Kung panaginip lamang ang lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon ay ayoko na sanang magising pa. Matagal ko ng tanggap na wala na talaga akong nanay pero hindi ko sukat akalain na pagkatapos ng mahabang panahon na paghihintay ko sa isa man lang sa pamilya niya ay hanapin ako at kupkupin ay isang kagaya ni Uncle Dark ang darating. Naluha talaga ako ng malaman na hindi tumitigil si nanay na ipaalala kay Uncle Dark na hanapin siya kahit anong mangyari. Mahal na mahal ako ng nanay ko na kahit ilang taon na ang lumipas ay hindi pala siya natahimik para lang mahanap akonng kanyang nag-iisang Kuya. “Salamat po, nay. Maraming-maraming salamat po sa pagmamahal niyo sa akin na kahit nasa kabilang buhay na kayo ay iniisip niyo pa rin po ako. Mahal na mahal din po kita, Nay. Pangako po na magpapak