CHAPTER 9 – PARA KAY

1898 Words
Nang makalayo na kami sa kaharian ng Domen ay pumili ako ng ligtas na lugar para makapagpahinga kami ni Euphemia. Kasalukuyan akong naglalagay ng tuyong sanga sa apoy nang tumayo ang asawa ko. “Saan ka pupunta?” “Maliligo,” saad nito habang patuloy sa paglalakad palayo. “Malapit ng dumilim.” “Mahaba ang nilakbay natin. Ang init at naglalagkit na ako. Bahala ka kung gusto mong matulog ng mabaho.” Tumayo na ako at padabog na binagsak sa sigaan ang kahoy. “Kanina pa mainit ang ulo mo sa akin. Iginawa kita ng pana pero wala akong narinig ng pasasalamat mula sa iyo. Niligtas kita noong malubog ka sa kumunoy pero sinungitan mo pa rin ako.” Nilingon niya ako at nagtila yelo ang paligid nang tumingin sa akin ang malalamig na mata niya. “Kung tapos ka na sa pagsigaw sa akin, maaari na ba akong lumusong sa tubig?” Napabuntong-hininga ako at umiling. “Kung ano man ang mangyari sa iyo ay wala na akong pakielam. Kung mawawala ka ay huwag asahan na hahanapin pa kita.” Kinagat niya ang ibabang labi at parang napako ako sa aking kinatatayuan nang makita ang bahid ng sakit sa mga mata niya. Hindi na siya sumagot pa at nagpatuloy sa paglayo. Isinuklay ko ang daliri sa buhok at itinuloy ang pagpapaliyab ng siga. Habang hinihintay si Euphemia na makabalik ay nagmasid muna ako sa paligid upang masiguro na walang mabangis na hayop sa lugar pahingahan namin. Naririnig ko ang lagaslas ng tubig sa batis at ang mahinang pagtawa ni Euphemia. Biglang bumalik sa aking isipan ang porselanang balat nito at kung gaano iyon kadulas habang hinahaplos ko. Ang mahaba at malago na kulay pilak niyang buhok na dumadaiti sa aking balat. Umiling ako upang mawala ang tawag ng laman. Tama na ang pakikipagromansa— kailangan ko na makapag-focus sa mga susunod na kilos namin. Napakislot ako nang marinig ang mahinang pagkanta ni Euphemia. Tila nanghahalina iyon at hindi ko namalayan na humahakbang na ang aking mga paa palapit sa kanya. Nakita ko ito sa gitna ng batis— nakatalikod siya sa akin at patuloy pa rin sap ag-awit. Ang lahat ng saplot nito ay maayos na nakalatag sa malaking bato. Umupo ako sa tabi niyon. “May talento ka pala. Akala ko ay wala ka ng ibang alam kung hindi maging sakit ng ulo lang.” Napasinghap si Euphemia at lumubog ito hanggang ang tubig ay mapunta sa kanyang balikat. Humarap siya sa akin habang magkasalubong ang kanyang kilay. “Ano ang ginagawa mo diyan?” Ngumiti ako ng mapanukso. Tumayo ako at unti-unting tinanggal sa pagkakabutones ang aking damit. Namilog ang mga mata ni Euphemia. “A-Ano— doon ka sa kabilang bahagi ng batis!” “Bakit? Masyadong malaki ang lugar na ito para sa iyo.” Panunukso ko. Namula ang mga pisngi niya nang matanggal ko na ang huling saplot sa aking katawan. Makakatulong ang dilim ng paligid at base sa obserbasyon ko ay walang bayan na malapit dito at wala ring katutubo na maaaring pumigil sa amin. Tumalikod ito habang yakap ang sarili. “Huwag kang lumapit sa akin!” Hindi ko siya pinakinggan. Pinaikot ko ang aking braso sa kanyang bewang at hinapit ito palapit sa akin. “Mi amor.” “Huh?” Tama, hindi sila nakakaintindi ng dayuhang salita. Gumapang ang aking kamay pataas hanggang sa mahawakan ko ang kanyang baba. I felt her tremble under my touch. Hinalikan ko ito sa balikat bago ilapit ang labi sa kanyang tenga. “Euphemia.” “Huwag… ngayon, Ashmir…” Ang mga salita nito ay tila naging ungol sa aking pandinig. Pinaraan ko ang aking labi sa kahabaan ng kanyang leeg. Sinakop ng aking kamay ang malusog nitong dibdib at napasinghap ito. “Bakit hindi ngayon?” “Hinalikan mo si Isabel.” Hindi ko mapigilan na matawa sa kanyang pagseselos. Dumilim ang ekspresyon niya. “Pinagtatawanan mo ako?” “Nagkakamali ka. Namamangha ako dahil sa simpleng bagay lang ay nagagalit ka na sa akin.” Mabilis siyang humarap sa akin at tinulak ako. Hindi maalis ang ngiti sa aking labi. “Hindi iyon simpleng bagay lang.” Pagkasabi niya niyon ay naglakad na ito patungo sa dalampasigan. Hinabol ko siya at hinawakan ang kanyang braso. Walang sabi na idinikit ko ang aking labi sa kanya. Nanigas ang katawan nito sa gulat at mariin na itinikom ang labi. Hindi ako tumigil at patuloy na sinusuyo ito na gantihan ang aking halik. Hinapit ko ang bewang niya sa akin. Pagkatapos ay bumaba ang mga haplos ko sa kanyang hita at inilagay iyon sa aking tagliran. Napakapit si Euphy sa aking balikat at napasinghap ng maramdaman ang matigas na bagay sa harapan ko. Sinamantala ko ang bahagyang pagbuka ng kanyang labi upang gawing malalim ang halik. Katulad ng aming labi ay tila nagkaroon din ng sariling mundo ang kasarian namin sa ilalim ng tubig. “Ashmir…” Hindi ko alam kung bakit sa tuwing tinatawag niya ang aking pangalan ay parang natutunaw ako. Nawawala ako sa aking sarili. Ang labi ni Euphemia ay hindi maikukumpara sa kahit na sino man. Ang init ng katawan nito ang hinahanap-hanap ko sa tuwing ako’y mahihimbing. Ako si William Godwinson, isang mamatay-tao, ngunit bakit hindi ko magawang pasalangin ang babae na ito? Pinoprotektahan ko pa siya at ayaw ko na maalis siya sa aking tabi. “S-Sandali—” “Euphy…” bulong ko sa pagitan ng aming labi. “Ako’y sayo lang.” Bahagya kaming naglayo ngunit naghahalo pa rin ang aking hininga. Tumitig ito sa akin at ang asul nitong mga mata ay nilalasing ako. “Ngayon ko lang narinig ang mga salitang ito mula sa iyo.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumapat na sa akin ang kanyang mapupulang labi. Bumalik kami sa dalampasigan at umupo ako sa malaking bato habang nasa ibabaw ko si Euhphemia. “Ang posisyon na ito ay hindi ako—" “Hindi kita maaaring ibaba sa lupa. Masasaktan ang likod mo.” Mas idinikit ko siya sa akin at inilapat ko ang aking labi sa kanyang kaliwang dibdib. Bumaon ang kuko ni Euphy sa aking balikat at napatingala ito. Sa kabilang mundo ay hindi ako maaaring magtiwala sa mga babae— hindi ako maaaring magmahal— hindi sila maaaring magkaroon ng halaga sa aking buhay dahil hindi ako maaaring magkaroon ng kahinaan. Ngunit sa mundo na ito ay ibang tao na ako. Hindi na siguro masama kung ang babae na malayang gumagalaw sa aking harapan ay pagkalooban ko ng mga bagay na hindi ko nabigay sa kabilang mundo. Habang nasa bisig ko si Euphemia ay hindi naging malamig ang gabi. Nakatulala kami ni Euphy sa mga bituin sa kalangitan habang nakaunan ito sa aking braso. Nakapatong ang kanyang kamay sa aking dibdib habang ang kamay ko ay malayang sumusuklay sa madulas na nitong buhok. “Ashmir…” “Hmm?” “Hindi ko na aalamin kung ano man ang dahilan ng pagbabago mo ngayon. Nagpapasalamat na lang ako na hindi mo ako iniwan.” Hindi na ako umimik at hinayaan nalang ito na yumakap ng mahigpit sa akin. Hinalikan ko ito sa buhok. Kinaumagahan ay nagligpit na kami ni Euphy upang ipagpatuloy ang paglalakbay. Hindi ko binanggit sa kanya na kailangan kong hanapin ang tatlong diwata dahil mas lalo lang siyang aasa na lalaban ako para mabawi ang posisyon. Habang naglalakbay kami patungo sa south left limbs ay mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko kay Euphemia. Alam kong hindi si William Godwinson ang minahal niya— si Ashmir Victor Orbinia ang nakikita niya sa akin. “Magpahinga ka muna. Nanginginig na ang braso mo.” Binaba ni Euphy ang pana at napabuntong-hininga. “Kaya ko pa. Isang mansanas palang ang natatamaan ko.” Hinawakan ko ang kanyang kamay at ginabayan ito upang maasinta ng maayos ang nalalabing mansanas. Pagkatapos ay humaplos ang aking kamay pababa sa kanyang bewang at napasinghap ito. Mahina akong tumawa. “Huminga ka, Euphy.” “Kung gusto mo na kumalma ako, dumistansya ka sa akin,” mariin niyang saad. Nilapit ko sa kanyang pisngi ang aking labi. “Tinutulungan lang kitang umasinta.” Matalim niya akong tiningnan at binitiwan ang pana. Tumama iyon sa punong-kahoy imbis na sa mansanas. Nagdabog ito at ipinadyak ang mga paa sa damuhan na parang nagwawalang bata. Napuno ng tawanan ang kapaligiran habang pinapanuod ko ito. Ngunit bumalik rin ako kaagad sa pagiging alerto nang makarinig ng kaluskos sa ‘di-kalayuan. Mabilis kong isinabit sa balikat ang mga gamit namin. “Kailangan na nating umalis.” “Sandali, hindi pa ako tapos. Baka kuneho lang iyon.” “Euphemia, itutuloy natin iyan mamaya. Tara na.” Hinawakan ko ang kamay niya at hinatak upang makasunod ito sa bilis ng aking lakad. Walang oras na dapat sayangin. Hindi ko alam kung paano n amabilis nilang natunton ang aming lokasyon. Ang akala ko ay nakalayo na kami at sinigurado kong walang bakas sa bawat lugar na napapahingahan namin. Nagtagis ang aking bagang habang patuloy kami sa pagtakbo. Lumingon ako sa likuran namin at napansin ang papalapit na kawal. Mariin akong napamura. We’re cornered! F*ck! Napahinto ako nang makalabas ng kakahuyan at ang bumungad sa amin ay bangin. Binitiwan ko si Euhpy at inilabas ang matalim na dalawang talim. Hinihintay ko ang kanilang pagdating habang si Euphemia ay nasa likuran ko. Hindi ko maaaring gamitin si Auriel dahil mahihirapan na naman akong gumalaw katulad ng sa dati. Tumapak sa liwanag ang mga kawal. Inikot ko ang aking braso upang ihanda iyon sa laban. “Hindi kami narito para kalabanin ka, Kamahalan.” “Sigurado akong hindi kayo naririto para magkaroon ng maayos.” Nagbigay sila ng makahulugang tingin sa isa’t-isa. “Euphy, tumakbo ka na,” mariin kong bulong. Hindi ito umimik. Nilingon ko ito. “Euphemia!” Bahagya siyang nakayuko ngunit halos mapako ako sa aking kinatatayuan nang humakbang ito papalapit. Nilagpasan niya ako at patuloy pa rin siya sa paglalakad. Hinawakan ko ang kanyang kamay ngunit mabilis na tinanggal niya iyon. Hindi ako makapaniwala. Humarap sa akin si Euphemia at binanat ang string ng pana habang nakatutok iyon sa akin. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan habang nakatingin sa malamig na mata nito. “Euphemia.” Hindi nanginginig ang mga braso nito habang taban ang pana. Tila ibang tao ang nasa harap ko ngayon. “Bago pa kayo tumakas sa palasyo at bumuo na ng plano ang reyna para kay Duke Sanjo.” Hindi ko inaalis ang tingin kay Euphemia. “Binabati ka namin sa pagkapanalo mo, aming reyna.” Nakangiting saad ng isang kawal. “Kayo, simulant niyo ng itali ang Kamahalan.” Hindi ko hinayaan na magawa nila iyon sa akin. Kumakapit sa aking damit ang dugo ng bawat kawal na lumapit sa akin. Ang katahimikan ay napalitan ng sigawan at pagdaing ng mga kawal. Bumabaon ang talim sa iba’t-ibang parte ng katawan nila. Ngunit napahinto ako nang maramdaman ang kirot sa aking likuran. Lumingon ako at nakita ang apat na pana roon. Tuluyan akong humarap sa kanya. “Euphemia!” “Ito ay para kay Clovis— para sa ginawa mo sa anak ko.” Binitiwan nito ang pana at dumiretso iyon sa aking dibdib. Ang isang kawal ay sinipa ako sa sikmura at nawalan ako ng balanse. Ang huling naalala ko na lamang ay ang pagkahulog ko sa bangin bago ako mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD