May hawak na kanya-kanyang nakakasakit na bagay ang mga kasama ni Mando. Nais talaga niyang manakit ng husto. Hinarang ko ang katawan ko kay Erin at sumunod din naman si Onex. Hindi ako marunong sa pakikipaglaban pero bago pa nila masaktan si Erin ay dapat hindi na ako nakakatayo. “Gusto ko lang namang gumanti sa amasonang babae na girlfrien ni Makoy dahil sa ginawa niya sa akin Halos ilang buwan din akong nagpapagaling dahil sa mga sugat at bali ng mga buto ko. Kakalimutan ko na nga sana lalo at wala na pala siya sa lugar ni Makoy pero heto at bumalik naman pala siya.” Ani Mando na tinutok pa ang tubo na hawak panturo kay Erin na nasa likod ko lang naman. Ngunit nagpunta sa harap si Erin. “Erin, mabuti pa umalis ka na. Marami sila at baka mapahamak ko,” bulong ko ng magpunta na siy