Lumipas ang mahigit sampung oras na nasa byahe, ay nakarating na kami sa terminal kung saan ang last stop ng bus na ito. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata saka iginala ko ang aking paningin. Nadatnan ko na nagsisibabaan na ang mga pasahero na kasabayan ko. Nahagip din ng aking mga mata ang lalaking konduktor na inaalalayan niya ang mga buntis pati na din ang mga matatandang pasahero. Tinutulungan pa niyang ibaba ang mga gamit ng mga ito.
Humikab ako saka tumayo. Kinuha ko na din ang mga gamit ko. Ako na ang huling pasahero na bumaba. Nakasukblit sa aking magkabilang balikat ang back pack. Hindi ko mapigilang mamangha nang bumaba na ako. Hindi dahil sa dami ng tao na naririto sa terminal. Dahil sa ambiance na nasa isang probinsya na ako!
Napahawak ako sa strap ng bag at nagpakawala na ng hakbang. Nagpasya muna akong umupo sa isa sa mga bakanteng upuan dito. Nilabas ko ang cellphone ko para hanapin ang site kung saan ako maaaring sumakay para makarating ako sa mismong destinasyon ko. Kapag minamalas ka nga naman, bigla pa ako nalowbat!
Kinagat ko ang aking labi at pumikit ng mariin. Badtrip naman! Kailangan kong makahanap ng malapit na seven eleven o mini stop dito para makicharge!
"Okay ka lang, miss?" biglang may lalaking nagtanong sa akin.
Tumingala ako at napalunok nang bumungad sa akin ang lalaking iniiwasan ko! "Y-yeah..."
Tumango siya at tumabi pa talaga siya sa akin! Bahagyang umatras ako. Kinakabahan ako nang wala sa oras. My goodness, ibig sabihin, hindi pa rin niya ako tatantanan dahil sa pagkasampal ko sa kaniya?! "Bakit ka nga pala narito sa CamNorth? Travel? Unwind?"
"S-sort of." shocks, bakit nauutal pa ako?!
"Alright. Ingat nalang." akmang tatayo na siya nang bigla ko siyang pinigilan sa pamamagitan ng paghawak ko sa kaniyang braso. Medyo gulat pa siya nang tingnan ako. "Bakit? May kailangan ka pa?"
Muli ako napalunok. Binuka ko ang aking bibig para may sasabihin sa kaniya. Pero hindi ko alam kung papaano ko sisimulan! Ugh, siya lang kasi ang kilala ko dito. Wala naman ako kamag-anakan o kakilala dito! "I... I'm sorry for what I did... Sa MRT..." mahina kong sabi sabay bawi ko sa aking kamay mula pagkahawak ko sa kaniya. "Hindi ko naman kasi alam na hindi ikaw 'yon... Nabigla lang ako kaya ko nagawa ang bagay na 'yon. Hindi ko sinasadya. Sorry t-talaga..."
Tumaas ang mga kilay niya sa akin. "It's alright. Kalimutan nalang natin 'yon." he said.
"Pero..." dagdag ko pa. Napangiwi ako. "I'm so sorry... Pero wala akong kakilala dito. Wala akong kasama kung nakikita mo... Baka may alam kang pwede ako magcharge dito? Hindi ako makarating agad sa Calaguas kung lowbat ang phone ko."
Doon ay kumunot na ang noo niya. Ilang segundo 'yon. Tila pinag-aaralan niya ako.
Umiwas ako ng tingin. "At... Naglayas ako sa amin." damn it, bakit ko sinabi ang bagay na 'yon?! Dapat ay hindi!
"So it's explains it all..." kumento niya. "Follow me." tumayo na siya.
Napaamang ako. "H-ha?"
Tumingin siya sa akin. "You said, naglayas ka. So, I will help you. I'll provide your shelter and food."
A-ano daw? Seryoso ba siya d'yan?
He smiled. "Malapit lang ang bahay ko sa Calaguas. Don't worry, I'm harmless."
Hindi ko alam kung bakit kusang sumunod ang katawan ko sa sinabi niya. Tumayo na ako't susuotin ko na sana ang back pack ko nang bigla niyang inagawa sa akin 'yon.
"Alam kong masyadong mabigat iyong dala mo. Ako na ang magbubuhat nito para sa iyon." siya na ang nagsuot n'on. Hindi maalis ang tingin ko sa kaniya. May parte sa akin na may doubts ako sa pagtulong niya sa akin. May parte din na malaking pasasalamat ko.
Habang sa nakarating kami sa isang Parking Lot. May dinukot siya sa kaniyang bulsa. Akala ko kung ano pero isang susi na may maliit na remote 'yon. May pinindot siya doon at may tumunog mula sa mga sasakyan na nakahilera dito.
Pinapanood ko lang siya hanggang sa dumiretso kami sa isang sasakyan. Tumigil ako sa paglalakad at halos bumagsak ang panga ko sa lupa nang buksan niya ang isa sa mga pinto ng naturang sasakyan.
WTF, BMW 'yong sasakyan niya?! Seryoso, konduktor ba talaga ang isang ito?!
Kita ko na ipinasok niya ang bag ko sa backseat. Nang isinara niya ang pinto ay bumaling siya sa akin na may pagtataka sa kaniyang mukha. "What are you waiting for? Hop in." utos niya sabay binuksan niya ang pinto sa may frontseat.
Para akong tuod nang lumapit sa kaniya. Pumasok ako sa loob ng sasakyan saka ay sinara niya ang pinto. Hindi ako makapaniwala habang nasa loob ako. Hinihintay ko siyang marating niya ang driver's seat.
Tumingin ako sa kaniya. Bago man niya buhayin ang makina ay napaatras ako nang bahagya nang makita kong hinubad niya ang kaniyang uniporme saka tinupi niya iyon at nilagay niya iyon sa compartmnet na nasa harap ko. May damit pa pala siyang panloob. Namimilog ang mga mata ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "As what I've said, I'm harmless. Wala akong binabalak na masama sa iyo."
Hindi ko magawang sumagot. Umiwas ako ng tingin at sinuot ang seatbelts. Bumaling sa labas. Napasinghap ako nang bumaba ang bubong ng sasakyan. What the, covertible pala ang sasakyan na ito!
-
Hindi ko maitindihan kung ano ang eksaktong nararamdaman ko ngayon nang tumigil ang sasakyan sa harap ng gate na yari sa bakal! Pero kitang kita ko ang mansyon sa loob nito. Napapaligiran iyon 'yon ng mga puno at halaman! May fountain pa sa harap nito! It's kinda mexican or european style!
Nang buksan ng isa sa mga lalaki ang gate ay ipinasok ng lalaking ito ang sasakyan sa loob. Umikot pa siya hanggang sa tumigil na ito sa mismong tapat ng bahay. Bumaling ako sa kasama ko para magtanong kung tama ba itong pinuntahan niya pero hindi ko magawa.
Tahimik niyang kinalas ang kaniyang seatbelts at lumabas. Kinalas ko na din ang seatbelts sa aking katawan hanggang sa pinagbuksan na niya ako ng pinto. Nang lumabas ako ay ako na ang nagsara nito dahil binuksan din niya ang pinto ng backseat kung nasaan ang mga gamit ko. Siya pa rin ang nagsuot n'on.
"And welcome to my home, missy..." deklara niya.
"S-seryoso...?" nanginginig kong tanoang.
"Yep. Come on, paniguradong nakahanda na ang pagkain." nauna siyang pumasok sa loob. Sumunod ako sa kaniya.
Kung gaano ako namangha sa labas palang, mas namangha ako sa loob! Grand staircase na may red carpet agad ang bumungad sa akin! May mga paintings na nakadikit sa pader, may mga plorera na display na paniguradong mamahalin ang mga iyon. Napatingala ako sa kisame. Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang nakasabit na malaking chandelier!
My god! Sinong mag-aakala na konduktor ng bus ang nakatira dito?!
"Maligayang pagdating po, ser Rafael!" isang may edad na babaeng ang sumalubong sa amin. "Ay siya po bang tinutukoy ninyo na kasama ninyo?
Pinapanood ko silang mag-usap.
"Ah, yes po. Siya nga po. Sinobrahan ninyo po ba ang niluto ninyo?"
"Ay, opo, ser. Nakahanda na po ang pagkain ninyo sa Dining. Ako na po ang bahala sa mga gamit niya. Ilalagay ko po sa guest room."
Bumaling sa akin ang tinatawag na Rafael. "Tara, kain na tayo?"
Napalunok ako. "S-sigurado ka bang konduktor ka?"
Tumango siya. "Oo. Bakit? Democratic ang bansa na ito. May masama ba kung isang katulad ko ay maging konduktor ng bus?"
Napangiwi ako. "And you're rich. Bakit ganoon ang trabaho mo?"
Nagkibit-balikat siya. "That's my business, miss. Own a transport company." he said.
Hindi ko magawang sumagot. Parang sinisink in ko pa ang mga pinagsasabi niya. My gawwd! Kaya pala naroon siya sa bus kung saan ako nakasakay!
-
Pagkatapos namin kumain ay ipinakita niya sa akin kung nasaan ang magiging kuwarto ko. Pero wow lang, ang lawak naman ng guest room na ito. May balkonahe pa! Pumasok kaming dalawa. Agad ako dumiretso sa kama at umupo sa gilid nito. Mukhang mas malambot pa ito kaysa sa mismong kama ko sa bahay namin pati na din sa unit!
"Pwede kang magcharge habang bumabawi ka ng tulog." sabay turo niya sa outlet na nasa tabi lang ng LCD tv.
Inilapat ko ang aking mga labi ng ilang segundo. "Salamat... Ano nga ulit ang pangalan mo?" tanong ko.
Bago niya ako sagutin ay lumapit pa siya sa akin. Medyo kumunot ang noo ko sa nang bigla siyang lumuhod sa harap ko. Nagtama ang tingin namin. Pero bakit ganito? Parang hinuhugot ang hininga ko sa tingin palang niya! Whatthehell?!
Ngumiti siya. "Rafael Emyr Chua, at your service. How about you, miss?"
Lumunok ako. "A-Angela Paloma... Dima..."
"Beautiful name, missy."
Umiwas agad ako ng tingin. Sa tuwing napapatingin ako sa mga mata niya, parang nahihipnotismo ako ng wala sa oras! "B-bolero."
I heard him chuckled. "Of course not..." bigla niyang hinawakan ang paa ko na dahilan para mapaitlag ako! Marahan niyang hinubad ang mga sapatos ko. "Sorry, I can't help to do this..."
"A-anong pinagsasabi mo?"
"The first time our eyes met..." wika niya.
"H-huh?"
"You make my heart melt and my stomach fill with butterflies. You leave me in the train speechless. So I wonder, papaano ulit kita makikita until I saw you in that bus that night." he scoffed. "I didn't think I could feel this way again, missy..."
Anong pinagsasabi niya?! Hindi ko na siya maitindihan!
"Matulog ka na muna. Don't mind my weirdo words." tinalikuran na niya habang nakapamulsa siya palabas ng kuwarto.
"W-wait..." mahina kong sabi at nagawa ko pa siyang habulin. Tumigil siya at nilingon niya ako. "Anong pinagsasabi mo? Naguguluhan ako..."
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang puluputin ng mga braso niya ang bewang ko! Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakasandal sa pader. Hinawakan niya ang baba ko saka inangat niya ang tingin ko para magkasalubong ang mga mata namin.
"I didn't expect you're persistent, lady." he said with his baritone voice. Dahilan para tumindig ang balahibo ko!
"N-naguguluhan na kasi ako sa mga pinagsasabi mo..." nanghihina kong sabi. Parang kakapusin ako ng hininga dahil medyo malapit ang mukha niya sa akin na kulang nalang ay hahalikan na niya ako!
"Lemme tell you this, when I fall in love, it will be forever. Remember that." and he give a peck in the tip of my nose!