bc

Me To You (Tagalog/Filipino)

book_age16+
1.7K
FOLLOW
8.0K
READ
like
intro-logo
Blurb

Sweet & Possession Series #6 :

Wala nang mahihiling pa si Angela Paloma Dima sa buhay. She got an almost perfect family, true friends, and a steady career. Dagdag pa ang isang maalaga at malambing na manliligaw. Pero ang buong akala niya ay 'yon na 'yon pero hindi pala.

Parang nagising siya sa isang magandang panaginip nang biglang umeksena si Colleen, ang nagpakilala na anak ito ng kaniyang ama mula sa pagkabinata. Lahat ng mga nakasanayan ni Angela ay nabasag. Ang tahimik niyang mundo ay may katapusan pala. So her last resort is, sneaking out. Stay away and clear her mind in a place of full of tranquility.

Eh biglang umeksena si Rafael Emyr Chua sa buhay niya, ang lalaking mas gugulo sa mundo niya...

chap-preview
Free preview
prologue
Nagmamadali akong pumasok sa tren ng MRT. Kahit na siksikan dahil sa dami ng tao, ayos lang, ang importante lang sa akin ngayon ay makauwi ako ng maaga dahil sa text message ni mama, she wants me to go home tonight. She misses me so much so I do, too. Alam pa niya kung ano ang paborito ko. Yes, bait. Dinadaan niya ako sa ganoon. Well, gusto ko din naman kaya walang problema. At saka, maluwag na ang schedule ko kaya pwedeng pwede na ako makauwi. Nauwi pa rin naman ako sa unit, hindi na nga lang doon nakatira sina Cresha at Mikhail dahil mag-asawa na sila at nakatita na sila ngayon sa McKinley na kung nasaan ang bahay ni Mikhail. I'm so happy for them. Hindi ko lang akalain na sila ang magkatuluyan. Kasi naman, ang akala ko talaga, hindi seryoso si Cresha sa kompetisyon namin noon. Kaya ayan, ang kinalabasan. Nakakatuwa lang isipin din. Nakahinga ako ng maluwag sabay humarap ako sa pinto ng tren na ito. Humawak ako sa tubo para may makapitan ako. Halos yakapin ko na nga. Puros lalaki din ang nasa likuran ko, may mga babae din pero medyo malayo sila mula dito sa direksyon ko. Umandar na ang tren at naghihintay ako sa susunod na istasyon dahil doon ang baba ko. Hindi ko lang dala ang sasakyan ko dahil na pinaayos ko 'yon at bukas ko pa babalikan 'yon. So, tiis muna ako sa pagku-commute. Natigilan ako nang umiba ang pakiramdam ko. Dahil nakadress lang ako, madali ko maramdaman na may humahaplos sa may binti ko. Hindi lang 'yon, it looks like he wanted to reach something... Pinakiramdaman ko pa ng kaunti, baka kasi naghahallucinate langa ko o ano. Pero sa huli, totoo nga ang pakiramdam ko. Hinihipuan ako! Agad ako lumingon saka sinampal ko ang lalaki na balak babuyin ako! "Aww!" bulalas ng isang lalaki sabay sapo sa kaniyang pisngi. "What was that for?!" Kumunot ang noo ko. Sumandal ako sa tubo at humalukipkip sa harap niya. Binigyan ko siya ng isang matalim na tingin. "Aba, playing innocent, huh? ikaw na nga itong nanghihipo, ikaw pa ang galit! Are you a jerk or what?!" singhal ko pa sa kaniya. Umawang ang bibig niya sa sinabi ko. Bakas sa mukha niya na hindi makapaniwala na pagbato ko sa kaniya ng akusasyon. I scoffed. "Ano? Hindi ka makasagot kasi huling huli ka na, ha?!" wala na akong pakialam kung may iba na nakakarinig pa sa amin. Napahilamos ng mukha ang lalaki na nasa harap ko. "Look, miss... Wala akong ginawang masama sa iyo. Tahimik lang akong nakatayo dito. At bakit naman kita hihipuan, huh? Maganda ka ba? Sexy ka ba? Wala ka ngang appeal sa akin. Tss." Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Like, what the hell?! Model ako! Saan ka makakita ng model na hindi maganda at hindi sexy, aber?! "Hahaha! Ang galing naman ng defense mechanism mo. Kungwari ka pa, tactics mo lang 'yan para hindi ka talaga mahuli!" mas nilakas ko pa ang boses ko. "Can you please lower your voice, miss? Nakakaistrobo ka na ng iilang pasahero dito. And I swear, hindi ako ang nanghipo sa iyo." saka bumaling siya sa lalaking nasa tabi niya. "Singkit lang ako ng slight pero hindi ako bulag, bakit hindi siya ang tanungin mo na kung siya talaga ang nanghihipo sa iyo?" saka sinamaan niya ako ng tingin. Tumingin ako sa lalaki na tinutukoy niya. Kita ko na pinagpapawisan at namumutla siya. Umiwas ng siya ng tingin at bahagyang gumalaw para lumayo sa akin. Susundan ko pa sana iyon nang biglang may nagsalita. Anunsyo na malapit na ako sa susunod na istatsyon kung saan ako bababa. Pinaghalong frustrations at pagkahiya ang nararamdaman ko ngayon. Tumingin ako sa lalaking nasampal ko na masama pa rin ang tingin sa akin. Magsasalita pa sana siya, siguro dahil dahil sa atraso kong pagkasampal ko sa kaniya ay bigla nagbukas ang pinto at nagmamadali na akong lumabas. "Bumalik ka dito!" sigaw pa niya. Hindi na ako nag-abala pang lingunin siya. Dire-diretso akong naglakad nang mabilis para hindi niya ako maabutan. Humalo ako sa mga tao hanggang sa tagumpay akong nakalabas ng istasyon. Napasapo ako sa aking dibdib at mariing pumikit. Kinagat ko ang labi ko at bumaling sa likuran ko. Thankful ako dahil hindi niya ako nasundan. Mabuti na lang. I hope, I'll never see that guy again! Ever!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Soldier's Love Montenegro

read
72.7K
bc

The ex-girlfriend

read
141.2K
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
188.5K
bc

One Night with the Bachelor

read
7.1M
bc

Sweet Temptress (Completed)

read
1.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook