CHAPTER 1 – KAMAHALAN
Sumandal ako sa headboard habang hawak ang mga papel na binigay sa akin. “Sigurado ka ba sa impormasyon na ito, Monika?”
Bumangon ito at umupo sa ibabaw ng aking hita.
“Kailan man ay hindi kita pagtataksilan, William.” Nang-aakit nitong pinaraan ang daliri sa aking pisngi.
Hinawakan ko ang buhok nito at hinila upang mapatingala ito.
“Siguraduhin mo lang.”
Imbis na mapangiwi sa sakit ay umungol pa ito. Ngumiti ito at idiniin ang sarili sa akin.
“Magtiwala ka sa akin, William Godwinson,” saad niya habang dumadampi ang kanyang labi pababa sa aking leeg.
Nangako ito na hindi niya ako pagtataksilan— pero bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon?
“Undertaker! Katapusan mo na!”
Agad akong nagtago sa haligi nang magsimulang magpaulan ng bala ang mga kalaban ko. Mula sa repleksyon ng lumang iyero ay nakita ko ang pag-abante ng aking mga kalaban habang walang tigil ang pagpapaulan nila ng bala.
Pinunasan ko ang dugo sa aking bibig at pagkatapos ay tiningnan ko kung ilang bala nalang ang natitira sa aking baril.
Tatlo.
Napangiti ako at sumandal sa malamig na haligi. Hindi ko akalain na pagtataksilan ako ng ka-partner ko. Sinabi ko na nga ba at may mali sa mga impormasyon na binibigay niya sa akin. Ang walang utak na tao na iyon ay nagpabayad kay Fielder.
Sayang ka, Monika. Akala ko ay maaari ko na siyang gawing
Tumigil ang putukan ngunit hindi pa rin ako umaalis sa aking pinagtataguan.
“Ito na ang magiging libingan mo, William. Or should we call you ‘the undertaker’?” Saad ng leader ng Fielder mafia— ang aking target.
Tumayo ito sa harap ng mga tauhan niya at mayabang na ipinamulsa ang mga kamay sa kanyang bulsa.
Dumura ako upang mawala ang lasa ng dugo sa aking bibig. Niluwagan ko ang aking necktie at kinasa ang baril.
Hindi ko naman kailangan na patayin silang lahat. Kailangan ko lang mag-focus kay Fielder. Lumipat ako ng pinagtataguan.
“Undertaker!”
Umangat ang isang sulok ng aking labi nang marinig ang nanginginig na boses ni Monika. Ang taksil na babae na iyon ay paniguradong hindi bubuhayin ni Fielder.
“Undertaker, patawarin mo ako! Parang-awa mo na, huwag mo akong hayaan na patayin ni Fielder! Iligtas mo ako, William!”
“Narinig mo iyon, William? Nagmamakaawa si Monika na iligtas mo siya!” Natatawang saad ni Fieder.
Napabuntong-hininga ako.
Is she losing her mind? Hindi ba niya kilala kung sino ako?
“William! William! Please! Save me, please!”
Masyado ng maingay at sumasakit na ang ulo ko.
Humugot ako ng sigarilyo at sinindihan iyon. Binuga ko ang usok niyon at nagsimula na naman silang magpaulan ng bala. Tumalsik ang dugo sa mga lumang iyero at alam ko na si Monika ang nagmamay-ari ng mga iyon.
Hindi na ako nagtangka pa na tumakas dahil alam ko na marami ng nakaabang sa labas upang patayin ako.
Hindi ako nakaramdam ng takot. Fielder is supposed to be the key to my freedom. Siya ang huli na dapat kong patayin para makawala na ako sa organisasyon.
I killed a lot of underground dogs and I was merciless.
I killed their families and their descendants without feeling any remorse.
It feels so good to be behind the trigger.
But if I’m going to die in this shitty place— I’ll take them with me.
Nilabas ko ang controller para sa lahat ng bomba na inilagay ko sa buong warehouse. Hindi ko iyon gagamitin upang makiusap sa kanila na pakawalan ako.
“Undertaker, show yourself to me!”
Lumawak ang ngiti sa aking labi at lumabas sa haligi na pinagtataguan.
“Fielder! Nakalimutan mo na ata.” Binagsak ko ang sigarilyo sa semento at itinaas ang kamay na may hawak ng controller. “Nagpapakita lang ang Undertaker kapag may kamatayan.”
Pagkatapos kong sabihin iyon ay pinindot ko ang controller.
Ang buong paligid ay tumahimik at isang matinis na tunog ang aking narinig. Dahil sa lakas ng sunod-sunod na pagsabog ay nabingi na ako.
Napakagandang pagmasdan na ang takot na mukha ni Fielder at ng mga tauhan niya. Isa iyon sa mga babaunin ko sa kamatayan.
Napangiti ako habang unti-unting nahuhulog dahil sa pagguho ng tinutungtungan namin.
Magkita-kita tayong lahat sa impyerno.
Iyon ang akala ko— sa impyerno ako mapupunta. Ngunit nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar.
Iniangat ko ang sarili mula sa tubig. Habol ko ang aking paghinga at umubo ng ilang beses. Napahawak ako sa gilid habang hawak ang aking leeg dahil sa naramdamang kirot doon.
Wait! I lived?! Buhay ako?!
“Kamahalan!”
Mula sa gilid ng aking mata ay may tatlong kababaihan na tumakbo palapit sa akin— naka-uniporme ang mga ito.
Sandali, ano ang itinawag nila sa akin?!
Tumayo ako at umagos ang tubig sa aking katawan. Agad na namula ang tatlong babae at nag-iwas ng tingin.
Tumingin ako sa aking katawan.
Nasaan ang mga sugat ko?!
Bakit nawala ang mga tattoo ko?!
Ano ang nangyayari?!
“K-Kamahalan—”
“Kamahalan?!” hindi ko napigilan ang pagtataas ng boses.
Napaatras ang mga kababaihan at nailaglag pa ng isa ang hawak na robe.
Paano nangyari na nagbago ang aking katawan? Ang alam ko ay patay na ako!
Pinagmasdan ko ang aking repleksyon sa salamin ng malaking bintana. Unti-unting nanlaki ang aking mga mata.
Black hair.
Red jeweled eyes.
My shoulders are broader than before.
Mas maganda na rin ang tindig ko kaysa—
No… this isn’t me!
Lumingon ako sa mga kababaihan na hanggang ngayon ay hindi pa rin umaalis sa loob ng banyo ngunit batid ko ang pag-aalala nila sa akin.
Sino ang tao na ito?!
Paano ako napunta sa katawan niya?!
Sandali, naging demonyo ba ako at ngayon ay na-possess ko ang katawan ng tao na ito?!
Naging demonyo ako?! Naipasa ko ba ang exam si Lucifer o napalitan ko ba siya sa trono niya?
Ano ang nangyari pagkatapos kong mamatay?!
“K-Kamahalan, ba… baka po magkasakit kayo kapag— ihh!” Impit itong napasigaw nang tingnan ko ito.
Humakbang ako papalapit sa robe na nabitiwan nila dahil sa takot. Pinulot ko iyon at isinuot. Ang tubig mula sa itim at makapal kong buhok ay pumapatak sa aking katawan.
Hindi ako kumilos at tumingin lang sa kawalan habang malalim na nag-iisip.
Nang walang makuha na sagot ay sumulyap ako sa mga katulong na ngayon ay namumutla habang nakatingin sa akin.
“Ikaw.” Turo ko sa babae na nag-abot sa akin ng robe. Nagtago ang dalawa sa kanyang likuran. “Sino ako?”
“Ka… kayo po si…” Lumunok ito. “Kayo po si Ashmir Victor Orbinia, ang nag-iisang hari sa buong Arachnida.”
Ah, hari… tama ba ako ng rinig?
Isa akong hari?!