Episode 3

2033 Words
Nagpapahinga ako sa ilalim ng isang poste na may malinawag na ilaw ng mapansin ang isang babae na tila wala sa kanyang sarili. Kanina pa siya palakad-lakad na tila may hinanap ngunit bigla na lang siyang magpapahid ng kanyang mga mata dahil sa pagluha. Malamang na may problema siya kaya siya naririto sa parke. Marahil ay mas pinili niya ang magmuni-muni para gumaan ang kanyang pakiramdam at magpalipas ng sama ng loob. Kapag malungkot ako, naglalakad lang ako ng naglalakad na walang tigil hanggang sa makaramdam na ako ng pagod. Kaya nga kahit may bahay naman ako ay mas gusto ko ang matulog sa lansangan. Sa bahay ay malungkot dahil mag-isa lang ako. Lagi ko pang naaalala ang mga mahal ko sa buhay lalo na si Tatay Leo. Kaya para hindi ako maging malungkot, naisipan ko na lang na maglagalag sa lansangan at matulog sa kung saan na lang ako abutin ng pagod at antok. Ganito ako magpawi ng lungkot. Katulad din siguro ng babaeng nakikita ko ngayon na naglalakad-lakad at hindi alintana na nakikita siya ng iba na umiiyak. Naupo lang siya sa isang bakanteng bangko at nagmamasid na lang din sa paligid. Naghihintay lang ako na mas gumabi pa at mawala na ang mga taong namamasyal dito sa park at hahanap na ako ng pwedeng pwestuhan para dito ako magpalipas ng buong magdamag. Maya-maya nga ay hindi ko na napandin na unti-unti na pa lang nawala ang mga tao sa paligid. Malalim na rin kasi ang gabi kaya tumayo na rin ako para makahanap ng matutulugan. Ayokong sipunin kaya makikisiksik siguro sa mga taong lansangan na gaya ko natutulog sa stage ng park na ito. May bubong kasi kaya kahit umulan ay safe na hindi ako mababasa. Kailangan ko pa naman na magpahinga talaga dahil may long test ako bukas. Papasadahan ko na lang ulit ang mga notes bago ako matutulog. Ngunit naantala ang paghahanap ko ng pwesto sa stage ng makita ang babae kanina na pinagmamasdan ko. Mukha naman siyang disente at kung tutuusin ay kutis mayaman siya kaya bakit narito siya? Wala ba siyang uuwian gaya ng mga tao natutulog dito kaya dito rin siya matutulog? Hindi kaya galing siya sa malayo at nagtrabaho dito sa lungsod ngunit hindi nagustuhan ang trabaho? Pwede rin na baka na nakawan siya ng mga gamit at pera kaya wala na siyang pamasahe pauwi ng kanyang bahay. Ang ginawa ko ay inalok ko ang karton na hawak ko at ang pwesto kung saan ako natutulog para hindi siya maapakan mamaya kapag nagising na ang mga pamilya na naririto. Siya pala si Tita April at kaedad lang siya ng nanay ko kung nabubuhay lamang si Nanay. Meron na rin daw siyang anak na halos kaedad ko. Napansin ko na malungkot ang mukha ni Tita April ganun din ang kanyang boses. Ayoko na siyang usisain pa dahil may mga taong mas nais na lang na sarilin ang kanilang mga problema kaysa sabihin sa ibang tao. Hindi dahil sa makasarili sila kung hindi dahil doon sila mas komportable. Ngunit gaya ko ay buong buhay niya raw ay malungkot na lang lagi. May lulungkot pa ba sa buhay na meron ako? Mag-isa ako na nabuhay mula noong walong taon pa lang ako. Hindi ko man nakita ang nanay ko. Gusto ko man na alalahanin ang mukha niya kapag nalulungkot ako namimiss ko siya ay nanatili malabo ang kanyang itsura sa balintataw ko. Wala akong kasama anumang okasyon ang magdaan sa aking buhay. Pasko, bagong taon, mga kaarawan ko ay wala man akong kasama na magdiwang. Lagi lang akong nagsosolo. Napakaswerte naman ng anak ni Tita April. Sigurado ako na mabait na nanay ang babaeng nakilala ko ngayon. Sana lahat ay may nanay. Kung narito lang siguro ang nanay ko ay proud na proud siya kapag tatawagin ang pangalan ko sa stage at bibigyan ng parangal. Kapag may umaawa sa akin ay lagi siyang handa na ipagtanggol ako sa kahit na sino man. Pero wala e. Napakaaga niya akong iniwan at hinayaan na mabuhay sa mundo ng punong-puno ng iba't-ibang klase ng kasamaan. Kinabukasan ay sinamahan ko si Tita April na makahanap ng trabaho sa palengke. Alanganin nga ako na ipasok siyang tindera sa palengke dahil baka mamaya ay galing siya sa mayaman na pamilya at hindi sanay na magtrabaho lalo pa sa palengke na halo-halo na ang mga amoy. Pero sa mga mata nama ni Tita April ay pursigido siya na magkatrabaho kaya dinala ko na siya sa isa mga kilala ko para ipasok na tindera ng mga gulay. “Ano po boss? Hindi ko po magagawa ang sinasabi niyo.” Pagtatanggol ko sa sarili ko ng salubungin ako ng amo kong lalaki na huwag na raw akong pumasok sa trabaho dahil tanggal na raw ako. May nagsumbong daw sa kanya na nakakita sa akin na kumukupit sa kaha. “Kaya pala nagmamasipag kang toto ka ay may balak ka pala na magnakaw sa loob ng tindahan ko. Akala mo siguro ay makakaulit ka pa. Pasalamat ka at mabait ako at hindi ako tumawag ng mga pulis para ipahuli at ipakulong ko. Ang ganda mo pa naman sanang lalaki dagdag pa na matalino ka at nagpupursige sa buhay pero magnanakaw ka naman pala. Hala! Sige! Umalis ka na at huwag na huwag ka ng lalapit sa tindahan ko at nag-iinit ang ulo ko sayo!” bulyaw sa akin ng boss ko. Marami ng tao ang dumaraan kaya maraming nakakarinig ng mga sinasabi niya sa akin. “Nasaan po ba ang ebidensya niyo na nagnakaw ako sa tindahan niyo? Kung wala po kayong ebidensya na pinapakita at basta na lang ako pinagbibintangan ay pwede ko po kayong ireklamo ng paninirang puri,” saad ko naman. Oo at iniiwasan ko ang pakikipag-away pero ipagtatanggol ko ang sarili ko lalo na sa ganitong sitwasyon na pinaparatangan ako ng mabigat na akusasyon na wala naman akong alam. “Aba at naghahanap ka pa talaga ng ebidensya at hinahamon pa talaga ako? Anong akala mo sa akin gumagawa lang ng kwento para pagbintangan ka? Akala ko pa namaj ay huwarang kang bata sa lahat pero gaya ka rin pala ng iba. Palibhasa at lumaki ka sa lansangan at walang patnubay ng kahit na sinong magulang kaya ka naging ganyan. Kaya huwag ka ng magsinungaling pa. Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw, Makoy. Matanda na ako para lokohin at isahan mo,” anang boss ko. “Tatanggapin ko po ang parusa kung mapapatunayan niyong ako ay magnanakaw. Gusto ko po na maglabas kayo ng matibay na ebidensya na magdidiin sa akin lalo pa at kasiraan sa pagkatao ko ang sinasabi niyo. Hindi po ako magnanakaw. Kahit maaga akong naulila at wala akong nanay o tatay sa tabi ko ay hindi ko magagawa ang binibintang niyo.” Patuloy kong giit. Maninindigan ako dahil wala akong ginagawang masama. Nagtatrabaho ako ng malinis at lumalaban ng patas sa buhay kahit hindi naging patas sa akin ang mundo. “Tama naman si Makoy, Simo. Nasaan ang ebidensya mo na magpapatunay na siya ang kumukuha sa kaha mo? Kilala ang batang si Makoy sa palengke na ito na mabuting bata. Dati nga ay nakapulot yan ng isang bag na may lamang maraming pera pero sinuli niya sa nga pulis para hanapin ang nagmamay-ari tapos ngayon ay pagbibintangamo siyang nangungupit? Malaking kasiraan nga naman sa kahit na sino ang pagbintangan na lang basta na nanguha, nangupit o nagnakaw ng kahit na magkano. Kaya kahit ako ay hihingan ka ng ebidensya na makakapagpatunay na siya ang ang magnanakaw.” Pagtatanggol sa akin ni Aling Grasya mula sa kabilang tindahan. Bata pa lang ako kilala ko na si Aling Grasya kaya siguro pinagtatanggol niya ako. “Bakit ka naman nakikialam, Aling Grasya? Nakita nga naming dalawa nitong si Jasper na nangunguha talaga si Makoy ng pera sa kaha ni boss. Baka kailangan na ni Makoy ng pera kaya nagagawa niya ng magnakaw lalo pa at wala naman talaga siyang pamilya na magbibigay sa kanya ng pagkain. Kaya huwag mo ng ipagtanggol pa yang Makoy na magnanakaw na yan,” ani ni Aron kay Aling Grasya. Si Aron at Jasper ang mga kasamahan ko sa trabaho at sila rin ang nag-abang sa amin ni Onex para bugbugin ako dahil sa akin daw may gusto ang nililigawan niya. “Simo, huwag mong sabihing itong sina Aron at Jasper ang nagsabi na na may ninakaw si Makoy? Naku! Naku! Naku! Mas maniniwala pa ako na sila ang nagnakaw kaysa sabihin mong si Makoy. May record na ang dalawang yan kaya nga nagtataka ako kung bakit tinanggap mo dito sa tindahan mo. Nuknukan pa ng tamad ang dalawang yan. Kapag umaalis ka ay walang ginawa ang dalawang yan kung hindi ang maupo at magcellphone habang si Makoy ay nakukuba na sa pagbubuhat ng mga kailangan buhatin.” Giit pa ni Aling Grasya na nagpaputla sa mga mukha nina Aron at Jasper. “Oonga naman po, boss. Tama po ang sinabi ni Aling Grasya. Tamad po ang dalawang yan. Ayaw lang po naming magsumbong at sigurado kasi na aabangan nila kami at sasaktan. Kilala po ang dalawa na yan na mayabang at nagsisimula ng gulo. At saka na review niyo na po ba ang cctv camera sa loob ng tindahan? Hindi po ba at naglagay na nga kayo ng patago para mahuli ang magnanakaw na nangunguha sa kaha niyo?” Cctv camera? Kung ganun ay may naka install na pa lang cctv camera. “Oonga pala, Lalaine. Muntik ko ng nakalimutan na may inilagay nga pala akong cctv camera sa banda roon. Tama na makita ko ang anong nakunan ng camera na yan at ng magkaalaman na kung sino nga ba ang magnanakaw. At kapag napatunayan ko na walang kinalaman si Makoy at kayo Jasper at Aron ang siyang may gawa ay ipakukulong ko kayong dalawa. Kunin ang cctv camera.” Sabay turo ng boss ko sa isang sulok ng tindahan niyo kung saan niya inilagay ang cctv camera. “Napakadaldal mong babae ka! Isa ka pang pakialamera! Bida-bida ka na akala mo ay anak ka ng boss natin! Humanda ka talaga at pagbubuhulin ko kayo ng lampang Makoy na ito!” singhal ni Jasper at saka tangkang sasapakin si Lalaine ngunit agad kong naharang ang katawan ko para takpan siya. “Bakit galit na galit kayong dalawa? Ano? Kayo talaga ang mga magnanakaw at hindi si Makoy? Ang galing niyong gumawa ng kwento at ibintang sa iba ang gawain niyo. Hinahayaan na nga lang kayo ni Makoy sa katamaran niyo a nagawa niyo pa talaga siyang ipitin sa pagnanakaw na sigurado ako na kayo ang may gawa!” bulalas ni Aling Grasya sa dalawa kong mga kasamahan. “Manahimik ka nga matandang mabaho! Putak ka ng putak!” asik ni Aron kay Aling Grasya at tangka din nila na susuguri ang matandang babae. Iniharang ko rin ang sarilinko sa Ginang na ipinagtanggol lang ako. Ngunit ikinagalit ng mga trabahador ng matandang babae ang narinig nila at nakita nila at kinuyog sina Jasper at Aron dahil mga wala raw galang sa kababaihan at sa nakakatanda sa kanila. Nakita nga ng boss ko na hindi ako ang magnanakaw gaya ng bintang niya sa akin. Kitang-kita sa cctv camera na sina Aron at Jasper ang ilang beses na nangunguha sa kaha kahit pa kaharap ang boss namin. Sinasamantala nila na maraming tao sa paligid at mabilis na dumadampot sa kaha. Napatunayan man na hindi ako ang magnanakaw ay nasaktan pa rin ako sa totoo lang. Hindi sa pagbintang sa akin bagkus ay sa pagsambit pa sa mga namayapa kong mga magulang. Nadamay din kasi sa pang iinsulto sa akin ang mga nanahimik kong mga magulang. Kahit na anong gawin nating buti sa kapwa ay basta ka na lang huhusgahan Sa mga ganitong sitwasyon ako nanghihina. Wala man lang pamilya ang magtatanggol sa akin kung sakaling nga na napagbintangan ako ng tuluyan sa sa isang krimen na hindi ko naman talaga ginawa. Sana nga ay makilala ko kahit na sino man lang sa pamilya ng mga magulang ko. Para naman kahit paano ay may matawag akong pamilya at hindi ko isipin na ako ay ulila na talaga. Kaya hahanapin ko sila sa oras na magkaroon na ako ng pagkakataon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD