Wala pa rin talaga siyang pinagbago tulad pa rin siya ng dati na hiyang-hiya kapag may kasamang ibang tao. “Saan ka nga ba nagwo-work ngayon, Makoy?” tanong ni Mommy sa kanyang anak-anakan na itinakwil naman siya at pinagpalit sa kakilala niya lamang. “I'm sure na tauhan siya ni Uncle Dark. Baka isa siyang dakilang utusan sa kung saan kumpanya na pag-aari ng asawa ni Auntie Alexis.” Pagsabat ko sa usapan. “Erin, anak. Si Makoy ang tinatanong ko at hindi naman ikaw, hindi ba?” malumanay na saway ni Mommy. Natirik ko na lang ang aking nga mata at saka na nagpatuloy sa pagkain ng hapunan. Nagdiretso na lang kaming lahat sa malapit na restaurant dahil hindi nga raw nakapagluto si Mommy ng malaman ang nangyari sa amin ni Makoy. “Tama naman po si Erin, Tita. Doon nga po ako nagta-trabaho.”