“Ibig mong sabihin wala ka talagang kahit isang kamag-anak man lang? tanong ni Erin ng hanapin niya ang pamilya ko.
Dito na rin siya sa bahay kasama ni Tita April. Mas pinili niya na makasama ang Mommy niya kaysa sa mayaman niyang tatay
“Oo, sabi nga nila ay malas ako kaya nga inisip ko na kaya minalas si Tita April at bigla na lang nakunan ay dahil sa akin,” sagot ko.
“What? Anong pinagsasabi mong malas? Kasama sa buhay ang kamatayan at nagkataon lang na hindi kinaya ng nanay mo ang panganganak sayo dahil nga bata pa lamang siya at walang ibang katuwang. Tungkol naman sa umampon sayo, may sakit siya kaya naman namatay. Nawala ang kapatid ko dahil kay Daddy. Kaya huwag ka ngang nagpapaniwala sa salitang malas, Makoy. May mga taong tamad pero walang taong malas kaya alisin mo yan sa isip mo.” Masungit na wika sa akin ni Erin.
Hindi ako makapaniwala na hindi niya sinasang ayunan ang bansag sa akin ng mga tao dito sa lugar namin.
Sa unang pagkakataon ay nakahanap ako ng kakampi na hindi naman talaga ako malas at sadyang nagkataon lang ang laha na nangyayari lalo na sa pagkawala ng nanay ko at ni Tatay Leo na kinilala kong ama.
“Salamat, Miss Erin,” tanging nasabi ko dahil ang totoo ay masaya sa pakiramdam na may gaya niya na kumakampi sa akin.
“Wow! Ang ganda naman ng kasama mo, Makoy! Sino siya, girlfriend mo? Pakilala mo naman kami dahil mukhang mas bagay kasi kami kaysa sayo.” Nakangisi pa na umakbay sa akin si Mando habang nakatingin binibistahan ang kabuuan ni Erin.
“Si Erin, ang bagong nakatira sa paupahan kong bahay.” Simpleng sagot ko pero hindi na ako mapalagay lalo pa at may dalawa pang kasamahan si Mando. Baka kung anonv gawin nila kay Erin. Kilala pa naman ang grupo ni Mando na madalas mambastos ng mga kababaihan na kanilang makursanadahan.
“Wow! Sa ganda, puti at sobrang kinis mo, Miss ay nakuhang mong tumira sa paupahan ni Makoy na konti na lang ay mawawasak na? Mabuti pa doon ka na lang tumira sa bahay namin at sinisiguro ko sayo na kahit isang lamok ay hindi ko papayagan na dumapo sa makinis mong balat!” bulalas ni Mando sabay pa na humalakhak.
“Pasensiya na, Mando. Pero kailangan na kasi naming makabili ng gamot at pagkain dahil may pasyente kami. Mauna na kami at saka na lang ulit tayo magkwentuhan.” Pagpaalam ko na kay Mando at saka pa ako kumawala sa pagkaka akbay niya sa akin.
“Tara na, Miss Erin,” pag-aya ko na kay Erin dahil ayoko ng mga naririnig na salita galing kay Mando.
“Mando, binabastos ka na yata ni Makoy, ngayon. Kinakausap mo pa ay nilalayasan ka na,” buska ng isa sa dalawang lalaki na kasama ni Mando.
“Matapang na yata ang anak ng malad porket may magandang babae na kasama!” ani naman ng isa pang lalaki.
“Dalian na lang natin sa paglalakad, Miss Erin para agad tayong makauwi,” sabi ko pa kay Erin at hindi na lang iniintindi ang mga naririnig sa grupo ni Mando.
Hanggat maaari ay ayoko talaga ng gulo. Hindi na bale na ako ang bastusin huwag lang si Miss Erin na hindi sanay sa ganitong klase ng lugar. Nakakahiya kay Tita April kapag nalaman niyang pinabayaan ko ang anak niya na bastusin ng mga tambay.
Ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod na pangyayari.
May bigla na lang sumipa sa akin sa bandang likuran ko kaya nasubsob ako sa nilalakaran ko.
“Makoy!” tawag ni Erin at saka ako dinaluhan dahil nga hindi ko inaasahan ang pag-atake sa akin kaya na out of balanse ako.
“Napakalampa niyang, Miss. Bukod sa malas ang lalaking yan ay ubod ng lampa. Kaya kung ayaw mong madamay sa kamalasan na dala-dala niyan ay mabuting layuan mo si Makoy at sa amin ka sumama! Nakakalamang lang siya sa akin dahil green ang mga mata niya. Pero hindi ka kayang ipagtanggol niyan dahil nga lampa at duwag yang si Makoy!” panlalait pa sa akin ni Mando at sabay-sabay pa silang tumawa ng mga kasamahan niya.
“Are you, okay? May sugat ka ba?” pag-aalalang tanong pa ni Miss Erin na sinuri pa ang mga braso at kamay ko. Nagkaroon ng gasgas ang dalawa kong palad na ginamit kong pagbalanse para hindi tuluyan na sumubsob ang mukha ko sa lupa.
“Okay lang ako, Miss Erin. Konting gasgas lang ito.” Sagot ko sabay tayo na at pagpagpag sa sarili.
“Naku! Miss! Sanay si Makoy sa sakit ng katawan kaya wala na sa kanya ang ganya kaliit na sugat. Kaya sumama ka na sa amin. Mas mag eenjoy ka nakasama kami. Kaya ka namin ipagtaggol kaysa kay Makoy na kahit ang sarili ay hindi kayang ipagtanggol man lang,” patuloy na panlilibak ni Mando sa pagkatao ko.
Gusto ko ng lumubog sa kinatatayuan ko dahil sa napapahiya ako sa harap ni Miss Erin.
Tama naman ang lahat ng mga sinasabi tungkol sa akin ni Mando.
“Mabuti at hindi ito nabasag,” ani ni Miss Erin na hawak ang salamin ko mata na kanya pang pinunasan sa laylayan ng kanyang suot na damit at saka pa sinipat-sipat kung may basag bago niya mismo isinuot sa aking mga mata.
“Mura lang naman yan, Miss Erin,” sagot ko at saka pa inayos ang salamin ko sa mata.
“Hoy! Miss! Bakit hindi mo yata kami pinapansin? Nakakalalaki ka na ha? Baka gusto mong masampulan ka ng hindi mo malilimutan ha, miss?” hamon pa ni Mando kay Erin kaya naman hinila ko si Miss Erin at itinago ko sa aking likod.
“Mando, ako na ang nakikiusap sayo. Ayoko ng gulo kaya naman hayaan mo na kami ng kasama ko. Gaya nga ng sabi ko ay may pasyente kami na nangangailangan ng gamot at pagkain. Sa ibang araw mo na lang ako abangan.” Pakiusap ko pa.
Ngunit ngumisi lang si Mando at saka ako mabilis na sinapak sa kaliwa kong panga dahilan kung bakit ako sumadsad na naman sa maruming lupa kung saan kami naroroon.
Ngunit nanlaki ang mga mata ko ng makita na lang si Miss Erin na hawak ang isang braso ni Mando at pinilipit sa likod ng sigang lalaki.
Susugod sana ang dalawang kasama ni Mando kay Erin ngunit mabilis at malakas na nasipa ni Erin ang mga katawan ng mga ito.
“Aray! Hayop kang babae ka! Makawala lang ako dito ay mata mo lang ang walang latay!” pagbabanta pa ni Mando na hindi makawala sa mahigpit na pagkakapilipit ni Miss Erin sa kanyang kanang braso.
“Ganun ba? Okay, madali lang akong kausap.” At saka pinakawalan ni Erin si Mando.
Tumayo na ako para mamagitan dahil baka mapano si Erin.
“Miss Erin, tara na,” pagyaya ko na naman sa kanya pero hindi natinag ang babaeng kausap ko.
“May pagka amasona pala ang kasama mo, Makoy. Pero ganyang babae ang hanap ko. Palaban!” ani pa ni Mando at saka na nga lumapit kay Erin.
Haharang ko sana ang katawan ko ngunit tinabig ako ni Erin at saka mabilis na tinadyakann ng malakas si Mando sa mukha. Hindi lang isa o dalawang tadyak ang inabot ni Mando kay Erin.
Nagpalakpakan pa ang lahat ng mga taong nanunuod habang bumagsak si Mando at hindi na makatayo pa.
“Ano kayo naman?!” sindak na tanong ni Erin sa dalawang kasamahan ni Mando na nasa gilid lang.
Ngunit sa halip na sugurin si Erin ay dinaluhan nila si Mando na dumudugo na ang ilong.
“Napakagaling naman ng girlfriend ni Makoy!” sigaw ng isa sa mga taong nanunuod habang masaya na pumapalakpak sa nangyari kay Mando.
Gusto ko sana silang itama sa kung anong iniisip nila ay nilalamon ng ingay ang sarili kong boses.
“Bagay lang sayo yan, Mando! Ngayon nakahanap ka ng katapat mo at babae pa! Kakaawa ka na nakakatawa!” buska pa ng mga nakasaksi sa pagkatalo ni Mando.
Hindi ko rin akalain na ganito katapang at kalakas si Erin.
Hindi lang siya maganda at matalino kung hindi napaka astig niya pa.
Buong akala ko ay dahil anak mayaman siya ay hindi siya sanay sa mga ganitong ekesena pero nagkamali ako dahil napakatapang niya pala.
“May araw ka rin!” pagbabanta pa ulit ni Mando ng tulungan na siyang makatayo ng mga kasamahan niya.
“Bakit hindi na rin ngayon araw natin gawin ang araw na sinasabi mo, Mando? Mandurukot ba ang ibig sabihin ng pangalan mo o mandurugas?” untag pa ni Erin na talaga namang hindi kakikitaan ng takot o kaba.
Umugong muli ang malakas na tawanan sa sinabi ni Erin tungkol sa pangalan ni Mando.
Sa sobrang pagkapahiya ni Mando at ng mga kasama niya nagmumura na lang na umalis.
“Miss Erin, okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?” pag-aalala ko na tanong dahil baka mamaya ay hindi ko lang napansin na nasaktan siya ni Mando.
“Lagi ka ba nilang ginaganito, Makoy? Bakit ka pumapayag? Dapat matuto kang ipagtanggol ang sarili mo lalo at kapag sobra na sila sayo.” Naiinis na payo sa akin ni Erin.
Napakamot na lang ako ulit sa aking batok.
“Ayoko kasi ng gulo o nakakasakit ng kapwa kaya hinahayaan ko na lang,” tapat ko naman na sagot.
“Crazy,” ang tanging nasabi ni Erin at saka na naunang naglakad.
Pero lalo akong humanga sa kanya sa pagkakataong ito dahil napakatapang niya pala talaga.