Nakaunan sa isang hita ko ang ulo ni Euphemia habang ang makapal na kumot ay nakabalot sa hubad niyang katawan. Napasandal ako sa headboard at tumingala sa puting kisame. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang nangyari sa pagitan namin ni Euphemia ngunit ibang-iba iyon sa lahat ng babae na naikama ko.
Dahil ba katawan ito ni Ashmir at asawa niya si Euphemia?
Huminga ako ng malalim at isinuklay ang mga daliri sa pilak na buhok ni Euphy. Gumalaw ito ng kaunti at unti-unting minulat ang mga mata.
“Ashmir…”
Bumangon ito at idinikit ang katawan sa aking ibabaw at inikot ang mga braso sa aking balikat. Hinilig niya ang ulo sa aking dibdib at pumikit muli— dahil sa paggalaw niya na iyon ay nawala sa ayos ang kumot at nalaglag iyon.
Tila nahirapan akong huminga nang dumaiti sa akin ang mainit na katawan nito. Nanuyo ang aking lalamunan nang masamyo ang matamis nitong amoy.
Bumilis ang aking paghinga at ang bagay sa pagitan ng aking hita ay gumagawa na ng tent.
Napaungol si Euphemia na siyang nakadagdag pa sa aking paghihirap.
Sinubukan kong ituon sa ibang bagay ang aking isip ngunit kapag pawala na ang pagnanais ko ay saka naman siya gagalaw muli o ‘di kaya ay ididiin nito ang sarili sa akin.
“Ikaw na ang nagdala ng sarili mo sa sitwasyon na ito,” bulong ko bago sakupin ng dalawang kamay ang pang-upo nito.
“A-Ash—”
“Hindi ko ipapasok.”
“S-Sandali— Ash—”
Inipit ko sa pagitan ng malambot niyang hita ang ibabang miyembro ko at napasinghap ito.
Sumata. (Sumata - is a Japanese term for a non-penetrative s*x act popular in brothels.)
Nakasimangot si Euphemia habang papalabas kami ng gusali. Sinunod ko ang mapa at kinailangan namin na malagpasan ang isang bundok bago marating ang palasyo ng Duke ng Domen.
Napahinga ako ng malalim dahil sa pagdistansya niya. Huminto ako at nilingon ito.
“Gaano ka pa katagal na magmumokmok diyan?”
“Pinuyat mo ako— gusto mo ay matuwa ako?”
“Mas marami pa tayong problema kaysa sa nangyari kagabi. Saka ano ba ang pino-problema mo? Nasarapan ka naman, hindi—”
Napahinto ako sa pagsasalita nang mabilis siyang lumapit sa akin at takpan ng dalawang kamay ang aking bibig.
Namimilog ang asul na mga mata niya at ang mapulang labi nito ay mariin na magkadikit.
“Ashmir, hindi ganyan ang tamang pakikipag-usap sa isang reyna. Paano kung may makarinig sa iyo?”
Hindi ko tinanggal ang mga kamay niya sa aking bibig, bagkus ay inayos ko sa pagkakalagay ang balabal nito sa ulo.
Yumuko ako at inilapit ang mukha ko habang hawak ang balabal sa gilid ng magkabilang pisngi niya. Napasinghap ito at binaba sa aking dibdib ang kanyang kamay upang itulak ako.
“Euphemia, wala na tayong panahon para magkagalit pa. Mas marami pa tayong dapat problemahin kaysa sa nangyari sa atin kagabi. Malayo pa tayo sa dapat na puntahan natin. May mga kawal na humahanap sa atin para paslangin. Naiintindihan mo ba ako?”
Nag-iwas siya ng tingin at hindi umimik.
“Sumunod ka nalang sa akin kung gusto mong madugtungan pa ang buhay mo. Huwag mong ubusin ang pasensya ko, Euphemia.”
Nalaglag ang kanyang balikat at tumango nalang. Binitiwan ko siya at nagtuloy sa paglalakad. Pagkatapos ng apat na oras na paglalakad ay narating na namin ang tuktok. Hinayaan ko na mamahinga si Euphemia.
Tumayo ako sa isang patag na lugar at sumipol. Ilang segundo lang ay dumapo na sa aking kamay si Talon— ang agila ni Ashmir. Itinali ko sa kanyang paanan ang ginawa kong sulat at saka ito pinalipad.
“Dalhin mo ang mensahe kay Duke Clowen, Talon.”
Pinanuod ko ang mataas na paglipad ng agila hanggang sa mawala ito sa aking paningin. Kung ano man ang sagot ni Duke Clowen sa aking proposal ay malalaman ko pagnakababa na kami sa bundok na ito.
Lumingon ako sa kinaroroonan ni Euphemia at nakita na naghihilamos ito sa malamig na tubig ng ilog.
Sa oras na hindi masunod ang plano ko ay mapipilitan ako na isakripisyo ang babae na ito.
Nang maisip iyon ay may kung anong kirot akong naramdaman sa aking dibdib— tila ba sinasaktan ako ng kaluluwa ni Ashmir dahil sa naisipan ko na isakripisyo ang asawa niya.
Too late. Kung ayaw niya sa plano na ito ay bawiin niya sa akin ang katawan niya.
Nilapitan ko si Euphemia dahil ilang minuto na itong nakatingin sa ilog.
“Euphemia, tara na.”
Hindi nito pinansin ang pagtawag ko at hindi pa rin siya gumagalaw. Sumilip ako upang malaman kung ano ang bagay na pinaglalaanan niya ng atensyon.
Maraming isda ang naglalangoy roon at sa pagkakataon na iyon ay saka ko lang naalala na hindi pa pala kami kumakain ng matinong pagkain simula noong tumakas kami sa palasyo.
Lumunok ito at binasa ang ibabang labi na tila ba gutom na gutom pero hindi alam kung paano huhulihin ang mga iyon.
Tumalungko ako at inilihis ang sleeve ng aking damit. Lumipat sa akin ang asul na mat ani Euphemia— nagtataka kung ano ang binabalak ko.
“Kung ayaw mong mabasa, dumistansya ka.”
Hindi na ito umimik at sumunod nalang sa aking utos.
Hinintay ko paglapit ng malaking isda at mabilis na dinukot ito palabas ng tubig at ibinato sa lupa ang nahuli. Napansin ko ang pagkataranta ni Euphy sa kung paano iyon hahwakan.
Huminga ako ng malalim at hinawakan ang malaking bato bago tumayo. Bago pa tuluyang makalapit si Euphy sa isda ay binato ko na ang ulo nito upang mamatay.
Nanigas si Euphemia dahil sa aking ginawa.
“Ano pa ang itinatayo mo diyan? Linisin mo na, gagawa ako ng apoy.”
Nag-iwas ito ng tingin. “Hindi ako marunong maglinis ng ganyan.”
Napanganga ako. “Sino ang inaaasahan mo na maglinis niyan? Ako? Ako pa ang magsisilbi sa iyo?”
This woman is useless! Wala na ba akong pakinabang sa kanya kung hindi pain lang?!
“Ano lang ang natutunan mo sa Optic? Kung paano tumayo at magpaganda lang?”
“Huwag mo akong pagtaasan ng boses. Isa akong—”
“Euphemia! Iba na ang sitwasyon ngayon! Wala ka na sa posisyon! Gusto mong maging reyna?! Bumalik ka sa Carapace at pakasalan si Sanjo o ang bastardo niyang anak!”
“Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na pag-aralan kung paano maging asawa dahil basta mo nalang akong inalis sa Optic!”
Hanggang ngayon ay kalahati palang ng alaala ni Ashmir ang alam ko.
Hindi ko alam kung ano ang naging samahan nil ani Euphemia pagkatapos ng kasal. Hindi ko pa rin alam ang pangyayari kung bakit sinakripisyo ni Ashmir ang anak nila sa labanan.
Napahilamos ako sa aking mukha sa sobrang inis. Nagtagis ang aking bagang sa sobrang inis.
Pinunasan nito ang pisngi nang dumaloy ang luha mula roon. Nilapitan ko siya at napakislot ito nang tumayo ako sa kanyang harapan.
“Kaunting away lang ay umiiyak ka na.”
“Wala pang isang linggo ang nangyaring pagpapatalsik sa atin. Hindi pa ako sanay sa ganitong buhay pero sinusubukan ko naman,” hikbi niya. “Kung alam mo na mahihirapan ka, sana ay hinayaan mo nalang ako sa palasyo para mamatay.”
Parang may kung anong bagay na kumurot sa aking dibdib nang marinig iyon. Kusang gumalaw ang aking katawan upang hawakan ang magkabilang-pisngi niya at marahang idampi ang labi sa kanyang noo.
Nang ma-realize ko ang ginawa ay agad akong dumistansya kay Euphy. Namimilog ang dalawang asul na mata niya at tila hindi rin makapaniwala sa ginawa ko.
Tumalikod na ako at kinuha ang walang-buhay na isda.
Nilinis ko iyon at inihaw sa ginawa kong apoy habang si Euphy ay nakaupo lang sa gilid upang mawala ang nadaramang lamig.
Nang maluto ay pinaghatian namin ang isda— kinailangan ko pa siyang turuan sa kung paano gamitin ang kamay sa pagkain.
Pagkatapos ay sumandal na kami sa magkahiwalay na puno upang mas maging kumportable sa pagtulog. Nakamasid ako sa apoy habang si Euphy ay payapang natutulog.
Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang kaluskos at tawanan sa kung saan.
Karwahe.
Tunog ng mga bakal.
Boses ng kalalakihan.
Malaki ang tiyansa na mga kawal iyon ng palasyo na ni Duke Sanjo upang paslangin kami.
Agad kong binuhusan ng tubig ang apoy at tinapakan ang baga niyon upang mamatay.