KABANATA III

1387 Words
Naghanap kami ni Alex ng spot kung saan tahimik at iwas sa gulo. As much as possible we avoid ourselves to be in trouble. Si Alex kasi ay talagang takot siya sa grupo nina Misty. Ako naman, I need to protect the reputation of my family even if they do not know me as who I am. Nalaman ko rin kay Alex na si Misty pala ay consistent top of the class. Last school year nga raw ay valedictorian ito. Nakaupo kami ngayon sa ilalim ng malaking puno malapit sa field. Somehow, I felt the calmness in this place. Kahit na tirik ang araw ngayon sa labas, napakapresko pa rin ng pakiramdam ko because of the old tree behind us. I guess this is a hundred-year-old tree based on how it looks like. “Siguro takot siyang maungusan mo siya kaya ganoon na lang ang galit niya sa’yo,” saad ni Alex. “If she’s really smart, hindi niya naman kailangang matakot. Hindi dapat siya ma-threaten sa presence ko. I’m just a…” I paused for awhile and sighed, “A nobody.” Kung kanina ay nakatanaw si Alex sa field, ngayon ay dumako ang kanyang atensyon sa akin. Bahagyang kumunot pa ang noo nito at mataman akong pinagmasdan. “Nobody? Ibig sabihin...hindi ka katulad nila?” My forehead creased. “What do you mean?” nagtatakang tanong ko. “Hindi ka mayaman kagaya nila.” She sighed. “Isa sa mga dahilan kung bakit wala akong kaibigan ay dahil sa estado ng buhay ko.” Bakas ang lungkot sa tono ng kanyang pananalita. I’m starting to get uncomfortable. Hindi ako sanay sa atmosphere na ganito. I really find it difficult every time someone is telling me their personal problems. I’m not used to it. I am not good at listening either. Pero kahit hindi na ako komportable ay nanatili ako upang pakinggan siya. “Iba talaga nagagawa ng yaman, ‘no? Lahat madadala sa pera. Kapag mayaman ka, maraming nagmamahal sa’yo. Maraming naniniwala sa’yo. Kapag mayaman ka, kulang na lang ay sambahin ka ng mga tao,” pagkukwento niya habang nilalaro niya ang kanyang mga daliri. Bago ko pa man ibuka ang bibig ko'y muli siyang nagsalita, “Sabi nila money can’t buy happiness. Tss.” Mapakla siyang natawa. “Impokrito ang taong naniniwala sa kasabihang iyon. Dahil para sa’kin, money can buy happiness. Money is everything.” “No, its not. Money isn’t everything.” Nabigla ako nang lumabas iyon sa bibig ko. Dapat ay nasa utak ko lang iyon. But it’s too late. Nang mapatingin ako kay Alex ay nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. It’s like she’s trying to read what’s in my mind. Kalaunan ay natawa ito at bahagya pa akong hinampas sa braso. I felt relieved. Akala ko’y tatanungin niya ako kung bakit ko nasabi iyon. Biglang bumalot ang katahimikan sa pagitan namin. Wala ni isang nagsalita. Nakapako ang atensyon ni Alex sa field. Ano kaya ang iniisip niya? I’m curious. Palaisipan din sa akin kung saan nanggagaling iyong mga hinanakit niya kanina. What’s with the money? “Isa sa mga dahilan kung bakit wala akong kaibigan ay dahil sa estado ng buhay ko.” Does it mean we have different life status? “Alam ko kung ano'ng iniisip mo.” Natawa ito saka humarap sa akin. “Oo, mahirap lang ako. Kaya lang naman ako nakaapak sa unibersidad na ito ay dahil scholar student ako. Hindi ako kagaya ninyo na marangya ang buhay. Hindi ako kagaya ninyo na lahat ng gusto naibibigay. Marami kayong kaibigan. Maraming nagmamahal sa inyo. At kahit gaano ka pa kapanget, maganda ka pa rin sa paningin ng iba...dahil mayaman ka.” “I-I’m not like them,” I said out of nowhere. Natigilan siya sa sinabi ko. “Hindi ako mayaman. K-Kagaya mo’y scholar student lang din ako. We’re the same. We’re on the same boat,” I lied. Kita kong nabigla siya sa sinabi ko. Dang! I just feel like I need to hide my real life status para hindi niya maramdaman na magkaiba kami. Hindi ko nga alam kung maniniwala siya sa sinabi ko. I really feel so weird. This is not me. “T-Talaga?” Unti-unti siyang napangiti. I slightly nodded at her. “Pero kung mahirap ka rin gaya ko, bakit nasabi mo kanina na money isn’t everything?” “Oh, iyon ba...I just think that money can’t buy everything.” “Kagaya ng ano?” I paused for a while and looked away. “Gosh! I really hate her!” Her voice is a bit familiar. “So, what’s the plan? Hindi ka pa ba pagod na makipagplastikan sa kanya, Stacey?” Stacey? Oh, yeah right. Kaya naman pala familiar iyong boses niya. I think the girls are in this comfort room. Nasa loob ako ng cubicle kaya hindi ko sila makita. But I knew their voices well. Katatapos lang kasi ng P.E class namin kaya I need to change clothes dahil basa na iyong P.E shirt ko. I thought uuwi na sila pagkatapos? Bakit nandito pa sila? Binilisan ko na ang pagbibihis para maabutan ko pa sila. But upon changing my clothes, I can’t help but to eavesdrop on their conversation. “As usual, she’s still the top of the class. Siya pa ang magiging flyer sa cheerleading team natin. As if naman hahayaan kong mangyari ‘yon,” I heard Stacey’s voice. I froze a bit. Are they talking about me? “Ikaw naman kasi, Stace, hindi ka pa ba sawa makipagkaibigan doon? Wala tayong makukuha sa kanya. Kahit anong gawin mo, you two will never be equal. You can never defeat her because in the first place, this school belongs to her family. You know...connections.” My heart pounded so fast like it’s going to explode. Gustong-gusto ko ng lumabas sa cubicle na ito and confront them that I was able to hear everything they told about me. But nah, that’s useless. “Kaya lang naman ako nakipagkaibigan sa kanya ay dahil sa connections niya.” She laughed sarcastically. ”She thought she can buy us with her wealth? Huh, nah. Yeah, I admit that she has everything but you know what she doesn’t have?” Dinig ko ang impit na pagtawa nina Mellah at Yvonne. “True and loyal friends.” Saka sila nagtawanan. Hindi ko namamalayang umiiyak na pala ako. They’re the friends I’ve got since first year high school. I’m so stupid dahil two years pa ang lumipas bago ko nalaman ang totoong intensyon nila sa’kin. Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa ko para tratuhin nila nang ganito. I was so good to them. I never mistreated them. Somehow, Stacey’s right. I may have everything because of money, but I didn’t realize what money couldn’t buy. I scoffed at the back of my mind. Saan ba makakabili ng totoo at tapat na kaibigan? “True friends,” walang anu-ano’y sagot ko kay Alex. “Hindi iyan totoo. Kapag mayaman ka, kapag marami kang pera, marami ka ring kaibigan--” “Pero kahit gaano sila karami, sa tingin mo, ilan sa kanila ang totoo at tapat? Kung wala ka ng pera, sa tingin mo makikipagkaibigan pa rin sila sa’yo?” Nabigla siya sa sinabi ko. Halatang hindi niya inaasahan iyong binabato kong tanong sa kanya. Nang hindi siya makasagot ay nagpatuloy ako. “I’d rather have a simple life with genuine people around me than living a wealthy life with a bunch of people around me who loves my money and not me.” I paused and heaved a deep sigh before I continued, “Sabi mo na walang gustong makipagkaibigan sa'yo dahil sa estado ng buhay mo. So, bakit ako nandito? Bakit ikaw ang kasama ko instead of them?" "Kasi parehas tayo ng estado ng buhay?" patanong na sagot niya. I smiled at her. "No'ng nilapitan kita, wala akong alam tungkol sa'yo. No'ng sinamahan kita sa canteen, I don't know what's your life status. Ganoon ka rin sa'kin, 'di ba?" Napailing siya't natawa. "Hindi ko naisip iyon. Nakakatawang isipin pero tama ka." "Hindi man tayo kasing-yaman nila pero at least may mga bagay na mayroon tayo na wala sila." “Ano naman ‘yon?” kuryosong tanong niya. I smiled and gently tapped her shoulder. “Manners...and a genuine friend."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD