“So, Miss Erin, can I kiss you goodbye?” Sabay lapit ng lalaking ka-date ko sa mukha ko kaya naman mabilis akong lumayo at pinilipit ang kanyang kanan kamay na tangka pa na hahawak sa katawan. Ang kapal ng mukha niya para halikan at hawakan ako gayong unang araw lamang ng pagkikita namin. “Ouch! What the f**k! Bitawan mo ako!” reklamo ng lalaki na ang pangalan ay James Ruiz na anak ng isa ring negosyante. Paano ba ako napapayag ng secretary ni Miss Sioson na makipagdate sa lalaking ito? Kahit kanina ng nag-uusap kami ha ang kumakain ay hindi ko na nakitaan ng good manner. Hindi man lang ako pinaghila ng upuan para makaupo ako. Kumain na rin siya ng hindi man lang ako inaalok. Kaya naman paano ko magugustuhan ang kagaya ng lalaking ito? Sa susunod talaga ay magiging istrikto na ako