Diana Buong oras akong nakatulala lamang sa kawalan habang nasa biyahe. Blangko ang isipan ko at nagmistula ng patay ang katawan ko na hindi gumagalaw. Kulang na lang ay huminto sa pagtibok ang puso ko. Huminga ako ng malalim at lumingon sa labas ng sasakyan. Napansin kong marami nang mga sasakyan at mga kabahayan kaming nadaraanan. Mayroon na ring mga nagtataasang mga gusali at mga taong paroo't parito sa mga kalsada. Sa tingin ko ay malapit na kami sa siyudad. Hindi ko alam kung ano ang sasalubong sa akin pagdating ko ng Manila. Mahigit sampong buwan akong nawala at sigurado akong marami nang nangyari sa loob ng halos isang taon na iyan. Ano kaya ang magiging reaksiyon nila sa pagbabalik ko? Si Francis? Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Hanggang ngayon ba ay ipinahahanap pa rin niy