Episode 8

1604 Words
Halos mahigit isang buwan din ang itinagal ko sa loob ng ospita dahil sa mga tinamo kong baling mga buto sa katawan. Noong nalaman ko ng na hindi pa ako pwedeng lumabas ay pinilit ko na si Tita April na ilabas na ako dahil alam ko naman na mahal ang pagpapagamot sa ganun klase ng ospital. Ngunit may sumagot na pala ng lahat ng mga dapat bayaran at bayad na rin pati ang mga susunod kong follow up check up. Sinagot na pala ng tatay ni Light. Uncle Dark Lee ang tawag sa kanya ni Erin. Matiim kong tumingin ang taong iyon. Para bang nakakatakot siyang tao. Tipong may itinatago na dapat mong katakutan and mangingimi ka talagang banggain. Ewan ko ba pero para bang magaan naman ang loob ko sa kanya kahit pa kung makatingin siya ay para bang papatay na siya. “Makoy, gusto mo bang makausapa si Sir Dark? Hindi ka kasi niya mapuntahan para personal na pasalamatan sa pagligtas sa anak niya sa dami niyang mga ginagawa lalo pa at buntis si Ma'am Alexis at dumarami ang mga nagbabanta sa kanilang buhay,” saad ni Sir Agaton. Ang kanang kamay ni Sir Dark Lee. “Pakisabi po na salamat po ng marami. Magkikita naman po siguro kami sa hinaharap. Hindi ko na po siya aabalahin pa dahil alam ko naman po na talagang abala siyang tao, “ sagot ko na lamang. Tumango si Sir Agaton at saka may inabot sa akin na kapirasong papel. “Ano po ito?” kunot-noo kong tanong. “Ikaw na ang bahal kung magkano ang gusto mong isulat. Hindi kayanv presyuhan ng boss ko ang pasasalamat niya sa walang pag-aalinlangan mo ng pagbuwis buhay sa kanyang panganay na anak kaya ikaw na bahala kung magkano, Makoy.”. Isang blankong tseke ang kapirasong papel na inabot sa akin ni Sir Agaton. Nakakalula kung tutuusin. Alam kong hindi lang mayaman si Sir Dark bagkus ay makapangyarihan pa siya. “Sir, kalabisan na po ito. Paki sabi na lang po kay Sir Dark na tama na po na siya ang nagbayad sa hospital bill ko. Salamat na lang po.” Tapat kong sabi at saka inaabot muli kay Sir Agaton ang kapirasong papel. “Makoy, malaking kasalanan ang gagawin mo. Hindi tumatanggap ng hindi pagtanggap sa kung anuman ang kanyang ibinibigay ang boss ko. Kaya kung ako sayo ay tatanggapin ko na lang yan.” Walang emosyon na paliwanag ni Sir Agaton. Si Sir Agaton ang tipo ng tao na para bang kahit nakakatawa na ang isang biro ay hinding-hindi siya tatawa. “Pero kasi, sir Agaton, hindi ko naman po pinababayaran ang pagligtas ko kay Light. Kahit po kanino ay gagawin ko po kung anong ginawa kong pagtulong.” Paliwanag ko pa. Tumango naman si Sir Agaton. “Mark Carlo Ragos, nineteen years old at nakatira sa squatter area. Walang pamilya at lumaking nag-iisa. Pinag-aaral ang sarili sa kolehiyo at nagtatrabaho bilang kargador sa palengke. Tama ba ako, Makoy?” Hindi na ako nagtataka kung paanong alam ni Sir Agaton ang tungkol sa akin. Tumango ako. “Makakatulog ang malaking pera para mabago mo ang buhay mo, Makoy. At nalaman ko pa na ang pangarap mo raw talaga kaya ka nagsusumikap mag-isa ay ang hanapin ang mga kamag-anak ng nanay mo na namatay noong ipinanganak ka. Kaya tanggapin mo na, bata. Hindi na nakakain ang prinsipyo sa panahong ito. At hindi mo ba nakikita ang sarili mo? Makakatulong ang pera na yan para mabago mo ang buhay mo.” Pahayag pa ng kanang kamay ni Sir Dark Lee. Kailangan ko ng malaking pera para mahanap ko ang mga kamag-anak ni nanay pero ayoko namaj na pabayaran ang anuman na tulong na ginawa ko sa ibang tao lalo na kay Light na pinsan pa naman ni Erin. Hindi talaga kinuha ni Sir Agaton ang blankong tseke sa akin. Napakarami talaga sigurong pera ni Sir Dark para bigyan niya ako ng ganitong gantimpala. Pero ang bilin sa akin ni tatay Leo ay huwag na huwag akong manlalamang o gagamit ng kapwa para lang makuha ko ang gusto ko ang yumaman ako. “Makoy, dito ba galing si Uncle Agaton?” tanong ni Erin na pupuntahan pala ako. Nanatili rin ako sa bahay nila ni Tita April noong hindi pa talaga ako makakilos pero noong kaya ko na ay nagpaalam na akong uuwi sa bahay. Sobrang nahihiya ako na inaasikaso ako ni Tita April at ng bunso niyang kapatis na si Tita Abby. Mabuti na lang at naitago ko agad ang tseke. Nakakahiya naman na makita ni Erin at baka isipin niya na mukha akong pera. “Oo, kinamusta niya ang kalagayan ko utos daw ni Sir Dark Lee.” Tumango na lang si Erin na nakasuot pa ng kanyang school uniform. May mga bitbit siya at saka na ipinatong sa lamesa sa maliit na kusina. “Huwag kang maglalapit kay Uncle Dark Lee. Tama na ang tulong na naibigay niya sayo,” ani Erin at saka may inaabot sa akin na naka styro. Isang malaking burger. “Bakit naman?” usisa ko. “Tatay siya ni Light kaya hindi pwedeng hindi na siya makakasama sa pamilya namin lalo pa at malaki ang posibilidad na pati ang dinadala ngayon ni Auntie Alexis ay anak niya rin. Pero delikadong tao yan si Uncle Dark Lee. Isa siyang mafia boss na nanggaling sa kung saang lupalop. May mga underground business siya na siyang dahilan ng kanyang lalo pang pagyaman. Wala siyang awa sa pagpataw ng mga parusa at pagpatay ng mga kalaban na haharang sa kanyang daan. Kaya ngayon pa lang ay binabalaan na kita, Makoy. Huwag kang makikipaglapit kay Uncle Dark o kahit pa kay Uncle Agaton. Ganyan lang kung tingnan ang kanang kamay niya ngunit hindi siya magiging kanang kamay ng isang malupit na mafia boss kung hindi rin siya malupit na gaya nito.” Ang babala sa akin ni Erin. Hindi naman gagawa ng kwento so Erin para lang talagang iwasan ko ang grupo nina Sir Dark. “Bakit mo naman naisip na magiging malapit ako kay Sir Dark? Hindi ako bibigyang pansin ng isang makapangyarihan na tao, Erin. Kaya huwag kang mag-alala dahil hindi naman ako magiging tauhan ng isang nakakatakot na mafia boss lalo pa at ano naman ang maitutulong ng isang patpatin at gusgusin na gaya ko sa grupo nila,” ani ko naman. “Mabuti na ang balaan kita ng mas maaga, Makoy. Malay ko ba at baka naisin mong magtrabaho kay Uncle Dark. Sinasabi ko sayo, huwag mong bibigyan ng sama ng loob o rason para mag-alala si Mommy sa kaligtasan mo dahil ako mismo ang papatay sayo.” Nalunok ko tuloy ng hindi na nginunguya ang piraso ng burger na kinagat ko sa narinig na pagbabanta ni Erin. Kahit sa panaginip ay hindi ko na imagine ang sarili ko na mapapabilang sa gangster sa grupo pa kaya na pinamumunuan ng isang mafia boss? “Kamusta na ba ang mga sugat mo? Magaling ka bang talaga? Kung bakit naman kasi hindi ka na lang tumira kasama namin sa bahay. Araw-araw tuloy nag-alala sayo si Mommy. Pati si Auntie Alexis lagi kang tinatanong kung kamusta ka na at mga sugat mo. See, kung anong nangyari sa buhay ng tiyahin ko dahil nadikit siya sa isang mafia boss? Hindi siya malaya dahil maraming kalaban si Uncle Dark sa paligid at nadamay pa tuloy ang mag-ina niya. Hindi makaalis si Auntie ng bahay dahil may banta sa kanilang buhay. Lagi silang may mga bodyguard na laging nakasunod. Ayoko ng buhay na ganun. Aanhin ako ang yaman at kapangyarihan kung wala naman akong kalayaan?” pahayag pa ni Erin. “Napakatapang talaga siguro ni Sir Dark Lee para maging leader ng isang grupo ng mafia, ano? Sana ganun din ako katapang para maipagtanggol ko ang sarili ko,” wika ko. Hindi madali na magpatakbo ng isang malaking organisasyon na gumagawa ng mga labag sa batas. At lalong hindi madali ang hirangin bilang pinuno. Sigurado ako na napakatapang ni Sir Dark. Siya siguro ang tipo ng tao na kahit na puro tama na ng baril o hiwa na ng matatalas na bagay ay hindi umiinda ng sakit. Iyon kasi talaga ang wala ako. Ang katapangan na lumaban. Kaya ko naman sigurong lumaban ng pisikalan ngunit naduduwag ako at mas iniisip na mali talaga ang makipagbasag ulo. “Naku! Makoy, huwag mong hangaan o pangarapin ang maging kasing tapang ni Uncle Dark. Sinasabi ko sayo ako ang makakalaban mo.” Gusto ko na lang matawa sa mga sinasabi ni Erin. Ayaw niya sa mga gaya ni Sir Dark Lee gayong isa siya sa maalam kung paano dipensahan ang sarili. “Nakakahanga sa akin ang mga taong matatapang na kayang lumaban sa kanilang kaligtasan. Gaya mo. Ang galing mong dipensahan ang sarili mo sa kabila ng ikaw ay babae. Pangarap ko rin kasi na maipagtanggol ang kapwa ko laban sa masama.” Natawa si Erin. “So, gusto mong maging super hero? Hindi ba at natupad mo na? Isa kang superhero para kay Light. Ang isang superhero ay hindi kailangan na maging matapang na matapang para lang tawagi na matapang. Ang isang superhero ay gagawa at gagawa ng paraan para hindi makapanakit ng kapwa na gaya ng ginagawa mo. Kaya huwag mo ng pangarapin na maging kasing tapang ko lalo na ni Uncle Dark, Makoy. Nakamamatay ang trabaho ng tatay ni Light. Kaya ipagpatuloy mo na lang ang pagiging simpleng pamumuhay.” Malayo. Malayong-malayo na pangarapin kong maging gaya ni Sir Dark. Dahil iba siya at malayo talaga na maging katulad ng pagkatao ko ang pagkatao ng tatay ni Light
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD