Hindi mahulugang karayom na katulad pa rin ng dati ang lugar na ito. May mga paalis na sa bansa ngunit may mga kararating lang na gaya ko. Masaya ang karamihan dahil matapos ang ilang taon ay nagkita-kita na sila ng mga mahal sa buhay. Mayroon din naman na hindi maampat ang mga luha sa kalungkutan dahil napipilitan na mangibang bansa para sa pangako ng magandang kinabukasan. Pero hindi gaya nila, wala akong pamilya na naririto ngayon. Hindi ko pinaalam kaninuman na ngayon ang dating ko pero hindi pa rin ako nakakasiguro. Malamang na alam na ni Sir Agaton ang tungkol sa pag uwi ko kaya hindi na ako magtataka na may lalapit sa akin at saka ako yayakagin na sumakay patungo sa sasakyan at ihahatid na ako sa bahay ni Uncle Dark. Akala ko, hindi ko mamimiss ang hangin at lupa ng bansa ng