“Makoy!”
Palabas na ako ng university na pinapasukan ko nga ng marinig ang boses ni Erin kasabay ng pagkita ko sa kanya na masaya pa akong kinakawayan sa kabilang kalsada.
Nagmamadali tuloy akong tumawid lalo pa at nakatingin ang halos karamihan na estudyante kay Erin.
Ibang-iba naman talaga ang suot niyang uniform at kilala na mayaman lamang ang nakaka afford mag-aral sa school na yon.
Ayoko na talaga siyang magpupunta pa rito dahil baka inaabangan siya bg mga grupo na mga estudyante na binugbog niya noong huli siyang nagpunta rito.
“Erin, hindi ba sabi ko sayo na huwag mo na akong puntahan pa rito. Baka makita ka ng mga lalaking binugbog mo dati,” mahina kong sabi at saka na siya simpleng tinakpan sabay lakas na kami.
“Makoy, palagay mo ba ay natatakot ako sa mga lalaking yon? Kahit ilang ulit pa nila akong abangan ay wala silang magagawa para patumbahin ako. Kaya huwag ka na ngang parang si Mommy na super nag-alalas akin. I’m strong, so don't worry.” Sagot naman ni Erin na talagang nagmamalaki pa na kaya niya pa rin ang mga lalaking yon
“Mabuti pala at narito ka? May problema ba sa bahay niyo?” usisa ko.
“Wala naman may gusto kasi akong panoorin na movie. Nakakatamad naman na manood mag-isa, hindi ba? Hindi naman mag-eenjoy si Mommy or si Auntie Abby kung sila ang yayain ko para samahan ako kaya ikaw ang naisip ko. Siguro naman hindi mo ako tatanggihan? Libre ko ang lahat pati foods. So, tara na?”
At saka pa umangkla sa braso ko si Erin kaya naman natigilan ako lalo pa at maraming mga mata ang nakamasid sa amin.
“Bakit tumigil ka, Makoy? Huwag mong sabihin na tatanggihan mo ako?” aniya pa ng mapansin na natigilan ako pero lumakad na kaing muli ng sabay.
Napakamot naman ako sa batok kahit wala naman talagang makati.
“Nahihiya kasi ako, Erin,” tapat kong sagot sa kanya.
“Why? Ako lang naman ang kasama mo and besides were friends naman talaga. And ayoko ng mahiyain na friend.”
Pakiramdam ko pulang-pula na ang mukha ko.
“Wait, Makoy, don't tell me na you have a girlfriend and natatakot ka na makita niya tayo?”
Napailing ako agad.
“Wala, Erin. At wala sa isip ko ang mga ganyang bagay.” Matatas kong sagot.
Tumaas ang isang kilay ni Erin ng marinig ako.
“Good answer and siguraduhin mo lang na kapag nagkaroon ka ng girlfriend ay mas maganda sa akin. Because you deserved someone better, Makoy. Gusto ko na makita ka balang-araw na nasa kang tao or babae. Isa ako sa magagalit at magtataray talaga kapag nalaman ko na may girlfriend ka na at hindi pasado sa babaeng inaasahan ko para sayo,” wika pa ni Erin habanh kami ay naglalakad patungo sa mall kung saan showing na ang movie na sinasabi niya.
Nakikinig na lang ako sa mga sinasabi niya.
Ang totoo ay marami naman talagang mga babae ang nagpapansin sa akin at ang iba ay talagang malakas ang loob na magtapat ng damdamin.
Pero magalang na lamang akong nagpapaliwanag na wala sa prayoridad ko ang magkaroon ng kasintahan.
“Huwag kang mag-alala, Erin. Sa ngayon ay wala pa sa isip ko ang magkaroon ng girlfriend. Pakiramdam ko kasi wala pa akong karapatan na manligaw lalo na ang magkaroon ng karelasyon sa ganitong estado ng buhay ko. Gusto ko kung sakali man na darating ang araw na magkakaroon na ako ng kasintahan ay iyong hindi na ako mahihiya pa na sabihin kung saan ako galing at kung anong naging buhay ko habang lumalaki ako.” Pahayag ko.
“Woah! Makoy, girlfriend lang ang pinag-uusapan natin bakit parang pag-aasawa na ang sinasabi mo. Nineteen years old ka pa lang naman. At saka, ano ba ang nakakahiya sa buhay mo o kung paano ka lumaki? Alam mo sobra akong proud sayo?”
Napalingon ako sa babaeng kasabay kong maglakad.
“Talaga ba?” tanong ko habang nakatingin sa pinakamagandang mukha na nakita ko.
Ngunit agad kong inalis ang mga mata ko sa mukha niya ng salubungin niya ang tingin ko.
“Oo naman, Makoy! Super proud ako sayo hindi mo lang halata. Noong una naiinis ako sayo kasi bakit sobra mong bait? Nakakainis ang mababait na tao para sa akin lalo na at hinahayaan nila na abusuhin sila ng mga nakapaligid sa kanila. Nauunawaan ko naman na sadyang mabuti ka lang na tao na gaya ni Mommy pero sana kahit isang araw naman sa buhay niyo ay matuto kayong lumaban,” aniya pa sa akin sa boses na tila naiinis.
“Hayaan mo at malay mo pagdating ng araw ay makita mo rin ako na kaya ko ng ipagtanggol ang sarili ko gaya mo.” Tugon ko na lang.
“Pero huwag mong hahayaan na maging masama kang tao, Makoy. Kasi baka kapag naging matapang ka na ay hindi na kita makilala pa.”
Nagpatuloy na lang kami na maglakad pa ni Erin hanggang sa makarating na nga kami sa mall.
“Bumili ka ng tickets natin habang ako ay bibili ng mga snacks,” sabay abot sa akin ni Erin ng isang libo pero hindi ko tinanggap.
“Huwag na, Erin. May pera naman ako kaya iyon na lang ang pambibili ko.”
“No, hindi ako makakapayag dahil alam ko naman kung gaano ka nagpapakapagod just to earn money. At saka libre ko nga, hindi ba? Kaya tanggapin mo na bago pa kita mabalian ng buto.”
Wala na nga akong magawa pa kung hindi ang kunin na lang ang pera dahil pilit inilagay ni Erin sa palad ko sabay takbo niya na sa mga food stall sa paligid.
“Girlfriend mo?” tanong ng babaeng nauuna sa akin sa pila. Tinatanong niya kung girlfriend ko si Erin.
Napakamot na naman ako sa aking batok at saka nahihiya na napangiti.
“Hindi po, Ma'am. Kaibigan ko lang po,” nahihiya kong sagot.
“Oh? Pero bagay kayo,” ani pa ng babae na palagay ko ay kaedad ng mommy ni Erin.
“Hindi po siguro, Ma'am. Anak mayaman po si Erin at kita niyo naman po na sobrang ganda niya,” saad ko pa.
Umiling naman ang babae.
“Mukha nga siyang anak mayaman but hindi naman siguro ibig sabihin ay hindi ka na bagay sa kanya. E di magsumikap ka. Malay mo balang-araw maging mas mayaman ka pa sa pamilya niya, hindi ba?”
Napangiti na lang ako at saka na sumunod na nagbayad ng tickets para sa aming dalawa ni Erin.
“Akala ko naman maganda ang movie na to, hindi naman pala. Super excited pa naman akong mapanood ang action but hindi naabot ang expectation ko,” komento ni Erin habang nakatingin sa malaking monitor na nasa harap namin.
Hindi naman ito ang unang beses ko na makanood ng sine dahil kapag may nagustuhan din kaming movie ni Onex ay sabay din kami na nanunuod. Pero ngayon ang unang beses na pumasok ako ng sinehan na babae ang kasama ko.
Hindi ko nga maintindihan ang pinapanood namin dahil ang totoo wala akong hilig sa marvel movies.
Napagtiyagaan naman namin ang manood hanggang sa matapos ang palabas.
“Makoy, samahan mo pa pala akong tumingin ng mga naka sales.”
Akala ko pa naman ay uuwi na kami ngunit may nais pa palang gawin si Erin.
“Yes, Mommy! I'm with Makoy. Hindi naman po ako sasama sa ibang friends na lalaki dahil I know na kay Makoy ka lang tiwala at panatag.”
Hinarap pa sa mukha ko ni Erin ang screen ng kanyang cellphone para ipakita kay Tita April na magkasama talaga kaming dalawa.
“Makoy, huwag masyadong magpagabi sa daan at may pasok pa kayo bukas.” Bilin ni Tita April na kasama si Lyndsay.
“Opo, Tita. Ihahatid ko po si Erin sa bahay.” Sagot ko na lang.
“Bye Mommy, bye Lyndsay. May pasalubong ako sayo mamaya pag-uwi ko.” At pinatay na ni Erin ang tawag.
Kung saan-saan kami nagpunta ni Erin. May sa department store at talagang hindi nga naman pwedeng hindi lingunin ang babaeng kasama ko dahil angat naman talaga siya sa lahat.
Naiinis lang ako dahil may mga lalaki na kung makatingin ba ay akala mo nakahubad ang pinagmamasdan nila.
Kung kanina ay naiilang akong dumikit kay Erin, ngayon ay hindi ako humihiwalay sa kanya para iparating sa mga lalaking nakatingin sa kanya na bawal siyang tingnan.
“I think na bagay sayo ang damit na ito, Makoy? Isukat mo na sa fitting room,” utos ni Erin at saka inaabot sa akin ang isang branded polo shirt ba kulay puti.
Alam kong mamahalin ang isang piraso lang ng damit sa brand na hawak niya kaya wala talaga akong plano na sundin ang utos niya.
“Why? Hindi mo ba nagustuhan or gusto mo ng ibang color?” untag niya pa.
“Erin, maganda naman ang damit pati kulay pero hindi bagay sa akin ang mga ganyang klase ng damit. Baka mangati ako,” pagbibiro ko.
Nagtataka naman akong tiningnan ni Erin na malamang na hindi ako naiintindihan lalo pa at baka hindi niya alam ang presyo ng damit sa mall kumpara sa palengke.
“What? Bakit ka naman mangangati? May allergy ka ba sa tela?” inosente niya pa rin na tanong.
Kaya naman napakamot na naman ako sa aking batok.
“Erin, ang ibig kong sabihin ay wala akong pambili. Sigurado ako na mamahalin ang damit na yan. Sa palengke lang talaga ako namimili ng mga damit ko dahil nakakatawad pa ako.” Paliwanag ko pa.
Tiningnan niya ako ng masama sabay lapit sa katawan ko ng damit na kanyang pinasusukat.
“May sinabi ba ako na bayaran mo? Wala naman hindi ba?” ani Erin at saka pa sinipat kung kasya ko ba ang damit.
Wala na naman akong nagawa ng bayaran niya na nga ang damit na nagkakahalaga lang naman ng limang libo.
Binilang ko na lang sa isip ko kung magkano ba ang naitatabi kong pera para ibalik sa kanya ang ibinayad niya.
Ilang paper bags ang kusa ko ng binitbit dahil hindi naman maganda na ke lalaki kong tao ay babae ang nagbubuhat.
“Sure ka? Ikaw na ang magbibitbit ng lahat?”
Tumango ako.
“Oo kaya ko na itong lahat. Trabaho ko sa palengke ang pagiging kargador kaya sanay na sanay na ako.” Pagmamalaki ko pa. At saka napakagaan naman ng laman ng mga paper bags kumpara sa sako ng bigas, karton ng mga delata o bote ng mga condiments at softdrinks.
“Bukod sa mabait ka na ay napakasipag mo pa. Sana man lang kapag naging professional ka na ay ganyan ka pa rin. Down to earth at huwag lalaki ang ulo, magiging arogante at mayabang gaya ng iba.”
Ngumiti na lang ako at saka na kami nagpatuloy na maglakad-lakad ni Erin na hindi yata nauubusang ng energy.
“Pag-aari ni Daddy ang mall na ito.” Maya-maya ay sambit niya habang tumitingin-tingin sa paligid.
“Talaga? Ang yaman niyo pala talaga.” Paghanga ko dahil napakalaki ng mall na ito na may apat na tatlong palapag at napakaluwag.
“Si Daddy lang ang mayaman, Makoy. Kaya siya lang ang nagmamay-ari nito at hindi kami kasama ni Mommy. Pero may nakapagsabi sa akin na nagbenta na raw nga ng mga properties si Dad at hindi ko alam kung kasama ito sa mga binenta niya ng umalis na kami ni Mommy sa puder niya. You know, God knows how I love my Dad but mas kailangan ako ni Mommy. Lahat ng meron si Daddy lagi niyang sinasabi na lahat ay nakalaan sa akin. Lahat ng yaman, luho at karangyaan kaya niyang ibigay pero ano naman nag gagawin ko sa lahat ng mga yon? Simple lang ang gusto ko pero bakit ang hirap para kay Daddy na gawin o ibigay? Gusto ko lang na mahalin niya si Mommy ng gaya ng kung paano niya ako mahalin. Kung hindi niya naman kaya na mahalin ay huwag niya na lang saktan. Iyon lang, Makoy. Ganun lang ka simple ang pangarap.” Malungkot na salaysay ni Erin na ramdam ko ang lungkot sa kanyang pananalita.
Sadyang may kanya-kanya lang talagang dinadalang problema ang bawat tao sa mundo.
Aakalain ba ng iba na ang gaya ni Erin na nag-iisang anak at tagapagmana ng isang bilyonaryo ay nabubuhay ng ganito kalungkot?
Nasa kanya na ang lahat pero may kulang pala.
“Palagay ko naman ay nagbago na ang Daddy mo, Erin. Kaya niya siguro ibinenta at nilagay na sa pangalan mo ang lahat ng meron siya dahil napagtanto niya na ang kanyang kamalian. Bigyan mo na lang siya ng chance na ipakita na nagbago na siya.” Payo ko dahil sa sitwasyon ng Uncle Eduard ay mukhang may mga bagay siyang pinakawalan para ipakita ang kanyang pagsisisi sa nagawang kasalanan kay Tita April.
“Sana nga nagbago na si Daddy. Sana pagsisihan niya ang lahat ng mga kasalanan niya kay Mommy lalo na ang ng mawala ang kapatid ko. Pangarap ko yon. Iyong magkaroon ng kapatid kahit isa lang. Ang lungkot kaya ng mag-isa lang na anak tapos ang laki-laki ng bahay.”
Patuloy lang akong nakikinig kay Erin. Hinahayaan ko lang siya na magsabi ng kanyang mga saloobin.
Baka may problema siya o kaya makungkot lang talaga siya dahil sa nangyari sa pamilya niya.
“Kapag nga nanunuod ako sa tv or sa social media ng mga pamilya na magkakasama kahit maliit lang bahay nila at iyong mga kinakain nila like ulam ay hindi ko naman kilala ay sobra akong naiinggit. Sila kailangan magbilad sa araw ng tatay nila or makipaglabada ng nanay nila para may pagkain pero bakit masaya sila? Samantalang ako malungkot kahit kumpleto naman ang parents ko.”
Malungkot nga talaga siguro ang maging mayaman pero mas malungkot yata ang mahirap ka na, wala ka pang pamilya katulad ko.
“Mahirap din ako, Erin. Mahirap na nga tapos wala pa akong nanay o tatay. Nakakainggit naman talaga ang iba pero iniisip ko na lang na mas mabuti na sila ang sinwerte at ako ang minalas. Baka kasi hindi nila kayanin ang buhay na meron ako. Atlis ako, alam kong kaya ko. Tungkol naman sa Daddy mo gaya ng sabi ko ay bigyan mo siya ng chance na ipakita na nagbago na siya. Nakikita ko naman na hanggang ngayon ay mahal siya ng mommy mo.” Paliwanag ko pa sa anak mayaman pero malungkot ang buhay.
“Ewan ko ba kay Mommy. Akala ko ako lang ang nakakapansin na mahal niya pa rin si Daddy sa kabila ng lahat ng mga nangyari. Siguro nga dahil asawa at asawa niya pa rin at tatay ko nga. Kaya nga nagagalit ako ng sobra. Napakabait ng mommy ko para maranasan niya lahat ng mga sakit dahil kay Daddy. Bigla tuloy akong nagutom. Saan mo ba gustong kumain, Makoy? Huwag sana sa mahaba ang pila at nagugutom na ako.”
Nagpalinga-linga ako sa paligid para makahanap ng fast food na konti lang ang mga tao sa loob.
Itinuro ko ang isang fast food ba malapit lang naman sa amin. Ngunit napansin kong pawang mga magpapartner ang narito sa loob.
“Makoy, tayo lang yata ang naiiba sa mga kumakain dito.”
Kunot-noo akong nag-isip sa kung anong ibig sabihin ni Erin.
“Sabagay para na rin tayong nag date ngayong araw, Makoy.”
Muntik akong masamid sa sinabi ni Erin na para na rin kaming nagdate.
“Ako nga lang ang nagyaya sayo at gumastos.” Sabay mahinhin pa na tawa pa ng pinakamagandang babae na nakilala ko.
“Kaya kapag mayaman ka na. Kailangan mo akong i-date sa pinakamagandang lugar at ikaw ang lahat ang gagastos, Makoy.”
Napangiti na lang ako dahil hindi ko man matupad ang lahat ng mga pangarap ko atlis may isang taong naniniwala sa kakayahan ko.