chapter five

1816 Words
Tulad ng plano ay dumaan muna kami sa isang pamilihan ni Rafael para bumili ng mga kailangan at maaari naming kainin. Nasa sasakyan niya ang iilang mga pinamili namin kanina. Overnight daw kami doon. Dahil alam niya ang lugar na 'yon ay hinayaan ko nalang siya. Dala din niya ang DSLR niya. Malaki ang tiwala ko sa kaniya na hindi niya ako pababayaan doon. While we're reaching the island, I have encountered the longer and wild waves. Nangingibabaw ang antisipasyon sa aking sistema. Napapansin ko, the water's changes in gradient became very evident as the shade went from dark blue to green, to emerald green and finally, turquoise color.  Pagtuntong namin sa isla ay hindi ko mapigilan ang sarili kong mamangha. Totoo nga ang sinabi ni Rafael. This beach is really a gem. A hidden one! Marami akong nababasa at naririnig tungkol dito. I have heard of its greatness. The purest turquoise water, sabi nila. I could feel the sand on my bare feet was so blinding, soft and powdery. I can see there were some boats and people in the middle part of the shore. Pero napupukaw pa rin ng dalampasigan ang atensyon ko. It was quiet, empty and peace. No strip of commercialized franchises, and none of the things that ruins the authenticity of this Filipino Island. Nakasunod lang ako sa kaniya nang marating namin ang Waling-waling Eco-village Resort, nakabooked na pala siya doon. Nakuha niya ang isang cottage na tinatawag na kubol (cabana package) kaya wala na kaming poproblemahin sa pagsestay dito. "Do you like it?" natatawang tanong sa akin ni Rafael habang karga-karga niya ang mga malalaki naming bag habang ako naman dala ko naman ang mga malilit na bag. Pareho namin pinatong ang mga iyon sa sahig. Malapad na ngiti ang binigay ko sa kaniya pagkalingon. "Sobra!" bulalas ko, bakas sa boses ko ang excitement. Umupo ako sa gilid ng malapad na kama na pangdalawang tao ang pupwede, Yari ito sa kawayan. Open space dito at may kulambo pa kapag matutulog na. Two-storey ang kubol na ito. Nasa ibaba naman ang parang salas. Napangiti din siya. "Well, I'm glad..." umupo siya sa tapat ko. "Anong oras gusto mong magswimming? Hindi ka ba nagugutom?" Ngumuso ako. "Sa totoo lang, hindi ako ginugutom kapag nasa byahe ako o mga ganitong lakad." Tumango siya. "Kung gusto mong ngayon ka na magswimming, ayos lang. Kakausapin ko lang ang staff dito para sa iba pang accomodation. Susunod ako sa iyo sa Halabang baybay." Mas lalo lumapad ang ngisi ko. Sa wakas, masusuot ko na 'yung bagong bili kong swimwear noong nasa Maynila pa ako! Pumalakpak ako na halos lumundag pa ako dahil sa tuwa. Naunang umalis si Rafael para kausapin nga ang staff. Ako naman ay nagbihis na. Nilabas ko ang Victoria' Secret two piece ko. Fuchsia pink ang kulay nito. Tube ang bikini top ko habang single rise scrunch ang bikini bottom ko. Wala naman ibang sisilip sa akin dito. Sa tingin ko din naman ay hindi pa siya agad babalik dito. Kaya madaling madali ako nagbihis. Maraming nagsasabi na pang victoria secret model ang katawan ko. Litaw na litaw ang ang v-line ko. Flat na flat din ang tyan ko dahil 23 ang size ng waist ko. Mas lalo napangiti sa akin nang makikita din ang tattoo sa aking tagiliran. Its says "In love, beggar and King are equal." That was an Indian Proverb. Pagkatapos kong magbihis ay pinatungan ko 'yon ng beach kimono saka itinali ko ang bewang ko. Pinusod ko ang buhok ko para maging komportable ako. Para mas mafeel ko ang beach bago man ako lulusong doon. Nang marating ko ang Halabang baybay ay natagpuan ko doon si Rafael, kausap niya ang isa sa mga nagingisda doon. Natigilan lang ako nang makita ko siyang naka-topless! I can't deny that I find him... studly and hot. Imagine, kitang kita ko mula dito sa kinakatayuan ko ang six hot abs niya, malapad ang dibdib, ang ganda ng pagkafirm ng kaniyang mga muscles na mukhang alagang-alaga ng gym. Litaw din ang collar bone niya! He's like a greek god in my eyes. Wait, what the hell?! Bakit ganito ang mga pinag-iisip ko?! Tumuwid ako ng tayo nang napunta sa akin ang tingin niya. Oh no, act like an innocent girl, Angela! Baka tumulo na ang laway mo nang hindi mo namamalayan! "Hey," aniya nang nakalapit na siya sa akin. Malapad ako ngumiti para hindi niya ako mahalata. "Hi," "I think you're ready." puna niya sabay tingin sa suot ko. "Mamayang hapon, pwede tayong mag island hopping. We can visit the old churches here. Island hopping or surfing at Bagasbas beach... We can also check the Falls out here..." "Ang dami palang pwedeng mapuntahan dito." kumento ko na nakuha ng aking interes. "Yeah. So, you wanna go for it?" "Sure!" Napangiti din siya at tumango. "Alright. Lulusong ka na?" "Can I?" "Alright, dito lang ako." Ngumuso ako. "Ang daya, ano 'yon? Ako lang mag-isang magsuswimming? You need to join me, Raf." He twisted his lips and shook his head. "Alright, missy." I pressed my lips. I took off my beach kimono. Patakbo akong pumunta sa dagat. Natigilan ako nang napansin kong hindi nakasunod sa akin si Raf. Nilingon ko siya na may pagtataka sa aking mukha. "Oh, bakit nar'yan ka pa? Let's go!" aya ko sa kaniya sa malakas na boses dahil sa distansya. Tumakbo siya palapit sa akin at bigla niya akong binuhat na pang-bridal style. Napatili ako sa ginawa niya hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili ko sa dagat. "Hey! Bakit ba ang hilig mong biglain ako?" sermon ko sa kaniya sabay mahina kong pinalo ang dibdib niya. "Sorry, missy. Ayoko lang may makakita ng iba sa katawan mo." nakangiting tugon niya. Diretso siyang nakatingin sa aking mga mata. Kumunot ang noo ko. "Ano ka ba naman, syempre, nasa beach tayo, Raf. Alangan naman balot-balot ako, diba?" "You really don't know how alluring you are, Angela..." naging seryoso ang kaniyang boses nang sambitin niya ang mga salita na 'yon. "Wala ka pang ginagawa, nakuha mo na ako sa madaling paraan..." dumapo ang tingin niya sa mga labi ko. "Ang landi mo na naman..." nanghihina kong sabi dahil ramdam ko ang papulupot ng mga braso niya sa aking bewang. "Hindi ba uso ang ligaw sa iyo, ha?" Tila natauhan siya sa sinabi ko. "Ligaw?" ulit pa niya. "Oo. Kung gusto mo ako, idaan mo ako sa ligaw, hindi sa landi. Bwisit 'to." Napatingala siya sabay tawa. "Hoy, anong nakakatawa?" pikon kong tanong. Nang matigil siya ay tumingin ulit siya sa akin. "So that't my missy wants?" "Of course." proud pa akong sabihin iyon. Pero ang totoo niyan ay nagiging komportable na ako sa presensya niya. Kahit sa maiksing panahon palang ay naipapakita ko na ang totoong ako sa harap niya. Kahit na hindi pa namin talaga gaano kilala ang isa't isa. Hindi pa niya alam ang tunay kong dahilan kung bakit ako naglayas sa amin at wala pa akong alam sa kaniya... I mean, kung ano ang tunay niyang pagkatao. Pero ipinagtataka ko lang kung bakit ang dali niyang ipakita at ipinaramdam sa akin ang nararamdaman niya eh nagkakilala lang naman kami sa mrt. Sa aksidente na nasampal at napahiya ko siya sa harap ng mga kapwa naming pasahero ng mga oras na iyon. Pagkatapos namin magswimming ay kumain na kami. Nagbar hopping, snorkeling, pinuntahan ang mga talon Nang makapabalik na kami ay nagpasya kaming maglakad-lakad sa sand bar. Nakasuot na ako ulit ng beach kimono. Magsa-sunset na at gusto kong matunghayan iyon. Syempre, sinamahan ako ni Rafael. Tumigil kami sa rock formations. Umupo kami doon. Damang-dama ko ang malinis na hangin na dumadapo sa aming balat. Sakto na sakto talaga ang lugar na ito kapag gusto mo talaga ng kapayaan. Strong waves at the northern most tip of Calaguas Island is also breath-taking. Ang alon lang mula sa dagat ang tanging maririnig namin dito sa island. Before, I'm wondering, how the local's life here in this beautiful island? Ngayon, nalaman ko na ang kasagutan buhat nang tumapak ang mga paa ko dito. Napatunayan nga ang mga sinabi sa akin ni Rafael kung gaano kaganda ang lugar na ito. I wish I could just live in this moment forever pero, dahil nsa lifestyle ko, mukhang imposible 'yon. Nasa likuran ko lang siya at hindi ko na ininda na nakayakap siya sa akin habang nakaupo kami. "Missy," mahinang tawag niya sa akin. "Hmm?" "Are you alright? Ang tahimik mo kasi." then he suddenly lean his chin into my shoulder. "Natutuwa lang ako sa tahimik nang lugar na ito." tugon ko habang nanatili pa rin akong nakatingin sa kawalan. "I'm still enjoying the nice view." Until the beautiful sunset colors setting in. I could describe the skies were ombre color or flame dying out with the cool colors of the night creeping in. "You wanna know the secret?" bigla kong tanong sa kaniya. Isang mapaklang ngiti ang sumilay sa aking mga labi kahit na alam ko ay hinding niya makikita iyon. "I just found out my father has a daughter. Anak niya daw sa pagkabinata... Alam mo 'yung feeling na galit ka na nga sa tatay mo, pero nagdagdag pa 'yon dahil sa nalaman ko? 'Yung nanay ko naman, tinatanggap pa rin niya ang lalaking 'yon kahit ilang beses na siyang saktan nito. Palaging naloloko...Tapos, malalaman ko nalang na niloloko pala ako ng nanliligaw sa akin. Good thing, nasabi sa akin agad ni Cresha 'yon..." huminga ako ng malalim. "Naging mabait naman ako, pero bakit ganito mga binibigay sa akin na pagsubok?" Nanatili lang siyang tahimik. Yumuko ako. "Kaya gusto ko munang matahimik muna ang paligid ko. 'Yung malayo sa stress." Mas humigpit ang pagkayakap niya sa akin. "They said, all men have three ears. One on the left of his head. One on the right and one of his heart." he paused for a seconds. "I'm willing to listen all of your complains and hatred, my missy. Pero subukan mo din magpatawad. Aminado naman ang tatay mo na nagkamali siya sa nakaraan. Hindi maiwasan sa tao 'yon. Ang nanay mo naman, nagmahal lang siya kaya siya nagkakamali." Hindi ko magawang magsalita. "It's difficult for a child to accept that their parents are also human." That words really hits me so hard. Mariin akong pumikit at hindi ko na mapigilan ang sarili kong humikbi. My shoulder were shaking. Ramdam ko ang pagkalas niya sa akin at pinaharap niya ako sa kaniya. Ikinulong niya ang kaniyang mga palad sa aking mukha. Pilit niya akong tingnan siya sa kaniyang mga mata. "I'm just right here, missy. Don't worry." he almost whisper those words. Inilapit niya ang kaniyang labi sa akin at dinampian niya ang halik ang aking noo. Sige parin ang paghagulhol ko. Hanggang sa ramdam ko nalang ang maiinit niyang yakap hanggang sa nagawa na niya akong mapatahan. Nang mahimasmasan na ako ay bumalik na kami sa cottage para makapagpahinga na. Nakaakbay siya sa akin habang naglalakad na kami. Bumaling ako sa kaniya. "Raf, tawag ko sa kaniya." "Yes?" sabay tingin niya sa akin. Ngumiti ako. "Thank you for lending your ears on me." Tulad ko ay ngumiti din siya. "I just don't want to see you cry when you're with me, missy. But thank you for sharing your secrets."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD