Episode 4

1589 Words
May bahay akong pinauupahan noon kaya lang ay marami ng sira. Putol din ang supply ng tubig at kuryente dahil hindi pala nagbabayad ang huling nangupahan at hinayaan na lamang na maputol at saka ko lang nalaman ng bumisita sana ako ngunit maging ang mga taong nangupaha ay wala na rin. Naisip kong dito na lang manirahan si Tita April sa halip na nasa lansangan na delikado para sa kanya lalo pa at babae siya at hindi sanay sa buhay kalsada. Malungkot din pala ang naging buhay ni Tita April dahi pinalayas pala siya ng kanyang sariling asawa at ayaw ipakausap sa kanya ang nag-iisa nilang anak. Kapag madaling araw ay pinupuntahan ko na lang si Tita April para sabay na kaming magpunta ng palengke para sa aming trabaho. Pero hindi ko akalain na may mangyayaring hindi maganda dahil nakunan si Tita April sa pangalawa na sana niyang anak. Dinala ko naman siya agad sa pinakamalapit na ospital at natataranta pa ako dahil hindi ko naman alam ang gagawin ko. Hindi maalis sa isip ko na kaya nakuna si Tita April ay dahil nadamay na naman siya sa kung anong kamalasan sa buhay nag dala ko. Pinanganak akong may dalang kamalasan kaya baka ito na naman ang dahilan kung bakit nga napahamak ang mabait na babae na kailan ko lang din nakilala. Agad kong kumantak sa anak na babae ni Tita April na ang pangalana ay Erin Penelope De Guzman na pinahanap niya rin sa akin noong isang araw pa pero hindi pa rin na seen ang mensahe ko sa kanya. “Sumagot ka naman Miss Erin,” bulong ko at patuloy pa rin sa pagtawag kahit hindi ko pa rin naman makontak. Ngunit laking tuwa ko ng makitang sumagot na sa chat ko ang anak ni Tita April. Hindi ko agad napansin na nakapag chat pala siya sa akin dahil may mga tinanong sa akin ang nurse pero hindi ko naman halos masagot dahil nga hindi ko pa naman masyadong kilala si Tita April. Sana lang ay dumating agad ang anak at pamilya niya para malamang ang tunay niyang kalagayan ngayon. Pero kung hindi naman siya tutulungan ay ako na lang tutulong kay Tita dahil kung buhay lang ang nanay ko at nasa ganito siyang sitwasyon ay gagawin ko ang lahat para mailigtas siya at masiguro na mabubuhay siya. Hindi na nailigtas pa talaga ang pinagbubuntis ni Tita. Tuluyan na talaga itong nawala sa kanya. Akala ko nga ay mahihirapan akong pilitin siyang kumain para makabawi ng lakas ngunit siya pa ang nag-utos sa akin para bumili ng pagkain niya. “Ate, napansin niyo po ba kung saan nagpunta ang tiyahin ko? Iyon pong babaeng nakunan,” tanong ko sa katabi naming kama. Pagdating ko kasi galing bumili ng pagkain ay hindi ko naabutan si Tita April. Bawal pa siyang kumilos lalo na ang tumayo. “Iyong maputi at maganda? Parang lumabas siya kanina. Kinuha niya pa nga ang jacket na nakapataong diyan sa monoblock.” Sagot ng matandang babae na pinagtanungan ko. “Sige ho, salamat po.” Pasasalamat ko pa at saka ako madali na lumabas ulit ng ward at nagpalinga-linga baka nasa paligid lang si Tita April. Ngunit naka ilang ikot na ako pero walang anino ni Tita April kahit saan. Kahit sa banyo ay wala rin siya. Maya-maya nga nag-ingaya ang cellphone ko indikasyon na may tumatawag at pangalan ng anak ni Tita April ang nakit ko. Ngunit muntik na yata akong hindi nakapagsalita ng sagutin ko na ang kanyang tawag sa pamamagitang ng video call. Tumambad lang naman sa akin ang hindi lang maganda kung hindi napakagandang babae. May pagkasingkit ang mga mata gay ng kay Tita April. Matangos ang kanyang maliit na ilong at kay liit ng kanyang bibig. Para ba akong namatanda at ngayon lang talaga nakakita ng isang napakagandang babae. “Miss Erin, nawawala dito sa ospitam ang Mommy mo,” sa halip ay agad kong nasabi. “Anong ospital? Nasa ospital si Mommy?” ang tila nalilito niyang tanong at saka agad ng pinutol ang tawag dahil papunta na raw siya dahil malapit lang ang ospital na binanggit ko sa kung nasaan siya ngayon. Binilisan ko na rin ang paglakad patungo sa harap ng ospital para doon na siya abangan. Hindi naman ako nainip sa paghihitay dahil mayroon na akong babaeng nakita na bumaba sa isang taxi at nagmamadali na lumapit sa bungad ng ospital. Sigurado akong siya si Miss Erin na anak ni Tita April dahil sa lahat dito ay sadyang namumukod tangi ang kanyang pisikal na anyo. Matangkad pala siya at sa awra pa lang ay talagang nakakapangilag kausapin lalo pa at hindi siya basta-basta. “Miss Erin, mabuti na lang dumating ka na, “ ang nasabi ko lamang. “Nasaan ang mommy ko? Bakit nasa ganitong klase siya ng ospital at bakit kailagang siyang i-admit? May sakit na siya? Na aksidente?” sunod-sunod niyang mga tanong ngunit bago ko pa siya sagutin ay tumunog ang cellphone niyang hawak. “Nasa kompan raw si Mommy at nagwawala!” bulalas ni Miss Erin sabay harap na sa daan patungo kung nasaan ang kompanya na sinasabi niya. Hindi rin naman ako nagdalawang-isip na sumunod agad lalo pa sa nalaman kong ginagawa ni Tita April. Nagwawala raw ang Mommy niya sa kompanya. Sobrang traffic sa kalsada kaya lakad at takbo ang ginawa namin ni Miss Erin. Napakabilis niyang tumakbo at mukhang lagi niyang ginagawa dahil hindi siya madaling mapagod. Huminto naman si Miss Erin sa isang mataas na building at saka tila may hinahap sa paligid. Ngunit nahinto ako ng marinig ang tila pagtangis ng isang babae at ng mahanap ko kung sino ay isang babae na nakakayukyok sa dibdib ng isang matangkad na lalaki habang umiiyak. Si Tita April ang babae at malamang na asawa niya ang lalaki dahil kahit nasa malayo ako ay kamukhang-kamukha ni Miss Erin. Nakadama ako ng sobrang awa para kay Tita. Wari ba siyang nagmamakaawa na mahalin siya ng asawa niya. Naalala ko ang sarili ko na laging nanlilimos ng pagmamahal ng ibang tao dahil wala namang pamilya ang magmamahal sa akin dahil nag-iisa lang ako. “Subukan niyong hawakan at dalhin ang mommy ko sa presinto at magkakamatayan tayo dito!” galit na galit na sigaw ni Erin ng makitang may mga security guard na lalapit dahil sa utos ng isang babae. Hinimatay na si Tita April dahil hindi naman siya dapat na lumabas ng ospital dahil sa sobrang hina pa ng kanyang katawan. Pilit na ginigising ni Miss Erin ang kanyang mommy na mabuti na lang ay nasalo ng daddy niya kung hindi ay baka nabagok ang ulo ni Tita April dahil bigla na lang siyang natumba. Napakatapang ni Miss Erin na kaya niya talagang pagbantaan ang kanyang sariling ama maging ang mga tao sa paligid. Mabuti pa siya ay ganito katapang na ipagtanggol ang kanyang mahal sa buhay. Wala kasi ako ng ganung katapangan. Lagi lang akong hindi lumalaban para hindi na humaba pa ang usap. Pero iba si Miss Erin. Buong-buo ang boses niya habang nagsasalolita gaya ng buong loob niya sa pagpapakita ng katapangan para sa kanyang nanay. Mahal na mahal siguro ni Tita April si Miss Erin kaya ganito na lang din siya kamahal ng nag-iisa niyang anak. Ayon sa kwento ni Tita ay mayaman ang kanyang asawa kaya basta na nga lang siyang pinalayas sa bahay nila. Mabuti na lang at may isang Miss Erin na handang ipagtanggol angg kanyang Mommy laban sa mapang abuso niyang Daddy. “Oras na may mangyari kay mommy ay hinding-hindi kita mapapatawad, Dad. Hinding-hindi kita mapapatawad kahit na kailan!” banta pa ni Erin sa kanyang Daddy. Payat lang ako pero mas payat naman sa akin si Tita April kaya agad ko siyang binuhat para makaalis na kami. “Miss Erin, kailangan nating makabalik sa ospital dahil kailangan pa ng mommy mo na salinan ng dugo,” saad ko na kay Miss Erin. Tumango naman si Miss Erin at mas mauna na tumakbo sa unahan para tumawag ng pwede namin sakyan. “Mommy, please, wake up! Huwag mo akong iiwan.” Paulit-ulit na pakiusap ni Miss Erin kay Tita April na wala pa ring malay. “Hindi ko mapapatawad si Daddy sa ginawa niya sayo. Pagbabayaran nilang lahat ang kasalanan nila. Hindi ko hahayaan na ganito na lang ang lahat, mommy. I swear! Ipaghihiganti kita! Kayang-kaya ka nilang apihin but not me! I'm gonna ruined their life! Hindi ako papayag na hindi ako makakaganti. Please, Mom, huwag na huwag mo kong iiwan dahil baka maging kriminal na lang ako.” Mga narinig ko pa kay Miss Erin. Pagdating na pagdating namin sa ospital ay agad na sinugod si Tita April sa emergency room sa pangalawang pagkakataon. Bumabagsak na ang vital sign niya pero sabay pa kaming napabuntong-hininga ni Miss Erin ng ilang sandali lang ay maging normal ulit ang lahat para kay Tita April. “Mark Carlo Ragos, right?” banggit ni Miss Erin sa buong pangalan ko kaya naman napakamot na lang ako sa batok ko kahit hindi naman ito nangangati “Oo, Miss Erin. Pero, Makoy na lang,” tugon ko naman. “Thank you for saving my Mom. And sa pag-alalaga sa kanya habang wala ako. Salamat, Makoy.” At saka nilangkapan pa ni Miss Erin ng simpleng pag ngiti ang kanyang pasasalamat sa akin kaya lalo akong nahiya lalo pa at hindi talaga ko makatingin ng diretso sa mga mukha niya dahil para bang malaking kasalanan na tumingin sa mukha ng sa palagay ko ay isang diyosa
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD