CHAPTER 6 – APOY AT NIYEBE

1219 Words
Ginising ko si Euphy at tinakpan agad ang bibig nito upang hindi makapagsalita. Narinig nito ang ingay na papalapit. Hinila ko siya patayo at sinikap na walang ingay na magawa habang naglalakad kami palayo sa ingay na iyon. Ginamit namin ang dilim upang magtago. “Kapitan! May usok na nagmumula roon!” “Tsk!” Tangin nasambit ko nang madiskrobre ng kawal ang pinagmulan namin ni Euphy. “Hindi pa sila nakakalayo! Hanapin niyo sila sa kahit anong sulok ng kagubatan! Tumingala kayo sa mga sanga ng puno!” Upang mapabilis ay kinarga ko si Euphy habang patakbong tumatakas. “A-Ashmir, b-baka mahanap nila tayo.” “Shh.” Huminto ako at luminga sa kagubatan. Hindi ko ito kabisado at maaaring mas malagay sa kapahamakan ang kalagayan namin ni Euphy kung hindi ako mag-iingat. Kumaliwa ako at ginamit ang liwanag ng buwan upang makakita sa dilim. Nakarinig ako ng putok at biglang lumiwanag ang kalangitan. Napangiti ako, hindi ko alam na ganoon na ka-advance ang teknolohiya ng mundo na ito. “Ayun sila!” Napamura ako nang marinig ang boses ng kawal sa aking likuran. Humigpit ang yakap ni Euphemia sa aking balikat. Muling umilaw ang kalangitan dahil sa ginamit nilang equipment. “Kamahalan! Hindi niyo kailangan na tumakbo palayo sa amin!” Narinig ko ang tawanan nila habang patuloy silang sumusugod palapit sa amin. Nakarinig ako ng lagaslas ng tubig— waterfalls. Pinagmasdan ko si Euphy at ang takot sa mukha nito habang nakatingin sa likuran namin. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa ibaba ng talon ngunit iyon ang huling option ko kapag na-corner na kami. Napatingin ako sa kahoy nang may pana na tumama roon. “Mangmang! Kailangan natin siya ng buhay! Iyon ang utos ni Duke Sanjo!” Binaba ko si Euphy sa likod ng malapad na puno. Pinaupo ko ito. “A-Ashmir—" “Kahit ano ang marinig mo, huwag kang sisilip. Naiintindihan mo ako?” Tumango ito ngunit humigpit ang hawak niya sa akin nang braso. “Huwag kang mamamatay, Ashmir.” Binitiwan niya ako at naglakad na ako palayo sa kinaroroonan niya. Dapat ay may tamang distansya bago ko subukan ang naalalang abilidad ni Ashmir ngunit paniguradong may kapalit iyon. Huminto ang kawal ng limang metro ang layo sa akin. “Nagbago na ba ang isip mo na kalabanin kami, Kamahalan?” Siniko ng isang kawal ang kapitan. “Natakot ata natin ang Kamahalan, Kapitan. At napagod na rin sa pagtakbo ang mahina nating hari.” Malalaki ang hakbang nila habang papalapit sa akin. Si katawan ni Ashmir ay descendant ng Diyos na si Rubitta. At dahil sa dugo na dumadaloy sa bawat ugat ko ay may karapatan ako na tawagin ang iba’t-ibang Diwata basta’t maibulong ko lang ang tunay nilang pangalan. Sinugatan ko ang aking kamay gamit ang nakitang kahoy noong tinago ko si Euphy. “Auril.” Ang pulang dugo na tumutulo sa lupa ay umilaw na mahahalintulad sa diyamante. Nagkaroon ng korte iyon at naging glaive. Isang hakbang paatras ang ginawa ng sampong kawal at nabura ang ngiti sa kanilang labi. “Umatras ang iba sa inyo! Ipaalam niyo kay Duke Sanjo na alam na ni Ashmir kung paano tawagin ang mga Diwata!” “Kapitan!” “Umatras kayo! Iligtas niyo ang mga buhay niyo!” I devilishly smiled. “Takbo! Tumakbo kayo hangga’t may lupa kayong matatapakan!” Lumamig ang aking hininga at sinugod ang may lakas ng loob na labanan ako. Sumaboy sa mga sanga ng puno ang dugo. Ang payapang kagubatan ay napuno ng hiwayan at pagmamakaawa na buhayin ko sila. Lumawak ang ngiti at bumilis ang aking paghinga. Tila musika sa aking pandinig ang kanilang hinaing at pagmamakaawa. Kakaibang lakas at bilis rin ang dumagdag sa aking abilidad. Naabutan ko ang mga tumakas na kawal at napasigaw sila nang humarang ako sa kanilang daraanan. Ang mga kabayo ay humalinghing nang bigla itong pigilin ng sakay. “Gusto ko ang nakikitang takot sa mga mukha niyo.” Bumaba ang tingin nila sa aking glaive na ngayong punong-puno ng dugo. Nawala ang kulay sa kanilang mukha. “K-K-Kapitan—” “Patay na siya.” Hinugot nito ang espada sa kabila ng kanilang panginginig. Uniwas ko ang katawan nang mapansin ang paparating na pana. Bumaba ang lima sa kanilang kabayo at lumuhod sa aking harapan. “K-K-K-Kamahalan! Patawarin n-ninyo kami! Hindi naming ginusto ang pagpatay sa inyo!” “To… totoo iyon, Kamahalan. Napag-utusan lang kami ni Duke Sanjo!” “Parang-awa niyo na, Kamahalan! May mga pamilya kami na uuwian! May mga anak kami na binubuhay!” “Kamahalan!” Musika. Musika sa aking pandinig ang mga pagmamakaawa nila. Siguro ay kung ibang kaluluwa ang napunta sa katawan na ito ay may posibilidad na mabuhay pa sila. Ngunit sa kasamaang-palad, ako, si William Godwinson ang napili para suotin ang mahinang katawan na ito. Isang mamamatay-tao, walang kinaaawan, at handing paslangin ang kahit na sino. Ilang saglit lang ay tumahimik na ang kagubatan. “Ikaw,” turo ko sa isang kawal na sinadya kong hindi patayin. “Ibalita mo kay Duke Sanjo ang mga nasaksihan mo ngayong gabi.” Tumango ito at nanginginig na tumakbo. Pinalagpas ko ito sa akin. Dumaloy sa aking paanan ang dugo ng mga kawal. Kinuha ko ang isang dalawang kabayo at naglakad pabalik kay Euphemia. Kaya ko naman silang ubusin kahit na hindi ako tumawag ng Diwata, ngunit gusto ko na malaman ni Duke Sanjo kung sino ang kinakalaban niya at kung ano ang susunod niyang hakbang. Sa pagkakataon na kumalat ang balita tungkol sa kakayahan ko ay doon ko malalaman kung sino ang kakampi sa akin at kung sino ang dapat na pagkatiwalaan. Pinunasan ko ng sleeve ng aking damit ang tumalsik na dugo sa mukha ko habang naglalakad. Tiningnan ko ang glaive. “Auril, vrati se.” Auril, go back. Natunaw ang glaive sa aking kamay at sumama sa hangin ang munting tubig. Napaluhod ako nang maramdaman ang panghihina. Habol ko ang aking hininga at hinawakan ko ang aking kaliwang dibdib. “Ashmir!” “A-Ano ang nangyayari, Euphy—” “Gumamit ka ng Diwata?!” Hindi ko masagot ang tanong ni Euphy dahil nahihirapan na akong huminga. “Ashmir! Sandali! Kailangan ko hanapin ang—” Umubo ako ng ilang beses bago napahiga sa lupa. Tinulak ako patihaya ni Euphy. “Ash! Ashmir! Sandali! Huwag mong ipikit ang mga mata mo!” “Kailangan niya ng apoy na rosas bago pa tuluyang magyelo ang puso niya.” Tumayo si Euphy sa aking harapan at hinawakan ang kalasag at sandata at tinutok iyon sa estranghero. Tumingin ako sa lalaking nagsalita ngunit dahil sa panlalabo ng tingin ay hindi ko na ito mamukhaan. Pinilit kong bumangon upang protektahan si Euphy. “Huwag mong— sasaktan si—” T*ngina naman na katawan ito! “Hindi ako kalaban, Kamahalan.” Napapikit ako ng mariin at umubo ng maraming beses. “Ginamit mo ang Diwata ng niyebe at ang nararanasan mo ngayon ay ang kapalit ng serbisyo niya.” May bagay itong inabot kay Euphy. “Ipaamoy mo ito sa kanya.” Ginawa ni Euphy ang utos ng lalaki at unti-unti nawawala ang paninikip ng aking dibdib. “Natanggap ko ang sulat mo, Kamahalan.” Duke Clowen. Dahil sa kakulangan ng oxygen ay tuluyan na akong nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD