Episode 2

1551 Words
Tumatagaktak na ang mga pawis ko sa buong mukha kasabay ng pagkalam ng kumukulo ko ng sikmura. “Makoy! Bilisan mo naman ang trabaho at marami pa tayong gagawin! Kukupad-kupad ka naman kasi! Daig mo pa ang dalaga sa lamya mong kumilos!” sigaw ng amo kong lalaki habang nagbabasa lang naman ang dyaryo at nagkakape. Ilang buwan na rin akong nagta-trabaho bilang boy ng isang grocery store na nakapwesto sa loob ng palengke. Pagod ang trabaho lalo pa tagabuhat ng kung anu-anong mabibigat. May kasama rin kasing bigas ang tinitinda ng aking amo kaya obligado talaga ng magbuhat ng kaban-kaban na mga bigas at hinahatid pa sa sasakyan ng mga mamimili o kung saan sila sasakay “Ikaw na naman ang lahat ng bumuhat ng mga bigas? Bakit hindi mo naman sitahin ang iba mong mga kasama? Hirap sayo, masyado kang mabait kaya inaabuso ka.” Reklamo ni Onex dahil inabutan niya na naman akong mukhang pagod na pagod. Ako lang kasi ang nagbuhat ng ilang kaban ng bigas mula sa delivery truck sa labas ng palengke patungo rito pwesto. “Hayaan na natin. Halika at doon na tayo sa paborito nating lugawan at ililibre kita.” Sa halip ay sagot ko kay Onex na nakatingin na naman ng masama sa dalawang lalaki na kasamahan ko sa trabaho. Alam naman nila ang obligasyon nila kaya hindi ko na sila kailangan pa na yayain na samahan ako sa pagbubuhat ng mga bigas. At saka ayoko ng gulo. Ayoko ng away dahil wala naman akong mapapala. Sakit lang ng katawan ang pakikipag bunuan. Bakit hindi ko na lang ipahinga o kaya naman ay itulog ang init ng ulo. Mas gusto ko ang magbasa ng libro at ng notes kaysa ang ubusin ang oras sa walang kapararakan na bagay. “Konting-konti na lang talaga at aabangan ko ang mga tamad kong mga kasamahan at tuturuan ko ng mga leksyon.” Pagbabanta ni Onex dahil talaga niya akong naaabutan na ako lang ang gumagawa at ang dalawang boy na kasamahan ko ay mga nakaupo lamang habang nakikipag kwentuhan pa sa mga kasamahan naming mga tindera. “Huwag, Onex. Sabi ko naman sayo at iwasan mo na ang basag ulo. Gusto mo na naman ba na makulong?” pananakot ko pa sa kaibigan kong mainitin ang ulo. Si Onex lang ang bukod tanging matatawag kong kaibigan sa paglipas ng mga taon na mag-isa akong nabuhay sa mundo. Nakita niya akong binugbog ng mga batang lalaki na hindi ko naman mga kilala at walang alinlangan niya akong tinulungan kahit pati siya ay kinuyog ng mga batang walang magawa kung hindi ang manakit ng kapwa. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ganito na lang siya mainis dahil hinahayaan ko lang na abusihin ako mga kasamahan ko sa trabaho kahit pare-pareho naman kami ng trabaho sa grocery. “Madali akong mapikon, bro. Kaya ilayo mo sa akin ang dalawang batugan na yon at may kalalayan talaga sila sa akin. Matagal-tagal na rin akong walang practice kaya baka hindi pa ako mag-init kapag nasuntok ko ang mga yan.” Inis na inis na pahayag ni Onex sabay paglagatok pa sa kanyang mga daliri na tulad ng paghahanda niya sa tuwing may pupuntahan na suntukan. Bumali ako ngayon sa boss namin kaya talagang nagpakitang gilas ako mula kanina. May dapat akong bilhin na project kaya kailangan ko ng pera. Habang kumakain kami ni Onex ng paborito naming lugaw na siyang hapunan ko na rin sa gabing ito ay binuksan ko ang notes ko at bahagyang pinasadahan ang mga dapat kong tandaan. Malapit na naman ang exam kaya dapat na lagi akong handa. Hindi ako dapat na magpabaya kung gusto kong manatili sa pagiging scholar sa university kung saan ako nag-aaral na ng first year college. “Bro, hindi na ako magtataka na isang araw makita ko na lang ang sarili ko sa starbucks at doon mo na inililibre ng mamahaling kape. Kapag dumating ang araw na nakapagtapos ka na at makapag hanap ng trabaho ay baka hindi mo na alam ang lasa ng goto, kikiam, fishball na mga paborito natin.” Biro ni Onex. Muli ko ng ibinalik sa bag ko na lagi kong dala ang notes a binasa ko. “Dito kasi ay may maliwanag na ilaw kaya sinamantala ko na ang magbasa. Mamaya ay hindi ko na naman alam kung saan ako matutulog.” Paliwanag ko kay Onex. “Kung bakit kasi hinayaan mo ang mga balasubas na tao na manirahan sa bahay mo. Hayan tuloy ay putol ang linya ng tubig pati na ang kuryente. Isa pa yang mga nangupahan sa bahay mo, ha. Kapag nakita ko talaga ang mga yan ay talagang bibitbitin ko sila sa barangay o kaya ay sa mga pulis para magbayad sila sa perwisyong ginawa sayo. At kapag ayaw nilang magbayad ay lintik lang ang walang ganti.” Pinauupahan ko pa rin ang bahay na iniwan sa akin ni tatay Leo. Ngunit dahil nga abala ako sa pag-aaral at paghahanapbuhay ay hindi ko na nabisita ang bahay. Nakita ko na lang na wala ng tao at sobrang kalat at maraming sira ang bahay namin ni tatay. Putol din ang kuryente at tubig dahil ilang buwan na pa lang hindi nabayaran. Hindi na nagpakita sa akin ang mga nangupahan at ang sabi na lang ng mga kapitbahay ay tinakasan na maging ako dahil maraming iniwan mga utang dito sa lugar namin. “Hayan na ang dalawang mayabang. Kanina pa namin kayo hinihintay mga tol.” Maghihiwalay na sana kami ng daan ni Onex ng masalubong ang dalawang kasamahan ko sa trabaho na may kasama pang iban mga kalalakihan. “Bakit, tol? May problema ba?” agad na akong nagtanong. Inunahan ko na si Onex at baka masapak niya agad itong kasamahan ko sa trabaho. “Nagtatanong pa ang pa bibong to? Porket green ang mga mata ay akala mo naman kung sino ng gwapo?” tanong sa akin ng isa sa mga kasamahan ko at saka sila nagtawanan ng mga kasama niya. “Hoy! Anong problema mo sa kulay ng mga mata ng kaibigan ko? Bakit inggit ka? Ano bang kulay ng mga mata mo? Pula o dilaw?” pang-iinsulto na ni Onex kaya pumagitna ako sa kanila. Mas matangkad ako ng di hamak sa lahat ngunit payat lang ang pangangatawan ko hindi gaya nila na talagang batak na batak na rin sa trabaho. “Ang tapang talaga ng kutong-lupa na yan, ano? Anong ipinagmamalaki mo, ha?” tanong at paglapit na ng isa pang kasamahan ko sa trabaho kay Onex. At nangyari na ang kinatatakutan ko. Paglapit na paglapit na ng isa sa mga kasamahan ko ay sinalubong na ng mga kamao ni Onex. Kilalang sanggano at mahilig talaga sa basag-ulo ang kaibigan ko. Hindi ako nakikisali sa gulo dahil ayoko talaga ng away kaya inaawat ko na lang sila. “Dapat puruhan natin ang mukha ng at mga mata ni Makoy para mabura na. Ang angas din kasi niyan at lahat na lang ng ligawan namin sa palengke ay siya ang gusto!” asik sa akin ng isa kong kasamahan. Nagtatawa si Onex kahit dumudugo na ang bibig. “Anong magagawa niyo kung ipinanganak na gwapo si Makoy? Sisihin niyo mga magulang niyo at bakit hindi nag asawa ng mga Afam at huwag si Makoy na hindi naman din pagpapansinin ang mga sinasabi niyong nililigawan niyo!” giit pa ni Onex. Ganun pala. Kaya pala nagagalit sila sa akin ay tungkol sa ganung bagay. Hindi pa sana matatapos ang rambol kung walang dumating na mga barangay tanod. “Kung bakit naman kasi lapitin ka ng mga chicks, tol? Hindi ka tuloy mawalan-walang ng mga kaaway kahit hindi ka naman talaga nanliligaw ng mga chika babes! Kinakabahan na nga ako at baka ako talaga ang siyang type mo!” sabay tawa na naman ni Onex na may mga pasa sa mukha. Ako rin naman ay nagtamo ng mga suntok at pumutok din ang gilid ng labi ko. Natawa rin ako sa banat niya. “Hindi ko prayoridad ang mga ganyan, Onex. Sa ngayon ay nais kong mag-aral at makapagtapos para maipagmalaki ko kay Tatay Leo at sa nanay ko na hindi ko man nakillala.” Sagot ko sa kaibigan ko na tiyak na sermon na naman ang aabutin sa kanyang nanay kapag nakita ang namamaga niyang mukha. “Hanapin mo rin kung sino ang tunay mong ama. Malay mo mayaman pala ang tatay mo at nag-iisa ka lang na anak. Kunin mo akong driver o body guard kapag nagkataon. Alam mo naman na handa kitang ipagtanggol.” Sabay kabog pa sa sariling dibdib ni Onex. Hanapin ang tatay ko? Para namang naghanap ako ng karayom sa bundok ng mga dayami. Sa ngayon ay wala pa akong magagawa. Pero sa oras na magkaroon ako ng pagkakataon ay baka nga hanapin ko siya. Hindi sa kung ano pa man. Kung hindi dahil gusto ko lang malaman at makilala kung sino ang aking pinagmulan. Si Nanay kaya? Nasaan ang pamilya niya? Hinanap kaya siya ng kanyang mga magulang at kapatid kung meron man? Matagal ko rin na pinangarap na isang araw ay may kakatok sa pinto ng bahay ko at magpapakilala bilang pamilya ko. Pero hanggang ngayon na labing siyam na taon na ako ay nanatiling walang bakas ang sinuman sa mga magulang ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD