Ramdam kong unti-unting nagsibalikan ang mga estudyante galing sa labas. Siguro ay malapit nang matapos ang recess time. Ipinagpatuloy ko pa rin ang pagbabasa ng libro habang nakikinig ng music sa earphones ko.
Alas diyes ng umaga nang pumasok na sa amin ang pangatlong teacher namin para sa araw na ito.
"Okay, so when we talk about Understanding Culture, Society and Politics, what comes to your mind?" the instructor asked.
Nagtaas ng kamay si Alex.
"Okay, Ms. Cruz. Kindly stand up."
Tumayo naman ito. "For me, this subject discusses significant access in Philippine society."
Tumango-tango naman ang guro namin. "Good. Okay, other answers?"
Napansin kong lumingon sa akin iyong babaeng kanina pa nagpapapansin sa akin. Nagtaas ito ng kamay.
"Yes, Ms. Ontero. May idadagdag ka ba?"
Tumayo naman siya. "Wala, ma'am. Pero baka kasi may ideya iyong transferee student natin." Saka ito lumingon sa'kin.
"Oh, yes. Ms. Velasco, do you have any idea about this subject?"
I stood up, confidently. "In my own understanding, this subject utilizes multidisciplinary perspectives from anthropology, political science, and sociology to improve student knowledge of cultural, social, and political complexities, as well as cultural diversity sensitivity."
I heard the class say 'oh'.
Pumalakpak si Ms. Lim. "Very good answer!"
Tiningnan ko itong kaklase ko na ngayon ay masama na ang tingin sa akin. I smirked at her saka umupo na.
Muli nang nagpatuloy si Ms. Lim sa kanyang discussion. After her class ay wala na kaming next na subject. Mamaya pang 2pm ang susunod naming pasok. Inayos ko na ang mga gamit ko dahil sa canteen na ako magla-lunch. Habang nag-aayos ako'y napansin kong nahulog ang libro ko. Pinulot ko ito. Pag-angat ko ng tingin, nakita kong nasa harap ko iyong babaeng kaklase ko. Well, I guess siya ang naghulog nitong libro.
"Unang araw pa lang ng klase, sobrang pabida mo na," matigas niyang sambit sa akin habang nakahalukipkip.
Hindi ko na lang siya pinansin at inabala ang sarili sa pag-aayos ng mga gamit ko.
"Kinakausap kita. Huwag kang bastos."
Ang pinakaayoko ay iyong kinakausap ako na hindi naman importante ang sasabihin. It makes me feel uncomfortable too sa tuwing nakukuha ko ang atensyon ng mga tao.
Hinarap ko siya. "What do you need from me?"
"Huwag mo akong ini-ingles! Gusto ko lang sabihin sa'yo na bawas-bawasan mo ang pagiging pabida mo sa klaseng 'to."
"Teka. Sino ba ang nagtaas ng kamay kanina para ituro ako? Hindi ba ikaw?"
Natahimik siya.
"Can you please stop bothering me? Wala akong ginagawa sa'yo."
"Hindi ako natutuwang makita ka.”
I smirked and shook my head in disbelief. Kinuha ko na ang bag at libro ko. "Kung ayaw mo akong makita, edi pumikit ka."
Naglakad na ako papuntang canteen nila. Ngayon ko lang naalala si Alex. May kasama kaya iyon kumain ngayon? Naisipan kong bumalik ulit sa classroom ngunit bago ko pa man gawin iyon ay nakita ko nang tumatakbo si Alex papunta sa direksyon ko.
"Oh, Alex. Nagmamadali ka? Saan ka pupunta?"
"Ah." Nagkamot ito ng batok. "Ikaw sana. A-ayos lang ba na sabay tayong mag-lunch?" tila nahihiya pa nitong tanong.
"Hmmm. Pag-iisipan ko muna." Umarte pa ako na kunwaring nag-iisip. Nakita kong biglang nalungkot ang mukha niya. "Huy, joke lang. Syempre naman!"
So, me and my new friend Alex spend our lunch together. Nag-order na kami ng pagkain at kumain sa usual na pwesto niya. Tahimik kaming kumakain nang bigla siyang magbukas ng usapan.
"Hmm, Anchandra, pwede ba akong magtanong?"
I nodded at her. "Ano 'yon?"
"Hindi ka ba natatakot kay Misty?"
Kumunot ang noo ko. "Who’s Misty?"
"Iyong babaeng laging inaaway ka."
Binitawan ko ang kubyertos na hawak ko saka nagpunas ng bibig. "Oh, so her name is Misty, I guess?"
Natawa naman siya. "Oo. Misty Ontero," pabulong niyang sabi.
Tumango-tango naman ako. "Ba't naman ako matatakot sa kanya? Ikaw ba'y inaaway din non?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Dati, oo. Ako madalas nilang pag-trip-an. Ngayong dumating ka, ikaw naman pinagti-trip-an niya. Hindi ko nga alam kung dapat ba akong magpasalamat na dumating ka o maawa sa'yo."
"Nakahanap din siya ng katapat niya," natatawang sabi ko.
Natawa rin si Alex. "Oo nga, e, at mukhang ikaw 'yon."
Nang matapos kami sa pagkain ay naisipan naming manatili muna sa canteen. Hindi pa rin matapos-tapos iyong pinag-uusapan namin.
"So, wala ka talagang boyfriend since birth?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Oo. Hindi ba kapani-paniwala?" natatawang tanong ko sa kanya.
Dahan-dahan siyang umiling. "Maganda ka kasi, hindi kagaya ko."
Alex is beautiful naman. Maputi siya ngunit sobrang kulot ng buhok niya. Makinis ang mukha niya't medyo maliit sa akin. I actually find her pretty. Iyong buhok niya ay unique for me. Binubully daw kasi siya dahil sa itsura niya.
"Ano ka ba. You're beautiful naman. Please don't look down on yourself," sabi ko.
"Iyon din ang sinasabi ng mama ko sa'kin."
"You should believe what your mom has told you. Be confident." I smiled at her.
Nakita kong nanlaki ang mata ni Alex. Hindi ko pa man alam ang dahilan nito, I think I already know what is it.
"Oh, nagsama ang dalawang losers."
I rolled my eyes and stared coldly at the girl who is fond of making a scene. Wala bang pinipiling lugar ang babaeng ito?
"Tara na, Alex. Umalis na tayo rito," bulong ko kay Alex. Tumayo na kami ngunit agad na humarang ang mga alipores ni Misty sa dadaanan namin.
"Oh, kanina ang tapang-tapang mo. Ba't ngayon parang takot na takot ka?" She smirked.
Ipinuwesto ko sa likod ko si Alex.
"Hindi ako kagaya mo na sanay gumawa ng eksena," malamig na sabi ko sa kanya. Napapansin ko na rin napapatingin na sa direksyon namin ang ibang mga estudyante rito sa canteen.
"I know you love making a scene. Ikaw ba naman na pabibo sa klase, alam kong gustong-gusto mong makuha ang atensyon ng mga tao."
Lalong nagbulungan ang mga estudyante sa paligid namin.
"Kung masakit para sa'yo na makitang may naisasagot ako sa klase, edi mag-aral ka para hindi ka mainggit!" singhal ko sa kanya.
Hinila ko na si Alex saka dinaanan ang mga alipores niya.
"You, losers!" mariing tawag niya sa'min.
Lumingon ako sa kanya. "Look at you and your alipores, such a bunch of clowns. Literal clowns," sabi ko dahilan para magtawanan ang mga estudyanteng nakikinig sa'min. Kulang na lang ay maging kamukha na nila si McDonald’s because of their makeups.