CHAPTER 4 – PILAK

1478 Words
Nakaupo ako sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ang natutulog na si Euphemia. Dalawang linggo na kaming nagtatago sa mga kawal ng Carapace. Pinili namin na manatili pansamantala sa Domen dahil ito ang pinakamalaking bahagi ng Arachnida. “Clovis…” Napabuntong-hininga ako matapos banggitin ni Euphy ang pangalan ng anak nila ni Ashmir. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa katawan ni Ashmir. Hindi ako sanay ng may humahabol sa akin. Gusto ko man tapusin kaagad ang buhay ng mga kalaban ko ay hindi maaari. Ayon sa mga impormasyon na aking nakalap, si Ashmir ang pinakamahina na naging hari ng Arachnida. Bago ko ipakilala sa kanila si William, dapat ay alamin ko muna kung sino sa kanila ang mga dapat kong pagkatiwalaan. Hinawakan ko ang dulong bahagi ng pilak niyang buhok. Kumikinang ang mga hiblo niyon sa ilalim ng liwanag ng buwan. Kinailangan kong isama si Euphemia sa pagtakas dahil siya ang magiging susi ko para makuha ang proteksyon ng Optic. Itatapon ko rin ito kapag dumating ang panahon na hindi ko na siya mapapakinabangan. Hindi ko na pabigat at panggulo sa mga plano ko. Dumating ang umaga at umalis na kami sa kubo habang suot ang mga balabal upang maitago ang pagkakakilanlan namin. Yumuko ako ng kaunti habang naglalakad dahil mahirap magtago sa katauhan ni Ashmir. His height and built is unusual. Napansin ko ang pagtigil ni Euphemia at paglingon ko ay nakita siya sa isang tindahan. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang kanyang kamay at hinila ito ngunit hindi siya nagpatinag. “Euphemia.” “Ang… ang kalasag na iyon.” Tiningnan ko ang itinuturo niya. “Ang mga mineral na nakadikit doon ay matatagpuan lang sa mga kuweba ng Optic.” Kumunot ang aking noo nang tumulo ang masaganang luha sa kanyang mga mata. “Clovis. Si Clovis lang ang may ganyang kalasag.” “Paano mo—” Napahinto ako sa pagsasalita nang tingnan niya ako ng matalim. “Dahil ako ang nagbigay sa kanya niyan. Hindi mo alam dahil hindi ka naman nagpupunta sa kaarawan niya.” Nagbuntong-hininga ako. Tinangka kong punasan ang luha sa kanyang pisngi ngunit umiwas ito. Kumikinang ang mga asul niyang mata dahil sa luha. “Naiintindihan ko kung bakit ka nagagalit sa akin, Euphy.” “Babawiin ko ang kalasag na iyon.” Hinila ko ito papunta sa tagong eskinita upang doon kausapin. Pilit niya aking tinutulak ngunit idiniin ko siya sa pader. Napasinghap siya at namula ang pisngi. “Ashmir, ano ba ang—” “Euphemia, alam mo ang kasalukuyang sitwasyon natin. Naiintindihan mo ba ang mangyayari kapag may nakakilala sa atin?” “Kalasag iyon ni Clovis. Hindi ko alam kung paano napunta iyon sa kanila pero dapat ay makuha ko iyon.” “Euphemia—” “Hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko dahil hindi mo naman mahal ang anak natin!” Napapikit ako dahil hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kirot sa aking puso nang marinig ang paratang na iyon. “Kung mababawi ko iyon, ipangako mo sa akin na susundin mo ang lahat ng utos ko.” “Sa loob ng tatlong araw.” It’s better to have something than nothing. “Huwag kang aalis dito.” Pagkatapos kong sabihin iyon ay iniwan ko na siya. Pumasok ako sa likod na pintuan ng tindahan habang pilit na tinatago ang katauhan. Habang nakatalikod ang tindero ay hinampas ko ang batok nito at mabilis na inupo ang walang-malay niyang katawan sa isang upuan— kunwari ay natutulog ito. Mabilis at kalkulado ang naging kilos ko upang walang makakita sa aking ginawa. Pagkatapos kong kuhanin at ilagay sa likod ko ang kalasag ay lumabas na ako. Pagbalik ko ay nakita ko na may dalawang kalalakihan na nakapalibot kay Euphemia. Nawala ang pagiging kalamado ko nang mapansin na hawak ng isa ang kamay at ang isa ay hawak ang ilang hibla ng buhok ng asawa ko. Nahalata ko ang takot at pagiging alerto ni Euphemia habang pinipilit nito na itago ang katauhan. Malalaki ang aking hakbang na lumapit sa kanila. Hinawakan ko ang ulo ng dalawa at mariing inuntog sa matigas na pader. Narinig ko ang malakas na pagsinghap ni Euphemia. Napadausdos ang dalawa sa kalsada habang hawak ang duguang ulo nila. Tinago ko sa aking likuran si Euphemia. Mabilis nakabawi ang isa habang ang kasama niya ay wala pa ring malay. “Hangal! Sino ka para gawin sa amin ito?! Hindi mo ba kami—” Hindi na siya nakaimik nang matalim ko itong tiningnan. “Nagbabagang mga mata…” Bulong nito. “Ikaw ang—” Bago pa man niya madugtungan ang sasabihin ay tinadyakan ko na ito sa sikmura ng araming beses at puno ng panggigigil hanggang sa sumuka ito ng dugo. “Ash! Tama na! Tama na!” Hinila ako ni Euphemia— palayo sa mga tao na iyon. Ngayon nalang ako ulit nakasakit ng tao at ibang-iba ang pakiramdam na iyon. Tumigil kami sa pagtakbo ni Euphemia ngunit hindi pa rin nawawala ang ngiti sa aking labi. “Ashmir, hindi ako makapaniwala na nagawa mo iyon.” “Huh?” Litong-lito ang ekspresyon nito habang nakatingin sa akin. “Takot ka sa dugo. Takot ka na masaktan.” Ano?! Napakarami namang kinatatakutan ng hari na ito! “Kinalimutan ko na ang mga iyon,” palusot ko at nababaka-sakaling matapos na ang usapan. Binitiwan ni Euphy ang aking kamay at matalim na tumingin sa akin ang mga asul niyang mata. Kakaibang sensasyon ang nararamdaman ko habang nakatingin sa akin mga asul na hiyas— tila hinihigop ng mga iyon ang lakas sa aking tuhod. “Hindi mo makakalimutan ang mga iyon sa loob ng limang araw lang, Ashmir. Nagsisinungaling ka sa akin.” Inilapit ko ang aking mukha sa kanya. Halos isang pulgada nalang ang layo ng aming mga labi. “Ano ang gagawin mo kung nagsisinungaling ako?” Mariin nitong pinagdikit ang mga labi. Umangat ang isang gilid ng aking labi at tinitigan ito. “Nasaan ang tunay kong asawa?” Nabigla ako sa sinabi nito kaya hindi ako kaagad nakaimik. “Paano ko nalaman? Kanang-kamay ang gamit niya sa pagsusulat. Hindi siya kumakain ng kahit anong may pasas. Kahit ano ang okasyon ay palagi siyang nakangiti at sumusunod sa lahat ng sasabihin ni Duke Sanjo. At higit sa lahat, hindi interesado sa akin si Ashmir. Pero ikaw… lahat ng iyon ay kabaliktaran mo.” Habol niya ang kanyang hininga pagkatapos magsalita. Tumingin ako sa paligid at napapansin na nakukuha na namin ang ilang atensyon ng mga namimili. “Kaya sabihin niyo sa akin kung ano ang ginawa niyo sa kanya at kung ano’ng klase ng salamangka ang ginamit mo para mag-anyo na katulad niya?” “Euphemia, hinaan mo ang boses—” “Sagutin mo ako!” Napapikit ako nang mas tumaas pa ang kanyang boses. Ngayon ko pinagsisihan na sinama ko pa siya sa mga plano ko. Mariin kong pinagdikit ang mga labi. Binuhat ko ito at inilagay sa aking balikat na para bang isang bulto ng palay. “Ash—” “Huwag mong banggitin ang pangalan ko. Alam mo na ang mangyayari sa atin kapag may nakaalam ng katauhan natin.” Hindi na nito tinuloy ang sasabihin ngunit nagpumiglas pa rin ito sa aking hawak. Pumasok kami sa isang malaking gusali na sa tingin ko ay para sa gustong magsiping ang layunin niyon. “Magandang hapon. Ano ang—” Ibinaba ko ang tatlong pilak sa mesa at tumango ang receptionist. Inabot ko ang binigay niyang susi at lumakad na papunta sa silid. “Ibaba mo ako! Kaya kong maglakad! Ano ba?!” Nakapasok na kami sa silid at pabagsak ko siyang binaba sa ibabaw ng kama. Inayos nito ang sarili at sininghalan ako muli. “Hindi talaga ikaw si Ashmir! Dahil hindi moa lam ang tamang pamamaraan ng paghawak sa babae.” Nagsimula akong tanggalin ang mga saplot sa aking katawan— nauna na ang balabal. Umangat ang isang gilid ng aking labi nang mapansin ang pamumula ng pisngi ni Euphemia bago iiwas ang kanyang tingin. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!” “Nagdududa ka kung ako si Ashmir, hindi ba? Ipapakita ko sa iyo na mali ang iniisip mo.” “A-Ano— h-hindi mo ito kailangan g-gawin.” Hinayaan ko na malaglag sa sahig ang lahat ng pangtaas kong saplot bago lumakad palapit kay Euphemia. Umupo ako sa ibabaw ng kama at hinuli ang tingin nito. Tinulak ko ito pahiga sa kama at pumuwesto sa ibabaw niya. Bumilog ang asul na mga mata niya at sumabog ang malago nitong buhok sa puting sapin ng kama. “Sa tagal ng pagsasama niyo ni Ashmir. Paniguradong nakabisado mo na ang lahat ng bahagi ng kanyang katawan,” panunukso ko. “Bakit hindi mo subukan alamin ngayon kung ang kasama mo ay isang imitasyon o tunay?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD