“Wow! bago yata damit mo, Makoy! Mukhang mamahalin!” bulalas ni Onex ng makita ako suot ang bagong damit na binili para sa akin ni Erin. Akala ko ay damit na pwede kong pampasok sa university ang binili niya sa akin ngunit pagtingin ko sa paper pag-uwi ko ng bahay may mga kasama pa palang mga short at mga sando na pwede ko ngang suotin sa pagtatrabaho lalo pa at mainit sa loob ng palengke. “May nagbigayang sa akin, Onex. Alam mo naman na hindi ko kayang bumili ng mga ganito.” Nanlaki ang mga mata ng kaibigan ko sa narinig. “Teka, huwag mong sabihin na kumapit ka na sa patalim, Makoy? Sino sa mga bakla na may type sayo ang pinatulan mo at bumili niyan?” tanong ng sira ulo kong kaibihan . “Onex, mas maaatim ko ang maglakad ng hubo't-hubad kaysa gawin ang sapantaha mo,” nasabi ko na lang