chapter one

1755 Words
Laylay ang mga balikat ko nang dumating ako ng bahay. Buti nalang nakakuha ako ng cab kanina dahil nasa loob ng isang exclusive subdivision ang bahay namin. Pagpasok ko ay sinalubong ako ni papa, natigilan ako at gumuhit ang isang maliit na ngiti sa aking mga labi. Raul Murillo Dima, a dominant and intimidating spanish businessman. Pero may isang bagay lang na hindi kami magkasundo at mukhang naging lamat 'yon mula sa nakaraan—he just break his promise to my mom that he will never cheat but he did it again in these past few years. Pero todo pagmamakaawa siya sa amin na bumalik kami sa kaniya noon. Pinagbigyan namin siya isa at huling pagkakataon para magbago. Pinapakita naman niya sa amin na nagbago na nga siya. Bumabawi siya sa amin pero bakit ganoon? Medyo awkward para sa akin sa tuwing kakausapin niya ako like, father-and-daughter talk or bond. Siguro dahil nasanay na ako na hindi talaga kami close. We're just civil and I'm okay with that. Pero sa mga mata ng mga taong nakakakilala sa amin, we're almost a perfect family. "You're early," he said and he drew a smile over his face. "I thought you're getting late because of your work." "I've already done with my work, papa." I said with a Spanish accent. "Where are they?" "They're in the dining. We're gonna take dinner in few minutes and we have a guest later." Medyo kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Huh? A guest? I thought this is a family night? Bakit biglang may bisita? Kamag-anakan ba namin o ano? Kasosyo ni papa sa negosyo or what? Instead, I choose to nod. Dinaluhan ko ang dining kung nasaan naabutan ko sina mama at ang kapatid ko na si Alita na naghahanda ngayon ng dinner. Alita, my younger sister, a serious one. Though, mas matanda ako sa kaniya ay parang siya pa ang matured sa aming dalawa. Malawak ang pag-unawa niya that I think na namana niya 'yon kay mama. "Oh! Tamang-tama ang dating mo, anak. Mag-uumpisa na ang dinner natin." nakangiting sabi ni mama nang makita niya ako. "Maupo ka na d'yan." sabay turo niya sa upuan kung saan ako madalas naupo kapag ganitong salu-salo. Gustuhin ko sanang itanong si mama kung sino ang tinutukoy ni papa na bisita ay hindi ko maituloy-tuloy dahil biglang pumasok si papa, may kasama na siyang babae na hindi ko malaman kung magkasing-edad lang ba kami o kaya sino ang mas matanda sa aming dalawa. Biglang umiba ang atmosphere sa buong paligid. It's kinda a tension or a commotion. I saw my mother silently preparing the food while my sister got a made face. Lihim akong sumulyap kay papa. Tumikhim siya saka tumingin sa babaeng kasama niya. Wait, don't tell me, isa ito sa mga babae niya? What the hell?! "You can seat beside Angela..." malumanay na sabi ni papa sa babae. Tahimik ang babaeng habang sumunod siya sa sinabi ng tatay ko. She sit beside me gracefully. Ano ba ang isang 'to? Mahinhin? Or what? Sunod na umupo sina papa, mama at Alita. Lumapit na sa amin ang mga katulong para asikasuhin na kami. Inoobserbahan ko lang kung bakit ang tahimik pa rin nila? Bakit ba hindi ni isa sa kanila ay hindi magsalita? Sino ba kasi ang babaeng nasa tabi ko?! "Before I introduce her, we can now eat..." anunsyo ni papa pero bigla ako nagsalita. "Who is she, papa? Bakit hindi mo nalang sabihin nang diretsahan?" ako ang bumasag ng nakakabinging katahimikan. Tumitig siya sa akin ng ilang segundo. "She's Colleen, Angela." sa wakas ay nagawa niyang sagutin ang tanong ko na 'yon. Pero hindi ko inaasahan na maririnig ko mula sa kaniya ang kasunod nito, "Anak ko siya mula sa pagkabinata..." Halos malaglag ang panga ko. Kusang kumunot ang noo ko. Bumaling ako kina mama na pumikit ng mariin, habang si Alita ay yumuko. "Y-you're kidding, right?" halos nanghina ako nang sambitin ko 'yon. "H-how could you tell that she's daughter? May ebidensya ba? Have you test her?" Huminga ng malalim si papa. "Yes, nakuha ko din ang DNA results kanina. And it's positive..." Parang gumuho ang mundo ko sa rebelasyon na narinig ko. Kinagat ko ang aking labi at marahas na tumayo. Isinabit ko ang shoulder bag sa aking balikat. Pabagsak kong tinapon ang table napkin sa mesa at nagmamadaling umalis sa dining. Tinawag pa nila ako pero hindi ko sila pinakinggan. Dire-diretso ako sa aking kuwarto. Nilock ko ang pinto at sumandal doon. Napatingala ako sa kisame at marahas na bumuga ng hangin. Pumikit ako ng mariin. Pinadausdos ko ang aking likod sa pinto hanggang sa napaupo ako sa sahig. Para akong nanghina ng sobra kahit wala naman akong ginawa. Parang nadurog ang puso ko nang nalaman ko na may kapatid pa ako sa labas! May isang tao na sumagi sa isipan ko. Yeah, right... Si Jairus! Ang manliligaw ko. Isang linggo palang siya nanliligaw sa akin at masasabi ko na maalaga naman siya at mabait. 'Yung tipong wala ka nang hahanapin pa. Kaya pumayag akong magpaligaw sa kaniya dahil naalala ko si Mikhail sa kaniya. Agad kong hinahanap ang cellphone ko sa aking bag. I-unlock ko 'yon para kontakin siya. Gumuho ang pag-asa ko nang walang sumasagot. Ibanaba ko ang cellphone at yumuko. Pero biglang tumunog ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko na galing kay Cresha ang text message na 'yon. Hindi ako nagdalawang-isip na basahin 'yon. FROM : CRESHA Patigilin mo na sa panliligaw si Jairus. He's worthless and a jerk. Me and Mikhail we're here in the club. Narinig namin na kaya ka niya niligawan dahil nakipagpustahan siya na masasagot mo siya. I telling you this because I care for you as your friend, Angela. Be strong. Kung kanina wasak ako, mas naging wasak ako sa mga nabasa ko. Pumikit ako at sapo-sapo ako ang aking noo. Parang sumakit ang ulo ko sa mga nangyari. Sa isang gabi lang, nagawa akong wasakin ng ganito! Halos matalon ako sa gulat nang biglang may kumatok. "Angela, please, open the door." rinig kong boses ni mama mula sa labas. "No! Just leave me alone!" malakas kong sabi. "Angela..." "I said, leave me alone!" "Ma, just give her time..." rinig ko namang boses ni Alita mula sa labas. Pumikit ako ng mariin nang narinig ko na hindi na nila ako kinukulit pa. I really hate you, Raul Murillo Dima! Iniwan mo nga ang pagiging babaero mo, pero nag-iwan ka naman ng souvenir! You really made your life as hell! Damn it! Nilapitan ko ang closet ko. Naglabas ako ng mga iilang damit at mga sapatos. Pati na rin ng grooming kit ko. Lahat nga mga iyon ay nilagay ko sa aking back pack. Kinuha ko na din ang lahat ng pera na naitabi ko sa mga drawer ko. Including my passbook and cards. Nilagay ko ang mga iyon sa secret pockets ng bag ko. Sunod kong pinuntahan ang cork board  na nakasabit sa pader ng aking kuwarto. I pressed my lips when I saw the pictures of a captivating island. Isa sa mga bucket list ko na marating ko ang isla na 'yon. Calaguas Island... Sumapit na ang alas onse ng gabi ay doon na ako nagkaroon ng pagkakataon na umalis. Alam ko kasi na ganitong oras ay tulog na sila o kaya hindi na sila lalabas pa sa kani-kanilang kuwarto. Maingat akong lumabas ng bahay. Good thing, hindi maingay ang gate namin. Nasa labas na din ng bahay na ito ang taxi na pinatawag ko pa sa guard ng subdivision. Nagmamadali akong pumasok doon. "Manong, Cubao Bus Terminal po." sabi ko sa driver ng taxi. Sobrang nagpapasalamat ako dahil nakaabot ako ng slots ng ticket papunta sa Camarines Norte. Agad kong hinahanap ang bus kung saan ako sasakay. Wala pang limang minuto ay nakita ko na ang bus. Agad akong pumasok. Iginala ko ang aking mga mata sa loob ng bus, good thing, may mga pwesto pa na bakante pa. Pumuwesto ako sa pinakagitna ng bus sa may tabi ng bintana para kapag nakatulog ako habang nasa byahe ay makakasandal ako nang komportable. Air-conditioned pa naman itong bus kapag msarap tuloy matulog nito mamaya. Huminga ako ng malalim. Inayos ko din ang mga gamit na dala ko saka sumandal na ako sa upuan at umidilip habang naghihintay na mapuno ng pasahero ang bus at makaalis na. Medyo naalipungatan ako na parang may nag-uusap sa tabi ko. Dahan-dahan ko idinilat ang aking mga mata. Napahawak ako sa aking leeg dahil sa nangawit 'yon sa pagkakasandal sa may gawing bintana. Bumaling ako sa may lalaki na nakatayo. Nang napagtanto ko kung sino 'yon ay unti-unti namilog ang mga mata ko! "I-ikaw?!" hindi makapaniwalang bulalas ko. Ngumiti siya sa akin nang nakakaloko. May hawak siyang mga papel o kung anu-ano. "Wow, small world, miss." "A-anong ginagawa mo dito?" Pumikit siya sa tumingin siya sa magkabilang gilid niya. Ibinalik niya sa akin ang kaniyang tingin. "Can you please lower your voice? Nakakaistorbo ka ng mga natutulog dito." suway niya sa akin na halos pabulong na. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko ulit. Shete, bakit sa dinami-daming lugar pa ay dito ko pa siya nakita?! Bago niya sagutin ang tanong ko ay tiningnan niya ang kaniyang damit. "Well, nakasuot ako ng unipormeng ito, malamang nagtatrabaho ako. In short, konduktor ako ng bus sa ito." Napaawang ang bibig ko. Pinaprocess pa ng utak ko 'yung mga pinagsasabi niya. Ang lalaking nasampal ko kanina sa mrt, konduktor pala ng bus na ito? What the hell?! "Ticket mo, miss." malamig niyang sabi sabay lahad nng palad niya sa akin. Kusang sumunod ang katawan ko sa kaniya. Agad ko dinukot ang ticket ko mula sa loob ng bag ko. Inabot ko 'yon sa kaniya. Tinanggap ko 'yon pero hindi maalis ang tingin ko sa kaniya. Parang hindi pa rin ako makapaniwala! My goodness, papaano ko ba siya tatakasan sa pagkakataon na ito?! Lihim ko kinagat ang aking labi. "Here," sabi niya sabay ibinalik niya sa akin ang ticket ko. Tinanggap ko 'yon saka umiwas ng tingin. Ginawa kong palusot ang pagbalik ng ticket ko sa bag.  Ang buong akala ko pa naman ay matatapos na pero mukhang nagkamali pa ako. Ramdam ko na may tumabi sa akin. Para akong timang na nilingon kung sino 'yon. Umaawang ang bibig ko nang makita ko na siya ang tumabi sa akin! Ang konduktor! "Anong..." "I reserved this seat for me." aniya na nakangisi. "Lalo na't nalaman kong isa ka sa mga pasahero ng bus na ito." What? Ano daw!? Pinareserved niya ang upuan na iyan?! Siraulo ba ang isang ito?! Hinilig niya ang kaniyang ulo sa upuan. "You should get some sleep more. Night trip ngayon. Mahigit sampung oras ang byahe natin papunta sa destinasyon." marahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata. Mariin akong pumikit at napangiwi. Ano na ang gagawin mo ngayon, Angela?! Papaano ka makalayo sa lalaking ito na iniwanan mo ng atraso?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD