bc

DESTINED

book_age16+
2.2K
FOLLOW
8.8K
READ
fated
second chance
goodgirl
self-improved
CEO
student
sweet
bxg
campus
city
like
intro-logo
Blurb

[ON-GOING] [FILIPINO]

[YOUNG ADULT/ROMANCE]

[FREE]

Lumaki si Anchandra bilang achiever sa paaralang kanyang pinapasukan. However, mostly doubted her dahil iniisip ng iba'y kaya lamang siya consistent honor student ay dahil pamilya niya ang nagmamay-ari ng paaralang pinapasukan niya. They have the wealth and connections, kaya ganoon na lamang ang pagdududa ng kapwa niyang estudyante sa kakayahan niya academically.

Sa kagustuhan ni Anchandra na patunayan sa iba at sa kanyang sarili na mali ang duda sa kanya ng mga tao, napagdesisyonan niyang mag-aral sa ibang unibersidad. She even changed the way she looks in order to hide her identity. She thought transferring to a new school is a good idea but her life turns out to be the worse. However, she doesn’t want to be undefeated. Lumaban siya and fight for what is right. Because of this, Anchandra captured the attention of this guy named Zendrick who also studied at the same school she attends.

Will this guy be her knight in shining armor? Or will he make Anchandra’s life even more miserable?

But wait, what more if he finds out about Anchandra’s real life status?

chap-preview
Free preview
SIMULA
“Congratulations, sweetheart!” Mom greeted, smiling. “Thank you, Mommy!” “Congratulations, anak. I’m so proud of you!” Dad greeted me, too. “Thanks, Dad!” Today is my graduation day and aside from that, ako rin ang valedictorian for this batch. I have been a consistent honor student since elementary and I am happy that I always make my parents proud. I always strive hard to get the highest grade in class dahil ayokong isipin ng mga kaklase ko na kaya lang naman mataas ang grado ko ay dahil pamilya namin ang nagmamay-ari ng paaralang pinapasukan ko. Minsan ko na kasing narinig sa kanila na kaya lang daw matataas ang grado ko at consistent ang pagiging honor student ko ay dahil pamillya ko ang nagmamay-ari ng paaralang ito.This school was owned by my grandma, but since she passed away two years ago, ipinamana niya na ito kay Daddy. Hindi sila kailanman naniwala sa kakayahan ko. Some told me that I don’t even deserve these awards. I am Anchandra Velasco, the daughter of Sandro and Chantal Velasco. My family owns a lot of businesses like bars, hotels and even restaurants. Parehas kasing HRM graduate sina Mommy at Daddy. Aside from that, my kuya owned his own farm since he just recently got his degree in agriculture. Ako nama’y gusto kong ipagpatuloy ang legacy nina Mommy at Daddy. Nagyaya ng umuwi si Mommy kaya naglalakad na kami ngayon papuntang parking area. May nakakasalubong pa kaming mga parents na bumabati kina Mommy at Daddy. Kahit na may ibang estudyanteng iba kung makatingin sa’kin, hinayaan ko na lang sila. Ang sabi kasi ni Mommy sa’kin na I shouldn’t waste my time on them kasi alam ko naman sa sarili ko na hindi totoo ‘yong sinasabi nila tungkol sa’kin. Alam namin sa sarili namin na we made it fair at hindi namin kailanman binayaran ang mga medals at awards na natatanggap ko. Pinaghirapan ko iyon. Nang makarating kami sa bahay ay pinagbuksan na kami ng gate ni Ate Maya at Kuya Lando. Pagkababa ko’y agad nila akong binati. “Congratulations po, Ma’am Anchandra!” Ganoon din si Kuya Lando na driver namin. “Thank you, Ate Maya! Thank you, Kuya Lando!” nakangiting tugon ko sa kanila. Nang pumasok na kami sa loob ng bahay ay nagulat ako nang makitang nandito lahat ng mga taong malalapit sa buhay ko. “Congratulations, Achandra!” They all greeted me. Unang lumapit si Kuya sa’kin na siyang may hawak ng party pooper. He embraced me and greeted me once more in between our hugs. Nagpasalamat naman ako sa kanya saka ito kumalas sa pagkakayakap sa’kin. May iniabot siyang box sa’kin na agad ko namang tinanggap. “That’s my gift. I hope you’ll like it,” aniya ng nakangiti. Agad kong binuksan ang box na iyon. When I realized what’s inside it ay muli kong niyakap si Kuya. “Thanks, Kuya! Ang ganda!” It’s a red scarf with my name embroidered in it. They all know how much I love to collect scarfs and aside from that, red is my favorite color, too. Bukod kay Kuya, nandito rin si Clarisse. She’s my childhood best friend—and a cousin, too. Nandito rin si Ate Melisse—Kuya’s girlfriend. Nandito rin ang iba naming pinsan like Ate Nina, Ate Audrey, Kuya Zeke at Kuya Nate. Kagaya ni Kuya ay may mga trabaho na rin sila. Si Clarisse lang talaga ang sobrang close ko dahil kami ang magka-batch. Lahat sila’y binati ako. Dad led the prayer before we started eating. “Congrats, Anch! Finally, parehas na tayong tapos sa buhay ng isang high school student,” Clarisse uttered. “May senior high pa next year. Hindi pa tapos ang high school journey natin,” natatawang sabi ko. Hinampas naman niya ako sa balikat. “Ang KJ mo talaga. Ayoko na nga lang isipin iyong tungkol sa K-12. Sayang, ‘no? First year college na sana tayo.” “Hayaan mo na. Ayaw mo non? Mas maraming learnings,” sagot ko. Humalukipkip siya. “Hindi naman ako kasing talino mo, e,” nakangusong wika niya. “Tss. Wala naman iyan sa talino. Nasa sipag mo ‘yan.” Alas tres nang mag-uwian ang mga bisita. Nang mag-alas sais naman ng gabi ay niyaya kami ni Kuya na maghapunan sa labas. Manlilibre daw siya. Nag-dinner kami sa paborito naming Chinese Restaurant. Nang ma-i-serve na sa amin ang pagkain ay nagsimula na kaming magkuwentuhan. “So, where are you planning to take your senior high school?” pagbubukas ni Dad sa usapan. Binitawan ko ang kubyertos na hawak saka pinunasan ang labi ko gamit ang table napkin. “Sa St. Paul po sana, Dad.” Kita kong kumunot ang mga noo nila sa naging sagot ko. “Bakit? Bakit doon? Ayaw mo na ba sa eskuwelahan ng lola mo?” tanong ni Mom. Marahan akong umiling. “Hindi naman po sa gano’n, Mom. I just want a new environment lang po. Tsaka—” Sumingit si Kuya sa usapan. “Don’t tell me na dahil ito sa—” Agad kong pinutol ang nais niyang sabihin. “Fine. But hindi lang naman ‘yon ang rason. Gusto ko lang din talaga ng bagong environment. Iyong hindi ako gaanong kilala ng mga tao. I find it uncomfortable na po kasi to study doon sa school ni Lola. I can change the way I look naman po, like magpapagupit ako ng buhok, magpapakulay.” Naglipat-lipat ang tingin ko sa mga magulang ko. “Please?” Pare-parehas silang natahimik. I sighed. I think I failed to convince them. I can’t afford to spend the last two years of my high school life proving myself to my schoolmates. Alam kong hindi ko naman dapat pang i-prove iyon sa kanila pero minsan napapaisip ako na baka I am not healthy enough for them. Ayoko rin naman na masira ang reputation nina Mommy at Daddy if ever may parents na magrereklamo about this issue. As much as possible, I want to save our reputation. Nagkatinginan naman sina Mommy, Daddy, at Kuya bago muling dumako ang mga mata nila sa’kin. “We always believe in you and your capabilities, anak. Now, if you think that transferring to a new school will make you feel more comfortable, then sino ba naman kami para pigilan ka?” nakangiting wika ni Daddy.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
250.5K
bc

Rewrite The Stars

read
98.3K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

His Cold Heart [On-Going ]

read
39.8K
bc

WHAT IF IT'S ME

read
69.1K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook