KABANATA I

1240 Words
Hawak-hawak ko ang papel na naglalaman ng class schedule ko. Habang naglalakad ako’y napapansin ko ang mga titig ng mga estudyante sa’kin, at ang iba pa’y nagbubulungan. Maybe it’s because they are unfamiliar with my face. Ang dating mahaba at colored coffee na buhok ko’y pinagupit ko and styled it into a messy bob and colored it with black. Malayong-malayo ang itsura ko ngayon sa itsura ko dati. If someone might see me for the first time, ay hindi nila aakalain na ako si Anchandra Velasco. Nang tuluyan ko nang mahanap ang room ko ay pumasok na ako. Naabutan ko pa ang mga estudyante sa loob na nag-uusap, at ang iba nama’y naglalaro. Natigil sila sa kanilang mga ginagawa nang makita ako. “Oh! Mukhang may bagong salta ngayon dito, ah,” rinig kong banggit ng isang babaeng estudyante. Makapal ang make-up nito at hanggang baywang ang tuwid niyang buhok. “New face again. Mukhang ang boring pa ng personality,” wika naman ng isang estudyante na nasa tabi lang din ng babaeng nagsalita kanina. Hindi ko na sila pinansin pa at naghanap na lang ng puwedeng mauupuan. Nakahanap ako ng bakanteng upuan sa pinakadulo. Nang makaupo ako ay nagpatuloy na sila sa kanilang mga ginagawa. Kinuha ko na lang ang cellphone ko’t sinaksak ang earphones ko rito saka sinalampak ito sa aking tainga. Kinuha ko ang libro sa loob ng bag ko saka nagsimulang magbasa. Nagpapasalamat na lang ako dahil hindi na nila ako muling kinausap pa. 6:40 pa lang ng umaga at mamaya pang alas syete ang pasok ng first subject namin. Napapansin kong mukhang magkakakilala na sila rito. Maybe they’re schoolmates or classmates na. Baka dito na rin sila nag-aaral kahit noong high school pa lang kaya kilala na nila ang isa’t isa. Ilang sandali pa ay muli akong sumilip sa relo ko. Nang mapagtantong limang minuto na lang bago mag-alas syete ay inayos ko na ang mga gamit ko. Inilagay ko sa silent mode ang cellphone ko saka muling ipinasok ito sa loob ng aking bag. Ilang minuto lang ang lumipas ay pumasok na ang teacher namin. “Good morning, class,” bati niya. Lahat kami’y tumayo upang batiin siya pabalik. “Good morning, ma’am.” “You may now sit down.” Nang makaupo na kami ay muli siyang nagsalita. “By the way, may bago kayong kaklase. I guess you already saw her a while ago.” Wala ni isang sumagot. Tumingin sa banda ko ang aking guro at sinenyasan akong tumayo. Tumayo ako dahilan para lahat sila’y lumingon para tingnan ako. “Please come forward and introduce yourself.” I sighed saka nagsimulang humakbang papunta sa harap. Ramdam na ramdam ko ang tingin nila sa bawat paghakbang ko. It makes me feel conscious and uncomfortable at the same time. Humarap na ako sa kanila. “Hi, everyone. I am Anchandra Velasco, 17 years—” I stopped when someone interrupted me. “Anchandra Velasco? Kaano-ano mo ang mga Velasco?” Napakagat ako ng labi saka napatingin kay Ma’am. Ang usapan namin ni Dad ay tanging mga guro ko lang ang dapat na nakakaalam tungkol sa’kin. “Hindi ko sila kilala,” sagot ko. “Really? Pero kapangalan mo ang anak nila.” Humalukipkip ang babae. “Baka kapangalan ko lang. Pero hindi ko sila kaano-ano.” Natawa siya. “Sa bagay. Magkalayong-magkalayo ang itsura mo sa kanya, e.” Nagtawanan ang iba pang mga kaklase ko. “Class, quiet!” sita sa kanila ng aming guro. Nang magsitahimikan sila ay muli akong pinagsalita ni Ma’am Rhea. “As I've said, I am Anchandra Velasco, 17. I will no longer tell you everything about me because—” “As if naman na gusto ka naming kilalanin.” Muli silang nagtawanan. “The reason why I don’t allow each one of you to know about my story, it’s because I don’t think you all deserve to know that. Thank you.” I smiled saka nagsimula ng maglakad pabalik ng upuan ko. I’m nice. Mahaba ang pasensya ko. Pero ayoko sa lahat ay iyong bastos. Nilingon ako ng babaeng kanina pa salita nang salita. Masama ang tingin niya sa'kin. But instead of glaring at her, mas pinili kong ngitian na lang siya. Nagsimula na ang discussion ni Ma'am Rhea kaya nakinig na lang ako. Hindi rin nagtagal ang discussion niya. First day pa lang daw kasi kaya ayaw niyang stress-in kami agad. May binigay lang siyang assignment sa amin in connection with the discussion tomorrow. Nang umalis si Ma'am ay nakita kong tumayo ang babaeng kaklase ko saka naglakad papunta sa direksyon ko. Hindi ko siya dinapuan ng tingin. I tried diverting myself to other things like reading my book. "Hoy. Ikaw!" "Hoy. Kinakausap kita." "Ang tigas mo talaga, 'no? Kinakausap kita!" Nagulat ako nang agawin niya sa akin ang librong binabasa ko. "Kanina pa kita kinakausap. Bingi ka ba?!" Napaawang ang bibig ko. "Ako pala ang tinatawag mo?" She glared at me. "Oo. Sino sa tingin mo ang tinatawag ko?" Nagkibit-balikat ako. "Have you heard about what I said a while ago?" Kumunot ang noo niya. "Pakialam ko sa mga sinasabi mo kanina? Wala akong panahon na pakinggan ka." "Pero naglaan ka ng oras na puntahan ako rito para kausapin ako. Wow." Rinig kong nagtawanan ang mga kaklase ko. "Tumahimik kayo!" sigaw niya sa kanila. "Alam mo ikaw, bagong salta ka lang dito. Ayusin mo ang ugali mo kung gusto mong maging payapa ang buhay mo sa paaralang ito, ah." "Oh." Napahawak ako sa dibdib ko wari'y natatakot. "That's so scary." Tumayo ako saka inagaw sa kanya ang librong hawak-hawak niya. "But you can't scare me." I smiled at her. "b***h," rinig kong bulong niya. "Thank you." I winked at her. "Aaaah! Mamaya ka lang sa'kin!" She stomped her feet habang pabalik ito sa upuan niya. Gosh this people. How can they lose manners? Ganito ba talaga sila? Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit no'ng babaeng 'yon. Well, this is really interesting. After ng first and second class ko ay recess na. Hindi na rin ako nag-abalang lumabas pa. Nagdala na kasi ako ng snacks. Tamad kasi talaga akong bumili ng pagkain sa canteen. May nakita akong estudyante sa may middle part ng row. Kagaya ko'y mag-isa rin siyang kumakain. Tatlong chips delight ang mayroon ako at dalawang buko pandan flavor na mogu-mogu. Ito ang paboritong snacks ko. Kumuha ako ng isang mogu-mogu at isang pack ng chips delight. Tumayo ako saka lumapit sa kanya. "Hi," bati ko. Inangat niya ang mukha niya para makita ako. Ngayon ko lang napansin na tubig at bingo na biscuit ang snacks niya. "H-hi. May kailangan ka ba?" tanong niya. I smiled and shook my head. "Ito, oh." Inabot ko sa kanya ang dala kong pagkain. "Sa'yo na. Marami kasing nailagay ang kuya ko sa bag ko.” "Hindi naman siguro panis 'yan?" Mabilis akong umiling. "Hey, no. Promise. You'll love that. Masarap iyan." Tinanggap niya ang pagkain na inalok ko. Ramdam ko ang pag-aalanganin niya sa pagtanggap nito. "Gusto mo ba ng bingo? Isa na lang ay mayroon, e. Pasensya na. Wala akong maibigay," nahihiyang sabi niya. I smiled. "Wala 'yon. Sa'yo na 'yan. Sige. Balik na ako sa upuan ko, ah." Tumalikod na ako sa kanya ngunit tumigil ako nang magsalita siya. "Alex. Ako si Alex. Salamat dito." Lumingon ako sa kanya. Nakangiti na siya ngayon sa'kin. "No worries, Alex. It's nice meeting you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD