Salubong ang dalawa kong kilay habang pinagmamasdan si Makoy na kasalukuyang ginagamot ng isang babaeng nurse ang kanyang mukha na malakas na nasuntok ng lalaking nakaalitan ko sa daan kanina. Hindi ko maintindihan kung sinasadya lang ba ng nurse na bagalan ang kilos para magtagal para matitigan si Makoy o sadyang makupad lang siya gaya ng pagong. Halata na kinikilig ang babaeng nurse na waring ngayon lang yata nakakita ng lalaki. Anong meron sa mukha ni Makoy? Oo at mas tumangkad siya at lumaki ang katawan kung para dati na pwede siyang tangayin ng malakas na hangin sa sobrang payat ngunit ganun pa rin naman si Makoy. Saan kaya nanggaling ang lalaking ito at matapos ang ilang taon ay nagpakita na ulit? “Excuse me, nurse, hindi pa rin ba tapos ang paggamot mo sa lalaking yan?” masung