Chapter 4: I Will Break You, Helena! (Wawasakin Kita, Helena!)

2740 Words
"I am concerned for the security of our great Nation; not so much because of any threat from without, but because of the insidious forces working from within."   -Douglas MacArthur   "According to the video you sent me, a man named Victor Torres is Subject 1," wika ni Helena. Sa pagkakataong iyon ay kausap niyang muli si General Vash Linford. Makikita ang mukha niya sa isang malaking hologram screen sa mataas na parte ng pader sa techno hub ng Malakanyang. Kausap siya ni Helena habang nakaupo sa isang office chair. Halata na sa kanyang mga mata ang matinding pagod at puyat ngunit mas pinili niyang maging gising upang matutukan ang mga pangyayari sa buong bansa. Ano mang oras ay maaaring umatake muli ang isa sa apat na organisasyon na naghahanap ng MCM program. "Yes he is. Edward Vitore was just an employee of MEMO Corp. I don't think he is related to Subject 1. How did you come up with such theory that Edward Vitore is Subject 1?" tanong naman ng babaeng heneral. Sa pagkakataong iyon ay nakalugay ang mahabang buhok niya at nakasuot na lamang ng long sleeves na kulay asul. "The record on Johan's file system, it says that he passed the program to Subject 1 two years ago. At five o’clock yesterday, Edward Vitore appeared. Our surveillance video showed that he was looking at his watch by five o’clock in the afternoon, then he just smiled like something is going to happen. Then you said that the system of the UN, USSR and European Union detected the program here in the Philippines. Therefore, he is Subject 1. He Brought the Memory Control Maneuver Program here. He activated the tracking signal but he can never use that program because Johan is the only one who can use it," paliwanag naman ng dalaga. "True. But we can never say that Victor Torres is Edward Vitore. We didn't confirm you of that information. Edward was just a regular employee, our holder of information and programs. If he is Subject 1, why would he want that program? Why did Johan give that program to him?" tanong rin ng heneral. Tila naguguluhan siya sa totoong katauhan ng binatang nagbabala kay Helena. "Th-This is getting out of hand." Napahawak na lamang sa kanyang noo ang dalaga. Napapapikit din siya at tila muling naguguluhan sa mga nangyayari. "You should take a rest, Helena. Don't think of this matter too hard," sagot naman ng heneral. "How can I rest when my country's safety and security is at stake?!" bulyaw naman ng dalaga. "You need rest so you can think; this problem cannot be solved if you’re too mad. Your concentration is being shaken and your actions are too futile," muling tugon ng heneral na sa pagkakataong iyon ay tila pinapagalitan na si Helena. Napabuntonghininga naman ang dalaga at muling hinilot ang kanyang noo. "Maybe your'e right. I think I need to rest," sagot naman ng dalaga. "More results will come by morning. If your theory is right, that Victor Torres and Edward Vitore is just one, it will come. Be patient. My forces are ready to take over if something happens. All you have to do is to rest," tugon ng heneral. Namatay naman ang hologram screen na iyon at tumayo na si Helena. Sa tabi naman niya ay nakatayo si Maria. Inalalayan niya ang dalaga habang naglalakad. Kitang-kita na ang sobrang pagod sa paglalakad ng dalaga. ******   "Ang lahat ay ayon sa plano. Magaling! Magaling! Haha! Ilang oras na lang ay makikita na natin ang buong siyudad na ito na nagliliyab at nasisira nang paunti-unti," wika ng isang lalaking nakasalamin. Nakatayo siya sa isang mataas na balkonahe ng isang lumang gusali habang pinagmamasdan ang makukulay na ilaw sa ‘di kalayuan. Kitang-kita dito ang siyudad ng Maynila at ang iba pang karatig- siyudad. "Sir Vitore, nagsimula na po ang countdown," wika ng isang lalaking nakatakip ang bibig at tila nakauniporme ng pangsundalo na itim at pula. Napasimangot naman ang binata habang dahan-dahang humaharap sa lalaking dumating. "Ano ba ang sabi ko sa ‘yo?!" tanong ni Edward Vitore. "S-Sir..." Tila nanginig naman ang boses ng lalaking iyon habang dahan-dahang lumalapit sa kanya ang binata. Nakasimangot siya at nanlalaki ang mga matang nakatitig sa kanya. "'Di ba sabi ko sa iyo ayokong ikaw ang kumakausap sa 'kin!" bulyaw ng binata. "Sir, p-pasensiya na po," wika naman ng lalaking nakatakip ang bibig. "Sa lahat ng ayoko ay ang kakausap sa akin na walang memory gene. 'Di ba ‘yon ang sabi ko sa inyo?!" Hinimas na niya ang kanyang batok maging ang kanyang memory gene. "Ayokong paratangan ka na sinungaling pero kung pwede lang..." mahinahon niyang dugtong ngunit nanlilisik pa rin ang kanyang mga mata sa kausap. "Kung pwede lang umalis ka na sa harapan ko!" bulyaw ulit ng binata. Agad namang umalis ang lalaking iyon at kumaripas ng lakad patungo sa magulong parte ng palapag. Naapakan pa niya ang ilang bubog sa sahig na agad namang umalingawngaw sa abandonadong gusaling iyon. Muling napakapit sa kanyang memory gene si Edward Vitore. Tila sumasakit ang ulo niya ngunit dahan-dahan siyang tumawa na parang nababaliw. "Konting panahon na lang, alam ko nandito ka na. Lalabas ka rin at kapag nangyari iyon ay dudurugin kita! Hahaha," wika ng binata sa sarili. Muli siyang tumingin sa lumang balkonahe. Kakaibang liwanag ang maaaninag sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang makulay na siyudad. "A-anong nangyari 'don?" tanong ng isang lalaking nakauniporme din ng halong pula at itim. Kausap niya ang lalaking may takip sa bibig. Pinagpapawisan siya at tila naghahabol ng hinga. "S-Sabi ko sa 'yo ikaw na lang eh. Ano bang problema niya? Bakit parang nasisiraan siya ng bait?" tanong ng lalaking iyon sa kausap. "Wala kang memory gene. Hindi niya malaman kung nagsisinungaling ka o hindi," isang boses naman ang agad na sumabat sa kanilang pag-uusap. Napalingon sila maging ang ilang sundalong nagta-type sa kanilang mga hologram computer sa isang babaeng kulay dilaw ang buhok. Kung titingnan ay may dugo siyang banyaga. Nakasuot siya ng itim na tights at dilaw na sando na pinapatungan lamang ng itim na jacket. Nakatali ang kanyang mahabang buhok sa likod ng kanyang ulo upang takpan ang kanyang silver na memory gene. "S-Subject 2, Ms. Layla. K-kailan pa po kayo nakarating?" tanong ng isang sundalo. "Kanina lang. Nasaan siya?" tanong ng babae. "Nasa balkonahe po siya," sagot naman ng isa pa. "Nasanay siya na may memory gene ang kausap niya dahil nababasa niya ang iniisip ng mga ito. Kung wala naman ay lalo lang siyang maiinis at iisiping sinungaling ang kausap niya. Intindihin niyo na lang. Hirap na siyang magtiwala kahit kanino," wika naman ni Layla Voskonovic, ang pangalawang eksperimento ng MEMO. Halos kararating lamang niya sa bansa at marahil ay kasama rin siya sa grupo ni Edward. "Opo, Ms. Layla," sagot naman ng mga ito. "Kumusta ang system? Nade-detect pa ba ng lahat ang program?" tanong niya sa mga sundalong nakaupo at patuloy na nagpipipindot sa kanilang mga hologram computer. "Nagsimula na po ang countdown ng The Blood of One. Nagsimula na rin po ang pag-atake kaninag alas-otso. Nagpakawala sila ng rocket sa dadaanan ng convoy ng Subject 7," wika naman ng isang sundalo. Agad namang lumapit ang dalaga sa kinauupuan nito at pinanood ang pangyayari. Makikita sa hologram screen ang pagharang sa convoy ng isang pulang hover car. Nakunan din mula sa CCTV footage na iyon ang pagsipa ng dalaga sa pintuan ng sasakyan at ang paglundag niya palabas bago pa man ito sumabog. "Nagsimula na pala ang pag-atake. Ang lahat ng impormasyon tungkol sa kotseng humarang sa convoy, kunin niyo," utos ng babae sa mga sundalo. Agad din siyang naglakad palayo sa hologram computer. "Mahahanap na natin ang The Blood of One. Konting tiis na lang."   Naglakad siya patungo sa balkonahe kung saan naroroon si Edward. "Layla?" tanong ni Edward habang papalapit ang dalaga. Nabasa kaagad niya ang iniisip ng papalapit kahit na nakatalikod siya sa kanya. Ngumiti naman ang binata at patuloy na tumitig sa malayo. Sa pagkakataong iyon tila naging maaliwalas na ang kanyang mukha. Wala nang bahid ng galit o ang pagkairita. "'Wag ka nang mag-alala, nandito na ako. Pasensiya na kung nahuli ako ng dating," mahinahong sagot ng dalaga. "Malaman ko lang ang iniisip at nararamdaman mo Layla, nagiging panatag na ako. Salamat." Patuloy pa ring nakatitig si Edward sa labas ng balkonaheng iyon. Napangiti naman si Layla at napakapit sa kanyang magkabilang bisig. *****   "Helena, gising..." Nakalutang si Helena sa isang madilim na tila tangke ng tubig. Wala siyang saplot at sa pagkakataong iyon ay ibinukas niya ang kanyang mga mata. Sa labas ng tangke ng tubig na iyon ay nakatingin sa kanya ang binatang kanyang minahal, si Johan Klein. Hawak niya ang tangke ng tubig at tila may bakas ng pag-aalala habang paulit-ulit na sinasabi ang mga katagang: "Helena! Gising!" "G-gising na ako..." usal ng dalaga kahit na nakatakip sa kanyang bibig ang tubo ng oxygen. "Hindi ka pa gising! Tumayo ka. May nangyayari sa labas!" wika ni Johan. Binuksan naman ni Helena ang kanyang mga mata. Nakita niya ang kanyang sarili na nakahiga sa isang magarang kwartong napapalibutan ng mga mamahaling muwebles.   "Ayan, gising na siya," wika ni Maria. Nakaupo siya sa kanyang tabi at may halong pag-aalala sa kanyang mukha. "Pasensiya na kung ginising ka namin kaagad pero kailangan mong mapanood ito," wika ni Albert habang inaabot ang isang remote control na nakapatong sa mesang katabi ng higaan ni Helena. Agad niya itong pinindot at bumukas naman ang hologram TV na nakapatong sa isa pang mesa sa dulo ng kwarto. "Sa pagitan ng oras na alas-siyete at alas-otso ng umaga ay sinasabing nagsisakayan ang mga prototype na ito sa tren na may kasamang bomba sa loob ng kanilang mga katawan. Sinasabing ang mga prototype ay nanggaling mismo sa organisasyon na nagngangalang The Blood of One. Sila rin ang responsable umano sa pagsabog ng sinasakyan ng Vice President na si Helena Cera..." Makikita sa video ang surveilance footage ng mga prototype mula sa isang terminal ng NMRT. Mayroon ding CCTV footage na ipinapakita kung saan nakasakay ang mangilan-ngilang prototype sa iba't ibang bahagi ng buong tren. Nakatigil ang mga ito at makikita sa kanilang pisngi ang pulang mga numero na animo’y countdown ng pagsabog ng mga bombang nasa loob ng kanilang mga katawan. Ang mga sibilyan naman ay takot na takot na lumalayo sa mga ito. Ang iba ay sinusubukang basagin ang salamin na pader ng tren ngunit hindi nila ito mabasag. Umaandar pa rin ang tren na iyon at isang prototype ang nagmamaneho nito. Makikita sa kanyang tabi ang isang lalaking walang malay. Nakalagay din ang pulang countdown sa pisngi ng prototype. Nanlaki ang mga mata ni Helena dahil sa napanood. Agad siyang napabalikwas at napaupo mula sa kanyang higaan. Agad din niyang hinawi ang kanyang itim na buhok na humahaba na hanggang sa kanyang likod. "A-Anong oras na?!" tanong ng dalaga. "8:10 na ng umaga. Kailangan na nating kumilos kundi mapapahamak ang lahat ng taong ‘yan!" wika naman ni Albert. Lumabas ng kwartong iyon si Helena habang suot ang isang jacket na ipinatong lamang sa kanyang pantulog. Agad silang nagtungo sa techno hub ng Malakanyang kasabay ang ilan pang mga sundalo ng New Order. Lahat sila ay tensyonado at may bahid ng pag-aalala. Aligaga ang lahat nang makarating sila sa techno hub ng Malakanyang. Lahat ay nagmamadali at tila takot na takot habang sa lahat naman ng hologram screen ng malaking kwartong iyon ay makikita ang iba't ibang balita tungkol sa paghostage ng mga prototype ng The Blood of One sa mga sakay ng tren. "Saan papunta ang treng iyan?!" tanong ni Helena. "M-Madam sa Batangas po. Sa ngayon ay nasa Quezon City na ang tren." Pinagpapawisan naman nang malamig ang lalaking sumagot habang pinupulot ang mga tablet na kanyang dala. "Anong ginagawa niyo?! Magpadala kayo ng pwersa sa titigilan ng tren ngayon na!" bulyaw ni Helena. "Helena, nagbanta ang organisasyon. Pasasabugin agad nila ang mga bombang dala ng mga prototype kapag na-detect nila na may militar sa paligid sa layong tatlumpung metro," sagot naman ni Maria. "A-Ano?! Pero ang sabi niyo sasabog ang bombang ‘yan kapag naabot na nila ang Batangas?!" wika ni Helena. Napayuko na lamang ang ilang staff ng techno hub at maging si Maria ay napayuko rin. Napaiwas na lamang ng tingin si Albert sa kausap. "Sumagot kayo?! Anong paraan ang gagawin natin para iligtas ang mga taong 'yan?!" "You want to know how to save these people? Vicky?" Isang boses ang lumitaw mula sa system ng techno hub. Nag-iba ng imahe ang main hologram screen. Malabo at tila napuputol ang video na lumabas mula dito. Isang anino ng lalaki ang makikita. Madilim ang lugar kung saan ito nakapuwesto ngunit makikita dito ang kanyang suot na puting polo. Sunod na namatay ang iba pang mga hologram screen at napalitan din ng naturang video call. "W-Who are you? How did you know my real name?" tanong naman ni Helena. Napatitig na lamang ang buong staff ng techno hub sa main screen, maski ang kanilang mga computer ay na-hack na rin at pinapakita lamang ang video call ng hindi kilalang lalaking iyon. "It's not important anymore, Vicky. You’re useless to me. I need the program. That is all I want. Bring me the program or these people will die, it's either you bring your forces or we end up at the last station of this train. All of them will die, unless you bring me the MCM program," wika ng lalaki. "Why are you searching for that program from me? I don't have it!" galit na sagot naman ni Helena. "I was wrong, Vicky. I thought that you will bring peace to this world. Yet, you gave that opportunity to someone else. A project of MEMO replaced you as the ruler. I don't need you anymore. I just need the program," tugon ng lalaki. Tila naguguluhan naman si Helena sa kanyang sinabi. "What are you talking about? Who are you?" tanong naman muli ng dalaga. "All of them will die then. You have one hour to send me the program. We will leave the Philippines once I have that," sagot muli ng lalaki. "And what? You will control the whole world through the remaining users of the memory gene? It will never be possible because Johan is the only one who can use it." "Really? Send me the program then. I will prove to you what it can do." Namatay ang mga hologram screen matapos ang mensaheng iyon. Ilang segundo lang ay muli itong bumalik sa normal na estado. "Wala sa atin ang program na iyon. ‘Yon ang problema namin,Helena. Kaya walang ibang paraan para iligtas sila," sagot naman ni Albert. "Imposible. May iba pang paraan." Umalis si Helena at lumabas ng kwartong iyon. Naiwan naman ang staff ng techno hub na tuliro, maging ang ilang mga sundalo ay hindi rin maipinta ang mukha. ******   "Nakuha ko na kung saan nanggaling ang signal," wika ni Layla Voskonovic. Nakaharap siya sa isang hologram computer. Nakakonekta ang system nito sa system ng Malakanyang at hinintay mag-100% ang pagtrack nito sa video call na ginawa ng leader ng The Blood of One.   "Magaling, Layla. Gaya ng inaasahan, hindi ako nagkamali sa kakayahan mo bilang Subject 2 ng MEMO," wika ni Edward habang naglalakad nang mabagal sa likuran ng dalaga. "Alam ko, kaya nga nagustuhan mo ako, 'di ba?" Napatitig na lamang ang dalaga sa kanya at napangiti. "Dahil iyon din ang nararamdaman mo, hindi ba? Hindi ka makakapagsinungaling sa akin, Layla," sagot naman ng binata. Ngumiti din siya at muling naglakad sa maruming sahig ng abandonadong gusaling iyon. Bahagya siyang umapak sa sahig kung saan nasisinagan ito ng araw at makikita ang mga alikabok na lumilipad sa liwanag nito. "Babawiin ko na ang program sa system ng Malakanyang. Papatayin ko na rin ang signal. Ano ang gusto mong gawin ko sa program?" tanong ni Layla sa binata. "Siguradong may gagawin ang Subject 7 para iligtas ang mga taong 'yan. Kung sakali mang hindi niya kayanin, ibigay mo ang program sa pinuno ng The Blood of One kapag malapit na ang tren sa Batangas. Gusto kong makakita ng mga pagsabog. Hindi ko pipigilan ang gagawin niya." Napangiti nang masama ang binata habang nakatitig sa mga alikabok na lumilipad sa hangin. Napapangisi rin siya habang nag-iisip at tila natutuwa pa sa peligrong magaganap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD