Episode 24 Erin POV

1656 Words

Hindi na talaga mawala-wala ang malalang problema ng bansa na na ito. Kalahating oras na akong nasa kahabaan ng national highway na ito pero usad pagong pa rin ang daloy ng trapiko. Gutom na ako at gusto ko ng magpahinga sa maghapong office work pero sa halip na nakahiga na ako sa malambot kong kama ay heto ako at inip ng inip na sa paghihintay na umusad na ang lahat ng mga sasakyan sa harapan ng sasakyan ko. Kung alam ko lang na ganito kabigat ang trapiko ngayong oras ay naglakad na lang sana ako pauwi at baka sakaling malapit na ako sa bahay namin. Umandar ang sasakyan sa harap ko kaya naman umusad na rin ako ngunit bahagya pa lang akong nakakausad ng umatras pabalik ang sasakyan sa harap ko na dahilan ng pagtama niya sa harap ng sasakyan ko. Kapag minamalas ka naman talaga. Inaali

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD