Episode 13

1573 Words

Sa hindi inaasahan na pagdating ni Sir Dark Lee sa bahay ko ay mas lalo kong napagtanto sa sarili ko na dapat na talaga akong lumayo sa pamilya ni Erin. Tinanong ko si Onex kung ano ang nagawa niyang kasalanan kay Sir Dark pero huwag ko na raw alalahanin basta ayos na ang lahat at magpapakatino na raw siya. Mabuti na ang paminsan-minsan na pagbisita ko sa pamilya ni Erin. Ayoko ng masangkot sa anuman lalo na kay Sir Dark na alam kong kayang-kaya akong patayin sa isang pitik lang ng kanyang mga daliri. Katatapos ng exam pero dahil agad kong nasagutan lahat ay nauna na akong lumabas ng classroom para umuwi na. Sa totoo nga lang ay napakabuti pa rin naman sa akin ng kapalaran. Oo at lumaki akong mag-isa at ulila pero hindi pa rin naman Niya ako pinabayaan. Maaaring salat ako sa lahat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD