Episode 1
“Tatay! Tatay!” palahaw kong iyak habang ipinapasok na sa loob ng nitso ang kabaong ng kinilala kong ama.
“Nakakaawa naman ang batang yan, ano? Wala ng kahit na sinong kamag-anak.”
Narinig kong sabi ng isang Ale na kasama sa mga nakipaglibing para ihatid sa huling hantungan ang tatay ko.
“Kaya nga. Namatay ang nanay noong ipinanganak siya at walang nakakakilala sa kung sino ang nakabuntis sa nanay niya. Nakakaawanng bata. Kinupkop ni nga lang ni Leo dahil wala rin naman siyang pamilya. Pero heto at maaga niya pa rin na naiwan mag-isa si Makoy. Ulilang-ulila na talaga.” Sagot naman ng isa pang Ale.
Lalong namilisbis ang mga luha sa aking mga pisngi.
Ulila na nga ako dati pa simula ngipinanganak ako ay lalo pa aking naging ulila ngayon.
Oo, alam kong hindi ako tunay na anak ni tatay Leo dahil sinabi niya naman ang lahat sa akin.
Anak raw ako ng isang babae na nagngangalang Marinella na nangungupahan sa isa sa mga barong-barong niya. Ang kaso lang ay namatay ang tunay kong nanay sa panganganak sa akin dahil ayon sa mga nakakaalam ay napakabata pa ng nanay ko ng iluwal ako.
Labing-apat na taon pa lang daw ang nanay ko kaya hindi nakayanan ng katawan na magluwal ng sanggol sa murang edad kaya maaga rin niya akong iniwan.
Wala ring nakakilala sa kung sino ang tunay kong tatay. Pero dahil sa itsura ko ay malamang na hindi raw isang Pilipino ang tatay ko. Matangkad ako sa normal na height ng mga ka edad ko. Matangos nag ilong ko, hindi naman ako moreno at higit sa lahat, kulay berde ang mga mata ko.
Sabi ni tatay Leo, sinubukan niya naman raw hanapin kung may nakakakilala sa nanay ko at para mauwi ako tunay kong pamilya ngunit wala talaga siyang kahit na anong nalaman sa kung saan ba nanggaling si Nanay.
Kaya ang tanging nagawa na lang ng nakagisnan kong ama ay ang kupkupin ako at ituring na tunay niyang anak.
Maalaga si tatay Leo at mahal na mahal niya talaga ako. Pero dinapuan siya ng isang malalang sakit na kung saan madaling nagpahina sa katawan niya at tuluyan na nga siyang nagapi.
“Makoy, heto ang pagkain mo. Kumain ka at magagalit ang tatay mo kapag nagkasakit.” Bilin ni Aling Martha na kapitbahay lang namin. Kaibigan namin sila ni tatay kaya ganito siyang nagmamalalsakit sa akin.
“Hindi na rin naman po magagalit si tatay dahil patay na po siya. Hindi na po siya mabubuhay dahil iniwan niya na rin po akong mag-isa,” sabay tulo ng mga luha ko habang nakatingin sa malayo. Nakaupo ako ngayon sa tatlong baitang na hagdan patungo sa kung saan kami natutulog ni tatay.
Tumabi si Aling Martha sa tabi ko.
“Makoy, anak. Mahal na mahal ka ng tatay mo kaya lang ay sadyang likas sa tao ang may namamatay. Pero huwag kang mag-alala at narito lang kami. Aalagaan ka namin hanggang sa kaya mo na ang sarili mo,” ani Aling Martha.
“Huwag niyo na po akong alagaan, Aling Martha. Baka po matulad kayo kay tatay Leo at sa tunay kong nanay. Namatay po sila dahil sa akin. Kaya kakayanin ko na lang pong mag-isa. Ayoko po na may mamatay pa dahil sa pag-aalaga sa akin. Malas po ako. Napakamalas ko po.” Pagtanggi ko kay Aling Martha at pagsisisi ko sa sarili ko nangyari sa mga taong mahalaga sa akin.
“Makoy, hindi totoo yan. Hindi totoo ang malas kaya huwag mong sisihin ang sarili mo. Ang lahat ng mga tao ay patungo sa kamatayan nagkataon lang na mas maikli ang inilagi sa mundo ng tunay mong nanay at ng tatay Leo mo.” Patuloy na pag-alo sa akin ni Aling Martha pero nakatatak na sa isip ko na malas ako.
Baka nga kaya iniwan si nanay ng tunay kong tatay ay dahil nga malas ako.
Sana lang pala ay isinama na lang ako ni nanay noong namatay siya pagkapanganak sa akin.
Wala na akong kasama sa buhay. Wala ring kahit isang pamilya si tatay Leo kaya literal na naman ako na mag-isa sa buhay.
Sabi ni tatay noong nabubuhay siya, mag-aral daw ako ng mabuti. Kahit daw mawala siya ay pilitin kong makatapos ng pag-aaral para mahanap ko raw kung sino ang tunay kong tatay.
Kung ako lang, wala sa loob ko kung sino man ang tatay ko. Dahil para sa puso at isip ko, si tatay Leo lang ang tatay ko.
Lagi sa akin bilin ni tatay na maging mabait at mabuti akong tao kahit gaano pa kasama sa akin ang mundo.
Madalas akong mabully dahil nga alam naman ng lahat ang tungkol sa pagkatao ko.
Ang iba kong mga kalaro ay tinatawag akong anak ng hostess, putok sa buho kahit hindi ko naman alam kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang iyon.
Pero wala akong mga pinatulan dahil sabi ni tatay ay masama ang nakikipag-away kaya hayaan ko na lang ang mga batang inaaway ako.
“Uy! Tumabi tayo. Dadaan si Makoy!” sigaw ng isang batang kaedad ko sa mga kalaro niya ng makita ako na daraan sa kung nasaan sila.
Sumunod naman ang mga batang naglalaro sa kalsada ng makita nga ako.
“Tumabi tayo at huwag tayong tatabi kay Makoy at malas yan! Lahat ng nag-aalaga sa kanya ay namatay! Anak ng malas!” sigaw ng isang batang babae.
“Tama! Kaya dapat huwag tayong makikipaglaro sa kanya dahil baka mahawa tayo ng kamalasan. Ayokong mamatay sina Mama at Papa.” Pag-aalala pa ng isa pang batang babae na may hawak pang manyika.
Yumuko na lang ako at tahimik na naglakad habang kinukutya ng mga batang dati ay kalaro.
“Dalian mong maglakad at maglalaro pa kami, malas!” sigaw ng isang batang lalaki kasabay ng kung anong tumama sa aking ulo.
Binato pala ako at maya-maya at sunod-sunod na ang pagbato nila sa akin at talagang masakit dahil tinatamaan na nila ako. Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa aking ulo para proteksyunan at saka ako nagtatakbo ng mabilis para makalayo na at hindi na rin marinig ang sabay-sabay nilang sigaw na anak ako ng malas.
Kung saan-saan ako tinamaan ng mga ibinato sa akin ngunit hindi ko na lang ininda pa ang sakit. Ang mahalaga ay nakarating na ako sa puntod ni Tatay Leo at isipin na katabi ko lamang siya at kasama pa rin.
“Tay, paano na po ako ngayon? Sino na po ang mag-aalaga sa akin kung wala na kayo?” tanong ko at saka nanghihina napaluhod sa kinatatayuan ko.
“Bakit hindi niyo na lang po kasi ako isinama? Bakit po kasi tulad ng tunay kong nanay ay iniwan niyo na lang po ako ng mag-isa. Paano na po ako mabubuhay nito? Wala rin pong may gusto na makalaro ako dahil malas daw po ako.” Sumbong ko kay Tatay habang umiiyak.
Umiyak na lang ako ng umiyak sa harap ng puntod ng puntod ng kinilala kong ama.
Kung pwede lang ay dito na lang din ako tumira sa sementeryo para makasama ko pa rin siya.
“Tay, ayoko na pong mag-aral,” sabi ko.
Kahit pa gusto niya na mag-aral ako at makatapos ay parang nawalan na akong ganang mabuhay pa at lumaban pa.
Paano pa ako mabubuhay at patuloy na lalaban kung ako na lang mag-isa?
Nakaupo lang ako at tila binabantayan ang kinilala kong tatay habang nagmumuni-muni sa paligid.
Nakita ko ang naggagandahang musoleo ng ibang mga puntod sa puntod kung saan nakapwesto ang tatay ko.
Ibang-iba talaga ang mahirap sa mayaman.
Unang tingin pa lang ay alam mo na kung sino ang nakakaangat sa buhay sa kung sino ang mahirap pa sa daga.
Hindi ko naman alam kung saan. naroon ang puntod ng aking tunay na nanay.
Ilang ulit naming sinubukan na hanapin ni Tatay Leo sa sementeryong ito ngunit kahit anong ikot namin ay hindi niya na matandaan lalo pa at ilang taon na ang nakalipas ng ilibig ang nanay ko at alagaan niya ako dahil nga sanggol pa lamang ako.
Sana nga ay mahanap ko rin ang puntod ni Nanay para kahit paano ay matirikan ko ng kandila at alayan ng bulaklak.
“Tay, magta-trabaho po ako ng mabuti at mag-iipon ng maraming pera at ipapagawa ko po ng pinakamagandang musoleo!” bulalas ko dahil gusto kong makita na nasa magandang pwesto ang tatay ko kahit patay na siya
Pero napakabata ko pa.
Paano ako makakahanap ng trabaho sa murang edad ko?
Sabi ni tatay Leo, kaya raw niya ako pinapag-aral ay para magkaroon ako ng magandang trabaho balang-araw.
Gusto ni tatay na maging engineer, architect, doktor o piloto ako balang-araw.
Kaya naman madali akong tumindig mula sa pagkakasalampak sa maruming lupa ng sementeryo.
“Tay, mag-aaral po ako ng mabuti. Magtatapos po ako ng pag-aaral para makahanap po ako ng magandang trabaho na may malaking sahod. Mag-iipon po ako para sa mailipat ko po kayo sa magandang musoleo. Sorry po, tay. Sorry po kung nanghina agad ang loob ko. Sorry po kung nasabi ko na ayaw ko ng mag-aral. Hindi na p mauulit. Gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko para makatapos po ako ng pag-aaral, Tatay.” Purisigido a ako.
Mag-aaral po ako at magtatapos para sa pangarap sa akin ni tatay at sa pangarap kong mailipat siya sa magandang musoleo at mahanap ko kung nasaan si Nanay.
Nagpaalam na ako sa tatay ko at nagtatakbo ng muli patungo sa bahay para ayusin na ang mga gamit ko sa eskwelahan.
Wala na akong pakialam ng salubungin na naman ako ng mga kalaro at sabihan ng malas.
Basta ipagpapatuloy ko ang pag-aaral ko kahit wala na si tatay.
Patutunayan ko sa mundo na hindi ako malas.