness, malakas-lakas naman ang hangin na pumapasok dito sa kuwarto pero pakiramdam ko ay kakapusin na nama ako ng hininga. Kainis! Ano bang nangyayari sa akin?! Tumingin ako sa wall clock. Pahapon na! Ano bang pwede kong gawin habang naririto ako? Isip, Angela... Isip... Biglang may kumatok sa pinto ng silid na ito na medyo napaitlag ako. Napasapo ako sa aking dibdib. Nilapitan ko ang pinto saka binuksan 'yon. Tumambad sa akin si Rafael na nakatayo sa labas at ginawaran ako ng isang matamis na ngiti. "Hi," bati niya. "Y-yes?" s**t, nauutal na naman ako! "May... Kailangan ka?" Hindi maalis ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Uhm, iniisip ko lang kanina pa kung gusto mong sumama sa akin sa palengke?" "Palengke?" ulit ko pa. He nod. "Yeah, pahapon na. So, bibili ako ng mga kailangan para sa dinner. You wanna go with me?" I bit my lips para pigilan ang aking ngiti pero bigo ako. "Sure!" nasiyahan pa ako sa tono na 'yon. "Now na ba?" Muli siyang tumango. "Yeah." "Sige, magpapalit lang ako ng damit." "I'll wait for you downstairs." aniya. "Okay," saka sinara ko ang pinto. Napasandal ako sa pinto at halos magtatalon-talon na ako. Timing na timing, gustong gusto kong makagala since hindi naman ako dinadalaw ng antok kahit gustong gusto kong matulog o magpahinga! Off-shoulders top, high waist shorts at flat shoes ang pinili kong suotin. Pinili ko din na ipusod ang buhok ko habang nakaharap ako sa salamin ng dresser. Naglagay din ako ng polbo at lip tint. Paikot-ikot na nga ako sa harap ng salamin kung ayos na ang suot ko. Bagay na bagay ang suot ko sa lugar na ito. Umaribas na ako ng kilos pababa kung saan naghihintay si Rafael. Nadatnan ko siyang kausap niya ang kaniyang kasambahay. Binibigay itong isang maliit na papel. Dahil din sa presensya ko ay napukaw ko ang kanilang atensyon. Si manang ay halos malaglag na ang panga habang si Rafael naman ay natigilan nang makita ako. "Okay na? Tara na?" excited kong tanong kay Rafael. Tila nanumbalik ang ulirat niya sa sinabi ko. "Y-yeah," bumaling siya kay manang. "Babalik din kami agad..." "H-ha? Akala ko dadaan pa kayo sa dalampasigan--" "Basta, mabilis lang kami." naging mariin ang tono ng pananalita niya. Huh? Anong nangyayari doon? Magsasalita pa sana ako para tanungin siya nang bigla niyang higitin ang bewang ko. "R-Raf..." mahina kong tawag sa kaniya. "Wala ka na bang ibang damit, missy?" mariin niyang tanong sa akin. "Puros ganito ang mga damit na dala ko... Kasi diba..." hindi ko an naituloy ang sasabihin ko nang siya naman ang nagsalita. "Damn it, kapag talaga nahuli kong tumingin sa iyo ang mga gago, hinding hindi ako magdadalawang-isip na dukutin ang mga mata nila." Mas lalo ako nagtataka sa mga pinagsasabi niya. Wala akong naiitindihan. Simula tumuntong ako sa bahay na ito, nagiging weird na siya, ha! Ano bang problema niya?! Nang nasa labas na kami ay ibang sasakyan na ang tumabad sa amin. Wrangler jeep na . Hindi na 'yung BMW niya! Seryoso, gaano ba kayaman ang isang ito at mukhang ayos lang sa kaniya na magpapalit-palit ng sasakyan? Ineskort niya ako hanggang sa nakapasok na ako sa mismong loob ng sasakyan niya. Siya din ang nagsara ng pinto. Ako na ang nagsuot ng seatbelts habang hinihintay ko siya na marating niya ang driver's seat. Nang nasa driver's seat na siya ay agad niyang binuhay ang makina hanggang sa tuluyan na namin nalisan ang mansyon. - Kahit naglalakad kami sa sinasabi niyang palengke ay hindi maalis ang kamay niya sa bewang ko. Napangiwi ako. Ano bang problema ng isang ito? Bakit ayaw ako bitawan?! Wala naman masama sa suot ko siguro pero grabe makatingin sa akin ang iba, lalo na ang mga kalalakihan na bawat nakakasalubong namin... "Heto na nga ba ang sinasabi ko..." mariin at mahina niyang sambit. "Ano bang problema, Raf?" naguguluhan kong tanong sa kaniya. Tumigil kami sa paglalakad at humarap siya sa akin. "What's my problem? The problem is you're very alluring, missy." he answered between his breath. "So stick close to me whatever it takes, please..." I pressed my lips and nod as my answer. Bumuntong-hininga siya at muli kami naglakad. This time ay nakahawak na siya sa isang kamay ko. Binalewala ko nalang iyon kahit sa loob-loob ko ay ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng aking puso. "Paraan kami! Dadaan ang prinsesa ko! Paraanin ninyo!" malakas na sabi ni Rafael na akala ko ay escort o bodyguard ko siya habang may mga taong halos nagsisiksikan na sa paligid namin, mamimili din dito sa palengke. "Bawal gasgasan ang prinsesa ko kung ayaw ninyong malagot!" Mukhang pinagbigyan pa naman siya ng mga ito. Kumunot ang noo ko kay Rafael. "Grabe ka, parang kang ano, eh. Baka ano pang isipin nila, pagkamalan ka pang baliw sa pinaggagawa mo."  Ngumisi siya sa akin. "Iniingatan ka lang," sabay kindat sa akin. "Loko," Pagkatapos namin mamili ng mga sangkap para sa dinner ay tinour pa muna ako ni Rafael sa bayan. Dumaan kami sa mga pamilihan ng mga damit. Libre na din daw niya sa akin. Noong una ay tumanggi pa ako dahil nakakahiya. Pinatira na nga niya ako at pinakain sa bahay niya, ililibre pa niya ako ng damit. Pero sa huli ay wala na akong magawa kungdi tanggapin nalang ang alok niya. Kung hindi ko lang naiwan ang pera ko, hindi ko talaga tatanggpin ang libre na 'yon. Simpleng boutique ang pinasukan namin. Hindi siya bongga o pang mall. May mga namimili din. May summer dress na off shoulder na nakakuha ng atensyon ko. Pati na din ang mga formal dress! Agad ko 'yon nilapitan at gustong isukat. "Miss, nasaan ang fitting room dito?" tanong ko sa sales lady. "Dito po, ma'm..." turo nito sa akin habang nilalahad niya ang kaniyang kamay sa may direksyon kung saan ang fitting room. Nakasunod lang sa akin si Rafael habang nakapamulsa at nagtitingin-tingin lang din sa paligid. "Isusukat ko lang," paalam ko sa kasama ko bago ako pumasok sa loob. Una kong sinukat ay 'yung summer dress. Tuwang-tuwa ako dahil sakto sa akin ang sukat ng damit. Magagamit ko ito kapag nakarating na ako sa Calaguas! Sunod kong sinukat ang dalawa pang fomal dress na napili ko. 'Yung isa na kulay white, sakto din sa katawan ko. Kukunin ko 'to! Pero mas bet ko 'yung isa, ang ganda kasi ng pagkadesign niya! Pwede 'to sa mga casual party! Nang sinukat ay sakto din! Huhubarin ko na siya para makabayad na kami. Pero may problema. Ayaw magpahubad ng damit na ito! Kahit anong gawin ko, ayaw talaga! Daig mo pa na mighty bond ang damit na ito! Ilang beses na ako nag-attempt, ayaw pa rin! The f**k?! Bumuntong-hininga ako. No choice na ako. "Rafael?" malakas na tawag ko sa kaniya. "Yeah? Tapos na, missy?" "Can you come over here?" may halong frustration at desperation sa boses ko. "Are you sure?" "Yeah, I need your help here!" "Alright," pumasok siya dito sa fitting room. "What's the problem?" Humarap ako sa kaniya na lukot ang mukha ko. "Hindi ko mahubad itong dress." I cried. Halos hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "Sa payat mong iyan, masikip pa sa iyo 'yan?" hindi makapaniwalang tanong niya. Napapandyak ako sa sahig. "Tulungan mo nalang ako, since you're a guy at malakas ka kaysa sa akin. Can we?" Kita ko ang paglunok niya at mukhang wala na nga talag siyang choice. Tinaas ako ang laylayan ng palda at pinaangat ko sa kaniya iyon habang nakataas ang mga kamay ko. As may expected, kailangan ko talaga ng pwersa niya para tuluyan kong mahubad itong damit! Medyo nagstuck lang sa may nasal ko ang damit. "Raf?" mahinang tawag ko sa kaniya. Para akong nakablind fold sa lagay na ito, at nakataas pa rin ang mga kamay ko. "What's goin' on?" "Damn it, Angela..." namamaos niyang sambit. "Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko..." "W-what?" Hanggang sa tuluyan na niyang hinawi ang damit. Pagkadilat ko ay siya ang unang bumungad sa akin. Natiiglan ako nang nagtama ang tingin namin. Kasabay na bumilis na naman ang t***k ng aking puso! "R-Rafae--" naputol ang pagtawag ko sa kaniya nang biglang dumapo ang isa niyang palad sa aking pisngi at walang sabi na sinunggaban niya ako ng isang mapusok na halik na sa aking mga labi! Namilog ang mga mata ko sa ginawa niya. Gustuhin ko man siyang itulak ngunit hindi ko magawa. Parang nanghihina ako sa mga halik na iyon. Pati ang mga tuhod ko, nangangatog na! Ano ba itong nangyayari sa akin?! "Once I touched your lips into mine, I won't hold back anymore, Angela..." he said with his husky voice. "W-what..." Titig na tiitg siya sa mga mata ko. I can see the gentle in his eyes... "I started living, the day I met you," Marahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at idinikit ang kaniyang noo sa akin. "You have no idea how fast my heart beats and it trembles whenever I see you... So, I decided, missy. I am exclusively for you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD