CHAPTER 8 – PALAD

1435 Words
Unti-unting lumapit si Isabel sa amin. “Ashmir, ang akala ko ay… ang akala ko—" “Ang akala mo ay napatay na kami ng ama mo?” Nag-iba ang ekspresyon nito. Kinagat niya ang ibabang labi at dumilim ang asul niyang mga mata. Simula pagkabata ay magkaibigan na si Ashmir at Isabel. Bumaling ang tingin nito kay Euphemia. “Euphemia.” “Isabel,” ganting bati ng asawa ko. Bumalik sa akin ang atensyon ni Isabel at nilahad nito ang kanyang kamay. “Ashmir, bumalik ka sa akin. Kukumbisihin ko si ama na ibalik ka bilang hari.” “At ano? Para maging sunud-sunuran sa inyo?” “Hindi.” Ngumiti ito at ang mga mata niya ay nangungusap. “Hindi mo ba natatandaan? Ako ang naging proteksyon mo noon? Ako ang takbuhan mo pagkatapos kang disiplinahin ni ama? Nakalimutan mo na ba?” Sa bawat salita na binibigkas ni Isabel ay may bumabalik sa aking alaala ngunit hindi ko iyon maintindihan dahil malabo at magulo ang pangyayari. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata. “Nakalimutan mo na ba? Nakalimutan mo na ba ang lahat ng sinakripisyo ko para sa iyo— para maging reyna mo? Nangako ka sa akin— nakalimutan mo na ba?” Hinawakan ni Euphemia ang aking braso. “Kailangan na nating umalis.” Galit na bumaling si Isabel kay Euphemia. “Ikaw! Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito!” Malalaki ang kanyang hakbang habang papalapit sa amin. Dahil sa hilo na naramdaman dulot ng pagbalik ng mga alaala ni Ashmir ay hindi ko kaagad napigilan ang pag-abot ni Isabel sa buhok ni Euphy. “Bakit ikaw?! Hindi ko maintindihan kung ano ang mahika na ginamit mo para makumbinsi si Ashmir na pakasalan ka!” “Nasasaktan ako! Tama na!” Sinusubukan ni Euphy na makawala kay Isabel ngunit tinulak siya nito hanggang sa mapahiga at pinagsisipa siya ni Isabel. “I… Isabel—” Naisapo ko ang aking kamay sa noo nang makaramdam ng hilo. Umiinit na ang ulo ko at nawawalan na ako ng pasensya. Dumarami na ang problema ko at dumagdag pa ang dalawang babae na ito. Hindi ko maaaring alisin ang koneksyon kay Isabel dahil maaari ko siyang magamit sa mga plano ko. Nang maka-recover ay umayos ako ng tayo at malamig na tiningnan ang dalawang babae na parang dalawang manok-panabong. Puro kalmot ang braso ni Euphemia at ang buhok nila ay wala na sa dating ayos. Umupo si Isabel sa tiyan ni Euphemia at sinabunutan ang pilak na buhok nito. Narinig ko ang malakas na lagabog sa sahig nang iuntog ni Isabel ang ulo ni Euphemia roon. Napapikit ng mariin si Euphemia ngunit pilit pa rin niyang sinasangga ang mga ginagawa sa kanya ni Isabel. Napabuntong-hininga ako. Nakita ko na naglabas si Isabel ng punyal kaya agad akong umisip ng paraan upang mapigilan ito. Mula sa likod ay mabilis kong hinawakan ang dalawang braso ni Isabel. Napatingala sa akin ang dalaga at yumuko ako upang idikit ang labi sa kanya. Naramdaman ko ang kanyang pagkagulat dahil sa ginawa ko. Ginalaw ko ang aking labi na siya namang sinundan niya. Tumingin ako kay Euphemia upang malaman ang reaksyon nito. Namilog ang kanyang mga mata at nakaawang ng kaunti ang kanyang labi. May bahid ng hinanakit ang sakit ang asul niyang mga mata habang pinapanuod kami ni Isabel. Ipinasok ang dila sa loob ng bibig ni Isabel at napaungol ito. Nalaglag ang punyal sa sahig at nakalayo si Euphemia sa kanya. Nang binitiwan ko si Isabel at ang mga kamay ay naitukod niya sa sahig habang habol-habol ang hininga. Agad kong hinawakan ang braso ni Euphemia at binuhat ito upang makaalis na kami habang hindi pa nakakabalik sa reyalidad si Isabel. Bumaba ako ng hagdan samantalang si Euphemia ay tahimik at nakabaon ang mukha nito sa aking leeg. Problema ko na naman kung paano ko aayusin ang samahan naming dalawa. Hindi na ako naubusan ng problema! Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon para gumagawa ng plano para magkaroon ng tahimik na buhay. Wala na akong ginawa kung hindi tumakas! Ano ba naming buhay ito?! Pumasok ako sa madilim na tunnel na kasama sa mga dapat naming daaanan ayon sa instruction ni Duke Clowen. Nakatulong ang mga apoy sa gilid upang makita ko ang daraanan. Narating na namin ang dulo at nakalabas na sa lagusan na iyon ngunit hindi pa rin nagsasalita si Euphemia. Napabuntong-hininga ako. “Kinailangan kong gawin iyon dahil sinasaktan ka niya.” Nagpumiglas siya at agad ko siyang binaba. Tinalikuran niya ako at nauna na itong naglakad. Napangiti ako at inilagay sa balakang ang aking mga kamay habang pinagmamasdan ito. “Hindi iyan ang daraanan natin.” “Narinig ko ang sinabi ni Duke Clowen, hindi mo ako malilinlang.” “Maraming mababangis na hayop sa lugar na iyan.” Hindi pa rin ito tumigil sa paglalakad. Hindi ko siya sinundan at nanatili lang sa aking kinatatayuan. Ilang sandali lang ay narinig ko na ang hiyaw nito habang lumalabas ng gubat. “May gumapang sa likuran ko! May gumapang— Aah!” Nilapitan ko siya ngunit tinampal nito ang kamay ko. “Hindi ko kailangan ng tulong mo!” Nangigilid ang luha sa kanyang mga mata. “Sige. Hindi natin alam kung ano ang klase ng hayop na gumapang sa likuran mo. Huwag kang mag-alala, ililibing kita sa lugar na maraming bulaklak.” Sumama ang tingin nito sa akin ngunit nginitian ko lang ito. Napaupo ito sa lupa at umiyak. “Ayaw kong mamatay. Ayaw ko! Tulong!” Tinakpan ko ang kanyang bibig upang matahimik ito. Hindi pa kami nakakalayo sa palasyo at maaaring may makarinig sa iyak niya. “Tutulungan kita. Huwag ka ng umiyak. Itigil mo na ang paghikbi mo dahil sumasakit na ang ulo ko.” Tumango siya kaya ipinasok ko ang aking kamay sa likod ng balabal niya. Napakapit ang kamay nito sa aking braso at naramdaman ko ang pagbaon ng kanyang kuko roon. Nahawakan ko ang matigas na bagay at agad na inilabas iyon. Ang bagay na pumasok sa loob ng balabal ni Euphemia ay isang sanga lamang. “Huwag ka ng umiyak. Sanga lang ng puno ang nasa likuran mo.” Nagtaka ako kung bakit namula ang mga pisngi ito at dumasog papalayo sa akin at pagkatapos ay tumalikod. “Euphemia, aabutan na tayo ng dilim dito. Tama na ang pagmamaktol mo diyan at ituloy na natin ang paglalakabay.” May binulong ito ngunit hindi iyon umabot sa aking pandinig. “Euphemia—” “Alam ko! Hindi mo kailanagn ulit-ulitin. Hindi ako bata.” Tumayo siya at pinagpag ang dumi na dumikit sa kanyang damit. “Kung ayaw mong madikit sa akin ay ayos lang. Sumunod ka nalang sa akin.” Iyon ang ginawa namin at nang tumingin ako sa aking likuran ay may isang metro ang distansya niya sa akin. Napabuntong-hininga nalang ako at umiling bago muling maglakad. “Nakakapangit daw kapag palaging nakasimangot.” “Huh? Ano? Hindi kita marinig. Pendehido.” Did she just say I’m stupid in different language?! “Kapag kay Isabel, labi ang gamit mo para manahimik siya— pero pagdating sa akin ay palad ang gamit mo. Sino ang hindi magagalit doon?” Hindi siguro nito napansin na nasambit niya ang kanyang iniisip. Tumigil ako at hinarap ito. Agad niyang iniwas ang tingin sa akin. “Kung may problema ka, pag-usapan natin. Hindi iyong kinikimkim mo lang ang galit mo. Maliit lang ang pasensya ko, babae.” “B-Babae?! Isa akong reyna—” “Naging reyna ka lang dahil pinakasalan mo ako. Hindi na ako ang hari at wala na tayo sa palasyo. Masanay ka na walang katulong na mag-aasikaso sa iyo. Masanay ka na sa simpleng kasuotan.” “Bakit kailangan mo akong pagtaasan ng boses? Bakit kapag kausap mo si Isabel ay mahinahon ka pero kapag ako na ang kaharap mo ay palagi ka nalang nakasigaw?” P*tang*na namang buhay ito! Pati ba naman iyon?! “Ginawa ko lang iyon para matapos ang away niyo at tigilan na niya ang p*******t sa iyo. Humihingi ako ng dispensa kung mali para sa iyo ang ginawa ko. Ano ba ang gusto mong gawin ko para makalimutan mo na iyon?” “Turuan mo akong lumaban.” “Ano?” “Turuan mo ako kung paano humawak ng pana o kaya ay espada.” Inobserbahan ko ang kanyang ekspresyon at nakikita ko na seryoso ito sa sinasabi. Wala namang masama kung tuturuan ko siya. Mas ayos nga iyon dahil magkakaroon siya ng silbi sa akin. Tumango ako. “Sige, kapag nakalayo na tayo ay tuturuan kita.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD